"Tanga! Ang tanga-tanga!" Napapikit ako matapos masigawan ni Lizelle. Galit siyang nakatingin sa akin matapos inumin ang milk tea na ipinabili sa akin.
"Do you know what you did?! Sinira mo ang diet ko! You'll pay for this!" Ang mga tao sa set ay napapailing na lang matapos makita kung paano ako sigawan ng isa sa mga artista nila dahil hindi na bago ito para sa kanila.
"Hindi niyo naman sinabi kung anong sugar label," mahinang saad ko, nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang galit niya.
"Ah! Nagdadahilan ka pa?!" Napapiksi ako matapos niyang hablutin ang braso ko.
Carms laughed, she's looking at me as if she was disgusted.
"Come on, 'Zelle. Hindi nga nakapag tapos 'yan, what do you expect?" Para akong nanigas sa kinatatayuan matapos marinig 'yon. Ang mga luha kong nag babadyang bumagsak ay patuloy na naiipon dahilan para manlabo ang mata.
Lizelle agreed with her and chuckled lightly. Inalis niya ang hawak sa braso ko at pinunas iyon sa damit niya na para bang may nakakahawa akong sakit.
"Oh! I forgot. She's a squatter girl, right?" Napapikit ako doon nag simulang tumulo ang mga luha. Bawat butil ay malalaki at kasabay no'n ay ang pagsikip ng dibdib ko. Hindi na bago 'to, eh. Madalas naman nila akong pinagsasalitaan ng ganito pero masakit pa rin. Alam ko naman malayo ako sa kanila, hindi na nila kailangan ipamukha.
"Hindi ko nga alam kung bakit dikit na dikit si Akishiro rito, girl , she's a golddigger!" Parang sampal sa akin 'yon matapos sabihin ni Carms. Masama akong tumingin sa kanya na ikinangiti naman niya.
Lizelle nodded. "Yeah, but girl. You should not expect more about Akishiro because he's indeed good in playing his emotion." Malakas na kumabog ang dibdib ko matapos marinig ang banta niya. Buong araw ay hindi nawala 'yon sa isip ko at ang mga salita niya ay tila isang babala.
Hindi naman siguro ako pinaglalaruan ni Akishiro, 'di ba? Bawat segundong lumipas habang inaantay ko si Akishiro na dumating sa harapan ng bahay namin ay mas pinaniniwalaan ko na ang sinabi ni Lizelle. Pinagmasdan ko ang mga bisita ng kapatid ko habang paalis sila sa bahay dahil tapos na ang selebrasyon. Lahat sila ay may ngiti sa labi pero hindi ko man lang masuklian.
"Ate, tara na sa loob. Baka busy lang si Kuya Akishiro."
I knew I should believe in her words. That night I slept with those thoughts running through my head. Inalala ko ang mga araw kung paano niya ako asarin at matapos mapikon ay lalambingin. Kung paano niya banggitin ang pangalan ko sa paraang siya lang ang nakakagawa. His compliments that brought thousands of butterfly inside my stomach, his chocolate eyes that always focused on me, his soft chuckles that felts like a lullaby.
That night, I cried while silently praying that he wasn't like that. That night, I finally admitted to myself that Akishiro Zolaire is my first love.
I woke up with my head throbbing in pain. Maga rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak but compare last night I felt nothing. I want to be alone and isolate myself but I have a lot of things to do. Kahit nanghihina ay pinilit ko ang sarili na mag ayos para sa palengke, ngayon lang ako available dahil walang taping ngayon. Deserve kong magpahinga matapos ang ilang linggong nasabak ako sa mahihirap na scene pero may trabahong nag-aantay sa akin sa palengke.
"Ate! May bibili po!" tawag sa akin ni Hira habang may hawak siyang notebook sa kanang kamay at ballpen naman sa kaliwa. Mabilis akong lumapit sa pwesto namin matapos kong makipagkamustahan sa mga bakla at inasikaso ang mga customer. Sobrang tirik ang araw at pawis ang noo ko pero marami pa ring taong namimili.
"Singkwenta po, tumpok," sagot ko sa aleng nag tanong kung magkano ang isdang nakaplato.
"Bagsak na ba 'yan? Wala ng ibababa pa?"
Ngumiti ako ng alanganin, "Mababa na po 'yan kumpara sa presyo ng iba."
Hindi niya ako pinansin at patuloy na namili sa mga tindang isda pero pagkatapos ng limang minuto ay pinakyaw niya ang limang kilo ng isdang nakalatag sa pwesto namin.
"Salamat po, balik po kayo." Halos mag lundag ako sa tuwa matapos matanggap ang bayad. Si Hira naman na busy sa pag aaral ay napatalon matapos makitang kaunti na lang ang ititinda namin at maaga kaming makauwi.
"Umuwi na ka na mayamaya. Sa bahay mo na ituloy 'yung paggawa ng assignment mo," utos ko sa kanya matapos abutan ng plato ng pagkain. Sabay kaming sumubo ng kanin na may ulam na gulay habang nakaupo sa gilid ng paninda.
"Ayaw ko, wala naman akong ibang gagawin sa bahay," ngumunguyang saad niya kaya napasimangot ako.
"Ikaw bahala."
"Ate, si Kuya Akishiro kailan siya pupunta ulit?" Halos mabulunan ako sa tanong ni Hira. Simula kanina ay pinilit kong alisin ang lalaking 'yon sa isip ko. Pinatay ko rin ang cell phone dahil nakita kong wala manlang text ang lalaki kahit na wala akong sapat na karapatan para kagalitan siya.
Malinaw na may trabaho siya kagabi at mas priority niya 'yon. I should understand him but there's a part of me that wants to hear his explanation. I know I shouldn't be demanding but I can't stop making conclusions.
"Kumain ka na lang, Hira," pagtatapos ko ng usapan kaya kumunot ang noo niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang plato at tumingin sa akin na para bang nagtatanong pero nagpanggap lang akong walang pakialam.
"Away kayo, 'no?" asar niya bigla.
"Tumigil ka."
She chuckled and moved her long black hair at the side of her shoulder exposing her collarbone.
"Mabait naman si Kuya Akishiro. Ate, kung ayaw mo kras ko na siya," sabi niya pa at humagikgik. Masama ko siyang tinignan, "Biro lang! Magpapatayo muna ako ng bahay natin bago mag talandi," saad niya pa at tumawa.
"Isa na lang, Kirsten Yhyra, tatamaan ka na sa akin," banta ko sa kanya kaya tahimik na lang siyang napatawa dahil sa pag banggit ko sa pangalan niya tanda na napipikon na 'ko.
"Pero ate, si Kuya Akishiro artista siya, 'di ba? Maraming mga babaeng artista na nakakasama. Hindi ka ba nagseselos?" Napatigil ako sa pagnguya nang marinig ang tanong niya. Sandali akong napaisip at tinignan siya habang nakakunot ang noo.
"Wala namang kami, bakit ka nagtatanong ng ganiyan? At saka walang namamagitan sa amin. Tigilan mo na 'yan Hira, mamaya may makarinig pa sa 'yo," sermon ko sa kanya pero loob ko ay may nararamdaman na namang agam-agam.
Kaya ba hindi siya nagpunta kagabi? Marami siyang taong nakakasalamuha sa industriya kaya hindi malabong may iba rin siyang nagugustuhan. Ayaw ko mang isipin ay 'yon ang pumapasok sa utak ko.
Muling sumikip ang dibdib ko matapos mapagtanto ang sinabi ni Lizelle. Gusto kong hindi maniwala pero naging malinaw na para sa akin umpisa pa lang kung ano kami ni Akishiro. Naging mabuti lang siya sa akin at binigyan ko na ng meaning 'yon bagay na hindi ko dapat ginawa.
"Narinig kita umiyak kagabi, " biglang bulong niya kaya natigilan ako. Seryoso na siyang nakatingin sa akin bagay na minsan ko lang makita.
Iniwas ko ang tingin at itinuon sa pagkain, "Wala lang 'yon, Hira," tanging dahilan ko.
"M-May ginawa ba siya sa'yo?" maingat na tanong niya. Muling sumikip ang dibdib ko kasabay ng pangilid ng luha. Hindi ko alam . . . sa ngayon gusto ko lang siyang mawala sa isip ko kasi nasasaktan ako kahit alam ko na mali.
"Ate," nag-aalalang tawag niya kaya agad kong pinawi ang luha. Ngumiti ako sa kanya pagkapunas ng pisngi ko na ngayon ay basa na ng luha. Kagat ko ang labi habang pinipigilan ang paghikbi.
"H'wag mo na 'kong pansinin, tapusin mo na 'yang pagkain mo," pagtatapos ko ng usapan at iniligpit ang pinagkainan ko.
I watched the people in our place passing by. Some were with their partners and busy buying foods. Some are just looking around, alone. It's just so irritating that what I have in my mind is different from what I'm seeing. Sinubukan ko siyang alisin sa isip ko buong araw pero para siyang sumpa na hindi na naalis sa utak ko. Funny how I ended up being in love with someone I couldn't reach. He's like a star the I had no chance to be with, he's far away from where I am standing.
"Miss, how much is this?"
"May presyo pong nakalagay," pagod na sagot ko habang nakatalikod sa nagtatanong, pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko at ibinaba ang malaking banyera na lalagyan ng isda. Masyadong maliit ang katawan ko para buhatin 'yon pero kinaya naman.
"Mura lang naman—" Napahinto ako matapos makita si Akishiro. He's wearing black cap and a mask covered in his face. Kahit na tanging ang tsokolateng mata niya lang ang nakikita ko ay madali siyang nakilala ng puso ko.
My heart began to beat rapidly as his gaze didn't leave mine. His eyes were too focused on me that we didn't even mind what people might think after seeing us, exchanging our gazes. He didn't utter a word but my eyes were already well up.