"Sir Allen!" pabalibag na binuksan ni Angela ang pinto ng kuwarto niya. Mabuti na lang at nakatapis siya dahil kung hindi tiyak na makikita nito ang isang bagay na matagal niyang itinatago. Kahit i-lock niya ay nabubuksan pa rin iyon ng baliw na 'to. "Bakit ba? Hindi mo ba nakikita na nakahubad ako? Hindi ka ba makapaghintay na makalabas ako rito sa kuwarto ko?" "Kunwari ka pa! Gusto mo rin naman talagang makita ko 'yan, eh. Kung ayaw mong ipakita 'yan, bakit hindi ka nagla-lock ng pinto? Ang sabihin mo, gusto mong ipagmalaki sa akin 'yan." "Ah, ganoon? Gusto mong ipakita ko talaga sa iyo 'to, ha?" Nakipaglaban ito ng titigan sa kaniya sabay ngisi. "P'wede? Sige nga, pasilip nga ako. 'Yong dulo lang para may idea ako sa sukat niyan." Pumunta ito sa ibabaw ng kama niya at prenteng umup

