"Ano po ba ang ikinakatakot niyo? Bakit balisa ka, eh, buhay pa naman 'yong dalawa. Para nga silang kinagat lang ng langgam, eh," sabi ni Angela habang naglalakad sila pauwi. Animo'y isa itong bubuyog na kanina pa bumubulong sa kawalan. "May kinagat ba ng langgam na halos hindi na makatayo, ha, Angela? Meron ba?" Nadala na sa ospital ang dalawa at alam niya na sa mga oras na 'to ay ginagamot na rin ang mga ito. "Oh, bakit? Bakit parang kasalanan ko pa na pinatulan ko 'yong mga 'yon gayong iniligtas lang naman kita sa kapahamakan?" "May konsensya ka ba, Angela?" "Natural!" "Eh, bakit nagawa mo pang tusukin ang puwetan no'ng dalawa habang isinasakay sa ambulansya?" Napatikhim ito. "Walang ganoong naganap, Sir Allen." "Kitang-kita ko kung ano ang ginawa mo kani-kanina lang kaya 'wag

