16

2691 Words
They say time heals the wound. Sa paglipas ng oras ay kasabay no'n ay ang paghilom ng sugat na tanging oras at panahon lang ang makakapagdikta kung tunay ngang magaling at malaya ka na but in my case, it took me years to understand what healing is. It is not about being able to function again the way you function before that traumas and pain inflicted to you. It is not about forgetting and forgiving. Nasanay lang ako. Nasanay ako na nandito at dala dala ko ang trauma pero hindi 'non nabago ang sugat na natamo ko. Siguro bukod sa pagkakaroon ng trauma ay 'yon ang pinakamahirap tanggapin. 'Yung gigising na sanay ka nang may mabigat na pakiramdam sa dibdib. 'Yung wala kang magawa kung hindi ang tumitig sa kisame magdamag dahil wala nang luhang mailabas. I was too tired to release my true emotions. I was too tired to be transparent because what's the point of showing what I truly feel if even a bit of pain would not vanished instantly. Nakakapagod mapagod. "Ate, gutom." Napatigil ako sa paggamot sa sugat ko sa tuhod nang magsalita ang nakakabatang kapatid ko, si Hira. Namumula ang ilong niya at halatang paiyak na, nakatingin siya sa akin nang may namumungay na mata habang ang gulo-gulo niyang mahabang pinong itim na buhok ay tumatakip sa kalahati ng mukha niya. "Hintayin natin si Mama, may dala siyang pagkain para sa 'tin." Ibinababa ko ang dinurog kong dahon ng malunggay na para sa sugat kong natamo matapos akong madapa habang pinapalo ako ng papa ni Hira. Madalas ay lasing ito at mainit ang ulo kapag nakikita ako. Si Hira naman ay hindi nito sinasaktan pero may pagkakataong nasisigawan siya kaya palagi ko siyang pinapatago sa ilalim ng lababo para magtago. Labindalawang taong gulang palang ako habang si Hira naman ay walong taong gulang. Ang tatay ko ay iniwan na kami ni Mama simula nang mabuntis siya sa 'kin kaya nag-asawa ulit siya at naging bunga no'n si Hira. Mahal ko ang kapatid ko kaya ginagawa ko ang lahat para hindi rin siya saktan ng papa niya kapag lasing siya. Napatigil ako sa pag-isip nang marinig ko siyang humikbi. Nagsimulang mahulog ang luha sa itim na itim niyang mata at nakangusong umiyak. Parang piniga ang puso ko nang mapagtantong gutom na gutom talaga siya. Sa oras na 'yon napagtanto ko rin na gutom na rin pala ako. Wala pa kaming kinakain simula kagabi. Nasanay akong tubig lang ang nilalagay sa tiyan tuwing gabi pero si Hira ay masyadong bata para matulog ng walang laman sa tiyan kaya sinisikap kong mamalimos at bilhan siya ng tinapay para tuwing walang dalang pagkain si Mama ay may maipapakain ako sa kanya. "Hira, wala nang natira sa pera ni ate, eh. Tiis muna, ah? Pramis kapag nakarami si ate bibilhan ka niya ng dalawang tinapay." Humikbi pa rin siya at mas lalong umiyak habang ang kanang kamay ay nakahawak sa tiyan. Nataranta ako nang biglang mag ingay ang pintuan na yero sa labas, tanda na nandyan na ang tatay ni Hira. Sinubukan ko siyang aluin dahil sa takot na marinig siya ng tatay niya at mapagalitan kami pero huli na dahil isang malakas na sampal ang tumama sa magkabila kong pisngi. Ang musmos kong katawan ay natumba sa sahig. Umalingawngaw ang mas malakas na iyak ni Hira na agad na yumakap sa akin habang nakatingin sa kanyang ama na galit na nakatunghay sa aming dalawa. Wala akong magawa kung hindi ang humikbi, dama ko ang sakit ng katawan habang inaalo si Hira sa takot na baka siya naman ang saktan. "Putangina patahimikin mo 'yan o mayayari kayo sa 'kin?!" Araw-araw ay gano'n ang eksena. Hindi lulubog ang araw nang hindi niya 'ko nasasaktan. Minsan iniisip ko kung nandito ba ang totoo kong tatay, sasaktan din kaya niya 'ko ng gano'n? May araw kayang wala akong bagong sugat? "Mama!" sigaw ni Hira matapos makita si Mama pagpasok pa lang ng bahay. Kakatapos ko lang maglinis ng buong bahay at maglaba kaya puno ako ng pawis. Pinunas ko sa mukha ko ang manggas ng damit at nagmano sa kanya. Tinanguan niya lang ako at nginitian ang bunsong anak. "Miss mo si Mama? May pasalubong ako sa 'yo anak!" masayang bati sa kanya ni Mama dahilan para mapanis ang ngiti ko. Pinagmasdan ko silang dalawa habang masayang pinapakita ni Mama ang mga bagong laruang binili niya para kay Hira. Hindi ako santo o anghel para hindi makaramdam ng galit at inggit. Inggit dahil kahit kailan hindi niya pinaramdam sa aking mahal niya 'ko. Galit dahil kahit alam kong bata ako ay hindi ko kailanman deserve na mangyari ang lahat ng ito sa 'kin. Nagplano na 'ko. Nakapagdesisyon ako ng gabing 'yon na maglayas at isama si Hira. Bata pa lang kaming dalawa pero hindi ko na kaya ang mga ginagawa sa 'kin ng tatay niya at natatakot akong baka pag-iwan ko siya at sa kanya naman lahat gawin 'yon. Tuwing naliligo ko ay nakikita kong may matang nakasilip sa butas ng yero na nagsisilbing pinto sa cr namin. Madalas ay pakiramdam ko ay malagkit ang tingin sa 'kin ng tatay niya at hindi ako komportable roon. "Shhh." Tahimik akong umiyak habang hindi makasigaw. Tanging madilim na mata niya lang ang nakikita ko sa madilim na silid at ang malamig na kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Nanginig sa takot ang buo kong katawan matapos niyang ilapit ang bibig sa mukha ko. Gusto kong sumigaw at magmakaawa. Ang kabog ng puso ko ang nakapagpahina sa akin ng mga sandaling ito. "'Wag kang maingay kung ayaw mong patayin ko kayong magkapatid." Si Hira. Tanging si Hira lang ang pumasok sa isip ko habang umiiyak. Nang gabing 'yon sa gitna ng kalsada habang magkahawak kamay kaming tumatakbo papalayo sa lugar kung saan naging impyerno ang buhay namin ay napagtanto ko na kahit isa pa lang kaming musmos na walang alam sa kalakaran ng buhay, kahit kailan ay hindi naging patas sa amin ang mundo. "Aezra!" I put a fake smile in my lips when I heard Lizelle, one of the greatest actress that put burden in my life called my name. Mabilis akong lumapit sa kanila ni Carms ng may pekeng ngiti sa mukha. "Po?" magalang na tanong ko. Ngumiti siya sa akin ng malaki at naglabas ng pera sa maganda niyang wallet na kulay puti. May mga disenyo pa 'yong kumikintab kaya halatang mamahalin. "Order us one cappuccino and latte for Carms, triple chocolate cake for me and cheesecake for my friend, and also—" "Are you okay?" Nag angat ako ng mukha matapos marinig ang mahinang tanong ni Carms. Nanlaki pa ang mata ko nang makitang sa akin siya nakatingin. Tinanong niya ba ako kung okay lang ako o guniguni lang? Nakatingin siya sa akin ng walang emosyon kaya hindi ko makita kung sincere ba siya o hindi. Dahan-dahan akong ngumiti at tumango, ang babaeng katabi naman niya ay takang nakatingin sa kanya na para bang may nagawa siyang mali. "Uh-huh? What's with your question, Carms?" she asked in disbelief. Napakamot naman ako sa batok. "Shut up, 'Zelle." Nag form ng 'O' ang bibig ko sa sinabi ni Carms. Burn! "Nevermind. I don't care rin naman. This is my card, natatandaan mo naman siguro lahat ng pinabili ko right?" Kukunin ko na sana ang card pero mabilis 'yong hinablot ni Carms at walang pasintabing pinalipad sa hangin para bang isa 'yong manipis na papel lang. Nakanganga ko siyang tinitignan habang si Lizelle naman ay nanlalaki rin ang mata habang nakatingin sa kanya. Carms looked at me with no emotion, nanibago ako sa paraan ng pagtingin niya. Halos lahat ng staff ay nakatingin na sa amin at hindi rin makapaniwala sa ginawa niya. "What the f?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Lizelle. Carms rolled her eyes and smirked. Napakasarkastiko ng dating no'n sa 'kin. "Shut up, 'Zelle. Use your f*****g hands and feet to buy your own foods and drinks. And you." Tinuro niya 'ko. "Follow me." At mabilis niya 'kong nilampasan habang tulala akong nakatingin sa kanyang likod. "How dare— grrr!" Hindi ko na pinansin ang pag aalboroto ni Lizelle at takang sumunod kay Carms. Nakita kong pumasok siya tent niya kaya sumunod ako kasi sabi niya follow me raw, 'di ba? "Can't you walk a little faster?!" Halos matalisod ako papasok nang sumigaw siya. Madali akong pumunta sa harapan niya habang nakaupo siya sa itim na couch na nakapwesto malapit sa fridge. Nilibot ko ang paningin sa paligid at inamoy ang hangin. Amoy mamahalin lalo na ng mga mamahaling gamit. Ito ang pangalawang beses na makapasok ako sa kwartong 'to matapos kong natapunan ng juice ang damit niya. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang eksenang 'yon kasi pa'no ba naman?! Akala ko anghel ang ugali nuknukan naman pala ng taray. Ipinokus ko na lang ang paningin kay Carms na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa'kin. Magkakrus ang mga braso niya habang prenteng nakaupo sa malambot na couch. "Bakit ba?" walang ganang tanong ko. She shook her head in disbelief and looked at me from head to toe. Bahagya naman akong na-awkward sa paraan ng pagtingin niya. "I said are you okay?" pag-uulit niya ng tanong kanina. Tamad naman akong napabuntong hininga at tumango. Ano bang nakain nito at nagkaganyan? "Did Aki already called or reach out to you?" Doon nabuhay ang interesado kong utak. Tumitig siya sa akin at nag-aabang ng sagot. Mapait akong napangiti at umiling. Pinagkutkot ko ang kuko sa daliri habang inaantay ang reaksyon niya. Matapos akong gabing 'yon akala ko pupuntahan ako ni Akishiro. Maski ngayon sa set ay naka-leave siya. Naka ilang tawag na rin ako kagabi pero hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Nag-umpisa na akong mag-alala pero nang tawagan ko si Kuya Talcott ang sabi niya okay lang daw si Akishiro at may kailangan lang asikasuhin. Hindi ko mapigilang masaktan. Ang sakit lang kasi hindi manlang niya 'ko tinignan kung maayos lang ba ang lagay ko o kamustahin manlang. He vanished like a bubble without leaving any message. I chose to understand him but a part of me is nagtatampo. Gusto ko siyang makita at mayakap nang gabing 'yon pero iniwan niya 'ko. "H-Hindi niya pa 'ko kinakausap simula kagabi no'ng umalis siya. N-Nakausap mo ba s-siya? Kamusta naman? Wala namang masamang nangyari, 'di ba?" I felt my eyes watered. Para ring may bumara sa lalamunan ko habang nag aabang nag sagot niya. Gusto kong matawa dahil parang dati lagi kaming nagtatarayan pero ngayon ako na nagtatanong sa kanya ng tungkol kay Akishiro. "He is . . . fine . Yes, he's fine," she said, like she's convincing herself. "Nasaan siya? Gusto ko makita," pakiusap ko pero iniwas niya lang sa 'kin ang tingin niya at kinagat ang pang ibabang labi na para bang pinipigilan ang sariling mag salita. Naging balisa rin ang mga mata niya at hindi makatingin ng maayos sa 'kin. "He's busy, inaasikaso niya ang company ni Tito so baka mag leave siya for a . . . month? I don't know but he can make time for you naman if he can." Sarkastiko akong tumawa at pinunasan ang luhang hindi ko namalayang bumagsak na. "Masyado siyang busy kaya hindi niya manlang ako matawagan? Gano'n siya kabusy? Bakit ikaw? Natawagan ka ba niya kaya alam mo lahat 'yan? Wala na ba 'kong halaga sa kanya kaya gano'n na siya? Carms, mahirap bang mag-reply kahit isang beses lang para sabihin niya kung anong nangyayari kase putangina wala akong kapangyarihan para alamin kung anong nangyayari sa kanya." Wala akong pakialam kung anong maging reaksyon niya sa pagiyak ko. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko walang pakialam sa akin si Akishiro. Takot na takot ako kagabi. Nagmakaawa akong 'wag siyang umalis pero anong ginawa niya? Tumakbo pa siya papalayo. "B-Bakit? Paano ako? Ikaw isang tawag mo lang sa kanya sumama agad siya sa 'yo, ba't ako kailangan pang magmaakawa?" Hindi ko alam kung may sapat na rason ako para sumbatan siya pero wala akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang ilabas ang sama ng loob ko. "H-He's busy. M-May mga kailangan lang s'yang i-priority. I'm sure he'll make it up to you once everything is done," she whispered while looking at me, as if encouraging me to believe her. "And I'm not his priority, right?" I replied and sobbed. I cried while she's just looking at me, didn't know what to do. Unti-unting kumikirot ang puso ko sa bawat segundong lumipas. Pakiramdam ko hindi ako mahalaga. Pakiramdam ko hindi ako priority ng kahit sino. "Aezra. I'm sure may rason siya. M-May kailangan siyang gawin a-and sa ngayon mahirap i-explain." Napayuko siya habang kagat ang labi. Parang may kumurot sa dibdib ko nang ma-realize kung gaano ka-selfish ang sinasabi ko. Gustong-gusto ko siyang intindihin pero pa'no naman ako? Nasasaktan din ako at hindi ko alam kung pa'no maalis itong nararamdaman ko. "M-May alam ka ba kung nasaan siya?" tanong ko matapos kumalma. Ramdam kong maga na ang mata ko kakaiyak at namamanhid 'yon. Nagsimula na namang mag tubig ang mata ko matapos makitang tumango siya. Sa oras na 'to napuno ako ng inggit. Ako ang girlfriend pero siya ang nakaalam ng tungkol kay Akishiro. Ng lahat ng nangyayari sa kanya. Sobrang liit ng tingin ko sa sarili ko sa mga oras na 'to dahil wala akong magawa kung hindi maghintay lang. Gusto kong umiyak at sumbatan siya dahil pinaparamdam niya sa akin na hindi ako mahalaga. Bago pa lang kami at alam kong mas may malala pang pagsubok kaming pagdadaraanan pero ngayon pa lang ay nagdududa na 'ko sa sarili ko at relasyon namin. Kaya kong ibigay ang lahat 'wag niya lang akong iwan pero sapat na ba 'yon sa kanya kung ngayon pa lang hindi na niya 'ko mapagkatiwalaan sa bagay na 'to? "Carms." Gulat kaming napatingin sa direksyon ng pintuan matapos no'ng bumukas at iluwa si Kuya Talcott. Mula sa layo namin ay ramdam ko ang kaba at takot na nararamdaman niya dahil sa emosyong nakikita ko sa mga mata niya. Nanlabo ang mga mata ko matapos siyang makitang naghahabol ng hininga habang nakatingin sa 'ming dalawa ni Carms. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas. Hinahanap ko ang boses ko pero sa oras na 'to parang tinutupok ng apoy ang tuhod ko dahilan para unti unti akong manghina sa kinatatayuan ko. "We have to leave now. Nagkalat na ang mga media sa labas." Hindi na napigilan ni Carms na magtaka at tumayo siya sa kinauupuan at tulad ko, naguguluhan sa mga nangyayari nang marinig ko ang ingay ng mga tao sa labas. "Why? Is there something wrong?" I remained silent while listening to both of them. Wala akong lakas para makialam pa. "T-They now knew," nanghihinang bulong ni Talcott pero nakaabot sa pandinig ko at hindi nakatakas sa 'kin kung paano niya ako nanlulumong tinititigan. "f*****g media!" Gulat akong napatingin kay Carms. Galit ang itsura niya at nawala na ang kaninang kalmadong emosyon na ipinapakita niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang tinapunan niya rin ako ng nag-aalalang tingin. Pakiramdam ko sobrang nakakapanghina ang tingin nilang dalawa. Gusto kong magtanong pero patuloy lang silang walang imik na nakatingin sa 'kin. I bit my lower lip and swallowed the lump in my throat. I could feel the fast beat of my heart inside me. I couldn't control my tears as it continuously streamed down my cheeks. "A-Anong nangyayari?" nanlulumong tanong ko at pumiyok. Hindi sila sumagot at parehas nag-iwas ng tingin. Iling-iling akong tumawa ng sarkastiko at lumabas ng tent. Napako ako sa kinatatayuan nang makitang napakaraming tao sa labas. Lahat sila may dalang mga camera at microphone, halos mabulag ako nang magsimulang mag-flash ang camera sa harapan ko. Wala akong magawa kung hindi ang takpan ang mata sa nakakabulag na ilaw na dinudulot nila. "Ma'am nandiyan ba si Miss Carms sa loob ng tent?" "Isa ka po ba sa PA ni Miss Carms? Totoo po bang dalawang taon na silang kasal ni Akishiro Zolaire?" "Ma'am! One question lang po. May napapansin po ba kayong kakaiba kapag magkasama sila?" Ang mga tanong nila ang unti-unting nagpahina sa tuhod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD