Episode 2

2308 Words
"Hanggang anong oras ka pa ba magmumuni-muni, ha?" tanong ni Angela kay Allen sa kadahilanang kanina pa sila nasa loob ng sasakyan nito. "Bumalik ka na lang muna kaya sa loob ng kuwarto mo tapos doon ka magnilay-nilay maghapon hindi 'yong nandito tayo sa loob ng sasakyan mo nakatambay," dagdag niya pa dahil kanina pa siya naiinis dito. Bawal niya raw kasing paandarin ang sasakyan nito hangga't wala itong sinasabi. Kaya naman heto siya ngayon. Nakatanga habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa manibela. Unang araw niya ngayon bilang personal driver nito. Halata naman na ayaw nito sa kaniya pero wala itong magawa dahil ang lola nito ang nagdesisyon na maging personal driver siya nito. Stay in kasi siya dahil nakiusap ang matanda na 'wag na raw siyang mag-uwian dahil delikado raw sa daan. Kagabi bago siya ihatid ni Doña Lorenza sa magiging kuwarto niya ay nagbilin si Allen sa kaniya na gumising daw siya ng maaga. Kung kaya niya raw gumising ng hatinggabi ay gawin niya. Ano siya aswang para gumising ng hatinggabi? Samantalang alas-otso pa naman pala ang duty nito bilang medical doctor. Hindi siya gumising ng hatinggabi kagaya ng sinabi nito dahil alas-kuwatro siya ng umaga gumising. Halos magkasunod nga lang sila ni Allen gumising, eh. Kagaya ng sinabi nito, maaga nga silang umalis. Hindi naman niya akalain na maaga silang aalis sa loob ng bahay nito para tumambay sa di-kalayuan mula sa subdivision kung saan ito nakatira. At ang pinakamalupit sa lahat ay halos anim na oras na silang nandito sa loob ng sasakyan nito. Nakabukas lang ang mga bintana sa driver seat at sa passenger seat. Kanina niya pa gustong paharurutin ang sasakyan pero hindi niya magawa dahil wala pa itong sinasabi. "Tirik na ang araw, Allen. Hindi pa ba tayo pupunta sa ospital na pinapasukan mo? Hindi ka ba naiinitan rito? Ang tibay mo naman, Dok." Kanina pa kasi siya patingin-tingin sa relong pambisig niya kaya alam niya na halos anim na oras na sila rito sa loob. "Shut up," malamig nitong tugon sa kaniya. Kung gaano kainit ang panahon ngayon, gano'n din kainit ang ulo ng lalaking nakaupo ngayon sa tabi niya. Daig pa kasi nito ang na-scam ng ilang milyon dahil hindi maipinta ang pagmumukha nito. "Eh, ano nga ang plano mo? Huwag mong sabihin sa akin na hanggang bukas tayo rito, Dok? Aba'y matindi ka kung gano'n!" "Stop talking." 'Yon ang lagi nitong bukambibig sa tuwing may itinatanong siya rito at kung may gusto siyang iparating o 'di kaya'y ipaalam. Kagaya na lang ngayon. Kanina niya pa ito tinatanong kung anong oras sila aalis pero puro 'stop talking o 'di kaya'y shut up' ang sinasabi nito. Eh, 'di ano'ng gagawin nila dito sa loob ng sasakyan nito? Magmumuni-muni hanggang sa lumubog ang araw? Kung hindi lang mabait ang lola nito malamang kanina niya pa ito nabigwasan. Para silang mga tanga dahil kanina pa sila nandito sa loob ng sasakyan nito na animo'y nagpepenitensiya. Napakainit kasi rito sa loob ng sasakyan nito pero parang hindi nito nararamdaman iyon. Mabuti sana kung nakabukas ang makina ng sasakyan nito kaso nga hindi naman. "Ano na? Hindi pa ba tayo aalis? Hindi mo ba naisip na baka marami nang pasyente ang naghihintay sa 'yo sa ospital na pinagtatrabahuhan mo?" "Stop talking, will you?" suplado nitong tugon sa kaniya na animo'y gusto na siya nitong sakalin. "May iniisip ako kaya 'wag kang maingay, puwede?" "Hindi ba puwedeng mamaya mo na lang ituloy 'yang iniisip mo? Kanina pa kaya tayo nakaupo rito. Hindi ba naiinitan 'yang itlog mo sa kauupo? Hindi ba namamanhid 'yang puwet mo, Boss?" "I said, stop talking!" "Fine! Matutulog na muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag tapos ka ng mag-isip!" angil niya sa lalaking masama ang titig sa kaniya. "Mangarap ka muna ng gising hangga't gusto mo," dugtong niya pa. At dahil nga napakainit ng panahon kaya napagdesisyunan niya munang hubarin ang suot-suot niyang jacket. Pero hindi pa man niya tuluyang nahuhubad iyon ay bigla itong sumigaw kaya mabilis siyang napatingin sa gawi nito. "Angela, stop!" bulyaw nito sa kaniya kaya naman tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit na naman?" tinatamad niyang tanong sa lalaking laging naka-volume ang boses. "Hindi na ako nagsasalita kaya tumigil ka sa kasisigaw diyan." "What the f**k are you doing? What are your plans? Why are you taking off your clothes?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya sa iritadong boses. Kung umakto ito akala mo talaga hubo't hubad na siya. "Naiinitan ako kaya huhubahin ko muna 'tong suot kong jack–" Hindi pa man siya tapos magsalita ay pinutol na siya nito. "Are you f*****g crazy?" Ngumisi siya. "Matagal na akong baliw, Allen. Kaya kung ako sa 'yo, mag-iingat ako palagi dahil hindi mo alam kung ano'ng puwedeng mangyari ngayon at sa mga susunod pang mga araw," aniya dahilan para mapanganga ito. "Huwag mong sasabihin sa lola mo na bagong takas lang ako sa kulungan dahil alam mo na kung ano ang puwedeng mangyari," dagdag niya pa sabay halakhak ng malakas. "W-what did you just say? So, you mean you're not a good person like what I thought?" Pumalakpak siya. "Perfect! You got it, Allen. Patong-patong na rin ang kaso ko kaya masasabi kong hindi talaga ako mabuting tao. Marami na rin kasi akong napagsamantalahan, eh," pagsisinungaling niya. "W-why are you taking off your clothes? A-are you going to rape me?" kandautal nitong tanong sa kaniya na halatang natatakot sa mga bagay na maaari niyang gawin. "Kanina pa kasi ako init na init, eh," balewala niyang tugon dito. "Ikaw, ayaw mo bang maghubad, Allen?" "In this broad daylight? Hindi ka ba nahihiya?" "No." Bakit naman siya mahihiya? Ang suot niyang jacket lang naman ang huhubarin niya at hindi naman ang lahat ng saplot niya. Akala siguro nito gagahasain niya talaga ito. "f**k! You're crazy!" mahinang mura nito at pagkatapos binuksan nito ang pinto ng sasakyan at nagtatakbo ito na animo'y may emergency na nangyayari. Natawa na lang siya sa naging akto ni Allen. Dapat pala kanina niya pa ito tinakot, eh, 'di sana kanina pa sila nakaalis. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago niya pinaandar ang sasakyan para sundan ang lalaking takot na takot. "Himala! Ang aga mo yatang umuwi ngayon, Apo?" Narinig niyang tinanong si Allen ng abuela nito dahil halos magkasunod lang sila ni Allen na pumasok sa loob ng bahay nito. Pawis na pawis ang lalaki dahil tumakbo lang ito at saka isa pa, napakainit din talaga ng panahon. "Bakit ang aga mong umuwi, Apo? May nangyari ba?" ulit na tanong ni Doña Lorenza na lola nito. Akala siguro nito ay nag-duty si Allen sa ospital. Ang hindi nito alam ay tumambay lang sila ng ilang oras sa loob ng sasakyan nito. Nakatayo siya sa hamba ng pintuan habang nakikinig sa dalawa. Mas pinili niyang manatili muna roon at makinig sa pag-uusap ng dalawa kesa magpakita at sumabad sa usapan. "Masama po kasi ang pakiramdam ko kaya po umuwi ako ng maaga," pormal nitong tugon sa lola nito dahilan para mapairap siya dahil hindi mo mahahalata na nagsisinungaling ito. "Ganoon ba, Apo? Nasaan si Angela?" tanong ng Lola nito. "I don't know," tugon nito na halatang tinatamad sagutin ang tanong ni Doña Lorenza. "Bakit hindi mo alam? Eh, 'di ba magkasama kayong dalawa?" tanong pa rin ni Doña Lorenza rito. "I don't know where she is. And please, stop asking me about her because it makes me sick, Lola," iritado nitong saad kay Doña Lorenza. Ang arte! Kahit kailan talaga napakaarte ng lalaking 'to. Kung hindi niya lang kailangan ng pera ngayon hindi siya magtitiyaga na ipagmaneho ito. "Bakit ba galit na galit ka kay Angela? Wala namang ginagawang masama sa 'yo 'yong tao, 'di ba? Bakit hindi mo muna subukan na kilalanin siya, Apo? Malay mo maging magkaibigan kayo ng batang 'yon." "I'm not interested in her, Lola." "Bakit naman? Kung ayaw mo sa kaniya kahit pakitunguhan mo na lang siya ng maayos. At saka wala naman siyang ginagawa sa 'yo para magalit ka ng ganiyan, ah. Meron ba, Apo?" "She tried to seduce me, Lola! She tried to take off her clothes in front of me! Kung hindi lang ako umiwas baka ginahasa na ako ng babaeng 'yon!" iritableng saad ni Allen sa lola nito dahilan para matawa ang matanda. Kapag nainis siya sa lalaking 'to gagahasain niya talaga 'to. "Sigurado ka ba riyan sa sinasabi mo, Hijo? Imposible kasi na gahasain ka ni Angela, eh. Baka nga ikaw pa ang gumahasa sa kaniya, eh. Loko ka talagang bata ka." "I'm telling the truth, Lola!" "Eh, bakit kung umasta ka parang lugi ka pa?" Inakbayan ni Doña Lorenza ang apo nitong si Allen. "Ano ba ang problema mo kay Angela? Ang ganda-ganda niya nga, eh. Hindi lang iyon, sexy rin siya at saka maabilidad." "Lola!" puno ng pagtutol na tugon nito kay Doña Lorenza. "Please!" Ang alam siguro nito ay nakaalis na sila kanina pa. Ang tagal ba naman nila sa labas, eh. "Oo na! Ikaw talaga! Hindi ka na mabiro ngayon!" pabirong tugon naman ng matanda. "Lola, I am serious here. Please, be serious, too." "Seryoso naman ako, Apo, ah," tugon ng matanda pero natatawa pa rin. "For me, you and Angela are perfect for each other." "We're not." Bigla niya tuloy naalala ang Lola Esperanza niya. Ganoon din kasi sila kung magbiruan ng Lola niya. May mga bagay pa kasi siya na kailangan asikasuhin kaya hindi niya pa ito madalaw. Pero sa oras na maayos niya ang gusot niya ay babalikan niya ito at isasama niya ang matanda rito sa Maynila. Nakaramdam tuloy siya ng lungkot nang sumagi sa isip niya ang abuela. Ang nag-iisang tao na kasundo niya sa bahay nila. "I don't need a driver, Lola. I can't entrust my life to her." "Bakit naman? Natatakot ka ba dahil baka mahulog ka sa kaniya? " Umismid si Allen. "Hindi ko siya gusto kaya imposible po 'yang sinasabi niyo, Lola. Hitsura pa lang ng babaeng 'yon mukhang hindi na gagawa ng mabuti. Kung makatitig pa ang babaeng 'yon akala mo kakainin na ako ng buhay. Hindi mo ba napapansin 'yon, Lola?" "Ang alin?" "She always intently looks at my c**k!" Ano siya manyakis para titigan ang p*********i nito? Sarap sapakin, eh! Natawa na naman ang matanda. "Mukha siyang anghel kaya imposible 'yang sinasabi mo. Kahit hindi ko pa lubusang kilala si Angela, nararamdaman kong isa siyang mabuting tao, Apo," pahayag ng matanda na ikinangiti niya. "Ikaw talagang bata ka kung ano-ano 'yang sinasabi mo." Kanina pa siya nakatayo habang nakikinig sa dalawa pero hindi pa rin napapansin ng mga ito ang presensiya niya. "Looks can be deceiving, always remember that, Lola. Hindi niyo ba naisip na baka dating baliw ang babaeng 'yon? Na baka galing siya sa kulungan dahil sa patong-patong na kaso?" "Kahit minsan hindi sumagi sa isip ko na isa siyang masamang tao o ano pa man. At saka sigurado ako na hindi masamang tao si Angela." "Hindi lahat ng maamo ang mukha ay mabuting tao. Kadalasan pa nga kung sino ang mga mukhang angel ay 'yon pa ang nagdadala ng kapahamakan, eh." "Alam ko iyon dahil matanda na ako. Pero nararamdaman ko sa puso ko na isa siyang mabuting tao," mariing pahayag ng matanda sa apo nito na halatang ayaw talaga sa kaniya. Habang nagsasalita ang matanda ay lihim siyang natatawa dahil sa tuwing kinokontra nito si Allen ay napapaismid ang lalaki. "She's not a good person, Lola. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing lumalapit siya, eh. 'Yong mga tingin niya pa kakaiba na para bang ang dilim ng awra niya." Hindi niya alam kung kailan pa ito naging manghuhula. Anong madilim na awra kaya ang pinagsasabi nito? "Kanina pa po kayo tawa nang tawa. Nakakatawa po ba 'yong mga sinasabi ko sa inyo? It's a warning. So, stop making fun of it." "Huwag mo akong alalahanin dahil mas malakas pa ako sa kalabaw, Apo. Kung may gagawin man siyang masama sa akin kaya kong ipagtanggol ang sarili ko," saad ni Doña Lorenza sabay ngiti kay Allen. Nakita niyang hinilot ni Allen ang sintido nito. Halos lahat kasi ng sinasabi nito ay kinokontra ni Doña Lorenza. "Sumasakit po ang ulo ko sa inyo, Lola. Masyado po kayong nadadala sa hitsura ng mangkukulam na 'yon." Habang nagsasalita si Allen ay nakangiti lang ang matanda rito. "Huwag na po kayong magtaka kung lahat ng tauhan natin dito ay gahasain ng babaeng 'yon," anito sabay alis at hindi niya alam kung saan ito pupunta. Nang makaalis si Allen saka lang siya lumapit kay Doña Lorenza. "Kanina ka pa diyan, Hija?" tanong sa kaniya ng matanda. Napakamot siya sa ulo. "Opo." Nagulat siya ng bigla itong tumawa. "Ang cute ng apo ko, hinda ba? Kapag nagagalit ang apo ko mas lalo siyang nagiging magandang lalaki, 'di ba, Angela?" Guwapo nga masama naman ang budhi. Wala rin. "Maselan po ang apo niyo, Doña Lorenza," walang paligoy-ligoy deklara niya rito. "May kaartehan pong taglay ang apo n'yo at hindi ko po siya maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari." "Lola na lang ang itawag mo sa akin, Angela." "Sige po," nahihiya niyang tugon dito. "Ano ba'ng nangyari? Bakit ang aga niyong umuwi ni Allen? May nangyari bang hindi maganda?" "Namamaga raw po kasi ang itlog niya kaya hindi siya makapag-focus sa ginagawa niya," pagsisinungaling niya. "Kanina pa nga po 'yan paika-ikang naglalakad, eh," dugtong niya pa. Napanganga ito pero kalaunan ay mabilis din nitong itinikom ang bibig nito. "Malala ba 'yong pamamaga ng itlog niya, Angela? Bakit hindi niya ba alam ang gamot doon? Doktor siya kaya dapat alam niya ang gagawin doon, 'di ba? Naku! Delikado pa naman iyon. Teka nga at pupuntahan ko muna ang apo ko dahil kinakabahan ako." Napatampal siya sa sariling noo dahil siguradong magagalit na naman si Allen sa kaniya sa oras na komprontahin ito ni Doña Lorenza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD