Buong biyahe pauwi, puro lang siya pang-aasar sa akin para pagaanin ang atmosphere, pero pag siya naman ang inaasar, sobrang pikon! Hindi ko nga alam kung paano kami magkakasundo nito ng matagal, basta alam ko lang ay hindi lang maliliit na problema ang maaari naming harapin sa mga susunod na araw.
"Good night, pochi!" ngisi-ngisi kong paalam sana kay Akishiro, pero namumula lang niyang iniwas ang mata.
Natawa ako.
Kanina ko pa kasi siya inaasar sa byahe, my ghad! I was shocked when he mentioned about callsign! naririnig niya raw kasi 'yon sa mga katrabaho niyang artista and he wants us to have a unique endearment.
"Aezra," ayon na naman 'yung nagbabanta niyang tinig.
"Oh? Aalis ka na diba. Ingat ka. Mamahalin pa kita!" maligalig na paalam ko kaya napatawa siya. He opened his arm, and I immediately embrace him. I sighed heavily as I felt his arm enveloped me. Buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pagiging kontento.
Pwede pala 'yon, 'yung mayakap mo lang siya, ayos na. Ang sarap kalimutan ang lahat at maging masaya na lang, pero alam kong imposible.
"Goodnight, lock your door and check if everything isn't suspicious. Don't turn off your phone, I already put my number in your emergency contact. I want to sleep with you tonight, but what we did earlier is enough." Namula ako sa sinabi niya. "I love you."
"Oo na, papasok na 'ko." I bit my lower lip to suppress a smile when I saw him annoyed.
"Where's my I love you, Aezra Maux?" nakasimangot niyang tanong habang ang braso ay nakapaikot sa bewang ko.
"Once a day lang. Ilang beses na akong nag-I love you kanina." Naitikom ko ang bibig para hindi matawa.
"Really?" sarkastiko niyang tanong.
"Joke lang! I love you," bulong ko at tawa-tawang yumakap sa kanya ng mahigpit. I felt him kissed my head.
"I love you more, babe," paalam niya pa bago ko isara ang pinto. Patago akong sumilip sa bintana ng bahay at pinagmasdan siya habang nakatayo pa rin siya sa labas ng bahay. Hindi siya umalis at nanatiling nakatitig sa pinto na para bang may malalim na iniisip kaya naikunot ko ang noo ko.
Handa na sana akong lumabas at puntahan siya ulit, pero bigla na lang din siyang mabilis na pumasok sa sasakyan niya at pinaandar ng mabilis.
Weird.
"Putang—" halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang tatlong bakla sa likuran ko at pare-parehas na nakataas ang kilay sa akin. Katabi no'n si Hira na nakahalukipkip pero may malisyosong ngisi.
"Jusmiyo mahabagin! Ang Aezra niyo, lumalandi!" eksaderang sabi ni Tracey habang nakahawak sa dibdib.
Kunwari namang nagpunas si Beng-Beng ng pekeng luha at humagulgol kunware habang nakatingin sa akin, "Ang Aezra natin, dalaga na. Sabihin mo? isinuko mo ba ang bataan?" 'Tangina! Bigla akong namula sa sinabi niya nang maalala ang ginawa namin ni Aki! Napatingin naman ako kay Macky na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
"Anong oras na, uwi ba ng matinong babae 'yan?" parang nanay na sermon niya sa akin kaya naitikom ko ang bibig at napatingin sa mga bakla na pasimpleng umaalis dahil alam nilang papagalitan ako nito! Si Hira naman ay tawa-tawang tumakbo sa kwarto niya at nag-lock.
"Kilala mo ba kung sino ang kasama mo?" parang tangang tanong niya.
"Si Akishiro Zolaire," sarkastiko kong sagot at naupo sa sofa dahil hindi ko kinaya ang pangangalay ng katawan ko.
"Oh! Kilala mo naman pala!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kilala mo, mayaman! Sikat at higit sa lahat gwapo. Sa tingin mo ba madali lang 'yang pinasok mo? Jusko, Aezra! Baka nakakalimutan mo artista 'yan? Maraming fans! Kung magkataong may makakita sa inyo dudurugin ka ng mga sumusuporta diyan!" Pakiramdam ko ay punyal ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya at lahat ng iyon ay tumarak sa dibdib ko.
"Hindi ko sinasabing layuan mo siya pero sana alam mo 'yang pinapasok mo kasi kapag nagkataon at nasaktan ka may magagawa ba ang lalaking 'yan?" Hindi ako nakasagot. Gusto kong ipag tanggol si Akishiro pero ayaw kong sabayan ang galit niya.
"Sinasabi ko 'to hindi dahil hindi kita gustong makitang masaya. Aezra Maux, hindi mo ba nakikita kung gaano kalayo sa atin ang lalaking 'yon? Ni hindi nga tayo sigurado kung mabait ba 'yon! Kailan mo lang ba nakilala?!"
"Tigilan mo na ang kakasalita ng ganyan kay Akishiro dahil hindi siya ganyan," galit ding sagot ko kaya nanlaki ang mata niya at dumaan ang sakit doon matapos ko siyang pagsalitaan. Maging ako ay nagulat sa sinabi ko dahil hindi kami nagkaroon ng ganitong away, ngayon lang.
Sarkastiko siyang tumawa at sinamaan ako ng tingin habang nangingilid ang luha.
"Sinabi lang na mahal ka, bumigay ka na?" Para akong sinaksak sa dibdib ng mga salitang binitawan niya. Nagsimula akong lumuha habang tinatanggap ang mga sermon na nanggagaling sa kanya.
Hindi ko ma-gets kung bakit kailangang sabihin niya pa 'to. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila sa 'kin? Buong buhay ko inuna ko ang ibang tao, ngayon ko lang inisip ang para sa sarili ko. Mali ba?
"Mas kilala ko ang mga lalaki, Aezra. Ayaw lang kitang magaya sa 'kin." Kumibot-kibot ang labi niya habang umiiyak na nakatingin sa 'kin.
Ngayon ko lang siya nakitang umiyak kaya ganon kasakit para sa 'kin ang makita silang nasasaktan ngayon, dahil na naman sa'kin.
"Iba si Akishiro sa mga lalaking nanloko sa 'yo," pagtatapos ko ng usapan at iniwan siya sa sala, dumiretso ako sa kwarto at pumasok sa banyo. Mabilis akong umupo sa sahig at umiyak habang yakap ang sarili. Pigil ko ang hikbi habang umiiyak, hindi ko inaasahang pati sila hahadlang sa amin ni Akishiro.
Kinabukasan ay mainit na araw ang sumalubong sa mukha ko. Ramdam kong mataas na ang sikat ng araw pero wala pa rin akong lakas para bumangon sa kama. May mga araw na si Hira ang nag-aasikaso para sa pagtitinda sa palengke kaya hindi na ako nag-aalalang baka wala kaming makain ngayon, naiintindihan naman niya ako siguro dahil alam niyang pagod ako simula kagabi.
"Babe, wake up." Napakunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na malambing na boses. Nanatili pa rin akong nakapikit at yakap yakap ang unan ko.
May narinig na naman akong tumawa ng mahina. Pati ba naman sa panaginip? Akishiro, hindi ako nilulubayan!
"I can't wait to wake up everyday and see this face." Doon ako napabalikwas ng bangon nang maramdaman kong may humalik sa noo ko. Gulat akong napatingin sa gilid ko matapos makita si Akishiro na prenteng nakahiga sa tabi ko! 'Tangina! Paano 'to nakapasok?
"Good morning," matamis na bati niya at hinatak ako pahiga para mayakap, hindi ko naman mapigilan ang sariling singhutin siya nang maamoy ang mabango niyang amoy. Nakaputing t-shirt lang siya at shorts pero ang gwapo pa rin niyang tingnan kahit pambahay lang ang suot.
"Paano ka nakapasok?" tanong ko habang yakap siya.
Hinaplos haplos naman niya ang buhok ko at hinalikan ang noo.
"Your sister allowed me."
"Si Hira?" takang tanong ko.
"May iba ka pa bang kapatid, Aezra Maux?" Mahina ko siyang hinampas sa dibdib dahilan para matawa siya ng bahagya at sumandal sa headboard ng kama. Nakayakap pa rin ako sa kanya at sinusulit ang oras na ngayon kasama siya dahil alam kong ano mang oras ay baka hindi na maulit pa 'to.