"P'wede bang magsuot ka ng bra!" Nagulat siya nang biglang sumigaw si Allen mula sa likuran niya. Kanina pa siya nakaporma dahil ang sabi nito maaga raw silang aalis ngayon pero gumising ito na tirik na tirik na ang araw. "Lagi ka na lang ganiyan, Angela!"
"A-ano? At kailan ako hindi nagsuot ng bra?" taas kilay niyang tanong. "Hindi naman ako umaalis ng walang suot na bra, ah! Siguro wala ka nang ibang tiningnan kung hindi itong dibdib ko, 'no?"
"A-ano?"
"Lagi mo na lang kasing napapansin 'tong dibdib ko, eh." Pinanliitan niya pa ito ng mga mata. "Hindi ko alam kung naiinggit ka o gusto mo lang talaga makita ng malapitan 'tong dibdib ko."
"W-what?" Araw-araw kasi nitong napapansin ang mga dibdib niya kahit nananahimik ang mga ito.
Hindi niya alam kung ano ba ang ginawa ng dibdib niya sa lalaking 'to. Kaunti na lang ay iisipin niya na nababaliw na ang lalaking nasa harapan niya.
"Hindi kaya naiinggit kayo sa dibdib ko? May itinatago po kayong lihim, 'no?"
"I know what's on your mind, so cut it. I am not a f*****g–"
"Wala naman po akong masamang sinasabi, Sir Allen. Sa katunayan nga po niyan, ipinagmamalaki ko po kayo kasi po hindi po kagaya ng iba na mapagsamantala at higit po sa lahat ay sobrang guwapo niyo po," biglang bawi niya dahil parang kakainin siya nito ng buhay.
"Dapat ba akong matuwa sa papuri mo?" taas ang kilay na tanong nito. "Sa tingin mo ba natutuwa ako?"
"Ay, hindi po ba kayo natutuwa?"
"Hindi!" mabilis nitong sagot.
"Kahit sabihin ko na sobrang cute niyo at mayroon ding magandang
pangangatawan? Hindi man lang po ba kayo kinilig?"
"Bakit? Nakakakilig ba 'yon?"
"Naman!"
"Walang nakakakilig doon!"
"Ba't parang galit po kayo? Mabuti pa si Mang Tonyo nagpapasalamat kapag pinupuri ko samantalang kayo, galit na galit pa."
Inismiran lang siya nito sabay hatak sa suot niyang damit. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan nito at sapilitan siyang pinaupo sa driver seat bago ito lumingid para umupo sa passenger seat.
"Let's go."
"Saan po tayo pupunta?"
"Saan ba sa tingin mo?"
"Sa motel po ba?" Hindi siya nito sinagot bagkus ay binato siya nito ng tissue at tumama iyon sa bandang tagiliran niya. "Aw! Habang tumatagal nagiging sadista po kayo. Hindi niyo ba alam ang kasabihan na ang mga babae ay hindi dapat sinasaktan kung hindi minamahal, inaanakan at pagkatapos ay pinapakasalan?"
"In your dreams!"
Natawa siya kay Allen. "Next month ay baka ma-develop ka na sa akin kaya hinay-hinay po sa panghahamak. Kasi baka kapag nagkagusto kayo sa akin ay baka ako naman ang walang feelings sa inyo."
"Why are you so f*****g talkative?"
"Ba't ba kasi ayaw mong magsalita?"
Hindi ito sumagot.
"Siya nga po pala, Sir. May pupuntahan ka po ba bukas? Kung wala po, magpapaalam na ako sa inyo ngayon pa lang."
"Saan ka pupunta?"
"Ipagmamaneho ko po si Sir Edwin."
"Bakit?"
"May sakit po kasi si Mang Edgar kaya wala pong magmamaneho sa kaniya," aniya. Kaibigan nito si Sir Edwin kaya tiyak na papayagan siya nito.
"Bakit ikaw?"
"Sayang po kasi. Limang libo raw ang ibabayad niya sa akin. Isa pa, balikan din naman."
"Bakit nga ikaw?" Tinapunan niya ito ng tingin. Ang mukha nito ay hindi maipinta na para bang krimen ang gagawin niya.
"Nakiusap po kasi siya sa akin kaya pumayag po ako. Wala naman po kasi akong gagawin bukas dahil wala naman kayong pasok. Sayang din kasi 'yong five thousand dahil matindi ang pangangailangan ko ngayon."
"Ano ba ang mga pangangailangan mo?" Bakit kaya ang dami nitong tanong ngayon? Dati naman sa tuwing nagpapaalam siya ay tango lang ito nang tango. "Kulang pa ba ang sinasahod mo sa akin?"
"Sayang din po kasi 'yon dahil extra income nga rin po," wika niya na tila nauubusan na ng pasensiya. "Mayroon po kasi akong bibilhin kaya kailangan kong magdoble kayod ngayon."
"Kung makapagsalita ka akala mo may isang dosena ka ng anak. Unahin mo munang bumili ng bra para hindi ko nasisilip 'yang–" Bumuntong-hininga ito. "Forget it."
Branded ang lahat ng gamit niya. Simula sa panloob hanggang panlabas kaya paano nito nasabi na kailangan niyang bumili ng bagong bra? Maliban na lang kung may itinatagong inggit ang amo niya sa kaniya.
"Iliko mo sa kanan," utos nito.
"Hindi naman po 'yan ang way papunta sa hospital, ah."
"Sino ba ang nagsabi sa iyo na sa ospital tayo pupunta? Sa bar tayo ni Samuel pupunta dahil birthday niya."
"Uuwi po muna ako pagkahatid ko sa inyo. Tawagan niyo na lang po ako kapag tapos na kayong magpakasaya."
"Hindi ka aalis sa tabi ko hangga't hindi kami natatapos, Angela."
"Pambihira!"
"May sasabihin ka?"
"Sana kumuha rin po kayo ng bodyguard para po may taong sasama sa inyo sa lahat ng oras. Driver na nga ako tapos bodyguard pa! Mabuti sana kung doble rin ang sahod ko. Paano ako nito makakaipon para sa future ko?"
"Starting today, I will double your salary."
"'Sir Allen, 'wag po kayong mag-alala dahil habang umiinom po kayo ay nasa likuran niyo lang ako. Ilalayo ko po kayo sa mga babaeng gusto po kayong matikman."
"Mas natatakot pa nga ako sa iyo kaysa sa mga babaeng lalapit sa akin sa bar," bulong nito pero narinig niya naman.
"Nandito na tayo, Sir."
"I know." Binaklas na nito ang seatbelt nito at lumabas niya. Ang akala niya ay papasok na ito sa loob pero prente itong nakatayo sa gilid ng sasakyan habang nakapamulsa kaya naman binuksan niya ang bintana para sabihin na mauna na ito dahil susunod na lang siya.
"Pumasok na po kayo sa loob, Sir. Igagarahe ko po muna 'tong sasakyan niyo."
"I'll wait for you here."
"Bahala ka," aniya at itinaas na ang bintana ng sasakyan saka niya ito iginarahe ng maayos.
"Ang tagal mo," reklamo nito. "Ang bagal mong kumilos."
"Sino ba kasi ang nagsabi na hintayin niyo ako? Sabi ko sa inyo mauna na kayo, eh."
"'Wag kang lalayo sa akin, maliwanag ba?"
Tumango siya.
"Sumagot ka nga!"
Napabuga siya ng hangin. "Opo," tinatamad niyang tugon. "Sa inyo ko lang itututok ang dalawa kong mga mata." Tinitigan niya ito dahilan para mag-iwas ito ng tingin.
"Mauuna na ako."
"'Wag po kayong uminom ng marami," paalala niya pero hindi ito tumugon at sa halip ay tuloy-tuloy na itong humakbang papasok kaya agad naman niya itong sinundan.
"Hi," bati ni Sir Edwin sa kaniya bago pa man siya makaupo sa likod ni Allen. "Tuloy tayo bukas, ha?" Nasa VIP room sila ngayon. "Madaling araw tayo umalis para hindi tayo ma-traffic."
"Hindi ko siya pinayagan dahil may pupuntahan ako bukas," sabad ni Allen habang nagsasalin ito ng alak sa baso nito.
"Ano? Eh, 'di ba off mo bukas? Kapag off mo hindi ka naman umaalis, ha?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sir Edwin sa kaibigan nito. Hindi naman kasi talaga ito umaalis kapag off nito dahil maghapon itong natutulog. "Hiramin ko muna si Angela dahil hindi ko kayang magmaneho."
"Why her?"
"Bakit hindi? Magaling siyang magmaneho at saka mabilis. Isa pa, wala ka namang pupuntahan bukas dahil alam kong matutulog ka lang naman."
"May pupuntahan ako."
"Bahala ka basta hihiramin ko muna si Angela," wika ni Sir Edwin kay Allen. "Isang araw ko lang siyang hihiramin kaya 'wag kang madamot, Dude."
"Hindi puwede at wala akong pakialam kung hindi mo mapuntahan ang kung anuman ang pupuntahan mo bukas, Dela Cruz," seryosong pahayag ni Allen kay Sir Edwin sabay lagok ng alak.
Ang mga kaibigan nitong sina Sir Samuel, Sir Lizardo at Sir Kyle ay umiinom habang tahimik na nakikinig sa dalawa. Umingay lang ang paligid nang may pumasok na mga babae na sa tingin niya ay kaibigan ng mga ito.
"Sir Edwin, kasintahan niyo po ba ang mga 'yan?" tanong niya nang umupo ito sa tabi niya. "Ang lala naman ng suot ng mga 'yan."
"Girlfriend ni Allen ang isa sa mga 'yan," natatawa nitong tugon.
"Talaga? Ang pangit pala ng taste niya kung gano'n."
"Sinabi mo pa."
"Eh, kayo? Wala po ba kayong girlfriend?"
"Wala pa."
"Tama po 'yon," wika niya. "'Wag po kayong gumaya sa mga kaibigan niyo na walang taste sa babae. 'Yong mga kasintahan nila halatang sabik lagi sa kama."
"Alam mo pala ang tungkol sa bagay na 'yon?"
"Oo naman! Hindi naman ako manhid para hindi mabasa ang kilos ng mga tao sa paligid ko, 'no. Tingnan mo si Allen, hindi ko akalain na mahilig pala sa unggoy ang lalaking 'to."
"Angela, come here!" tawag sa kaniya ni Allen kaya pansamantala siyang nagpaalam kay Edwin.
"May kailangan po ba kayo, Sir?"
"Samahan mo ako sa banyo."
"Ano? Bakit? Hindi mo ba kayang mag-isa?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Oo na! Tara na! Iihi lang kailangan pa ng kasama!"
Nang marating nila ang banyo ay sinabihan na niya itong pumasok sa loob dahil hihintayin na lang niya ito sa labas.
"Samahan mo ako sa loob."
"Ano'ng gagawin ko diyan sa loob? Titingnan ko ang paglabas ng ihi mo diyan sa ari mo?" Nakataas ang isang kilay niya habang tinatanong niya ito dahil kakaiba ang mga kinikilos nito ngayon. "'Wag mong sabihin na lasing ka na agad? Kung lasing ka na, umuwi na tayo para pareho na tayong makapagpahinga."
"Bakit ba ang dami mong reklamo, Angela?"
"Dahil nababaliw ka na. Magbanyo ka na kung magbabanyo ka. Ang tanda mo na nagpapasama ka pa."