Kasalukuyan akong nabato sa kinatatayuan habang pinakikinggan ang mga tanong nila. Hindi ko alam kung guni-guni lang pero ramdam ko ang pagkabasag ng damdamin ko sa mga impormasyong nalaman.
Huminto ang mundo ko at naialis ang kamay sa mata para pagmasdan ang mga taong nagpupumilit na makakuha ng impormasyon. Gusto kong magtanong kung saan nila napulot lahat ng 'yon pero wala akong sapat na lakas dahil paulit ulit na nag echo sa utak ko ang sinabi ng isang babaeng journalist.
"Isa ka po ba sa PA ni Miss Carms? Totoo po bang dalawang taon na silang kasal ni Akishiro Zolaire?"
"Isa ka po ba sa PA ni Miss Carms? Totoo po bang dalawang taon na silang kasal ni Akishiro Zolaire?"
"Isa ka po ba sa PA ni Miss Carms? Totoo po bang dalawang taon na silang kasal ni Akishiro Zolaire?"
K-kasal?
I shook my head mentally and bit my lower lip as I tried to stopped myself from crying. Naibuka ko ang bibig nang maramdamang nagkukulang ako sa hangin. Sinubukan kong huminga ng malalim nang mamasa ang mga mata ko habang pinipilit nila akong lapitan. May mga taong humaharang sa kanila pero hindi naging sapat 'yon para makalapit ang iba sa'kin.
"Isa ka po ba sa PA ni Miss Carms? Totoo po bang dalawang taon na silang kasal ni Akishiro Zolaire?"
"Isa ka po ba sa PA ni Miss Carms? Totoo po bang dalawang taon na silang kasal ni Akishiro Zolaire?"
"Isa ka po ba sa PA ni Miss Carms? Totoo po bang dalawang taon na silang kasal ni Akishiro Zolaire?"
Iniangat ko ang paningin sa langit at napangiti nang mapait nang maalala ang mukha ni Kuya Talcott. Sa mukha niya pa lang kanina nakumpirma ko na na totoo.
Niloko niya 'ko.
Kasal na siya.
"Stay away from her or I'll do anything to sue you?!"
Napaangat ang tingin ko kay Kuya Talcott habang galit siyang humarang sa mga tao. Maging siya ay inulan ng mga tanong pero nakafocus lang ang tingin niya saakin. Mga tingin na nangungusap. Mga tingin na para bang may nais iparating pero hindi ko makuha.
"A-aezra. . . "
Nanatili akong nakatingin sakanya nang walang emosyon sa mukha pero ang mga luha ay walang tigil na tumutulo. Gusto kong punasan iyon isa-isa pero anong silbi kung hindi ko mapigil ang sarili kong mata sa pagluha?
"B-bakit?" puno ng hinanakit na tanong ko. Alam niya lahat. Alam niya na may relasyon kami ni Akishiro dahil hindi siya tanga para hindi mapansin 'yon. Matagal niya nang kilala si Akishiro at ipupusta ko sa isa ng libong manok, halata niyang may relasyon kami ni Akishiro.
Hindi niya 'ko sinagot at hinatak na lang papasok uli ng tent. Hindi ako nag angat ng tingin kay Carms kahit na ramdam ko ang titig niya. Ang malamig na kamay ni Talcott ay binitawan ang balikat ko at iniangat ang baba ko para magpantay ang mukha namin. Para akong isang batang nagmumukkmok habang umiiyak sa harapan niya. Wala naman siyang ibang magawa kung hindi manlumo sa kalagayan ko.
"T-tinuring kitang Kuya e," basag ang boses na sumbat ko. "P-pero p-pinaglaruan niyo lang a-ako."
I don't know how I manage to leave that place. I'm hurting and I don't know how to deal with this emotion. Hindi ako sanay na gan'to. Mas gusto ko pang magtrabaho buong araw para hindi pumasok sa isipan ko kung pa'no ako niloko ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang harapin si Akishiro. Pakiramdam ko ang dumi dumi kong tao.
I hate myself because I let myself fall in love to a married man. I hate myself for falling to his trap. Hinayaan kong mahulog ako sa kanya nang hindi siya kinikilala. Masyado akong nabulag sa ilaw na natatanggap ko sa kanya sa kagustuhan kong matakasan ang madilim at malungkot kong buhay.
Hindi naman siguro masamang maghangad ng kasiyahang walang kapalit 'di ba? Buong buhay ko inalay ko sa pamilya ko, nagtrabaho ako para sa kanila. Isinantabi ko ang pag aaral at lahat ng pangarap ko at ngayong pinili ko ang kasiyahan ko walang makapagpatigil sa luhang kahit kailan hindi ko ginustong lumabas mula sa mga mata ko.
Hindi naman masama kung kahit minsan piliin kong maging masaya 'di ba? Ngayon lang naman e. . . Pero napakabilis naman kaseng bawiin.
"Hoy, bruha bakit ganiyan itsura mo?!" gulat na bungad sa'kin ni Beng Beng nang walang buhay akong umuwi. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy ng pasok sa bahay pero napahinto nang makita ang lalaking kagabi pa gumugulo sa utak ko. Tulad ko, parang wala rin siya sa sarili at pagod ang mukha. I saw two dark circles under his chocolate eyes. Parang wala ring mga buhay 'yong nakatingin sa'kin at pansin ko ang pagbagsak ng timbang niya.
"Anong ginagawa mo rito?" sinubukan kong hindi pumiyok nang makitang titig na titig ang mga mata niya sa'kin. Ayon na naman 'yong parang sang libong karayon na tumutusok sa dibdib ko nang maalala ang sinabi ng journalist kanina.
Naramdaman ko ang pag-alis ni Beng beng sa likod ko kaya tuluyan akong pumasok sa loob ng bahay at ibinababa ang gamit sa maliit na kahoy na lamesa namin habang pinipilit iwaksi sa sistema ko ang nanunusok na tingin mi Akishiro. Gustong gusto ko siyang yakapin ng mga oras na 'to. Pakiramdam ko lahat ng pagod at luhang naibuhos ko ay nawala sa isipan ko nang makita ko siya.
"A-aezra--"
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko siya pinatapos at walang emosyong tumingin sa kanya. Gusto kong maluha nang makita ang gulo gulo niyang buhok na para bang nahihirapan siya. Ang mata niya ay parang ilang araw na walang tulog samantalang kagabi lang kami huling nagkita.
"I- I just want to see y-you," he whispered and I almost cried in joy when I felt how his words reached my heart. Pakiramdam ko ang milyon milyong boltaheng idinulot no'n sa katawan ko dahil binanggit niya 'yon habang may pilit na ngiti ngunit malambing na boses.
"Ngayong nakita mo na 'ko, p'wede ka na bang umalis?" Kagat ko ang labi habang pinagmamasdang magbago ang emosyon niya. Dumaan doon ang takot at sakit pero wala akong lakas para intindihin pa 'yon.
"Pagod kase ako. Kakagaling ko lang ng taping ta's dinumog pa ng tao 'yong set kaya hindi ako nakaalis kaagad," tuloy tuloy na saad ko kahit na unti-unting nanghihina ang tuhod ko sa paraan ng pagtingin niya.
Nangilid ang luha ko nang wala siyang sinabi at nanatiling malamig ang mga mata niya.
"A-Akishiro, pa'no mo nagawa sa'kin 'yon?" Nang sandaling 'to hindi ko na napigilang ilabas ang hinanakit ko sakanya. Dahan dahan kong iniangat ang mga kamay at nanghihinang inihampas sa dibdib niya. Hindi siya umilag kahit na ilang beses ko siyang pilit sinaktan. Nanghihina ako at hindi ko alam kung may p'wersa pa ba akong mailalabas dahil maging ang tuhod ko ay tinatraydor ako dahilan para matuon ko ang bigat kay Akishiro nang hawakan niya ang dalawang braso ko ng buong pag- iingat.
"A-aki," hagulgol ko. "B-bakit mo 'ko niloko?!"
"I-I didn't," he whispered. His eyes were already bloodshot when I met his gaze but all I could do is to laugh sarcastically. Hindi ako tumigil kakatawa habang umiiyak hanggang sa dumilim ang mga mata niya. Namumula rin ang ilong niya maging ang mata.
"Alam ko na ang tototo tapos ngayon ginagago mo pa rin ako?! Pagkatapos mo 'kong lokohin itatanggi mo pa? Anong tingin mo sa'kin? Aki binigay ko lahat pero hindi ibig sabihin no'n p'wede mo na akong gaguhin ng paulit-ulit. Inintindi kita no'ng iwan mo 'ko kagabi pero ito hindi ko mapapalampas." Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil heto ako ngayon sinusumbat lahat sakanya. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko dahil lahat ng binigay ko sakanya, pagmamahal, oras, kahit na katawan ay buong puso ko 'yong binigay. Hindi ko lang inaasahan heto ang matatanggap ko.
Iniangat niya ang nanginginig niyang kamay at hinaplos ang pisngi kong puno ng luha. Kagat ko ang labi habang pilit na pinipigilan ang sariling humikbi. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko sa bawat haplos na ginawa niya sa pisngi ko. Tuluyan na 'kong napahikbi nang makitang tumulo ang isang patak ng luha sa mata niya. Put-ngina dahil gusto kong saktan ang sarili ko at sisihin dahil ayaw kong nakikita siyang ganito at nasasaktan din.
"L-let me explain first before you decide, love. Hmm?" puno nang pakikuusap ang tinig niya at bahagyang pumiyok pa. Ilang beses siyang lumunok at pinagdikit ang noo namin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang damhin ang init ng hininga niya maging ang lamig ng kaniyang palad. Gusto kong sulitin ang mga oras na 'to dahil alam kong pagtapos nito ay tapos na rin kami.
"You don't have to explain yourself. A-alam ko na."
"N-no. I'm ready to explain myself just be patient with me please, love? I know I hurt you and I f*****g hate myself for hurting you, my love. But please give me some time to fix everything before you decide." Nadurog ang puso ko nang marinig ang paghikbi niya. Dahan dahan niyang pinulupot ang braso sa bewang ko at mahigpit akong niyakap.
Unti-unti akong dinudurog ng bawat hikbing lumalabas sa bibig niya. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko at mabilis na nabasa ang parteng 'yon ng katawan ko dahil sa luha niya.
Mula sa natitirang lakas ko ay buong pwersa ko siyang itinulak. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa galit na namuo sa dibdib ko o sa panghihina niya pero madali ko siyang nailayo saakin. Idinuro ko siya gamit ang hintuturo ko habang ang isang kamay ay hawak ang dibdib dahil ramdam ko na ang hirap sa paghinga kasabay ng pagsikip ng dibdib ko.
"Maghiwalay na tayo." Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. Ang panibagong luhang naipon sa mata niya ay nahulog at paulit-ulit na may namuo.
"A-aezra." Sinubukan niyang humakbang pero agad akong umatras dahilan para tumama ang likod ng tuhod ko sa kahoy sa upuan. "Please. 'wag ka naman mag desisyon ng ganiyan," pakiusap niya.
Pinunasan ko ang mga luhang natuyo sa mukha ko at buong tapang na hinarap siya kahit na ramdam ko ang pagbabadya na naman ng panibagong bugso ng sa mga mata ko. Labis na naghihina ang tuhod ko sa paraan ng pagtingin niya.
"Umalis ka na. Maghiwalay na tayo," pinal na desisyon ko.
"Aez--"
"Umalis ka na. Maghiwalay na tayo," muling saad ko pero sa puntong ito ay wala nang makikitang emosyon sa mukha ko
"No, no, n-"
"Umalis ka na. Maghiwalay na tayo!"
He looked at me, begging. I shook my head and bit my lower lip to stop myself from spitting another word that I'll regret later. Sobrang sakit para sa'kin ang gawin 'to pero ni minsan hindi ko pinangarap na malagay ako sa isang sitwasyong kabit ako.
"We will fix--"
"Utang na loob! Akishiro umalis ka na!" Nanghihina akong umupo at parang batang umiyak. Yakap ko ang dalawang tuhod at humahagulgol nang maramdaman ko ang presensya niya papalapit sakanya. Nag-angat ako ng tingin at nagtagpo ang mga mata naming parehas na puno ng luha.
"I-if this is what my baby wants. O-okay." He slightly brushed my hands and lean closer to kiss my forehead. Pumatak ang ilang mga luha niya sa mukha ko at ramdam ko ang paggalaw ng balikat niya pero hindi ko pa man nasusulit ang huling sandali ay mabilis na siyang umalis sa harapan ko at walang paalam akong tinalikuran.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang pinagmamasdan ang likod niya papalayo. Tumigil ako sa pag-iyak upang makita ng maayos ang paglayo sa'kin ng taong mahal na mahal ko.
I always dreamt of having someone that I can hugged whenever I felt drained. He became comfort and that night I surrender myself to him is the most precious day that I would love to cherish until I die. Wala akong pagsisisi. Kahit na sabihin nilang naging kabit ako nang wala akong kaalam alam, ayon pa rin ang araw na paulit-ulit kong babalikan dahil nang gabing 'yon ay napatunayan niya saakin na mahal niya talaga ako.
Alam kong pagsisisihan ko ang ginawa kong pagtataboy sakanya pero diring diri ako sa sarili ko. Ni minsan hindi ko pinangarap na maging kabit at kahit kailan hindi ko gugustuhing sumira ng isang pamilya dahil lang sa nagmahal ako.
Dahil kung ako papipiliin. . . Hindi ko rin gustong mangyari sa akin 'yon.
"A-aezra." Nag angat ako ng tingin kay Macky na ngayon ay lumuluhang nakatingin saakin. Astang yuyuko muli ako pero gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang may dugo siya sa damit at mga kamay.
Malakas na kumabog at dibdib ko at tumayo upang pagmasdan siya ng maayos. Nagtama ang paningin namin at mabilis na nagtubig ang mata niya.
"Na-naaksidente si Hira."
'Yung kaninang tapang ko habang pinapaalis si Akishiro ay nawala. Para akong kandilang naupos habang paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang sinabi niya. Walang ma-absorb ang utak ko sa mga nangyayari until I met my sister laying in the stretcher while bathing on her own blood.
Puno ng dugo ang katawan niya at may mga sugat sa katawan, halos hindi ko rin makilala ang mukha dahil sa puling likido na nakabalot sa mukha niya mula sa umaagos na dugo sa kaniya ulo. Kagat ko ang labi habang humikbi at tahimik na sumisigaw sa isipan, gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito. Na hindi totoong nadisgrasya ang kapatid ko, maging ang paghihiwalay namin ni Akishiro pero nakakapagod din palang magsinungaling sa sarili.
Pakiramdam ko ang pag ikot ng paningin ko hanggang nagdilim ang paligid. Rinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na nainintidihan pa dahil agad bumigay ang katawan ko.