Episode 24

1907 Words

Habang nakahiga si Allen at nakatingin sa kawalan ay biglang nag-ring ang cellphone niya pero hindi niya iyon pinansin. Ni-lock niya ang pinto at bintana para hindi makapasok ang aswang niyang driver dahil gusto niya muna ng katahimikan. Tatlong buwan na rin ang nakararaan simula nang magsilayas ang mga tao rito kasama ang abuela niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kaya sobra-sobra talaga ang pag-aalala niya. Nang maubos ang pasensiya niya dahil sa kaingayan ng cellphone niya ay pagalit niyang dinampot iyon. “Sino ‘to? Wala ka bang magawa sa buhay mo?” “Apo, kumusta ka na?” bungad nitong tanong. “Lola?” paniniguro niya. “Ikaw ba ‘yan?” “Ako nga. Kumusta ka na?” “Hindi ako okay. Sa sobrang pag-aalala ko sa inyo hindi na po ako natutulog. Hindi na rin po ako kumak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD