Chapter 23

1926 Words
Chapter 23 Kesha Silvy Nang makita ko na sumunod na lumabas si Mariah na galing sa underground. Iningatan ko na hindi nila ako makita sa pinagtatagaun ko. Nilingon siya ni Rex na naiiyak si Mariah. "Please, Rex." Pakiusap niya ulit. Hinawakan niya ang kamay ni Rex. Nagsusumamo siya. Umiyak siya sa harap ni Rex. "Mariah tama na ang kahibangan mo. You know from on time na kapatid ang turing ko sa'yo. Hanggang doon lang iyun. Ayusin mo ang sarili mo baka makita ka ni Nanay at Tatay sa ayos mo." Sabi niya kay Mariah at tinalikuran niya ito. "Bakit? Gaano mo kakilala ang babaeng dinala mo rito. Alam ba ng mga magulang mo na may ibang babae ka na dinala dito sa private resort n'yo? Hindi ba may ibang babae na gustong ipapakasal si ma'am Connie?" galit niyang tanong kay Rex. "No one can control me, kung sino ang gusto ko Mariah." Galit na wika ni Rex at muling tinalikuran si Mariah na umiiyak. Maya-maya ay lumabas ako sa pinagtataguan ko. Nakita ako ni Mariah tumayo siya at nilapitan niya ako. Ang maamo niyang mukha ay tila nag-aapoy ang galit sa akin. May mga maamong mukha na akalain natin ay hindi nakakabasag ng baso. Ganito ang nakikita ko kay Mariah. Ang kanyang maamong mukha ay may tinatagong hindi magandang ugali. "Ang landi mong babae ka!" sigaw niya sa akin at tinaas ang kamay para sabunutan niya ako sa buhok ko na nakalugay. Mabilis kung naharangan ang kanyang kamay. "Mariah, huwag na huwag mong sasabihin na malandi ako. Kung mayroon man nangyari sa amin ni Rex ay pareho namin iyun ginusto. Hindi katulad sa'yo na kayang maghubad sa harap ng lalaki. Itaas mo naman ang dangal mo bilang babae." Galit na sabi ko at tinulak ko siya. Tinalikuran ko siya, I don't care kung nasaktan ko siya. Walang siyang karapatan na pagsabihan niya ako na malandi. Papasok na sana ako sa bahay ay biglang may humapit na malaking no kamay sa baywang ko. Nang lingunin ko ay lalaking mahal ko na marami akong kaagaw sa gwapong Rex na'to. "Hinahanap mo raw sabi ni Nanay?" malambing niyang tanong sa akin at hinalikan niya ako sa leeg ko. "Oo, pero ng makita ko ang magagandang tanawin sa garden ay doon napunta ang atensyon ko. Naakit ako ng magagandang bulaklak." pagsisinungaling ko. "Nagseselos ako niyan babe," pagtatampo niya mas hinigpitan ang pagyakap sa baywang ko. "Para kang bata, siyempre ikaw lang naman ang kakaibang umaakit sa akin." Saad ko. Mas lalo niyang diniin ang mukha niya sa leeg ko. "Ang sarap mo kasing kayakap baby ko. Naadik ang ilong kung amoy-amoyin ka." Nakikiliti ang leeg ko sa mailiit niyang bigote. "Babe," malambing kung sabi sa kan'ya. "Hmm," tipid na sambit niya sa akin. Napapangiti ako ng lihim. Ang sarap sa pakiramdam na lambingin ka ng taong mahal mo. Hindi ko mapigilan na maiiyak, tumulo ang luha ko sa aking pisngi. "Are you crying baby?" he asking me, inangat niya ang mukha and he kissed me deeply. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Napabuntong hininga siya. Nang malanghap ko ang mainit at mabango niyang hininga ay dahan-dahan napapikit ko ang aking mga mata. He kissed my eyes. Pakiramdam ko para akong batang babaeng maliit na nilalambing. "I love you so much," mahinang sambit ko. "I love you more babe," he kiss me, parang ako lalagnatin sa mainit at malambot niyang labi na dumikit sa aking labi. Damn this man, I love him so much. How I wished na ganito lagi walang manghimasok sa relationship namin. "Pwedeng umuwi na tayo babe, baka hinahanap na ako ng bunsong kapatid. Hindi pa naman siya nasanay na malayo ako sa kan'ya." Sabi ko ang mga mata ko ay sa mapang-akit niyang mata. "As you wish babe. There's something bothering you here?" he asked me. "No, I just want to go home." "Are you sure?" ang kamay niya ay sa magkabilang pisngi ko. "Yeah, don't worry babe. Promise okay lang ako." I said, nagulat siya ng siniil ko siya ng halik sa kanyang labi. "Tuloy natin?" pilyong tanong niya sa akin. "Naku, babe nakailang kaya sa akin kagabi." Saad ko. "Biro lang mahal ko. Baka makalusot ang biro ko." Tinawanan niya ako. Mahigit isang buwan mula ngayon ay may nangyari sa amin ni Rex. Mula noon ay hindi na ulit iyun. Naging busy din siya sa kanyang trabaho. Kahit busy siya ay may oras din siya sa akin. Minsan siya rin ang naghahatid sa akin pauwi ng bahay namin. Sinusundo niya ako rito sa restaurant. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa mga kasamahan ko na mayroon namamagitan sa amin ni Rex. "Kesha!" malakas na tawag ni Cynthia sa akin. "Ang lakas talaga boses mo." Sabi ko. Nakita kung may hawak na tray na may pagkain. "Ikaw na ang maghahatid kay sir Nathan sa vip room. Mukhang mainit ang ulo." Sabay inabot niya sa akin ang tray. "Ha? Bakit nandito ba siya?" pagtataka na tanong ko. "Oo, bilisan munang ihatid 'to baka lalong uminit ang ulo ni boss." Utos ni Cynthia. Umiling-iling lang ako sa kan'ya at kinuha ko sa kamay niya ang tray. Takot kasi siya sa boss namin. Akala kasi si sir Nathan ay matatagpuan na niya si Emma. Kaya ito ngayon ay mainitin ang ulo. Dahan-dahan akong umakyat sa taas. Para ibigay kay sir Nathan ang tanghalian niya. Almost two months narin na hindi nakapunta dito. Nang nasa harapan na ako ng pintuan ay kumatok ako ng tatlong beses. Tumayo ako ng tuwid at inayos ko rin ang ngiti ko sa mahirap na kapag nakasimangot sa harapan niya. "Come in," he said. "Hello and good afternoon sir," nakangiting pagbati ko sa kan'ya. "Good afternoon too," nakayukong bati niya sa akin ang mata ay busy sa mga papeles sa ibabaw ng mesa. Nilagay ko sa glass round table ang hawak ko na tray. Dahan-dahan kung nilagay sa mesa ang pagkain. ilang segundo ay natapos ko rin. Tiningnan kung mabuti kung malinis at maayos ang paglalagay ko. "Perfect!" masiglang sabi. Nakita ko siyang napangiti ko siya. "Thanks Kesha," he said. "My pleasure sir. Hopefully mahanap n'yo rin si ma'am Emma." I said and he smiled at me. Nagpaalam ako sa kan'ya na lumabas. Ayoko rin na abalahin siya sa kanyang ginagawa. Parehong-pareho sila ni Rex kind and humble. Ito yung mga lalaking hulog ng langit ang taglay nilang karisma. Pagbaba ko ay sunod-sunod ang mga costumers na ang pumapasok. Naging busy kami. Ang break time lang namin ay hindi inabot ng 15 minutes. Para kaming mga sundalong kumain kanina. Pumasok ako sa kusina, binigay ko sa new chef ang order. Tatlong buwan palang siya dito sa Jones restaurant. Nginitian niya ako abot langit na ngiti. Tipid at malagkit na ngiti ang iginawad ko sa kan'ya. Ayokong bigyan niya ng malisya ang pag ngiti ko sa kan'ya. Mabilis kung kinuha ang isang tray with number 10. Lumabas ako, malaking hakbang ko tinungo ang number 10 na mesa. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nasa table number 10. Si Ivy at ang ina ni Rex at may tatlo silang babae na kasama. As usual, need kung ngitian costumer ng kay tamis na ngiti. Hindi ako mapakali sa harap nila. Nagtatawanan silang lahat. Ang mata ng ina ni Rex ay sa akin nakatingin. Sa mga titig niya sa akin ay pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko. Pinapawisan ang noo ko. Minamadali ko ang paglalagay ng pagkain sa mesa. Nakita kung dumating ang isang waitress na may dala rin itong tray. Nilagay din niya sa mesa ang mga ito. Nang mailagay ko na ay tinalikuran ko sila. Tumayo ako malapit sa counter. I sighed. Hawak-hawak ko ang dibdib ko. Pumasok ako sa ladies room. Naghilamos ako ng malamig na tubig. Pag-angat ko ng mukha ay nakita ko sa salamin si Ivy. Nakatingin siya sa akin. Nilingon ko siya at kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang mukha ko. "Sino ka sa buhay ni Rex?" mataray niyang tanong sa akin. Hindi ko siya sinagot agad, nag-iisip muna ako kung ano ang sasabihin ko. Dati si Mariah ngayon naman ay si Ivy ang nagtatanong sa akin. Bahagya siyang nagsalita. Ibubuka ko na sana ang bibig ko ay inunahan niya akong magsalita. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko. "Stay away from him Kesha. Hindi ikaw ang karapat-dapat sa kan'ya. Tingnan mo kung saan ka, kung saan siya at sino ka." Sa mga sinabi niya sa akin para akong naging paralysis sa sinabi niya. Nahihirapan akong ibuka ang bibig ko. Tinalikuran niya ako, pumasok siya sa cubicle. Hanggang ngayon ay tahimik lang ako sa kinatatayuan ko. Bumalik lang ulirat ko na may tatlong babaeng pumasok. Nagtatawanan silang tatlo. "Siya pala ang mother ng isa mga gwapong Jones. Hindi ko inakala na makikita ko siya in person." Sabi ng babaeng nakasuot ng pulang bestida na labas ang malaking hinaharap. "Ano kaya kung kaibiganin mo? Then baka mapalapit kayo ni Rex Jones. Board of director naman ang Papa mo sa company nila?" tanong ng isa. Nadagdagan tuloy ang iniisip ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Maraming pumapasok sa kokote ko. May katwiran ang sinasabi sa akin ni Ivy. Tama siya kung saan ano at saan si Rex. Pero mahal ko siya, mas matimbang ang pagmamahal kaysa kung anong meron sa atin. Lumabas sa ako sa ladies room na walang ka-energy energy. Nagulat ako ng biglang nasa tabi ko si Cynthia. Masayang tumabi siya sa akin. She smiled at me. Mukhang may bagong nasagap na chismis ang babae na'to. "Parang may new fresh latest ka yata?" malumay na boses ko na pagtatanong sa kan'ya. "Wala naman." Sagot niya. Pagkalipas ng ilang oras ay out na namin. Sabay kaming pumasok ni Cynthia sa locker. Nagpalit kami ng damit masaya kaming nagbiruan, nagtatawanan. Nakalimutan ko ang mga narinig ko kanina sa loob ng ladies room. Tiningnan ko kung may message o tawag si Rex sa aking mobile. Nang tingnan ko ang screen ay wala siyang mensahe. Ang mga kapatid ko lang ang may dumating na messages. After kung basahin ay pinasok ko rin sa bag ko ang cellphone ko. Nag-abang kami ng taxi ni Cynthia. Usually hindi siya sumasabay sa aking pag-uwi. Napansin kung may tanong gustong itanong sa akin si Cynthia. I look at her. Isang kindat ang ginawa niya sa akin. "Kesha!" nagulat kaming dalawa ni Cynthia. Sabay kaming lumingon sa tumawag sa pangalan ko. "Ouch! May gusto yata ang hot new chef natin sa'yo girl? Iba ka girl a, lapitin ka ng mga hot man. No worry mas hot ang fafa Rex mo." Napakunot noo ako sa sinabi ni Cynthia sa akin. Siniko ko siya. "Sakit naman." Kunwaring nagtatampo ang bruha. "Arte mo," mahinang sabi ko. "Uuwi na ba kayong dalawa? What if we have coffee before you go home?" tanong ni Franko. "Sure, maaga pa naman. 'Di ba Kesha?" automatic na sagot ni Cynthia. "Kayo nalang. Next time na lang ako sasama, kailangan kung umuwi ng maaga." Saad ko. Biglang hinawakan ni Franko ang braso ko. Nakikiusap ang mata niya sa akin. Alam ko na may gusto siya sa akin. Napapansin ko sa kanyang mga mata. Tiningnan ko ang kamay niya na nasa braso ko. Mabilis naman niyang tinanggal ang kanyang kamay. Nakita kasi niya na masama ang tingin ko sa kamay niya. "Sorry," paumanhin niya. Hindi na rin ako tumanggi sa kan'ya, baka ang isipin niya ay hindi ako marunong makisama. At kasama ko naman si Cynthia. Paghakbang palang kami ay may isang sasakyan na mabilis na pumarada sa harapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD