Chapter 3

1767 Words
Chapter 3 Kesha Silvy Umalis ako sa kinatatayuan ko dahil sobrang nahihiya ako. Nang mahuli niya akong nakatingin sa kan'ya kasama ang babaeng matangkad. Kinuha ang ibang empty glass sa mesa nilagay ko sa tray na hawak ko. Babalik na sana ako sa kusina ay may isang ginang na tumawag sa akin. "Miss." Nilingon ko siya. "Yes po madam," nakangiting sabi ko sa kan'ya. "Can I have a glass of water?" she said ang mata niya ay sa hawak ko na tray. Bibigyan ko sana siya ng wine ay mabilis siyang umiling. Nginitian niya ako at hinawakan niya ang aking braso. "Bawal ako sa alcohol hija, tubig lang no cholesterol." Mahinang sabi niya sa akin at hinawakan ang kanang braso ko. "Just a minute ma'am," sabi ko sa ginang. Mabilis kung nilakad papasok ang kusina. Nakita ko si manang hanggang ngayon ay busy pa rin sa ginagawa niya. Tinanong ko siya kung alin ba sa mga baso ang para sa tubig. Tinuro niya sa akin ang baso at kumuha ako ng isa, agad ko itong sinalinan ng tubig. Lumabas din agad ako sa kusina. Para mabigay ko sa ginang ang isang basong tubig. "Madam, ito na po ang tubig n'yo," magalang na sabi ko sa kan'ya. "Thank you so much hija." Nginitian niya ako at binigay din niya agad sa akin ang baso after niyang inumin ang tubig. Hindi ko namalayan ay nasa tabi ko na pala si Lian. Tiningnan ko siya mukhang kinikilig ang babae na'to. Bahagya siyang nagsalita sa tabi ko. "Alam mo ba Kesha ang gwapo talaga ni sir Rex?" Kinikilig niyang sabi sa akin. Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya dahil pinag-ekis niya ang kamay ko at kamay niya. "Oo nga e," walang-alinlangan na sagot ko sa kan'ya. "Pero nakakainis ang babae na'yun, kung dito iyan sa mansyon walang ginawa kundi laging nakadikit kay sir ." Nakanguso niyang sabi. "Bunganga mo baka may makarinig sa'yo," suway ko sa kan'ya. Parang wala rin itong preno ang bibig. Agad niyang tinikom ang bibig nito. Kung hindi ko siya sinita baka may makarinig pa sa amin. "Honestly, wasak ang puso ni sir." Bulong ulit sa akin ni Lian. Makulit din talaga ang babae na'to. Ngayon lang kami nagkita ang dami na niyang kinukwento sa akin. Sa buhay pa talaga ng my only one ko. Napailing ako, kahit saan nalang ako pupunta may nakakasama ako na madaldal. Lapitin siguro ako ng makukulit na tao. "Ha! Paano mo naman nalaman? Saan mo naman yan napulot?" tanong ko, pero sa totoo curious ako sa sinabi niya sa akin. "Narinig ko dati na nag-uusap si sir Rex at sir Jasper," sagot niya sa akin. Umiling-iling lang ako sa mga pinagsasabi niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Lian at inikot-ikot ko ang mga mata ko dahil pakiramdam ko may nagmamasid sa'min dito na nakatayo. Bigla ko siyang niyaya pumasok sa loob. Ako kasi ang natatakot na may makarinig sa amin. Baka ano pa ang gagawin nila sa amin kapag marinig kaming na pinag-uusapan namin sila, kakaiba ang mayayaman. Hinatak ko ang kamay ni Lian papasok sa kusina. "Kesha naman e, ayaw mo bang malaman kung sino ang nasa puso ni sir?" bigla akong huminto. Tiningnan ko si Lian. "Ang dami mo talagang alam. Bakit sino ba siya para matikom mo na ang bibig mo? Umiling-iling ako sa tanong ko sa kan'ya natawa pa sa sinabi ko. "Emma raw ang pangalan. Ang girlfriend ni boss Nathan. Pero si sir Rex lang ang lihim na nagmamahal kay Emma. Kahit minsan 'di sila naging ni Emma, iyan lang alam ko the rest wala na." Seryosong sabi niya sa akin. "Na-feel ko tuloy si Rex. Parang ako rin. Hindi lang pala ako na nag-iisa na nagmamahal ng sekreto. Malay ba natin kung darating ang tamang panahon na maging tayo ng taong pinapangarap natin. Nobody knows what tomorrow will be." Sabi ng isip ko. "Pwede ate nalang itawag ko sa'yo ate Kesha?" tumango ako sa kan'ya at bigla niya akong hinalikan sa pisngi. "Pero bawas-bawasan mo ang kadaldalan mo," sabi ko sa kan'ya. Pagpasok namin sa kusina nadatnan namin si ma'am Connie. Kinakausap niya ang isang chef at ibang waitress sa loob ng kusina. Nang makita kami Lian ay tinawag niya ako. Nahiya akong lumapit sa kan'ya dahil taas baba niya akong tinitingnan bago niya ako tinawag. Napaka-elegante niyang tingnan sa suot niyang magarang damit. Ang ang kinis ng kanyang kamay ang puti-puti pa. Hindi mo talagang makailang buhay mayaman. "Ikaw ba ang kinuha ni Felicia na extra waitress?" tanong niya sa akin. Agad akong sumagot. "Opo ma'am," magalang na sagot ko sa kan'ya. Medyo nini-nervous ako sa harap niya. Mukha kasi siyang strict. Kahit na may edad na siya ay mukhang forty years old lang siya. Iba talaga kapag kutis mayaman. Tumayo ako ng tuwid sa harap niya. Pinapakinggan ko ng maayos ang mga sinasabi niya sa akin. Tinuro niya sa akin ang maliit na tray na may limang kopitang red wine. Mabilis kung sinunod ang utos ni ma'am Connie. Lumabas ako sa kusina na dala-dala ko ang tray. Nang nasa living room na ako ay lumapit ako ang tatlong lalaking nakatayo. I asked them if what they wanted to drink. Nakangiting kinuha nila isa-isa ang red wine sa tray. Mas lalong dumadami ang taong dumarating sa mansyon. Hindi ko rin namalayan na alas y medya na pala ng gabi. Bigla kong tinapik ang noo ko ng kamay ko dahil nakalimutan kung tawagan ang mga kapatid ko. Mabuti nalang kanina ay nag-message ako kay Katya na may part time ako. Para hindi sila mag-alala sa akin. Pagkatapos kung bigyan ng inumim ang bisita ay balak kung kunin ang cellphone ko sa loob ng kwarto. Papasok sana ako sa loob ng kwarto kung saan ko nilagay ang cellphone ko pero bigla akong tinawag ni manang. Inurong ko ang paa ko. Bumaling ako kay manang nakita kung may hawak itong puting mantel. Inutusan niya akong ilagay sa likod ng backyard ang puting tela na nadumihan. "Kesha anak, pasensya na busy ang iba pwede mo bang ilagay sa labas ang mga telang ito," utos ni manang sumang-ayon naman ako. "Opo, manang akin na," ngumiti siya sa akin ng kunin ko sa kamay niya ang hawak na puting tela. Maya-maya ay tinungo ko ang sinasabi ni manang na backyard. Sa laki ng mansyon ay nahihirapan akong hanapin ang daan palabas ng backyard. May nakita akong bukas na pinto malaking hakbang kung tinungo ang pinto na nakabukas. Paglabas ko akala ko namamalikmata lang ako sa nakita ko. "Sir, Rex!" gulat kung sambit sa pangalan niya. Nilapitan ko siya, inilapag ko ang hawak ko na puting tela sa taas ng puti na plastic chair. Lasing na lasing siya hindi ko alam ano ang gagawin ko. Bakit nandito siya sa likod na mansyon? Kanina lang ang kasama niya ang babaeng parang tuko itong nakadikit sa kan'ya. Amoy na amoy ko ang alak na mula sa mainit niyang hininga na tumatama sa mukha ko. Hindi ko natiis na haplusin ang kanyang pisngi. Suddenly my heart beat faster as I watched his handsome Face. Napapangiti ako ng lihim dahil ang taong sa malayo ko lang nakikita ay nahawakan ko ngayon at nahaplos ko pa na ang kanyang mukha. While I'm staring his attractive lips ay dahan-dahan kung hinaplos ang kanyang magulong buhok. Sinubukan ko siyang gising pero para tulog mantika ito. Inamoy ko ang mabango niyang buhok. Sinuklay ko gamit ang aking kamay. Sa sobrang niyang kalasingan ay hindi na niya namamalayan ang nangyari sa kan'ya. Mabuti na lang dito siya mismo sa mansyon nila naglasing. Kung sa labas baka ano pa ang mangyari sa kan'ya. Nakita kung dahan-dahan niyang minumulat ang nakapikit niyang mata. Tinitigan niya ang ako. Sunud-sunod ako napalunok. Ang lakas ng tambol ng puso ko. Para akong naninigas sa kakatitig niya sa akin, tila nahuhulog na ang puso ko. "Emma, nasaan kana ba? Sana ako nalang ang minahal mo. Emma? Ikaw ba ang humamplos sa labi ko?" lasing niyang tanong sa akin. Hindi ko siya sinasagot sa iba niyang tanong. Para akong dinurog ang puso ko ng sabihin niya ang pangalan ni Emma. Hindi ko napigilan pumatak ang luha ko sa kanyang pisngi. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa akin. Tinaas niya ang kanyang kamay at bigla niyang pinunasan ang luha ko. Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking pisngi. Sa mga oras na'yun pakiramdam ko ng haplusin niya ang pisngi ko ay parang matagal ko na siyang kilala at nakasama. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko malapad niyang palad "Why are you crying honey? Please don't cry. Bawat patak ng luha mo ay nasasaktan ako." Malambing niyang sabi sa akin. Buong akala niya ay ako ang babaeng mahal niya. Tumayo ako dahil hindi ko na kayang pakinggan ang iba niyang sinasabi. Pagtayo ko bigla niyang hinawakan ang mahigpit ang isa kung kamay. Pinigilan niya ako, hinatak niya ang kamay ko. Sa lakas niya ay bigla akong nakasubsob sa matigas niyang dibdib. Mabilis kung inangat ang mukha ko. Hindi ko namalayan ay hinalikan niya akong bigla sa aking labi. Diniin niya ang halik niya sa akin. I feel frozen. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hinawakan niya ang likod ko kinagat niya ang ibabang labi ko. Ang init ng kanyang labi na dumikit sa aking labi ay parang kinukuryente ang buong katawan ko. Tinulak ko siya pero hinawakan niya ng mahigpit ang baywang ko. Lasing siya kaya hindi ako dapat magpatangay sa mainit niyang halik hindi ko rin tinugon ang mainit niyang halik sa labi ko. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko, kinalas ko ang isa niyang kamay na nakahawak sa aking baywang. Everytime niya binabanggit ang pangalan ng babaeng nasa isip at puso niya ay nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng dibdib ko. Alam ko na wala akong karapatan na masaktan. Nilakasan ko ang sarili hanggang sa na natanggal ko ang kamay niya sa baywang ko na mahigpit ang pagkahawak niya. Tumayo ako agad, nakita kung tumulo ang kanyang luha. I felt sorry for him. "Please honey kiss me back." He pleaded with me to respond by kissing him. "Ganon ba niya ka mahal si Emma at iniiyakan niya ng ganito?" tanong ko sa isip ko. "Emma, stay with me. Please." Natigilan ako, napaawang ang labi ko ng tawagin niya akong Emma. "Hindi ako si Emma," mahina kung sambit. Iniwan ko siya kung narinig man niya sinabi ko ay wala na akong pakialam. Lilingonin ko sana siya ay hindi ko na rin ginawa pa. Mabilis akong pumasok sa loob. Nakahinga ako ng maluwag napahawak ako sa aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD