"Kira!" inilagay ko ang mga gamit ni Kira sa maliit na bag habang nakaupo sa kama niya. Hinahanda ko ang mga kailangan niyang dalhin bago kami pumunta sa mall. Makalat kaseng bata si Kira, hindi p'wedeng wala kaming dalang panyo at wipes kapag aalis. "Nanay!" I smiled when my 5 years old kid ran and hugged my waist. I pinched her cheeks that earned a cute giggle from her. "Excited ka na ba?" Kuminang ang kulay tsokolate niyang mata at mabilis na tumango. Nakangiti ang pula niyang labi at hindi ko maiwasang mapatitig doon. Napalunok ako nang may maalala pero agad ko ring binura sa isipan ko 'yon at binuha ang anak ko para makaalis na kami. Bago umalis ay nagpaalam muna 'ko kila Macky, dumiretsyo kami sa sakayan ng tricycle at nagpahatid sa malapit na mall. Hawak ko sa kamay si Kira haban

