Chapter 5
Kesha Silvy
"Kilala mo ba ang gwapong lalaki na'yun?" mahinang tanong ni Salma sa akin.
"Pinsan po siya ng boss ko, sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko" nakangiting sagot ko. Tumango lang sa akin si Salma.
Sinilip ko silang dalawa kung nandoon pa sila sa kinatatayuan nila. Ng masilip ko ay tanging likod lang ni Rex ang nakita ko, na palabas sa bakeshop. Kahit ang likod niya ay ang hot niyang tingnan. Napatili ako ng tahimik kung wala lang si ma'am Salma sa tabi ko ay tumalon na ako sa kilig. Super kasi nakakamatay ang kanyang karisma.
"Bakit ba kasi 'di siya naglalagay ng mga photos niya sa kanyang social media na account?" mahinang tanong ko sa sarili ko.
"May gusto ka ba sa lalaki na iyun Kesha?" biglang tanong sa akin ni ma'am Salma.
Feeling ko namula na ang pisngi ko sa biglang tanong niya sa akin. Hindi ko rin siya agad sinagot ang tanong niya. Tiningnan niya ako na nakangiti.
"Wala po," nahihiyang sagot ko. Tila di siya naniniwala sa sagot ko.
"Kesha ang ganyan na sagot walang-effect yan sa akin. Nakita kita kung paano mo siyang titigan. At kung paano rin siya tumingin sa'yo. Akala ko nga ay mag-ex kayo e," sabi niya sa akin habang nilalagay niya sa big bowl ang harina para sa gagawin namin cupcake.
"Ako na po ang gagawa niyan ma'am Salma. Umumpo muna kayo, isa buntis ka magpahinga ka muna." Prisinta ko at pag-iiba ko ng topic namin. Tiningnan lang niya ako para bang pinag-aaralan niya ang mukha ko. Sumang-ayon naman siya agad. Napapangiti ako ng makita ko siyang hinawakan niya ang kanyang tummy bump. Umupo siya sa plastic na upuan. Bahagya siyang nagsalita, nilingon ko siya sa kinauupuan niya.
"Payo ko lang ito sa'yo Kesha, kahit kahapon lang tayo nagkakilala magaan ang loob ko sa'yo. Kahit hindi mo sabihin na wala kang gusto sa lalaking iyun ay alam ko na may pagtingin ka sa kan'ya. Mahirap magmahal ng malayo ang estado ng buhay natin sa kanila." Mahabang sabi ni ma'am Salma sa akin. Napatigil ako sa ginagawa ng kamay ko. Huminga ako ng malalim. Nilingon ko siya sa na nakatingin sa akin ng seryoso.
"Paghanga lang naman po ma'am," malungkot na sagot ko.
"Hindi naman natin ang hawak ang tadhana natin. Malay natin 'di ba kung para sa atin ang isang tao ay maging atin sila." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni ma'am Salma.
"Oo nga po," malumay kung sagot.
Tinanong niya ako kung sino ang lalaking kausap ko kanina. Nang sabihin ko ang buong pangalan ni Rex ay nakita kung paano kumunot ang kanyang noo. Bigla siyang napahawak sa mesa at nahilala niyang bigla pababa ang table plastic cover ng mesa. Nilapitan ko siya dahil nanginginig ang kanyang kamay. Mabilis ko siyang binigyan ng isang basong tubig. Pinunasan ko rin ng tissue ang kanyang noo dahil pinapawisan ito.
"Ma'am ayos lang po ba kayo?" tanong ko.
"Oo, Kesha," malungkot na sagot niya sa akin.
Tinulungan ko siyang tumayo. Inalayanan ko ang kamay niya papunta sa isang maliit na sofa. Pinaupo ko siya at sinandal niya ang kanyang kamay sa taas ng sofa.
Sinabihan niya akong okay na siya. Iniwan ko siya at bumalik ako sa kusina na. Ipinagpatuloy ko ang ginawa ko. Kung anong tanong ang pumapasok sa isip ko. Kung anong meron kay ma'am Salma sa pamilyang Jones. Kahit busy ako sa ginagawa ko ay palinga-linga ako sa kan'ya. Nag-aalala ako sa kan'ya.
"Baka next time kapag okay na siya ay tatanungin ko siya." Sabi ko sa sarili ko.
Pagkalipas ng ilang oras ay natapos rin ako sa pag-bake ng mga cupcakes. I check the time on my mobile. It is already 1pm in the afternoon. Nakalimutan ko na rin mag-lunch. Nasasanay na rin ako sa ganitong routine. Ganito talaga kapag kailangan natin ang pera. I want to earn money for my siblings.
"Kesha halika at mag-lunch ka muna." Tawag sa akin ni ma'am Salma.
Masaya kaming kumain sa luto niyang nilagang baka. Naparami rin ang kain ko. Napapansin kung hindi niya masyadong ginagalaw ang kanyang pagkain sa plato. Inangat niya ang mukha niya sa akin.
"Ma'am Salma may masakit po ba sa inyo?" tanong ko.
Umiling-iling lang siya sa akin. Tiningnan ko lang siya at tumayo ako at niligpit ko ang pinagkainan namin. Tutulungan niya sana ako ay pinigilan ko siya.
"Salamat Kesha," nginitian ko siya.
"You're welcome ma'am," I said.
"Kesha ate na lang ang itawag mo sa akin." She smiled at me and I nodded to her.
Sumang-ayon ako sa gusto niya na Ate ang itawag ko sa kan'ya. Maya-maya ay may dumating na lalaki may dala itong bulaklak. Binati niya kami at hinalikan niya si Salma sa pisngi. Tumingin siya sa kinatatayuan ko. Nginitian niya ako at ipinakilala ako ni Salma.
"Miguel si Kesha bago kung kasama rito bakeshop." Nakangiting pakilala niya sa akin.
Ilang sandali ay ay nagpaalam din ako na uuwi. Dahil natapos ko rin ang ginawa ko. Sinabihan din ako ni Salma na bukas ay hindi siya magbubukas ng shop. Siya na lang daw bahala sa mga cupcakes na ginawa ko. Sobrang pasasalamat niya sa akin. Lumabas ako sa shop nag-abang ako ng taxi. Magje-jeep sana ako pero tinatamad na akong tumawid sa kabilang kanto.
Sa kinatatayuan ko ay may biglang sasakyan huminto sa harap ko. Hindi ko pinansin baka gusto lang niyang iparada ang kanyang sasakyan. Binaling ko ang mukha ko, hanggang sa nakita kung binaba niya ang window glass ng sasakyan niya.
"Rex!" gulat kung sambit sa pangalan niya.
"Hi," bati niya. Hindi ako mapakali ng batihin niya ako. Nginitian ko lang siya ng tipid.
*Sh*t" mahina kung sabi.
"Come, ihahatid na kita," lumaki ang dalawang mata ko.
"Naku, sir okay lang may taxi na po na parating." Aniya ko.
"Kesha, hapon na baka mapaano kapa," malambing niyang sabi.
"OMG! Concern si love sa akin." Sabi ng isip ko.
Kung hindi lang ako nahihiya ay agad akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Need din natin pakipot ng konte pag may-time. Baka isipin niya ay nasasabik ako o 'di kaya ay aga-agad niya akong mapapa-oo. Pero infairnes 'yun din talaga ang gusto ko. Sino ba ang aayaw kung isang Rex Jones ang ihahatid ka sa sarili mong bahay. Tapos gamit pa ang magarang sasakyan. Alam ko na maraming babaeng nagkakandarapa sa kan'ya at isa na ako sa kanila.
"Kesha! Look until now ay wala pa rin taxi. Let me drop you in your house," he said.
Nakita kung lumabas siya sa loob ng sasakyan, umikot siya papunta sa akin. Ang sexy and hot niyang tiningnan sa suot niya damit. Kanina ay nakasuot siya ng suits ngayon ay iba na. Naka-jeans na siya.
"What the heck?" mahina kung bulyaw dahil hinawakan niya ang siko ko.
Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay ng hawakan niya ang siko ko. Nilingon ko siya tumama sa ilong ko ang kanyang masculine scent. Napapikit ako at nilanghap ko ang mabango niyang pabango. Minulat ko ang mata ko at mabilis akong umtatras. Sa bilis ng pag-atras ay muntik na akong matipalok. Nabitawan ko ang hawak kung maliit na bag. Pinulot niya ito at ibinigay niya sa akin.
Mabilis kung kinuha sa kamay niya. Ewan ko ba ba't gusto niya akong ihatid. Baka type rin niya ako. "Oh God! Lakas ng feeling mo self," sabi ng isip ko.
Tumikhim siya sa tabi ko. Nakita kung binuka niya ang kanyang labi. Nang makita ko ay napaawang din ang labi ko.
"Ihahatid na kita," muli niyang sabi.
Bumuntong-hininga ako at tumayo ako ng tuwid. Makulit din siya dahil ilang beses na akong tumanggi ay namimilit na ihatid ako. Nahihiya rin ako sa kan'ya, ginawa ko ay hindi na akong tumanggi. Nang sumang-ayon ako ay napansin kung malawak ang kanyang ngiti. Binuksan niya sa akin ang pinto ng kanyang sasakyan.
Umupo ako at naglagay ako ng seatbelt. Nilingon ko siya dahan-dahan niyang pinaandar ang manibela ng kanyang sasakyan. Medyo naasiwa ako sa kanyang tabi. Pakiramdam ko hindi ako komportable sa kanyang tabi. Tinanong niya ako kung ayos lang ba ako. Kung pwede lang sinabi ko na sa kan'ya na para na akong naninigas na katabi siya.
Narinig kung tumawa siya. Pakiramdam ko parang sumipa ang puso ko sa kanyang tawa parang gusto ko pa siyang tumawa.
"Sa restaurant kaba ni Nathan nagtatrabaho?" baritonong boses niyang tanong sa akin.
"Yes, sir." mahinahon kung sagot.
He nodded. At seryosong nagmamaneho. Sinabihan ko siyang sa kanan niyang iliko ang kanyang sasakyan. Agad naman niyang itong niloko.
Ganito pala ang feeling kapag katabi mo ang taong hinahangaan mo at lihim mong minamahal. Walang lumalabas sa bibig natin. Pero kapag hindi ko siya kasama tanging sa malayo ko lang siya nakikita ay kung anu-ano na ang lumabas sa bibig ko. Pero ngayon para akong pipi ang hirap ibuka ang bibig ko.
Ilang sandali ay dumating na kami. Sinabihan ko na dito nalang niya akong ibaba, baka makita pa ako ng mga chismosa kung kapitbahay. Alam ko ano ang takbo ng mga utak nila.
"Are you sure? he's baritone voice.
"Opo, salamat po sir sa paghatid." I said.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ako sa kanyang sasakyan. I hear he took a deep breath.
"Anong gamit mong pabango?" sa tanong niya sa akin ay lumaki ang dalawang mata ko.
"A, e, po" nauutal kong sabi.
Dahil medyo familiar sa akin ang amoy. I can't remember kung saan ko naamoy. But I love the smell." Nakahinga ako ng malalim akala ko ay naaalala niya ang nangyari kagabi.
Tanging tango lang ginawa ko. Nahihiya akong sabihin kung ano ang gamit ko na perfume.
"Salamat po ulit sir sa paghatid," sabi ko.
Paglabas ko sa kanyang sasakyan ay nakita kung mabilis lumapit sa akin si Cardo. Nginitian ko siya at ang mga mata niya ay sasakyan na binabahan ko. Kinuha niya sa kamay ko ang maliit na bag ko. At may inabot siya sa akin na puting rosas inamoy ko ito. Nakalimutan kung isarado ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko namalayan na nakatingin pala si sir Rex sa akin. Nakita ko kung paano nag salubong ang kanyang kilay.
Nahiya tuloy ako sa kan'ya at mabilis kung sinarado ang pinto ng kanyang sasakyan. Pagsarado ko ay mabilis niyang pinaandar ito. Para akong iniwan sa ere sa nangyari.