15

1774 Words
Nakapila na kami sa likod ng stage pero hindi pa rin nag rereply si Akishiro. Ilang beses akong napabuntong hininga habang inaantay ang paglabas ng bawat candidate ilang minuto na lang. Tumingin ako kay Macky na ngayon ay proud na nakatingin sa akin habang magkasiklop ang mga kamay. Binigyan ko siya nang isang ninenerbyos na ngiti bago magpakawala ng buntong hininga at maglakad. We can do this, Aezra! When I walk out of the backs stage, the place resonated with applause. Their proud smiles while looking at me made my heart flutter with happiness. I could hear the crowd's noise cheering my name and, with a smile plastered in my lips trying to suppress the nervousness inside me, I stood with oozing confidence and walked like I owned the runway. Just like the roughness of the pathway, you may experience a rough day in your life. Nothing would be as simple as eating a slice of cake; nothing would be accomplished without effort and inspiration from those around you. Above was the gray sky and the moon that kept on shining. Around it was like a ring-light that reflected the brightness of the moon. How could I say that the moon is connected to our lives? Just like the moon, the way you show yourself to other people, the way you introduce yourself with your different personality, somehow reflects those things in reality and how people look up to you, just like how you see yourself, just like how the moon has its own reflection that is brightly as its true beauty. "Aezra Maux Yrane, 21!" I uttered and smiled at the audience. I almost giggled at the crowd and smiled wider when I met the only man who believed me. The reason why I'm standing in front of the crowd Akala ko hindi siya makakaabot, pero heto siya ngayon at nakatayo sa harap ng dagat na mga tao. His chocolate eyes were not leaving my gaze. Our eyes locked up to each other, and when I felt my heart pounding with his intense stare, despite the noise from the crowds, I knew that I was undeniably falling in love with Akishiro Zolaire. Hindi na ako makakaahon, huli na para sabihing malulunod ako dahil alam kong matagal na akong nalunod. Siya lang ang taong nagparamdam sa'kin na hindi ko na kailangang magsinungaling sa sarili ko. Na kahit pekein ko ang lahat sa akin, siya lang ang tanging makakakilala dahil ganoon niya 'ko kakilala. Siya lang ang nagparamdam sa akin na kahit balutin ako nang madilim na kalangitan ay magsisilbi siyang buwan para iparamdam sa akin na hindi ako nag iisa, para iparamdam sa akin na kahit kailan may isang taong handang tumabi sa akin sa mga oras na maski sarili ko ay hindi ko maintindihan. "Ladies and Gentlemen, our beautiful Candidates for Ms. Divisoria 2022!" the emcee cheerfully said and the audience released more noise and cheered for their chosen candidate, but all I could hear was the deafening sound of my own heartbeat. "Oh my ghad! Oh my ghad!" Halos tumili ako nang makabalik kami sa backstage para magsuot naman ng swimsuit, sobra akong kinakabahan lalo na nang makita ko si Akishiro! Owemjii talaga! "Calm down, Aezra. Naalala mo 'yung tinuro ko sa 'yo?" pagpapakalma sa akin ni Macky pero hindi ko kaya! Oh my ghad talaga! Dali-dali nila akong pinagpalit ng damit, napatingin ako sa ibang candidate at nagulat nang dito sila mismo naghubad at nagsuot ng swimwear! Shuta talaga! "Dali, hubad na aalis kami." Kahit nahihiya ay sinuot ko ang red one piece na binigay sa akin ni Macky, hapit sa katawan ko 'yon habang ang likuran naman ay may paekis at may kaunting balat na expose sa tiyan. Ilang beses akong napalunok habang tinitignan ang sarili sa salamin at nakapila na. Naglakad muli kami sa harap ng stage at nag-model, gano'n na lang ang pangungunot ng noo ko nang makitang isa sa mga judge ng gabi ay si Carms at Akishiro! Sa likod naman nila ay si Kuya Talcott na nakangisi sa akin! Bakit parang wala akong narinig na in-announce 'yung pangalan nila?!! Kahit nahihiya ay pinilit kong tumayo ng normal habang inaantay na ako naman ang tanungin matapos ang ikatlong candidate. Nanginginig ang tuhod ko sa lamig lalo na sa nanunusok na tingin ng lalaking nakaupo sa baba ng stage. Hindi ko alam kung natutuwa ba siyang makita akong nakaganito o ano! Nang magtama ang paningin namin ay wala man lang siyang kaemo- emosyon! "Okay for candidate number 3, step forward so the judges can clearly see you and ask you a question." Dahan-dahan akong lumakad paabante hanggang sa ilang metro na lang ang layo ko mula sa kinauupuan ni Akishiro. Ang mga tao ay naghihiyawan pero agad ding pinatahimik, nagtama ang mata namin ni Carms na agad naman akong pinagtaasan ng kilay. Hmp! "So, here's your question candidate 3." Napalunok ako nang magsalita si Akishiro. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko dahil sa matalas niyang tingin. "What would you choose, family or love?" he asked that using his husky voice. Hindi ko alam kung sinasadya pero parang natural lang sa kanya. Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti bago sumagot. "I'll choose family, of course. Love could be different in many forms. It could be family love, puppy love or one true love. But above of this all, your family is the only one who will offer you a love that will long last, iwan ka man ng lahat, your family would never get tired of comforting you in times like that because the center of that relationship is love, maybe some of you didn't have the opportunity to be with your parents or siblings but you don't have to be blood related just to be called family." "Sometimes, these people, friends or even your partner, are the ones who give you comfort and that's what family is for." Bawat salitang binabanggit ko ay hindi nawala ang atensyon sa akin ni Akishiro. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang ang isang kamay ay pinaglalaruan ang isang itim na ballpen. Saglit akong humugot ng malalim na hininga at ngumiti ulit bago tumingin muli sa direksyon niya. "They are the one—" Umingay ang paligid matapos kong makita ang taong nasa likuran ni Akishiro. Naglikha ang kakaibang ingay ang pagbagsak ng mikropono pero tila nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ang malamig na tingin ng taong matagal ko nang sinusubukang ibaon sa limot. Nakasuot siya ng itim na damit at malawak na nakangisi sa akin dahilan para makaramdam ako ng takot at kaba kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin. "Candidate number three?" pagtawag sa akin ng emcee pero wala ako sa katinuan para maproseso ang sinasabi nila. Narinig ko rin ang pagtawag ni Akishiro pero para akong isang batang takot na tumakbo papasok muli ng stage habang tinatawag nila ako. Nagsimulang tumulo ang luha ko nang magbalikan sa akin ang mga ala-ala ng gabing 'yon. 'Yung ngiti niya. Kung paano niya 'ko hinawakan, Kung paanong ang labing 'yon ay pumatak sa katawan ko. Lahat nang 'yon bumabalik sa alaala ko na para bang ngayon lang nangyari. Yakap ko ang sarili habang umiiyak, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sa mga oras na ito ay hinihiling ko lang na makalayo sa kanya. Ilang gabi kong pinagdarasal na mawala na ang takot na nararamdaman kong ito pero hindi ko akalaing makakaharap ko na agad siya. "Aezra!" Napasigaw ako nang may humawak sa braso ko. Takot na takot sa hawak na 'yon pero nang makilala si Akishiro ay agad kong ibinaon ang ulo sa dibdib niya at doon umiyak. Pakiramdam ko ay nasa ligtas na lugar ako habang ang bisig niya ay mahigpit na nakayakap sa akin. "Babe, I'm here. Hindi kita iiwan," he whispered repeatedly but I continue weeping. "Natatakot ako," paulit ulit ding sumbong ko, hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at inilayo ng kaunti ang mukha sa akin para magkaharap kami. Kita ko ang halo ng pag-aalala at taka sa mga mata niya "Calm down, babe. Nandito lang ako hindi kita iiwan. Let's go inside—" "Aki, you have to come with me." Sabay kaming napalingon kay Carms nang makitang humahangos din siyang lumapit sa amin kasama ang mga bakla na nag-aalalang lumapit sa akin. Niyakap nila ako ng mahigpit dahilan para maiyak na naman ako. Sobrang nipis ng suot ko kaya ramdam ko ang malamig na hangin dito sa labas hindi pa nakatulong sa nakita ko kanina. "Carms, go home. Magpahatid ka na lang—" "f**k! Aki, I said you have to come with me!" Pare-pareho kaming nagulat nang sumigaw si Carms dahilan para lumuwag ang hawak sa akin ni Akishiro. Takot naman akong hinawakan siya ng mahigpit, sa ngayon siya ang kailangan ko. Natatakot ako sa pwedeng gawin sa akin ng lalaking 'yon. Akishiro looked at me with his concerned eyes. "Bakit?" malumanay na tanong ni Akishiro, nakahinga ako ng maluwag nang hindi niya ako binitawan. Sinisinok-sinok pa ako habang hindi talaga hinahayaang maalis sa kamay ko si Akishiro Kumunot ang noo ko matapos makitang nagtititigan si Carms at Akishiro na tila ba nag uusap sa pamamagitan ng mata, ilang segundo lang ay bigla na lang akong binitawan ni Akishiro at hinawakan ang dalawang balikat mi Carms habang ang mga mata ay nagtatanong, nagpupuyos sa galit. Sinubukan kong hawakan uli si Akishiro pero bigla na lang siyang humarap kay Macky at hinubad ang suot na polo at binalot sa 'kin. "Take care her, babalik ako—" "Dito ka lang please," pakiusap ko habang nag uumpisa na namang umiyak, hindi ko alam kung magiging kampante ako ngayon gabi lalo na wala siya sa tabi ko. He looked at me with mixed emotions, his eyes were not leaving my gaze as if he was trying to explain something that he couldn't utter. He tried to open his mouth but no words were coming out. Lalo akong napaluha. "I love you," tanging naisagot niya at hinalikan ako sa noo bago tumakbo papalayo. Nanlulumo akong napaiyak at napaupo na lang sa panlulumo. "Akishiro!" sinubukan ko siyang tawagin pero hindi na niya ako nilingon, nagtama ang mata namin ni Carms at hindi ako makapaniwalang may nakikita akong awa sa mga mata niya. She inched our gap and remove her pink scarp from her neck and put it around my shoulder. Inayos niya ang buhok ko at pinakatitigan ng mabuti, kagat ko naman ang labi habang humihikbi. Muli siyang bumuntong hininga at nilapit ang bibig para bumulong ng mga salitang tuluyang nakapagpahina sa mga tuhod ko. "He's not always available for someone like you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD