9

4097 Words
"Mack, kayo muna bahala kay Hira, ah?" pakiusap ko sa mga kaibigan ko habang inaayos ang mga gamit para maghanda sa taping. T-in-ext ako ni Kuya Talcott dahil kailangan maaga akong pumasok ngayon kaya nagmamadali akong mag-ayos dahil konti na lang ay malel-ate na 'ko! "Ilang gabi na ang lumipas, sigurado ako hindi na mauulit 'yon." Hinawakan ako sa balikat ni Tracey kaya napatigil ako sa pagsara ng bag ko. Napabuntong hininga na lang ako at sumilip sa sala kung nasaan si Hira at nag-aaral para sa exam nila. Kagat ko ang labi habang inaalala ang nangyari noong nakaraang linggo. 'Yung kaba na nararamdaman ko tuwing maalala 'yon ay hindi nababawasan. Simula nang gabing 'yon, hindi na 'ko naging kampanteng iwan si Hira mag isa sa bahay. Madalas napapansin kong parang may sumusunod sa amin at gusto kong isipin na gawa-gawa lang 'yon ng isip ko pero parang totoo. "'Wag kang mag-aalala! Kaming bakla bahala sa kapatid mo. Kapag may nangyari na naman, nandito kami para jombagin ang mga putragis na 'yon!" Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Macky. "Agree!" Inayos naman ni Beng-Beng ang buhok ko at inipon sa kamay niya. "Mga bakla kami pero kaya naming magpaka-Magellan may nang-api sa mga junakis namin." "At hindi kami matatakot na ilabas ang espada ni Magellan," dagdag ni Tracey at sabay-sabay silang natawa. Napailing na lang ako at tuluyang sinara ang zipper ng hindi naman malaki at hindi gaano kaliit na bag. Laman lang no'n ay damit na pamalit ko at ibang hygiene, baka kase abutin kami ng madaling araw don. "Puro kayo kalokohan, aalis na ako." Lumabas ako ng kwarto dala ang mga gamit at napatingin naman sa 'kin si Hira na busy sa pagsusulat. Suot-suot niya pa ang salamin niya habang ang isang kamay ay may hawak na ballpen. "Alis ka na, 'te?" Tumango ako at lumapit sa kanya para tumabi. Napayuko naman siya pinaglaruan ang ballpen sa kamay at hindi makatingin sa akin ng diretso. "D-Dito ka na l-lang." Matapos marinig ang pagpiyok ng boses niya ay gusto kong ibalik lahat ng gamit ko sa kwarto at samahan na lang siya buong araw pero alam kong hindi pwede. 'Yung traumang idinulot ng gabing 'yon kay Hira ay sobrang lala na hindi na siya komportableng mapalayo sa'kin. Hinaplos ko ang buhok niya at patagilid na niyakap. Rinig ko ang paghikbi niya bagaman alam kong pinipigilan niya 'yon para hindi ko marinig. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang ginagawa ko. 17 years old pa lang siya at sa edad niya ay hindi niya pa dapat nararanasan ang lahat ng 'to. I didn't experience enjoying my teenage life so I want to do anything just to make sure she will not suffer like me. "Magta-trabaho lang si ate. Bukas ng umaga uuwi rin ako. Ano gusto mong pasalubong?" Pilit kong pinasigla ang boses at ngumiti kahit nangingilid na ang luha. Umiling siya, "Basta mag ingat ka lang, Ate," malamig na sagot niya at umalis sa pagkakayakap ko, nagsimula siyang ligpitin ang mga gamit niya habang iniiwas ang tingin sa akin, takot na makita ang mugto niyang mata. Kagat-labi ko siyang pinagmasdan at napatingin sa direksyon ng pinto ng kwarto kung saan nandoon at nakasilip ang mga bakla. Pilit ang ngiting iginawad nila sa'kin at nag thumbs up para iparating sa akin na magiging okay rin ang lahat. Mabigat ang loob na umalis ako sa bahay, bawat kantong nililikuan ko ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may taong sumusunod sa 'kin na nagpapadagdag ng kaba ko. Sumakay na ako ng tricycle para mapabilis ang pagdating sa set. Pagkarating ko roon ay nagre-ready na ang lahat at ang iba naman ay nakakumpol sa isang malaking lamesa at kumakain. Binati ako ng ibang staff at ang iba naman ay hindi ako pinansin, ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at ibinaba ang gamit sa isa sa mga upuang plastik para pumunta sa kanila at makikain. Libre kasi ang agahan para sa lahat ng mga staff kaya hindi na ako nag aksaya ng oras para makisalo. Duhh, sino bang may ayaw sa libre? "Aezra, right?" Napatigil ako sa pagkuha ng paper plates matapos makita si Carms. Magkakrus ang braso niya habang bored na nakatingin sa'kin. Nakasuot siya ng asul na bistida at mga nagkikinangang alahas sa katawan. "Opo." Ibinaba ko ang kamay na may hawak na paper plate at yumuko ng kaunti. "Can you buy us waffle and coffee? I'm not going to eat with these people kase you know it's kinda weird eating with the staff, eh," maarteng sabi niya habang pinagmamasdan ang kuko sa kamay na bagong linis lang. Nilingon ko ang mga pagkain sa lamesa, masasarap naman ang mga 'yon, ah? Napalunok ako matapos makakita ng pansit, arrgh . . . mukhang masarap maraming sahog. "Dito na lang Ma'am! Marami naman, look oh. Ako na magdadala sa tent niyo," suhestyon ko pero nakailang irap lang siya sa 'kin. Seriously? Hindi ba siya nahihilo? "I said—" "Okay, okay po Ma'am! Bibili na po ako," putol ko sa sasabihin niya kasi alam kong hahaba lang ang usapan namin! Ngumiti naman siya sa 'kin ng matamis kaya hindi ko na napigilang magmura sa isip ko, halatang peke naman kase, e! "Okay . . ." And ayon, peke ang ngiti ko habang pinakikinggan siya sa mga pinapabili, may iba pa siyang pinasabay na pagkain para sa sa staffs kaya wala akong choice kung hindi ilista 'yon para hindi makalimutan. Pagod ang katawan ko matapos ibigay kay Carms lahat ng pinabili niya, pawis na pawis ang noo ko dahil mainit na sa labas. Kanina pa nagri-ring ang phone ko pero hindi ko masagot dahil tatlong plastic ang laman ng magkabilang kamay ko at kaunting galaw ay maaaring matapon ang pagkain. Pagpunta ko sa lamesa ay ngumiti ako ng mapait matapos makitang malinis na ang lamesa. Wala nang natirang pagkain. Pagod na napaupo na lang ako sa monoblocks at pinunasan ang pawis, ramdam ko ang pagtunog ng tiyan ko tanda ng pagkagutom pero napailing na lang ako. Sinubukan ko pa namang agahan ang pagpunta kasi libre ang pagkain. "Where the hell did you go?" Umangat ang tingin ko at gano'n na lang ang pagtalon ng puso ko nang nagtama ang tingin namin ni Akishiro. Hindi na dapat ako nagulat dahil malayo pa lang ay naamoy ko na ang pabango niya. Kunot noong nakatingin siya sa akin at pinagmamasdan ang itsura ko. "What happened to you?" dagdag niya pa. "Wala," maikling sagot ko at iniwas ang paningin, kagat ko ang labi habang nakatingin sa mga staff na masama ang tingin sa 'kin dahil kinausap ako ng artista nila, karamihan nila ay mga babaeng nagkakapalan ang make up sa mukha at halatang selos na selos. Aba! Hindi ko aagawin ang artista niyo! "Okay." He sighed heavily and sat beside me while his eyes were still looking at me as if he was observing my reaction. "'Wag ka ngang tumingin, nagagalit sila, oh," nakangusong saway ko. Saglit siyang tumingin sa mga staff at inis na binalik sa'kin ang tingin. "Who cares?" "Did you eat your breakfast?" he suddenly ask. I bit my lower lip when I felt my stomach empty again! Kanina hindi ko na nararamdaman, eh. Pinaalala niya lang. "Yes, sarap ng pansit," pagsisinungaling ko at mukhang naniwala naman ang mokong. Sandali pa kaming nag usap hanggang sa napikon ako sa pang aasar niya, may mga pagkakataong iniistorbo kami ng staff pero hindi niya pinapansin at nakatuon lang sa'kin ang paningin. Lahat sila ay parang nanunusok ang tingin na para bang may masama akong ginawa! Nang magsimula ang taping ay tinulungan niya ako sa mga dapat gawin, ilang beses niya rin akong kinausap na mag ingat dahil maaari kong masaktan ang sarili kung magkamali ng galaw. Hingal na hingal ako habang tumatakbo, may mga taong pinagtitinginan ako at may iba namang umiiwas talaga sa dinadaanan ko. Ang mga mata ko ay naka-focus lang sa lalaking nasa harapan ko at lintik ang bilis niyang tumakbo! Nahati ang dagat ng mga tao sa pag daan ko at doon, nakita ko ang kumpol ng mga gulong ng sasakyan. Umakyat doon ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapagod! Hugot ko ang hininga at huminto sa harapan. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k 'non! "Habol!" sigaw ng lalaki at tumawa ng nakakaloko. Naikuyom ko ang kamao at tinignan siya habang walang hirap na umaakyat sa poste ng mga gulong. "Ano pagod ka na?" Tumawa siya. "Ang hina mo naman!" "Ulol!" sigaw ko na ikinagulat niya. Walang preno akong umakyat sa taas para mapuntahan siya. Hindi biro ang taas no'n dahil kung kaya ng artistang gawin 'yon, wala ako ngayon dito. "Okay, cut!" sigaw ng direktor dahilan para mapahinto ako sa gitna ng taas ng poste. Nanginginig ang kalamnan ko habang pinagmamasdan kung gaano kataas ang kinaroroonan ko. Sa kalkula, maari akong mabalian ng buto kung sakali mang magkamali ako ng galaw. "Aezra!" tawag sa akin ni Kuya Kino, siya 'yung lalaking hinahabol ko kanina. Napatingin ako sa kanya at katulad ko ay tagaktak din ang kaniyang pawis. "Okay ka lang?" Ngumiti siya. "Opo," sagot ko at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa suporta ko upang hindi mahulog. Parehas kaming tumingin sa ibabang bahagi at doon nakita ko si Akishiro kasama ang punyetang babaeng 'yon. "Enjoying the view here?" mapanuksong saad niya habang nakataas ang isang bahagi ng labi. Tinarayan ko naman siya at tumingin sa babaeng kanina pa irap ng irap. Hindi kaya siya nahihilo? Baliw. "Get down here," dagdag niya pa at iminuwestra ang kamay na para bang handang saluhin ako. "Baliw ka ba?" "You're so stubborn, tutulungan na nga kita." "Huwag na, kaya ko." Inis lang siyang tumingin sa akin at pinagmasdan ang dahan-dahan kong pagbaba. Si Kuya Kino naman ay inaalalayan ako at nakaabang sa bawat galaw ko. "Tigas ng ulo," singhal niya na nagpatawa kay kuya. Hindi ko naman siya pinansin. "If something happened to you, malalagot sa akin ang buong team." May kung anong kiliti ang naidulot no'n sa puso ko pero mas pinili kong hindi pansinin. Naalala ko na naman 'yung gabing hinalikan niya 'ko. Matapos no'n ay parang wala na uling nangyari. Sinundo siya ni Kuya Talcott sa amin at hindi na namin iyon napag usapan ulit. "Ay puk—" sigaw ko matapos dumulas ang paa ko sa may gulong. Akala ko babagsak na 'ko. Sobra pa ang pagkabog ng dibdib ko sa takot na baka magalusan ang katawan ko, ito puhunan ko, eh! "f**k! Aezra!" Napapikit ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Kuya Kino na ngayon ay nataranta sa paghawak sa akin. "Ma'am Aezra, Okay ka lang po?" Pikit mata akong tumango. Idinilat ko ang mata at agad ding napapikit nang sinag ng araw ang sumalubong sa mga mata ko. Nanghihina akong bumaba sa kinaroroonan at hinarap ang galit na lalaking nakatayo sa harapan ko, sa likod niya ay si Carms na halos mandiri sa suot niya na hindi naiiba sa kung anong suot ko ngayon, malaking t-shirt at loose pants. Hindi bumagay sa kanya ang ganoong damit dahil halata naman sa balat niyang mamahalin ang mga ginagamit na damit lalo na ang kulay nito. "Nice one, Aezra That's a great shot," puri sa akin ni Kuya Talcott na nakatayo sa tabi Carms. "Magaling po ba? Eh, bakit nakasimangot na naman ang isang 'yan?" Turo ko kay Akishiro na masama ang mukhang nakatingin sa akin, namumungay pa ang mga mata dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa balat niya pero mas lalo siyang gumwapo sa itsurang 'yon dahil hinahangin din ang kaniyang buhok. Kuya Talcott chuckled. "Hindi ka na nasanay." "Bagay sa'yo 'yang suot mo," biglang sumingit si Carms at tawa-tawang pinagmasdan ang suot ko mula ulo hanggang paa. Hindi nagtagal ay may pumuntang tauhan at pinayungan silang tatlo samantalang kami ni Kuya Kino ay nakatayo lang sa harapan nila. Sinimangutan ko siya. "Same with you." Binigyan ko siya ng pekeng ngiti dahilan para mapangiwi ang dalawang lalaki at marinig ko ang tawa ni Kuya Kino. Alam niyang binu-bully ako ng babaeng 'to, eh! Halos ilang linggo na 'kong nagtatrabaho para sa kanila at wala talagang araw na hindi niya ako nainis at gano'n din ako sa kanya kasi, duh . . . hindi ako tinuruan nila Beng-Beng na magpa-api lalo na sa mga taong tulad niya. Ika nga nila, kung binato ka ng bato batuhin mo na paso. "Eww." Nandidiri siyang lumayo kunwari sa akin. "You wish." Tinarayan niya muli ako bago tumalikod. I made a face and rolled my eyes but I stopped when I met Akishiro's glare. Masama pa rin ang tingin niya sa akin, sabagay. Lagi naman. "Ano na naman ba?" inis na tanong ko at pinagmasdan si Kuya Talcott na tawa-tawang sinundan ang isang alaga. Tinapik naman ako ni Kuya Kino upang magpaalam na aalis na muna. Last scene na namin 'yung naganap kanina para mag tanghalian. Wala akong gana dahil nauumay ako sa mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon. "Do you really like him?" Napatigil ako sa pagpupunas ng pawis gamit ang panyo at maang-maangan na napatingin kay Akishiro. "Naka-shabu ka ba?" "You're mouth, Aezra!" singhal niya sa akin. "Inaano ba kita? Nagagalit ka na naman?" Pinamewangan ko rin siya at lumapit ng bahagya sa kanya. Kita ko ang paglunok niya kaya natigilan din ako sa sariling ginawa. Ang ibang tao sa set ay pinagtitinginan kami pero hindi na bago sa kanila ang gantong eksena kaya napapailing na lang sila sa tuwing nakikita nilang binubulyawan ko ang pinakamamahal nilang artista. Duh, ilang beses na akong napagalitan dahil dito pero anong magagawa ko? Siya nauna, eh! "Whatever." He rolled his eyes. "What do you want to eat?" See? Napaka bipolar! "Stop talking to yourself in your head." Napanguso ako nang akmang kokotongan niya ako. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at ambahan sana ng suntok pero tinawag na kami ni Direk para ipakita ang shot. Nakasimangot akong nagpauna sa paglalakad at parang lalaki na lumapit sa pwesto nila Direk Milly. Halos lahat ng tao sa set ay masama ang tingin sa akin at kulang na lang ay sabunutan ako kasi naiinggit sila sa ganda ko. Paano ba naman kasi! Ang walanghiya, tumabi pa sa gilid ko at idinikit saakin ang sarili para sumilip sa hindi kalakihang TV na nasa harapan namin! Amoy ko ang mamahalin niyang pabango na humalo sa pawis, mahabagin! Natatanging nilalang ang nasa tabi ko. "You smell good." Pakiramdam ko ay tumayo ang balahibo ko mula batok nang maramdaman ko ang bulong niya at bahagyang pag amoy sa buhok. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at alam kong napansin niya 'yon dahil mahina siyang natawa. Nagpanggap na lang akong hindi siya narinig at ipinokus ang mata sa ipinakita ni Direk. "You smells like sunflower." Kingna! Kingna! Kingna! Iba talaga ang kilabot na dulot no'n sa katawan ko. Nagsimulang manghina ang tuhod ko sa bawat hininga niya na tumatama sa bandang leeg ko. Wala naman sigurong nakakapansin 'no? Punyeta! "Akishiro," pagbabanta ko nang maramdaman ang dahan-dahang pagdulas ng kamay niya sa braso ko. Napalunok ako sa pagtama ng balat namin. Rinig ko rin ang malakas na pagpintig ng puso ko at natatakot akong marinig niya 'yon. Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko kasi, punyeta! Ang hilig niya 'kong paglaruan simula no'ng nangyari 'yong sa bahay! "Hindi ka titigil?" banta ko matapos niyang pagsaklupin ang mga kamay namin. Walang nakakakita sa ginagawa niya dahil lahat ng mata ay nasa TV. He chuckled softly. "Let's eat. I'm hungry." Pasimple kaming umalis sa set at pumunta sa tent niya. Hindi ito ang pangalawang beses na napunta ako dito dahil madalas ay dito ako pinapatambay ni Akishiro dahil aware siya kung paano ako tratuhin ng mga tao sa set. They will assign me to clean the place, alone and be their slave kahit wala 'yon sa kontrata ko. Last time, umalis si Akishiro dahil may guest siya sa isang morning show at hindi talaga ako tinigilan ni Carms maging ang mga ibang artista kaibigan niya. Inutusan nila akong bumili ng ganito, ganyan, ipaghanda sila ng ganyan at kung ano-ano pa! I wanted to complain but I couldn't. Lahat sila ay masama ang tingin sa akin dahil sa trato ni Akishiro. Hindi ako tanga, maski sila, pansin nila ang kaibahan ng pagtrato ng lalaki lalo na sa akin. "Nag-order ako ng foods, you said you missed eating gulay, right?" he asked after changing his clothes into white sando. Hindi ako sumagot at patuloy na pinipindot sa cell phone para libagin ang sarili. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala dahil si Hira lang ang mag-isa sa bahay ngayon. Nagprisinta naman ang mga kaibigan ko na sila ang sasama kay Hira tuwing may trabaho ako matapos nilang nabalitaan ang nangyari sa amin. Nag-aalala sila at the same time galit dahil trauma ang naidulot no'n sa aming magkapatid. "Aezra?" "Gusto ko ng pinakbet," nakangusong saad ko habang hindi inalis ang tingin sa cell phone, t-in-ext ko na rin si Hira kung kumain na ba siya at kung anong ginagawa niya. Kasalukuyan siyang nasa eskwelahan pero nag aalala pa rin ako. "Can you at least look at me when you talk?" Naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko kaya nag angat ako ng tingin. I smiled when I met his chocolate eyes that I will never get tired of looking at. I pinched his cheeks and laugh when he frowned. "Ayan, okay na?" I said and focused my gaze on him. This time the annoyance immediately vanished from his face. I swallowed the invisible lump in my throat when he smiled and caressed my cheeks. "Yeah," he whispered and kissed my cheeks. Ramdam ko ang pamumula ko sa ginawa niya. Tangina talaga! Wala kaming label pero sobra siya manglandi! "Akishiro," banta ko matapos niyang halikan ang gilid ng labi ko. His forehead creased and slightly angle his head while scanning my face. "Why?" "Ang landi mo." Umawang ang labi niya sa sinabi ko. "Who cares?" masungit na aniya. Tinawanan ko lang siya dahil sa itsura niya kaya lalo siyang napasimangot. I lift my hand and touched his soft face. My heart was beating rapidly but I manage to suppress my emotion. He closed his eyes. "Ang gwapo mo, Akishiro," bulong ko dahilan para mamula ang tenga niya. "I know." "Mas gwapo ka ngayon." Tinusok-tusok ko ang pisngi niya. "Stop it," namumulang suway niya kaya natawa ako. "Kapag ikaw ang nanlalandi gustong-gusto mo pero kapag ako pinapatigil mo agad?!" kunwaring galit na saad ko at humiwalay sa kanya. Pinagkrus ko ang braso. He chuckled. "Do I look like a flirt?" he asked in a seductive tone, I bit my lower lip when I felt the whole damn zoo inside me. "Bakit hindi ba? Nanlalandi ka wala naman tayong labelm" f**k! I sounded like a demanding girl! Nakakahiya ka, Aezra. "Wala ba?" My gosh! He's teasing me! "Wala!" sigaw ko at lalong sumimangot nang tumawa siya. He looks so handsome but, grrrr! He's annoying! "What label are you referring to?" "Baka label 1, label 2," sarkastiko kong sagot at kinuha ang phone para hindi siya pansinin. Tinawanan niya lang ako! "Sir Akishiro." He paused when someone called his name outside the tent. Siguro dumating na 'yong in-order niya. Nagpakawala muna siya ng buntong hininga at tumayo sa kinauupuan. Naglakad siya papunta sa pinto pero naiwan ang amoy niya sa tabi ko. His manly scent embraced every inch of his tent and I couldn't deny that I was already addicted to his smell. "Pakbet?" I surprisingly asked. Agad kumulo ang tiyan ko matapos maamoy ito. "Yeah, you said you're craving," bored na sagot niya at inayos ang pagkain sa hindi gaanong kalaking lamesa. Kagat ko ang labi habang pinagmamasdan siya na ihanda ang pagkain namin. Inilagay niya sa babasaging mangkok ang gulay habang nasa isang plato naman na kulay puti rin ang in-order niyang pritong manok. Ilang beses akong napalunok habang pinagmamasdan ang muscles ng braso niya, halatang nagwo-work out siya dahil sa itsura nito. "You want it?" "Oum," I replied and licked the lower part of my lip. Tumawa siya, "Stop it, kumain na tayo." We sat next to each other and hold our utensils. Excited akong napatingin sa kanya nang lagyan niya ng kanin ang plato ko. "Gutom na gutom ka ba?" curious na tanong niya, napansin siguro na hindi na ako makapag hintay. "Medyo, hindi kasi ako nakakain ng agahan kanina." Nasa pagkain ang tingin ko habang sinasabi iyon, dahan dahang nag angat ang tingin niya sa akin at nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. Amp! Nakalimutan ko, nagsinungaling pala ako kanina. Parang tuta naman akong napayuko nang hampasin niya ang lamesa. Halos tumalbog ang mga kubyertos sa sobrang lakas no'n. "Did they do something to you again?" he angrily asked. Pinagsiklop ko ang mga kamay sa sobrang kaba. Ayaw kong sabihin ang totoo pero ayaw ko ring magsinungaling. "M-Marami lang akong ginawa. T-tapos pagdating ko ubos na daw." "That's bullshit!" sigaw niya ulit. "Huwag ka na nga magalit! Maririnig ka nila sa labas," nakangusong saway ko sa kanya. "Eat." Salubong pa rin ang kilay niya habang pinagsasandok ako ng pagkain. Hindi nawala 'yon hanggang sa matapos kaming kumain. Walang kibuan kaya sobrang awkward ng atmosphere! Halatang galit pa rin siya dahil gumagalaw-galaw pa ang panga niya habang wala nang espasyo sa pagitan ng dalawang kilay. "Hoy, galit ka ba?" mahinang tanong matapos niyang mag-toothbrush. He ignored me and continue typing something in his phone, I pouted. "Akii," tawag ko sa kanya pero hindi pa rin ako pinansin. Inis akong tumingin sa kanya. Napaka matampuhin naman! "A-Ano nga pala." Naalala ko bigla 'yong sinabi ni Hira, sabi niya imbitahan ko si Akishiro mamayang hapunan kung pwede dahil magce-celebrate kami para sa pagkakaroon niya ng mataas na grado sa paaralan. May mga kaeskwela rin siyang pupunta kaya kailangan maaga akong makauwi para mapagluto sila. "What?" Binaba niya ang phone at tinitigan ako, walang emosyon ang mukha niya pero halatang naiinis pa rin. "May gagawin ka ba mamayang gabi?" His brows furrowed. "Hoy! Mali ang iniisip mo!" agap ko dahil bigla na lang naningkit ang mga mata niya. "Si Hira kasi . . . kung gusto mo lang naman." Hindi ko kinaya ang paninitig niya, pakiramdam ko ay hinihigop ng tsokolate niyang mata ang bawat lakas ko sa bawat segundong lumipas. "You'll invite me to your house?" He inched our gap but his eyes remained on mine. I gulped after nodding. "Kaunting celebration, kung b-busy ka okay lang naman. Hindi naman gano'n kalaki kasi kaunti lang ang bisita pero kung a-ayaw mo talaga maiintindihan naman ni Hira. Gusto lang din niya mag pasalamat kasi nandoon ka sa amin no'ng nangyari 'yung—" Nahigop ko ang hininga nang magdampi ang katawan namin. Nakatitig lang siya sa akin habang nilulunon ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig. He is looking at me as if he's ready to gulp all words that I'll utter. "Nakikinig ka ba?" inis na tanong ko habang nagpapanggap na malakas sa harapan niya kahit ang totoo ay nanghihina ako sa kanyang presensya. Inangat niya ang kanang kamay at idinampi sa kaliwang pisngi ko, napapikit ako matapos madami kung gaano kalambot ang kamay niya kumpara sa akin na puno ng kalyo. "Pupunta ako," he whispered and caress my cheeks. "S-Sure ka?" kabadong tanong ko. "Yes." "Sabi ni Kuya Talcott may gagawin ka mamayang gabi?" Inihakbang ko ang paa paatras dahil hindi na kinaya ng sistema ko ang mapalapit sa katawan niya. "I can cancel that," parang balewala lang na sagot niya kaya kumunot ang noo ko. "Huwag na, maiintindihan naman ni Hira. Busy kang tao Akishiro, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na pumunta," tuloy-tuloy na saad ko saka nag simulang ayusin ang gamit para maituloy na ang taping. "It's just a photoshoot. Pupunta agad ako sainyo after and I'll bring foods for Hira." One hour lang ang lunch break at kailangan na naming maghanda para mamaya sa set. Hindi naman ako ganon ka kailangan sa set pero sa lahat kaming mga double ang nahihirapan. Kapag nadapa kami, balewala na lang sa lahat dahil maliit na bagay lang iyon sa iba hindi katulad sa mga artista na kahit madapuan lang ng kaunting dumi ay iniiwasan ng mga staff na mangyari. Dito ako mas namulat ang naunawaan kung saang lugar ang inokupa ko. Ang mundo ko ay iba sa mga mundo ng mga taong nakakasama ko sa set dahil kung sa kanila ay maaari nilang bilhin ang nais ako naman ay nag sisilbi sa harapan nila para lang mapakain ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD