Chapter 2
Kesha Silvy
Masaya kaming pumasok ni Joan sa bakeshop. I rolled my eyes namangha ako sa loob halos lahat ng deserts ay nandito na. Marami rin na mga taong bumibili. Nakakatakam ang mga naka-display na mga cupcakes, cookies at ibang uri ng mga sweet.
"Joan, long time no see. Saan ka ba nagtatago?" nakangiti tanong ng kaibigan ni Joan. Nginitian din niya ako na nakatayo sa tabi ng kaibigan ko.
"I was busy girl," maarteng sagot ni Joan sa kanyang kaibigan. Nilingon ako ni Joan at pinakilala niya ako sa kanyang kaibigan.
"Salma siya si Kesha." Pakilala ni Joan.
"I'm Kesha," sabi ko at agad kung kinuha ang kanyang kamay at nag-shake hands kaming dalawa.
Maya-maya ay pinaupo kami ni Salma sa malapit sa window glass. Tinawag niya ang isang babaeng nagtatrabaho rito sa bakeshop. Mabilis naman lumapit ang babae sa kinaroroonan naming tatlo. Tinanong kami ng babae kung ano gusto namin e-order.
"Just juice for me," nakangiting sabi ko, pareho rin kimi ng order ni Joan.
Ilang sandali ay kinausap na namin si Salma sa pakay namin sa kan'ya. Nang makausap namin siya ay nagtagumpay naman kami. Dahil nangangailangan din pala siya ng isang tao makakatulong sa kan'ya sa pag-bake.
"Mabuti at dinala mo rito ang kaibigan mo sissy." Masayang sabi niya kay Joan.
"Alam mo naman sissy kailangan ng kaibigan ko ang part time. May tatlong kapatid kasi siyang nag-aaral," sabay hawak ni Joan sa kamay ko at nginitian ko siya. She's my best friend ever.
"Maraming salamat po ma'am Salma," nginitian niya ako.
"Just call me Salma." She said to me, and I smiled at her.
Nagpasalamat ako ulit sa kan'ya dahil bukas na bukas ay nag-uumpisa na ako mag-part time sa kanyang bakeshop. Tinanong niya ako kung marunong ako gumawa ng cupcakes. Nang sabihin ko marunong ako sobrang saya niya dahil next day may nag-order sa kan'ya ng 200 pieces of cupcakes. Muntik na niya raw ma-cancel ang order na'yun dahil nagkukulang sila ng oras. Isa pa nahihirapan daw siya tumayo minsan. Ilang buwan na lang ay manganganak na siya.
"Hirap siguro manganak?" tanong ni Joan.
"Super! Bakit 'di n'yo subukan mabuntis. Masaya kapag may mga anak tayo. Both ba kayong walang jowa?" sabay kaming umiling-iling ni Joan. Tumawa ng malakas si Salma sa harapan namin.
"Salma, walang kasing nanliligaw sa amin. Na-over kasi kami ng kagandahan ni Kesha," pilyong sabi ni Joan.
"Pasaway!" malakas na sabi ni Salma.
Tumayo kami ni Joan at nagpaalam kaming dalawa. Dahil may trabaho pa ang kaibigan ko. Takot din kasi siyang mahuli sa kanyang trabaho. Lumabas kami sa bakeshop. Super close friend kami ni Joan parang tuko kung hawakan niya ang kamay ko. Nilingon niya ako at nginitian.
"Are you happy?" she asked me.
"Well, not just happy. Super excited pa," masayang sagot ko sa kan'ya.
"That's good," she said.
Nang nasa loob na kami ng kanyang sasakyan ay umupo ako sa front seat siya naman driver seat. Pag-upo ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Si Felecia ang tumatawag.
"Ano kaya ang kailangan ni madam?" tanong ng isip ko.
Madam lang talaga ang tawag namin kay Felicia kasi isa siyang bakla. Ang real name ay si Ferdinand. Kahit sino ang bumanggit sa tunay niyang pangalan ay sigurado makukurot ka niya sa singit mo. Dapat nga ay sir ang tawag namin sa kan'ya. Pero mas bet daw niya madam kaysa sa sir or boss. Assistant manager kasi siya sa pinapasukan kung restaurant.
"Hello madam!" sabi ko sa kabilang linya.
"Kesha 'di ba naghahanap ka ng part time? Mamayang hapon kailangan namin ng isang tutulong sa amin baka gusto mo? Birthday kasi ng ma'am Connie Jones." Bigla akong na tahimik ng sabihin niyang pangalan ni ma'am Connie Jones. Kahil na hindi ko pa siya nakikita ng personal ay alam ko na siya ang ina ni Rex. Nagsalita ulit si Felicia at sinigawan pa ako sa kabilang linya dahil akala niya ay nawala na ako sa linya.
"Aba, oo naman work na iyan hindi ako tumatanggi sa blessing." Masayang sagot ko.
"Okay, e-message ko sa'yo ang address." Sabi niya sa akin hindi narin niya hinintay ang sagot ko.
Agad naman dumating ang message niya sa akin. Binuksan ko agad ang message at binasa should be at 4 pm ay nandoon na ako. Sinabihan ko si Joan na may part time ako mamaya. Biglang naging malungkot ang kanyang mukha sa sinabi ko.
"Paano iyan sissy baka hindi ako makasama sa'yo mamayang gabi? Dahil tinawagan ako ni Felicia." Sabi ko at naiintindihan naman niya naman daw niya ako.
"Don't worry sis. When you finish call me at nine in the evening pa naman iyun e," medyo malumay na boses ni Joan.
"Hindi ka ba nagtatampo sa akin? Pwede ko pa naman e-cancel iyun." Sabi ko ang mga mata ko ay sa kan'ya na seryoso na nagmamaneho.
"Kesha, I understand you. Kung maaga ka matapos message mo lang ako at makahabol kapa para masundo kita." Sabi niya sa akin tumango ako sa kan'ya.
Pagkalipas ng ilang oras ay si Felicia rin ang sumundo sa akin sa bahay. Akala ko ay mag-isa akong pupunta sa mansyon ng Jones. Iyun pala sinundo rin ako ni Felicia.
"Sakay na!" mabilis niyang sabi sa akin. Agad naman akong sumunod sa kan'ya. Pagsakay ko mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan. Hanggang sa dumating kami.
Nang nasa mansyon na kami ng pamilyang Jones ay sunod-sunod akon na napalunok. I can't imagine na ganito pala kalaki ang mansyon ni ma'am Connie Jones na ina ni Rex. Sobrang yaman pala nila. Bigla tuloy akong nahihiya dahil ang lalaking na lihim na minamahal ko ay sobrang yaman niya. Bigla tuloy ako nakakaramdam ng hiya. Hindi naman natin pwedeng hadlang ang puso kung sino ang tinitibok nito.
May isang matandang lumapit sa amin ni Felecia. Mukhang matagal ng magkakilala si Felicia at ng matandang babae. Kinuha ng matandang babae ang kamay ko at si Felecia ay diretso na pumasok sa loob na walang paligoy-ligoy. Tiningnan ko ang matandang babae, mukha naman siyang mabait. Niyaya niya ako pumasok sa loob ng kusina. Pagpasok namin ay isa-isa akong nginitian ng mga babaeng nakasuot ng black pants and white long sleeves. I smiled at them. Lahat ay busy sa mga ginagawa.
"Hija, ito suotin mo." Mahinang boses ni manang. Agad ko naman kinuha ito sa kanyang kamay at inutusan ni manang ang isa sa mga babaeng nakasuot din ng tulad ng bigay ni manang sa akin. Dinala ako ng babae kung saan ako magpapalit ng damit.
"Ako nga pala si Kesha," pakilala ko.
"Ako naman si Lian," masayang sabi niya sa akin.
Pumasok ako sa loob ng maliit na kwarto at Mabilis akong nagpalit ng damit. Nilagay ko sa likod ng pintuan ang maliit ko na bag at pinatay ko ang cellphone ko. Mamaya ko na rin tatawagan ang mga kapatid ko. Para sabihin sa kanilang baka ma-late ang uwi ko mamayang gabi. Hindi rin kasi sinabi ni Felicia sa akin na kung ilang oras kami rito.
"Manang ano po ang maitutulong ko?" tanong ko.
"Nakita mo ang isang tray na iyan dalhin mo sa living room. Isa-isahin mo silang tanungin kung ano gusto nilang inumin." Sagot ni manang sa akin habang pinupunasan niya ang mga kutsarita.
Kinuha ko ang tray na sinabi ni manang sa akin. Dahan-dahan akong lumabas sa kusina. Nang nasa living room na ako ay tinanong ko ang mga bisita kung anong gusto nilang na drink. Hindi naman ako nahihirapan dahil ganito ang trabaho ko.
Masyadong maingay ang mga tao nagtatawanan sila. Puro mga elegante ang bisita ni ma'am Connie. Halos lahat ay mga businessman at mga professional.
Nang mabigyan ko na ang iba ng drink ang mga bisita ay nasagip ng mata ko si Rex. May kasamang lalaki kasing tangkad din niya. Dahan-dahan silang bumaba sa hagdanan. Nakasuot siya ng blue jeans and black fitted t-shirt. He is wearing white sneakers and he looks gorgeous. Ang isa niyang kamay nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon.
Biglang lumakas ang kabag ng dibdib ko. Kahit sa malayo ko lang siya nakikita ay napapangiti ako. Kiniligin ako abot buto na yata ang nararamdaman ko na kilig sa kan'ya.
Maya-maya ay may lumapit sa kan'ya na babae. Parang model ang babaeng lumapit sa kan'ya. Hinalikan niya si Rex sa pisngi. Nang makita kung hinawakan ni Rex ang baywang ng babae ay nakaramdam ako ng selos. Parang may matulis na kutsilyo ang tumama sa dibdib ko. Natulala ako at nakakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
"Ang sakit naman sa puso Kesha," bulong ko sa sarili ko.
Saka lang bumalik ang aking ulirat na may isang baritono na boses sa likod ko. Nilongon ko ang lalaking tumawag sa akin. He looks more mature than Rex. He smiled at me. Humingi siya ng isang kopitang champagne sa hawak-hawak ko na silver tray. Agad ko siyang binigyan ng at nagpasalamat siya sa akin. Nang mabigyan ko na siya sinilip ko si Rex sa kinatatayuan niya pero wala na siya roon. Hinanap ng mata ko siya hanggang sa nakita ko siyang nakaupo sa malapit sa counter. May hawak siyang isang kopita din ng alak.
Nilapitan siya ulit ng babae kanina humalik sa kan'ya. Pakiramdam ko tila nagseselos ako ng walang dahilan. Baka ganito talaga kapag nagmahal ka ng isang tao hindi nawawala ang selos. Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko na tray dahil mas lalong dinidikit ng babae ang katawan niya kay Rex. Lalo ng makita kung may binulong ang babae sa kan'ya. Tumawa si Rex sa kan'ya. Sa inis ko kunot-noo ko silang tinititigan hanggang sa biglang nagtama ang mata namin ni Rex.
Tiningnan niya ako ng maigi. Sa titig niya sa akin ay hindi ako mapakali sa inis ba, sa takot o sa hiya dahil nahuli niya akong masama ang tingin ko sa kinaroroonan nilang dalawa. Ginawa ko nagpanggap akong parang walang nangyari. Iyun bang parang wala akong nakita dahil medyong nanginginig ang tuhod ko.