Chapter 39 Third Person's "Dahan-dahanin mong buhatin, baka may makarinig sa atin." sabi ng lalaking nakatakip ang buong mukha. Ang isang lalaki naman ay nagmamasid sa loob ng mansyon. Nang mapansin nilang walang ingay ay dahan-dahan sinarado ng lalaki ang pintuan ng kusina. Maingat nilang binuhat palabas ng mansyon si Kesha na walang malay. Nang nasa labas na sila ay pinasok nila si Kesha sa itim na malaking sasakyan. "Dapat pare nilinis natin ang natapon na gatas sa sahig." "Walang time. Baka magising pa ang lalaki sa taas. Anong gusto mo mahuhuli tayo? Kung mahuli tayo ang lagot tayo kay boss. Baka ang isang milyon natin ay maging bato. Paandarin mo naman ang utak mo." Na tahimik ang isang lalaki. Maya-maya ay pinaandar ng lalaki ang kanilang sasakyan. Ang ginawa ng isa ay tina

