"Aki, doon ka na nga. Kapag may nakakita sa 'yo dito, lagot ka!" asik ko kay Akishiro pagkatapos niyang umupo sa harapan ng pwesto namin. Hindi niya ako pinansin at kinuha pa ang pambugaw sa mga langaw para magbugaw. Inis akong nagpamewang sa harapan niya.
"Babe, no one will recognize me." I saw him smile even though he had his mask on his face.
"Sa tingin mo 'di ka mapapansin? Ikaw lang ang tindero rito na naka-mask! At saka 'yung suot mo. Bakit nagsando ka lang? Kita mo ba kung paano tumingin sa 'yo 'yung mga mamimili? Lahat sila nakatingin sa biceps mo!" sermon ko. Tawa-tawa lang siyang tumingin sa 'kin habang nakikinig kaya napanguso ako.
"It's okay. After All, this is yours." He smirked when he saw me blushed.
"Landi," bulong ko at umupo na lang sa tabi niya. Kahit na tirik ang araw at amoy isda na 'ko ang bango niya pa rin! Lord, bakit ang unfair?!
"Baka masinghot mo 'ko ng buo," puna niya matapos kong amoyin ang balikat niya.
"Wooshoo, wooshoo." Gulat akong napatingin kila Tracey nang bigla silang mag-ingay. Umakto silang nagtataboy ng langaw kahit wala naman. Baliw.
"Mainit?" Hindi ko sila pinansin at tinuon na lang ang pansin kay Akishiro na ngayon ay pinagpapawisan ang noo. Ang init kasi tapos naka mask pa siya.
"No," he replied casually.
"Ayyyyyh! Aezraaaaaa!" Napatalon ako sa gulat nang makita si Kap Bingoy na tumatakbo sa pwesto ko habang may hawak pang batuta. Pati si Akishiro ay napatayo dahil sa ingay niya at ang ibang namimili naman ay napatingin sa gawi namin.
Pinagmasdan ko siya habang hingal na hingal siya kakatakbo. Pawis na ang panot niyang ulo na may kaunti na lang buhok, kinulayan pa 'yon ng halong pink at puti habang ang suot naman niyang damit ay daster pero naka vest.
"Ano na namang kailangan mo sa alaga ko?" bungad ni Macky na hindi ko namalayang nasa gilid ko na. Hindi pa rin niya 'ko pinapansin kaya hindi ko akalaing siya ang haharap kay Kap na isa sa sugo ng grupo nila.
I mentally laughed.
"Baklaaaaa!" Nagtatalon si Kap habang nakahawak ang dalawang kamay kay Macky, kaming dalawa naman ni Akishiro ay nagtakang nakatingin lang sa kanila.
"Baaaaaaaklaaa!"
"Putragis, nahihilo na 'ko!" singhal sa kanya ni Macky kaya napatigil siya at unti-unting tumingin sa'kin pero hindi nagtagal 'yon dahil napunta kay Akishiro ang atensyon niya. Kunot-noo rin siyang pinagmasdan ni Akishiro at bahagyang dumikit pa sa akin nang makitang malagkit ang tingin sa kanya ni Kap. Bakla!
"Hoy, ano na bang chika at tanghaling tapat nag-e-eskandalo ka?" singit ni Tracey na nasa tabi ni Beng-Beng. Magto-tropa sila pero kahit gano'n may respeto pa rin sila kay Kap.
"Ayon na nga!" Napatalon siya at may naalala. Para siyang kinikiliting lumapit sa akin kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Don't touch her," banta ni Akishiro kaya agad siyang natigilan at napangangang humarap kay Akishiro. Napahawak siya sa dibdib na para bang nasaktan.
"Aba, wala akong gagawin kay Aezra dahil hindi kami talo ano!" nandidiring saad niya, pinandilatan naman siya ng mata ng lalaki dahilan para matawa ako.
"Oy, 'te, sabihin mo na kasi kung bakit ka nandito bago ka pa magulpi! Ay naku, balita ko malaki pa naman ang espada niyan!" Nanlalaking matang saway ni Tracey, kunot-noo namang tumingin sa akin si Aki, sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi niya naintindihan ang sinabi ni Tracey! Thank goodness!
"Oh, heto na nga. Letse, konti na lang parang pinapalayas niyo 'ko sa sarili kong barangay, mga putragis!" Inis siyang humarap sa'kin at maarteng tinarayan si Akishiro.
"Kasi sis!!! Owemji sis! Nagkulang ng isang kandidato sa Ms. Divisoria aaaaaaand there's more! Napilayan 'yung isa kaya hindi na makakasali! Kailangan na naming maghanap at may nahanap na kaming isaaa! Gustong gusto kong sumali kaso ang hinahanap nila ay 'yung may mga kabibe at hindi espada! Nang tiningnan ko naman ang criteria pasok aaaako! Pero hindi na ako sumali kasi alam kong maraming uuwi kaya ikaw ang naiisip ko! Ano? Sasali ka ba? Ililista na kita aah!" Napangiwi ako matapos niyang mag-rap, hingal na hingal siyang kumuha ng papel at panulat sa bulsa ng duster niya at nagsimulang magsulat ng kung ano roon.
"Hoy! Teka nga, pumayag na ba si Aezra?" Sa wakas nagtanong din! Agad akong umiling kay Macky.
"Ayaw ko, Kap. Mas qualified si Hira riyan," tanggi ko agad. Mabilis naman siyang umiling at sinunggaban ang mukha ko at hinawakan sa dalawang balikat.
"Get your hands off or I'll break every bones of your hand," malamig na banta ng lalaking nasa tabi ko. Gulat naman kaming napatingin sa kanya. Walang choice si Kap kung hindi ang humiwalay sa akin at takot na napaatras dahil sa madilim na tingin na ginagawad ng lalaking katabi ko.
"Aki . . ." pagpapakalma ko sa kanya at hinawakan ang kamay. Mahigpit naman niyang pinagsiklop 'yon at malalim na napabuntong hininga.
"Kap, hindi ko kayang sumali sa ganyan. Mas mabuti pa si Hira na lang, tatanungin ko siya mamaya," pilit ang ngiting saad ko.
Malungkot naman ang mukhang tumingin siya sa 'kin.
"Eighteen pataas ang qualified kaya hindi rin pwede."
Napakagat ako ng labi at tinignan ang mga kaibigan ko, alam kong lahat sila ay gustong-gusto akong pasalihin dahil ibig sabihin no'n sila ang mag aayos sa akin. Inangat ko naman ang paningin kay Akishiro na ngayon ay nag aantay ng sagot ko.
"S-Sige," sagot ko habang nakatingin sa mga mata ni Akishiro. Kita ko ang pagkislap ng mata niya habang dumidiin ang hawak sa kamay ko.
"Sasali ako," dagdag ko na nagpatili sa mga bakla.
"Okay, okaaaay! Sabi mo 'yan, ah? Ililista na kita!!! Yieeeeee ngayon pa lang sinasabi ko na mananalo ka! Hindi ka pababayaan nila Macky! Oh ano? Okay na tayo, ha? Mag-ready ka lang ng isang pair ng swimwear at long gown." Napailing ako nang mapagtantong problema na naman 'to. "Ako na pala bahala!" biglang bawi niya "Mag-ready ka na lang ng kasabihan mo at talent para mamayang gabi! Ikaw ang manok ko kaya galingan mo, ah?! Babuuush!" Napakamot na lang ako sa ulo habang tinitignan siyang maglakad papaalis, may iba pa siyang mga nakasalubong na kilala kaya pahinto-hinto at may mga kinakausap pa siya.
"Yieeeeeee!" tili ulit ng mga kaibigan ko, napatingin ako kay Akishiro na tahimik lang na nakangiti habang nakatingin sa akin dahil kita ko iyon sa mata niya.
"I want to come," he demanded. Ngumiwi lang ako at tinakpan ang tenga, nakakarindi ang tili ng mga bakla!
"Ako na bahala sa make up mo, sisiguraduhin kong plakado kang pupunta sa contest." Napahawak pa sa magkabilang pisngi si Tracey na para bang iniimagine niyang mine-makeup-an ako.
"Okay, ako naman sa lakad mo. Ayusin mo Aezra Maux dahil hindi ka pwedeng pumunta doon ng naka-longgown at maglakad na parang maton!" Nagtawanan sila sa sinabi ni Beng-Beng kaya napanguso ako, narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Akishiro kaya napairap ako.
"Mamaya na 'yan," singit ni Macky habang walang ekspresyon sa mukha pero kita kong masaya siya dahil kumikislap ang mata niya. "Marami nang mamimili, bumalik na kayo sa mga pwesto niyo."
"Masaya ka?" tanong ko kay Akishiro kasi kanina ko pa nakikita sa mata niya na masaya siya! Well, obvious naman na bakit pa ba ako nagtanong?!
"Yeah, I couldn't imagine you joining a pageant," he said that while grinning! Owemji! Naging manghuhula na 'ko.
"Bakit? Gano'n ba 'ko kapangit sa paningin mo at hindi mo 'ko na-imagine na sasali sa gano'n?" Nakapamewang ako sa harap niya at taas kilay na hinarap siya. Mahina naman siyang napaatras sa sinabi ko at natawa.
"Well." He then removed his mask and looked around to see if someone was staring but they were all busy looking at the stall. I suddenly became conscious!
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at pinaglapit ang mukha namin, naamoy ko ang mabango niyang hininga sa lapit ng mukha namin sa isa't isa! Ilang beses akong napalunok habang siya ay nakangisi lang habang pinagmamasdan ang mukha ko nang malapitan! Gusto kong hawiin ang mukha niya dahil natatakot akong may makakita pero wala akong lakas para gawin 'yon. Masyadong nakakapanghina ang presensya niya!
"I'm looking forward to seeing you wearing an elegant gown and of course . . . the swimsuit." Pabiro ko siyang hinampas pero mas lalo lang siyang natawa. Bastos!
"Come on, I know you can win this pageant, huh?" biglang bawi niya dahilan para lumundag sa tuwa ang puso ko.
"Puro ka pambobola! Magtinda ka na nga lang diyan."
"I'm serious."
"Oo na, 'wag mo na ipilit."
"What's oo na? I told you I'm serious about what I've said." Inis siyang tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.
"Naniniwala ako, okay?" malambing na saad ko at kinuha ang itim na mask sa kamay niya para isuot sa kanya. Nagtingkayad ako para maabot ko ang mukha niya, kunot pa rin ang noo niya habang nakatingin sa akin kaya sinubukan kong i-straight 'yon ng pabiro.
"'Wag ka ngang ganyan, pumapangit ka," biro ko at tumawa pero hindi manlang siya ngumiti. Hinangin na naman ang buhok niya dahilan para ilang beses akong mapalunok habang pinagmamasdan ng malapitan ang mukha niya.
"I love you," bulong niya dahilan para mangamatis ang mukha ko. Ilang beses na nagpabalik balik 'yon sa pandinig ko hanggang sa maramdaman ko ang dahan-dahang pag bilis ng t***k ng puso ko! Gusto kong magmura ng malakas dahil kita ko kung gaano siya kaseryoso habang binabanggit ang salitang 'yon nang nakatitig sa 'kin!
"I always do," dagdag niya. Napayuko ako matapos ang ilang segundo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ito ang unang beses na banggitin niya 'yon at gusto kong maiyak sa tuwa dahil alam kong totoo ang sinasabi niya. Nakikita ko sa mukha niya kung gaano siya kaseryoso sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Napaawang ang labi ko nang hawakan niya ang baba ko at mabagal na iangat para magtama ang paningin namin, panandaliang nawala sa pandinig ko ang ingay mula sa paligid at napalitan 'yon ng dumadagundong kong dibdib.
"MAGKANO KILO?"
FCK
FCK
FCK!!!!
"140 po," sagot ko sa ale matapos itulak si Akishiro palayo sa akin , hindi naman siguro kami ng kita ng ale, ' diba?! Tinignan ko si Akishiro na ngayon ay iling-iling na natatawa! Ang landi kasi, eh!
"Wala na bang tawad?"
"Meron po kung dadamihan niyo po ang bibilhin niyo," singit ni Akishiro na ngayon ay nakasuot na ng mask pero kita ko pa rin ang aliw sa mata niya. Napailing ako at napahawak sa dibdib. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang t***k ng puso ko, owemji, what if may sakit na 'ko sa puso?!
"Tatlong kilo, sige." Napapalakpak ako sa sinabi ni Ate at kinilo ang isdang binili niya. Si Akshiro naman ay busy sa pagsukli sa ale. Kinausap niya pa talaga na para bang close sila.
"Balik po kayo, ah?"
"Aba, oo naman, sige tisoy. Salamat."
Napailing ako habang inaayos ang ibang paninda.
"Gutom ka na ba?" Tumingin ako sa relo ko, 11:28 AM na.
"Not yet, ikaw?" he asked back.
I nodded.
"Gulay at isda na lang?" Hindi naman siya maarte sa pagkain e! Kahit ano ngang ibigay ko kinakain niya!
"Yes."
See?! Lahat kinakain niya kaya lab na lab ko 'to!
"Tubig or soft drink?
"Aezra Maux, I don't drink soft drinks," parang nauubusan na ng pasensyang sagot niya. Natawa naman ako. Isa rin 'yon sa pagkakapareho namin, hindi kami mahilig sa ano mang inumin maliban sa tubig.
Iniwan ko muna siya saglit at binilin sa mga bakla para pumunta sa malapit sa karinderya, doon kila Aling Den, hindi ganoon kalayo kaya nakarating agad ako at mabilis na bumili ng pagkain. Pagbalik ko ay nakita ko si Akishiro na may kausap sa phone, nakatagilid siya sa direksyon ko pero kita ko kung paano mangunot ang noo niya at pagdaan ng inis sa mata.
Dumaan ako sa harapan niya pero hindi manlang ako tinapunan ng tingin, nakanguso tuloy akong nag ayos ng kakainin namin. Sinadya niya pang pumunta sa kabilang kanto para hindi ko marinig ang usapan nila! Hmp! Sino kaya 'yon?
"Babe," pagtawag niya sa akin matapos patayin ang phone, walang emosyon ko siyang tiningnan at inabot ang plato na may lamang kanin, isda at gulay.
"Galit ka?" malambing na tanong niya. Hindi ko naman na siya pinansin at nagsimulang kumain. Bahala siya!
"That's . . . that's the organizer of the event I will be hosting," paliwanag niya. Bored ko naman siyang tinignan at tinanguan, nawalan na ako ng gana.
Pakiramdam ko may tinatago siya, hindi ko alam pero gano'n ko na siguro kasaulo ang ugali niya.
"Babe, pansinin mo 'ko," he demanded.
Malakas akong napabuntong bago nilunok ang pagkain at uminom na tubig habang siya ay nakamasid lang.
"Kumain ka na para makapag ayos ka na. Akishiro, may trabaho ka at 'yon muna ang unahin mo." I don't even know what I'm saying! Basta alam ko naiinis ako kasi hindi ko rin maintindihan ang sarili ko!
Tahimik lang siyang tumango at tinapos ang pagkain, mula kanina hanggang sa pagliligpit ng pagkain ay hindi kami nagpapansinan. Pinagmamasdan ko siyang ayusin ang gamit sa bag niya habang nag aagiw ng langaw kahit wala naman. Nakaramdam ako ng guilty! Napakasama ko para palungkutin ang isang Akishiro Zolaire.
"I'll go now," malamig na paalam niya kaya hindi na ako nakatiis at tumayo para yakapin siya, ramdam ko ang paninigas niya sa kinatatayuan pero nakabawi rin. Mabigat ang pagbuntong hininga niya at ginantihan ang yakap ko.
"You're not mad anymore?" he asked, almost whispering.
I shook my head.
"Really?" paniniguro niya.
"I love you," bulong ko para matapos na. He planted a kiss on my forehead.
"Good luck mamayang gabi, I'll try my best to attend. Babe, I know you're a bit nervous but trust me, you can do this hmm?" I bit my lower lip to stop myself from smiling.
"Win or Lose, you're my queen."
Pinagmasdan ko siyang mawala sa paningin ko at napabuntong hininga nang ma-realize na hindi ko pa pala alam ang gagawin ko para mamaya! Maaga kaming nagsara ng pwesto para maghanda dahil alas-otso raw ang start ng pageant. Kailangan ko ring mag ensayo para sa talent portion at question and answer. May bikini model pang magaganap kaya hindi ko alam kung sapat ba ang kapal ng mukhang mayroon ako para magsuot ng gano'n!
"Okay, chin up and stand with confidence. Ayan, ayusin mo ang paa mo para kang pike! Jusmiyo, i-straight mo o kukuha ako ng plantsa? Ayan, ayan! Ganyan tapos uhm! Tingin sa harapan! Isipin mo na kaharap mo si Akishiro at gusto mo siyang akitin, hindi ganyan! Para ka namang nagpapabebe, eh!" Napakamot ako ng ulo habang sinusunod ang gusto ni Beng-Beng. Ngalay na ang paa ko dahil sa higheels na suot. Hindi ito ang unang beses ko na sumuot no'n pero hindi naman madalas! Mas gusto ko pa rin mag sapatos na lang o sandals!
"Oh 'yung paa mo kanina pike ngayon sakang na! Ayusin mo nga at beauty pageant ang sinalihan mo at hindi Mr. Pogi!"
"Ikaw kaya gumawa?!" Tuluyan na kong nainis. Ang hirap kasi!
"Hoy, 'wag mo kong sisigawan baka nakasalalay scholarship mo rito?"
Right.
Hindi lang ako sumali para magpa-impress kay Akishiro. Handa na sana akong umatras kanina pero isa sa mga premyo ay scholarship ng isa sa mga university, maaari na akong makapag-aral nang hindi iisipin ang gagastusin sa sarili ko, kay Hira na lang.
"Oo na," nakangusong saad ko.
Inabot ng ilang oras bago kami matapos sa pag-practice maglakad at sa ipapakita kong talent, kakanta lang ako. Ilang beses akong nagtangkang mag-text kay Akishiro pero pinigilan ko ang sarili ko, doble ang kaba ko dahil alam kong manonood siya at natatakot akong mapahiya lalo na sa kanya.
Alas siyete na nang pumunta kami sa backstage para mag ayos. Kabado ako habang suot-suot ang royal blue dress na may slit sa gilid, na-e-expose ng kaunti ang hita ko dahil doon kaya hindi ako masyadong komportable.
"Hoy, 'te, smile ka nga! Mukha ka na namang natatae diyan!" puna sa akin ni Tracey habang inaayusan ako ng make up. Alanganin akong ngumiti habang pasulyap sulyap sa phone. Isang oras na lang mag-i-start na wala pa rin si Akishiro.
"Si papi ba inaantay mo? Nagsabi ba na pupunta siya?" I nodded. "Oh ayon naman pala. Isa sa mga pinaka busy sa buong mundo ang jowa mo! Kaliwa't kanan ba naman ang shows at dinig ko pa nga na may isa pa siyang project na kasama si Carms." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Saan mo naman nabalitaan 'yan?" pikit-matang tanong ko habang may in-a-apply siya sa mata ko na kung ano. Hindi ko alam! Wala akong alam sa makeup.
"Aba, 'te! Baka artista 'yang jowa mo! Sikat na sikat, ano sa tingin mo saan nanggaling ang balita?" Napanguso ako sa sinabi niya. Sabagay. . . pansin kong laging mukha ni Akishiro ang nakikita ko sa T.V. tuwing commercial. Hindi ako mahilig manood sa telibisyon pero dahil sa kanya nag aabang ako palagi na ipakita ang mukha niya. May pagkakataon pa ngang ine-record ko 'yon sa phone.
"Sige, ayan. Mukha ka nang tao! Smile at nang hindi ka jombagin ni ate mong Macky dahil 'yang aura mo pang patay!" Muli pa niyang pinasadahan ang kinulot kong buhok at maliit na silver na tiara sa ulo ko. Napangiti ako matapos makita ang itsura sa salamin, ngayon ko lang nakita ang itsura ko na nakaganitong ayos kaya naninibago ako. Sa oras na 'to ay hinihiling kong sana nakikita ako ni Akishiro.
"Ang ganda naman niyan, pwede ko ba 'yan pakasalan?" biro ko habang nakangiting nakatingin sa salamin.
"Oh. My. Gaaaash! Bakla! sino 'yang diyosang 'yan?! Saglit lang akong nawala, binasura niyo na agad si Aezra! Nasaan na siya?!" Nagpanggap pang naghahanap si Beng-Beng sa akin at nanlalaki ang matang pinasadahan ang itsura ko. Na-concious tuloy ako bigla!
"Mama mo Aezra, ang gaga tinapon ko na at trinansform sa diyosa! Oh pak, kita mo 'yan." Iniangat ni Tracey ang baba ko habang tumatawa "Hindi na mukhang maton."
Nagtawanan silang lahat kaya kahit naiinis ay natawa rin ako.
"You look good." Napatuwid ako ng upo nang biglang magsalita si Macky, naging awkward tuloy dahil pati ang dalawang bakla ay natahimik.
"Oh siya, out na muna kami ah? Hoy Aezra!" Dinuro ako ni Tracey. "'Wag kang iiyak, ah?! Subukan mo lang sirain ang make up mo at papapulahin ko ang mukha mo gamit ang palad ko!" Napailing na lang ako sa kadaldalan ng bibig niya bago muling sulyapan si Macky na ngayon ay hindi makatingin sa 'kin ng diretso. Hindi ako sanay sa ganito. Mas gusto kong pinapangaralan niya na lang ako sa mga bagay-bagay kaysa hindi kami magkibuan.
"I said you look good," pag uulit niya at pumunta sa likod ko, pinagmasdan niya ang mukha ko sa salamin at tinignan ko naman siya mula rin doon.
"Wow english," biro ko at mahinang natawa kaya napangiti rin siya at pinisil ang balikat ko.
"I'm sorry," bulong niya habang nangingilid ang luha. Napakagat naman ako nang labi at iniwas ang tingin nang mamasa rin ang mga mata ko.
"N-Natatakot lang ako para sa'yo." Bigla na lang siyang humagulgol kaya napatayo na ako at yumakap sa kanya . Pigil ko ang hikbi habang hinihimas ang likod niya.
"Shhh, okay na. Sorry rin. Sorry, Mack." Napatingala ako nang tuluyan nang tumulo ang luha sa mata ko. Sandali pa kaming nag-iyakan bago maghiwalay, parehas basa ng luha ang pisngi namin pero kumpara sa akin ay mas mugto ang mata ni Macky. Takot ko lang kay Tracey!
"Pasensya ka na, ah? natatakot lang talaga akong masaktan ka pero si A-Akishiro. Nangako siya sa akin na hindi mangyayari 'yon." Kumunot ang noo ko. "Alam niyang nagkasagutan tayo dahil napansin niyang hindi tayo nagkikibuan. Kinausap niya ako at noong una hindi ko siya pinansin pero ang sabi niya kung tungkol ba sa inyong dalawa ang napag-awayan natin, nangako siyang kung pagkakatiwalaan ko siya ay hinding hindi niya sasayangin 'yon at papahalagahan ka niya tulad ng pagpapahalaga mo sa kanya." Kagat ko ang labi habang nakikinig ako sa kanya. Lahat ng kabang naramdaman ko ay napalitan umaapaw na saya.
Mahal na mahal din kita, Akishiro.