Sometimes. . . I wonder if he hear the cries of all people in earth. If yes, then how? 8 billion of population and I'm one of those people who'd doubt to believe in him. . . I doubt believing things that I am sure deep inside I'll regret.
"Ate, bili na po kayo! Sariwa at bagong huli lang! Mura na po."
Nakangiti ako habang nakatingin sa mga taong namimili sa palengke. Lahat sila ay may mga ngiti rin sa labi habang kasama ang mga anak at ang iba naman ay magnobyo.
Ilang araw na lang ay pasko na. . . Nagsimulang dumami ang mga tao para bumili ng maihahanda sa Noche Buena. Ang paglamig ng ihip ng hangin at tanda na malapit na nga ang pasko.
"Hoy buntis! 'di ba sabi ko kami na bahala magbantay sa tindahan mo? Jusko, tapos mamaya nawawala ka na naman at mahahanap sa kalsada nagbebenta ng balot!" Hindi ko pinansin si Beng Beng at nginitian na lang ang babaeng tumitingin ng paninda na nakalatag sa harapan ko. May mga kulay silver na plato roon at nakalagay ang tumpok na mga isdang nakilo na.
Mayroong tilapia, galunggong at ang pinaka paborito at pinaglilihian ko ngayon ay ang bangus lalo na ang taba nito.
"Ate, dalawang kilo nga pong galunggong." Madali kong kinuha ang plastic para ilagay doon ang isdang napili niya. Iniabot ko sa kanya ang supot at natigilan nang makitang nakatingin siya sa tiyan kong halos sin'laki ng pakwan.
Walong buwan na 'kong buntis at magsisyam na, hindi ko matatangging sobra akong nahirapan sa mga unang buwan dahil sa madalas kong pagsusuka at pagkahilo.
Hinimas ko ang tiyan kong natatapalan ng kulay dilaw kong daster na presko sa katawan.
"Salamat," tugon ko matapos niyang iaabot ang bayad.
"Hoy babaita! Magpahinga ka na doon naku, kung hindi ka lang jontis at bondat ngayon nasapok na kita. Tigas ng ulo mo Aezra Maux." Lumapit sa'kin si Beng Beng at kinuha ang pang agiw ng langaw. Humarap naman ako sa kanya at nagpamewang.
"'Wag mo 'kong sisimulan kakasimba ko lang," banta ko pero tinawanan niya lang ako.
"Hoyy anong gagawin mo e naka-cannon bolt ka?" pang iinsulto niya kaya napanguso akong tumaray at tumingin kay Macky, nanghihingi ng tulong.
"Macky oh," nakangusong sumbong ko at narinig ko naman ang nakakainsultong tawa ng punyemas na katabi ko.
"Beng, tigilan mo 'yan. 'Pag 'yan nanganak ng wala sa oras ikaw gagawin kong komadrona," banta ni Macky kaya napangiti ako ng malaki.
Despite of all the things that happened to me, they never turned their back instead, they welcomed me with wide arms when they learned that Akishiro and I broke up. Sila ang nagsilbing tatay ng anak ko at madalas nila akong tinutulungan para mapadali ang gawain ko dahil hirap ako sa pagbubuntis ko at maselan.
Hindi naging madali para sa'kin dahil walang gabing hindi ako umiyak hanggang sa nasanay na 'ko at isang araw gumising ako na hindi na para sa sarili ko. Lahat ng ginagawa ko ay ginugugol ko para magkaroon ng magandang kinabukasan ang anak ko at hindi niya maranasan lahat ng paghihirap ko.
While Hira stayed in province until her recovery. Doon siya nag papagaling sa Lola niya dahil doon. . . Alam kong mapapabuti ang sitwasyon niya. It was painful for me seeing her in that state, bearly living. She wasn't able to walk after the accident and I was devastated as hell when I found out that it will took years for her to walk again normally.
Gustuhin ko mang ipagamot siya sa mamahaling hospital para makalakad agad ay wala akong sapat na pera para gawin 'yon. Ni wala nga akong pang-check-up sa baby ko dahil nagkakasya lang sa bahay, vitamins at pagkain ko ang kinikita ko.
"Hindi! Hindi ka aalis! Kabwanan mo na, gusto mo supalpalin kita? Gabing-gabi jusmiyo ano ka aswang?" gigil na saad ni Macky habang inaayos ko ang mga tinda kong balot sa basket na kulay tsokolate. Napabuntong hininga ako nang harangin din ako ng dalawang bakla.
"Macky, Beng, Tracy. Kaya ko pa naman. Lakas lakas kaya ni baby," sabi ko sabay himas sa tiyan kong malaki. Napangisi ako matapos makitang mas lalo silang bumusangot.
"Sabi ko hindi! Pinayagan ka namin noong ilang buwan dahil mapilit ka at makulit! Pero ngayon tsk tsk! Over my f-cking precious dead body!" madramang sabat ni Tracy.
"Alam naman namin na pinoproblema mo 'yong bayarin sa hospital pagnanganak ka na. 'Di ba sabi ko sagot na namin 'yon?" nahinahon na ani ni Macky.
The truth is he is right.
Gusto kong masigurong maayos at ligtas ang anak ko pagkalabas niya kaya pinag-iipunan ko ang para sa panganganak ko. Gusto ko sa hospital para masigurong ayos lang ang lahat. Alam kong masyadong malaki ang gagastusin pero para sa anak ko wala na akong ibang kaya pang ibigay sakanya sa ngayon.
"Okay! Para maayos punyeta. Samahan ka na lang namin naibenta ang mga itlog na 'yan!" Doon kumislap ang mata ko at napangiti ng malaki kay Beng Beng.
Tumango naman si Tracy.
"Oo dahil kung may mangyari riyan sa inaanak namin, papalunukin ka talaga namin ng pakwan!" aniya habang kinukuha sa kamay ko ang basket ng balot, si Beng Beng naman ay tuwang tuwang sinasabit sa mga kamay ang tali ng plastic ng chicharon.
"Okay, let's go!" Itinaas niya pa ang dalawang kamay habang puno iyon ng chicharon. Maliit akong napangiti at hinaplos ang tiyan ko.
Rinig mo 'yan anak? Mahal na mahal ka ni nanay pati ng mga tita mo.
Sa mga oras na 'to ay pumasok sa isip ko si Akishiro. Honestly hindi naman nawala. Araw-araw, gabi-gabi siya pa rin ang laman ng isip ko habang hinihimas ang tiyan ko at kinakausap ang anak namin. Namin.
Napabuntong hininga ako tumingin sa nga kaibigan kong nagkakasiyahan habang nagtatawag ng mga customer. Iniangat ko ang paningin sa hindi perpektong bilog na buwan.
Nagpapasalamat ako na kahit hindi niyo hinayaang nasa tabi ko si Akishiro ay biniyayaan niyo 'ko ng tatlong kaibigan. Alam kong naawa sila sa 'kin. Madalas kong nakikita iyon sa mga mata nila kahit pilit nilang tinatago sa pamamagitan ng pagbibiro. Hindi mo alam kung gaano ko pinagsisihan ang araw kung saan sinumbatan kita at pinagdudahan kung bakit impyerno ang buhay na ibinigay mo sa 'kin pero ngayon unti-unti nang nagiging malinaw saakin ang lahat. May plano ka para sa 'kin, sa 'min ng anak ko.
"Hoy 'te ano? May nakita ka bang tiktik? Jusmeyo ano kamukha ba ni Tracy?" pang iistorbo ni Beng Beng sa pagdadasal ko. Tumawa naman ako at kumapit sa braso niya dahil ramdam ko na ang ngalay ng binti dahil sa paglalakad. Ang dalawa naman ay busy sa pagbebenta sa mga nag iinuman sa may tindahan. Hindi ako lumapit dahil ayon ang kabilin-bilinan nila.
"Thank you." Hindi ko alam kung para saan 'yon pero bigla na lang lumabas sa bibig ko. Kiniskis ko ang mukha ko sa braso niya at naramdaman ko ang pagtubig ng mata.
"T-thank you kase hindi niyo 'ko iniwan no'ng nabuntis ako," dagdag ko at ramdam ko ang paninigas niya sa kinatatayuan. Pilit akong tumawa at pinunasan ang luha sa pisngi at sinubukan kong silipin ang mukha niya.
"Girl, keri naman mag thank you ka! Pero 'wag mo na uulitin 'yung pakiskis sa mukha ah?! 'Ngina girl tumaas balahibo ko!"
"Siraulo ka." Tawa tawa akong hinampas siya sa braso kahit na nakita ko rin na nangilid ang luha niya.
Muli kong sinilip ang buwan at ngumiti.
Madalas pakiramdam ko hindi ako kumpleto. . . May kulang at hindi mapunan ng kahit sino, maliban sa kanya. Pero kahit gano'n natutunan kong makuntento.
"M-macky! M-masakit!" iyak ko habang hinihimas ang tiyan at nasa harapan ko ang doktorang magpapaanak sa'kin. Hindi ko mapigilang umiyak habang sinusunod ang sinasabi ng doktor. Ilang beses akong palihim na napapamura sa sakit kahit na may anesthesia ay parang balewala.
"Jusko! Aezra, malapit na raw sabi ni doc, kaunting tiis na lang okay? Owemji push!" Sa aming dalawa, si Macky pa ang sobrang natataranta at halos iakto sa harapan ko ang paraan ng pag iri. Nanghihina ako at puno ng pawis ang katawan. Kung ang iba ay nag-aabang para sa pagsalubong sa bagong taon, ako naman ay pinipilit na ilabas ang anak ko dahil oras na para makita niya ang mundo.
"Misis. Ire, kakaunti na lang po nakikita ko na ang ulo ng baby." Pilit kong sinunod ang sinabi niya. Habol ko ang hininga at halos panawan ako nang marinig ang isang maliit ng iyak ng sanggol. Natulala ako dahil pakiramdam ko ay hinehele ako ng iyak na 'yon habang si Macky naman ay hindi ko na ramdam sa tabi ko at rinig ko ang pagkalabog ng sahig.
Sinubukan kong silipin ang anak ko at agad binalot ng kasiyahan ang puso ko nang makitang nakangiti sa akin ang doktor habang buhat buhat ang isang mapulang sanggol. Hindi ko na napigilan at humagulgol. Pakiramdam ko ay simot na simot ang lakas ko at ilang araw ang gugugulin para bumalik 'yon. Tahimik akong napaiyak at hinayaan ang sariling lamunin ng antok.
Nagising ako nang may maramdamang galaw sa paligid ko. Nanghihina pa rin ako at hirap gumalaw. Sinubukan kong idilat ang mata at sa pangalawang beses na pagpikit-dilat ay sumalubong sa 'kin ang mukha ng mga kaibigan ko na pawang nakangiti ng malaki.
"Oh my gash! Gising na siya! Gising na siya!" tili ni Beng Beng habang nakahawak pa magkabilang pisngi. Napangiwi naman ako.
"Kumusta?" tanong ni Macky at dinaluhan agad ako ng tubig. Nanghihina naman akong nakangiti.
"'Yung anak ko?" balik na tanong ko. Ngumiwi naman siya.
"Okay naman. Sabi ni ni Doc cutie, healthy si baby girl kaso need pa niyang magstay doon sa nursery dahil may chinecheck sila para obserbahan ang bata. Basta ngayong hapon ibibigay si baby." Dahan dahan niya akong pinaupo at inabot ang isang baso ng tubig na agad ko naman ininom. Pakiramdam ko ilang araw akong walang kain at inom dahil naubos ko 'yon at nanghingi pa ng isa.
"G-gusto ko siyang puntahan."
Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung sino saamin ni Akishiro ang pinaka kamukha niya. Sa lahat ng maaring mamana ng anak ko ang pinagdadasal ko talaga ay ang mata ng ama niya. 'Yung matang 'yon ang bumihag sa puso ko na kahit anong pagpikit ko ay hindi mawala wala sa isip ko. Kahit habang nag l-labor ay tahimik kong pinagdadasal na sana nasa tabi ko si Akishiro.
Ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung ganito pa rin ba kasakit kung nasa tabi ko siya habang nanganganak? Habang nanganganak ako ay umiiyak ako hindi lang dahil nasasaktan ako physically. I badly want to see him that time. I want to feel his big hand comforting mine. I want to hear his soft voice consoling me.
Kahit ilang buwan pa ang lumipas inaamin kong mahal ko pa rin siya. 'Yung pagmamahal na rapat naipaparamdam ko sa kanya ay sa anak namin ko binuhos. Umaasa ako na balang araw maiintidihan niya kung bakit ko tinago ang anak namin kahit na alam kong ikakagalit niya 'yon.
"Anong pangalan ang ibibigay mo?" Pagod na napasandal ako sa unan at ngumiti mag isa.
"Akira," parang may sariling buhay ang bibig ko at ayun ang lumabas. Napangisi ako dahil ngayon ko lang napag isipan ang ipapangalan dahil sinadya naming hindi alamin ang kasarian ng anak ko hanggang sa pagkapanak.
"Akira Maux," dugtong ni Macky kaya napangiti alo.
"Akira Maux. . . Napakagandang pangalan" bulong ko sa hangin.
"Mana sa Titas!"
"Gusto kong makita anak ko," maya-mayang ungot ko at sinubukang bumaba ng kama pero agad napangiwi nang makaramdam ng sakit sa katawan lalo na sa bandang baba.
"Oh ano masakit? Ayan! Lanta na ang pechay mo!" sermon ni Tracy habang si Beng Beng naman ay kumuha ng wheel chair sa labas kaya inantay ko na ang pagbalik.
Itinulak nila 'ko papunta sa nursery habang sinesermonan dahil hindi nga raw ako pinayagan ng doktor na lumabas pero matigas ang ulo ko. Hindi ko sila pinansin at nakanguso na lang na nagpatulak habang kating kating makita ang prinsesa ko. Nang makaharap kami sa isang malaking kwarto na may salamin na nagsisilbing bintana para makita ang mga bata ay naglakas loob akong tumayo at silipin ang anak ko.
Kita ko ang iilang batang natutulog sa kanilang maliit na kahon pero itinuon ko ang pansin sa isang paslit na nakasuot ng kulay dirty brown na maliit na damit. Kilala ko ang maliit na damit na 'yon dahil ako mismo ang bumili no'n at may kapares na maliit na medyas pang sanggol.
Agad gumuhit ang luha sa mata ko habang pinagmamasdan ko ang pagtulog niya.
"Anak ko. . ." Namayani ang kasiyahan sa puso ko habang nakatitig sa anghel niyang mukha, tinitigan ko s'ya kahit na may harang na puting salamin ay hindi hadlang para makita ko kung gaano kamukha ni Akishiro ang anak namin.
"S-si Akishiro," my voice broked. I could hear my friend's gasp because I always refuse to mention his name. Palagi kong iniiwasang banggitin ang pangalan niya o kung sino mang malapit sa kanya.
"W-wala siyang Papa. 'Yung anak ko." They didn't know what to do. They just let me cried. Sobrang sakit para sa'kin na palakihin ang anak na walang ama.
"Mack, si Akira. . ." Niyakap ako ni Macky at hinayaang umiyak sakanya. May binubulong siyang salita pero hindi magawang maproseso ng utak ko dahil nababalutan 'yon ng lungkot at pangungulila.
"A-aezra?" Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon
Malalim.
Baritono
At sobrang pamilyar.
"Is t-that you? Aezra Maux?" Muling tawag niya sa pangalan ko dahilan para unti unti kong iangat ang mukha at nagtama ang mata namin ni TALCOTT.
"K-kuya" hindi makapaniwalang bulong ko. Maging siya ay nanlaki ang mata at hindi nagtagal ay pinagmasdan ang kasuotan ko. Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba nang marealize ang suot kong lab gown. Dahan dahan siyang nag angat ng tingin saakin at puno ng pagkalito at pagtatanong ang makikitang emosyon doon.
"K-kuya T-talcott."
"How are you?" seryosong tanong niya. Ilang beses akong napalunok bago lumapit sakanya at ninenerbyos na sinulyapan ang nursery room. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at halos lamunin ako ng kaba.
"A-ayos lang" pilit ang ngiting sagot.
"I see. . . " hindi pa rin makapaniwalang bulong niya pero naputol ang pag uusap namin nang biglang may sumingit na nurse.
"Ma'am, kayo po 'yung patient sa room 203 'di ba? Ma'am we need your signature as well as the name of the baby para ma--"
"What the f**k?" Talcott exclaimed and I almost lost my balance when I saw his accusing stare. Titig na titig siya sa mata ko. Kagat ko ang labi at hindi maalis ang paningin sakanya.
"Nurse. Nurse kita niyong nag uusap 'di ba? Halika ka nga muna," pigil sa kanya ni Tracy at nilayo sa pwesto namin. Para naman akong nabato sa kinatatayuan ko habang titig na titig sa akin si Kuya Talcott. Unti-unti siyang tumingin sa kwartong nasa gilid at umawang ang bibig matapos makita ang mga sanggol sa loob. Sinubukan niyang lumapit at halos panawan ako ng hininga nang tumagal ang titig niya sa anak ko.
Alam ko na ang iniisip niya at natatakot akong sabihin niya kay Akishiro ang tungkol sa anak namin. Natatakot ako na baka kunin na sa 'kin ang anak ko at ipagdamot tulad ng ginagawa ko.
"Is she--"
"No," agap ko.
Litong lito ang mukha niya at hindi alam ang sasabihin.
"Aezra," puno ng diing tawag niya kaya nanghina ang tuhod ko kasabay ng pagtulo ng luha. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaluhod sa harapan ni Kuya Talcott.
"Aezra!"
"Aezra Maux!"
Pagtawag nila saakin pero hindi ko pinansin at umiiyak na tumingala kay Kuya Talcott na ngayon ay gulong gulong.
"Please. Kuya please, 'wag niyo pong sasabihin sa kanya," pakiusap ko at naramdaman ko naman ang pagluhod din niya para mapantayan ang mukha ko.
"O-okay. I know may r-rason ka," he replied and I can't help but to cry harder.
Sorry Akishiro
Paulit ulit na usal ko sa isipan habang umiiyak.
Tinulungan niya akong tumayo at sabay naming pinagmasdan ang anak ko, hindi ko mapigilang ngumiti kahit na may luhang lumalandas sa pisngi ko. Napakaliit niya at hindi pa ganoon kadepina ang itsura pero alam kong lalaki siyang maganda tulad ng papa niya.