Episode 3

1523 Words
"Bilisan mong kumain dahil may pupuntahan pa tayo," untag ni Allen kay Angela. Masaya kasi itong nakikipagkuwentuhan sa lola niya na animo'y ito ang tunay na apo. Dalawang oras na yata simula nang matapos siyang kumain pero ang dalawa ay kumakain pa rin hanggang ngayon. Balak yata ng dalawa na manatili na lang sa dining room. "Saan po tayo pupunta ngayon, Boss?" nakangiting tanong nito na tila inaakit siya kaya inismiran niya ito. "You don't need to know," suplado niyang pahayag. Sa tuwing nakangiti kasi ito ay nakakaramdam siya ng inis. Hindi niya nga alam kung bakit hindi pa ito lumalayas samantalang araw-araw niya itong sinusungitan. "Baka po nakakalimutan niyo na ako po ang driver niyo, Boss Allen. 'Di po ba dapat alam ko kung saan tayo pupunta?" tugon nito sa kaniya habang nakangiti pa rin. "Hindi mo kailangang malaman ang lahat dahil driver ka lang," naiinis niyang wika sa babaeng nakangiti. Imbes na ma-offend ito ay pinagtawanan pa siya nito na lagi nitong ginagawa sa kaniya. "You're wrong, my dear. I'm your beautiful driver and I have the right to know every place where we're going," pagsalungat nito sa sinabi niya. "May punto si Angela, Apo. Karapatan niyang alamin kung saan kayo pupunta dahil siya ang driver mo," sang-ayon ng lola niya sa sinabi ng driver niyang abot-langit ang ngiti ngayon. "Paano niya malalaman ang daan na tutumbukin niyo kung hindi mo sasabihin sa kaniya kung saan kayo pupunta?" Tumingin si Angela sa Lola niya. "Tama po kayo, Lola. Puwera na lang po kung biyaheng langit ang gusto ni Allen. Sa langit ba tayo bibiyahe, Allen?" 'Yong mga tanong nito sa kaniya ay parang may ibig sabihin. "She's gross!" anang isang bahagi ng isipan niya. "Balak mo bang ubusin ang lahat ng pagkain sa ref bago ka tumayo?" Iniba niya na ang usapan dahil pinagtutulungan na naman siya ng dalawa. "Kanina ka pa kain nang kain pero parang wala kang kabusugan." "Ang sarap kasing kumain, eh." 'Yong tono ng pananalita nito parang iba ang dating sa kaniya. "Ang sarap kayang kumain lalo na kapag nasa mood ka." Is she trying to seduce him with her smile? Well, hindi 'yon uubra sa kaniya! Napatikhim tuloy siya ng wala sa oras. "I'll wait for you in the living room, woman. Hurry up and don't make me wait for you so long." Mabilis naman itong tumayo mula sa pagkakaupo at sumaludo pa ito sa kaniya. "Yes, Boss Allen." Tumingin ito sa abuela niya na halatang nahawaan na rin nito dahil lagi na rin itong nakangiti kahit wala naman nakakatawa sa mga nangyayari. "Lola, mauuna na po muna ako sa inyo. Mamaya na lang po ulit tayo mag-usap pagdating namin," paalam ni Angela sa lola niya. "Sige, Hija. Mag-ingat kayo, ha?" "Yes, Lola. Iingatan ko po ang apo niyo. Ipanatag niyo po ang sarili niyo dahil sinisigurado ko po sa inyo na lagi kong iuuwi ng ligtas si Allen dito." Napaismid siya dahil ang dami pa nitong seremonya bago kumilos. "Move!" asik niya sa driver niya dahil hindi pa ito kumikilos. "Sorry po, Boss," tugon nito sabay yuko na tila nang-iinis pa. "Bigyan niyo po ako ng twenty minutes, Boss." "No! Make it five minutes." "Pero maliligo pa po ako," nakanguso nitong katuwiran sa kaniya. "Mabilisan na nga po 'yong twenty minutes, eh." "If you can't do it then resign," saad niya dahil hindi ito nauubusan ng katuwiran. Ngumiti ito. "Kikilos na po ako, Boss Allen. Bigyan niyo po ako ng limang minuto," anito at pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng dining room. Wala pa yatang limang segundo ay bumalik ito at tumayo pa sa harapan niya. Halos isang dangkal na lang yata ang pagitan ng mga mukha nila kaya halos maduling siya. Ang sunod nitong ginawa ay hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi kaya napapitlag siya dahil sa sobrang gulat. Ngumisi ito ng malademonyo habang titig na titig sa mata niya. "Ang cute mo talaga, Allen. Ikaw na yata ang pinaka-cute sa lahat ng mga lalaking nakita ko. Can I kiss you?" "W-what?" "Can I kiss you?" tanong ulit nito sa kaniya na tila ba hindi man lang ito nahihiya. Daig niya pa ang na-hypnotized dahil hindi kaagad siya nakapag-react. "Silence means yes, right?" Nang mag-sink in sa utak niya na tila inaakit siya nito ay pinitik niya ng malakas ang noo nito. "You have no right to kiss me nor to touch me because you're only my driver and not my lover." Kunwa'y napahawak ito sa dibdib nito. "Ouch! Ang sakit naman, Allen. Wala pa nga tayong relasyon pero sinasaktan mo na ako." Malaki talaga ang posibilidad na galing si Angela sa mental hospital dahil sa mga pinagsasabi nito ngayon. "Hindi ako pumapatol sa baliw na kagaya mo," pambubuska niya rito dahilan para tumawa ito at ang lola niya. "So you mean, busted na kaagad ako?" Sinamaan niya ito ng tingin. "Aalis ka sa harapan ko o palalayasin kita sa bahay na 'to?" tanong niya rito na may kasamang pagbabanta pero imbes na maalerto ito ay kinindatan pa siya nito. Goodness! He was stressed by Angela from the first day she became his driver. "Kikilos na po. Bye, Boss. See you later." Bago ito mawala sa paningin niya ay nag-flying kiss pa ito sa kaniya kaya naman bigla siyang napahawak sa batok niya. Nang marinig niyang ngumisi ang Lola niya ay kaagad siyang umalis doon para magtungo sa living room dahil siguradong tutuksuhin na naman siya nito. Kanina pa siya nakaupo rito sa sala habang nanonood ng telebisyon pero kahit na anino ng driver niya ay hindi niya pa nakikita. "I'm ready, Boss!" Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya ng biglang sumigaw si Angela. "Aalis na ba tayo?" Pinasadahan niya ng tingin ang suot nito at agad na kumunot ang noo niya dahil masyadong revealing ang suot nito. "What the f**k are you wearing? Are you serious about wearing that? You look like a dancer in a club because of the dress you're wearing right now." "Paano mo naman nasabi?" "Wala ka bang matinong damit?" "Marami." "Then wear all of them!" Tinuro niya ang bandang dibdib nito dahil nakikita na naman niya ang cleavage nito. "Napaka-possessive mo naman, Boss Allen. Ayaw mo ba sa suot ko? Makinis naman ang hita ko kaya may karapatan naman siguro ako na magsuot ng maikling shorts, 'di ba? At saka hindi naman 'to masyadong maikli, eh." Pasimple rin nitong pinasadahan ang suot nitong t-shirt. "Hindi naman kita 'tong dibdib ko kagaya ng lagi mong sinasabi, Allen. Sadyang mahigpit ka lang talaga." "Change your dress, now!" maawtoridad niyang utos dito dahil maraming tao sa lugar na pupuntahan nila ngayon. Kung ganito kaikli ang suot ng driver niya ay baka mabastos pa ito roon. At kapag nangyari 'yon pati siya ay madadamay dahil hindi niya naman ito puwedeng pabayaan na lang. "Ayos na 'to, Allen. Huwag kang mag-alala dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. At kung sakali man na may mambastos sa akin 'wag mo akong alalahanin dahil hindi sila uubra sa 'kin," tugon nito na lalong nagpainit sa ulo niya. "Magbibihis ka ba ng kusa o ako mismo ang magpapalit ng damit mo?" Pinamaymangan siya nito. "Tinatamad na akong magpalit ng damit, Allen." Dahil sa sinabi nito ay inilang hakbang niya ang pagitan nila at hinawakan niya ito sa pulsuhan nito at kinaladkad niya ito papunta sa kuwarto nito. Pagdating roon ay marahas niya itong tinulak paupo sa kama nito. "Where's all your f*****g dress?" tanong niya rito. "Sa drawer." Nang akmang tutumbukin niya ang drawer nito ay tumakbo ito at hinarangan siya. "Hintayin mo na lang ako sa labas, Allen." "I'm staying," matigas niyang sabi rito. "Magpapalit nga ako ng damit." "And so?" "Paano ako magbibihis kung nandito ka sa loob ng kuwarto ko? Balak mo ba akong panoorin habang nagbibihis?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Do you have a problem with that?" "Oo. Ang arte mo kasi kaya papalitan ko 'tong damit na suot ko. Masyado ka kasing maselan, eh. Akala mo siguro hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko." "That's not my point, Angela." "Maarte ka kasi. 'Yong assistant mo nga kita na 'yong dibdib pero hindi mo naman sinisita. Itong suot ko maayos naman pero ang daming mong sinasabi." "I'm your boss, Angela. Just do what I say. Now, change your clothes and don't mind me." "Hindi ka talaga lalabas?" Umiling-iling siya. "Hindi." Nagkibit balikat ito bago siya tinalikuran. "f**k!" mura niya dahil bigla itong naghubad ng t-shirt patalikod sa kaniya kaya naman napakurap-kurap siya. What the hell is she thinking? Nang akmang huhubarin pa nito pati ang suot nitong bra ay mabilis pa sa alas-kuwatro na tumakbo siya palabas mula sa silid nito. Lahat na yata ng kabaliwan ay taglay na ng driver niya. Sa tuwing inaaway niya kasi ito ay lagi itong kinakampihan ng lola niya kaya tuloy lalo itong lumala. "Allen, where are you going? Aren't you going to watch me while changing my clothes?" sigaw nitong tanong pero hindi na siya nag-abala pang sagutin ang tanong nito. Fucking pervert! Ito lang ang kilala niyang babae na hindi yata tinatablan ng hiya at saksakan pa ng kapal ng mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD