Chapter 7
CONNOR ALMINDREZ
“What are you doing here? Can you stop coming to my bar? You are not actually helping with my sales.”
“We are cousins. You are supposed to share what’s yours. Don’t be so selfish.”
I heard Gab and Ric's voices roared annoyed me more. My bank account and pay jobs are still surviving despite my lifestyle. Grandma freezes all my accounts that she knows that’s why my cousins keep on bullying me. Good thing I still have them who help me even though they knew our grandmother would be angry with them.
Umayos ako ng upo nang maamoy ko ang pagkain na nilapag ni Gab sa harap ko. Kakalapag ko pa lang kanina pero dito na ako dumiretso matapos kong ihatid sa unit ko ang gamit ko.
“Hindi mo bahay itong restaurant ko kaya parang awa mo na umuwi ka naman sa inyo at magluto. Daig mo pa may personal chef malala pa may pa request ka pa ng gusto mong kainin.”
“I love you, man!”
“No, thanks!”
Sabay kaming kumain habang walang tigil ang reklamo at lagay ni Gabriel ng mga pagkain sa harap namin. Tinupi ko lang ang polo ko bago nag-umpisa nang kumain ng luto n’yang calderetang baka at iba pang Filipino food na paborito ko.
Maya-maya pa ay bumalik na si Ric na may dalang dalawang box ng pizza at nilapag din sa mesa namin. Nandito kami sa labas ng restaurant ni Gab para hindi kami makaabala sa mga ibang customers. Saktong kumakain kami ay dumating na din ang iba pa naming pinsan na mukhang sinabihan na ni Gab sa gc namin. Meron kasi kaming group chat kung saan mas madalas kaming mag-usap ng mga kalokohan namin. Hindi kami nakikisali sa group chat kung saan kasali ang buong pamilya namin dahil puro mali lang naman ang nakikita nila sa amin.
“Wtf! Stop eating my part!”
“Stop shouting, Gio. Baka mapagkamalan kayo ng mga customer ko na patay gutom,” saway ni Gab sa mga kasama namin sa mesa.
“Theo keeps eating my part! You dimwit!”
Napapailing na lang ako at tahimik na kumain dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Galing akong Cebu kanina pero mga pasalubong lang na madalas kong bilhin ang binili ko. Mas lalo pang umingay ang paligid nang dumating si Blue with Violet. Pinagkaguluhan ng lahat ang pamangkin naming kasing kulit at sobrang bibo ng nanay n’ya.
“Don’t look at my child as you are drooling!”
Sinamaan ko ng tingin si Blake at naupo sa tabi ko basgo sinubuan ang anak n’ya. “Yum!” aniya bago ako binigyan ng malaking ngiti.
Minsan napapaisip talaga ako kung paano sila nagkaroon ng ganito kacute na anak. Samantalang noong buntis si Violet ay lagi itong galit kay Blue mabuti na lang at hindi naging masungit si Asul.
“Kung gusto mo ng kagaya ni Asul make your own,” bulong ni Blue habang pinapakain na rin ang anak n’ya.
“Don't worry, I'll definitely do it when I find her again,” I snorted, making them laugh.
They know what I was saying is impossible so for them it’s just a joke. But I will still continue what I started two years ago. I can’t just go on with my life like what I did for the past years without finding her again.
Marami na akong naging kasalanan sa kanya noong kami pa at noong iwan ko s’ya. Mga bagay na alam kong hindi ko na maibabalik pa dahil nasaktan ko na s’ya at siguradong malalim na rin ang iniwan nitong sugat sa puso n’ya. Kaya kung magkikita kaming muli ay hindi na ako magtataka kung ilang sampal, mura ang abutin ko sa kanya.
“Mahal po?”
“Anong klaseng tanong ‘yan, Gio? Palagay mo hahayaan n’yang ipasara ni Lola ang mga account n’ya kung walang gustong patunayan ‘yan?”
Nilingon ko si Ric at Gio na kung pag-usapan ako ay parang wala ako sa tabi nila. “Di ko kayo naririnig eh tuloy n’yo lang.” Bagkus na huminto ay nagtawanan lang sila at pinagpatuloy ang ginagawang pagkukwentuhan tungkol sa akin.
“Find her before it’s too late. Sometimes the pain we cause to people is also getting worse on time instead of healing it.”
“I will, Violet. I also wanted to make amends for what happened to her.”
Financial lang naman ang tinanggal sa akin ni Lola pero pakiramdam ko ay buong buhay ko ang nawala nang umalis si Aki. Alam kung mahal ko s’ya at akala ko mawawala pa ito o magbabago pa ang nararamdaman ko dahil hindi pa naman ganun kalalim ang relasyon na meron kami. Pero hindi pala ganun kadali ‘yon dahil ang akala kong pagkakamali n’ya ay gawa-gawa lang pala ni Lola para mapilitan akong iwan si Aki.
“How was it? Still no luck?” Isang malungkot na ngiti at sunod-sunod na iling ang sinagot sa akin. Ibig sabihin ay wala s’yang magandang balitang mabibigay sa akin. “Do I need to hire more people, Gun?”
“You need to stop now, Con.”
“How will I do that? If I could I would have done it before.”
Lahat sila ay sinasabing tigilan ko na ang paghahanap kay Aki dahil kung gusto nitong magpakita sa akin ay matagal na. Alam ko namang baka hinaharang ni Lola ang paghahanap ko sa kanya pero nagbabakasali pa rin ako na isang araw ay meron sa kanilang makakapagsabi kung nasaan si Akira Jane.
Alam kung imposible pero pilit pa rin akong aasa sa bawat araw na muli s’yang babalik sa akin.
Sinimsim ko ang alak na nasa baso ko at muling pinagmasdan ang mga taong nasa harap ko. Isang bahagi ng isip ko ang humihiling na sana isa sa mga ito si Jane para hindi na ako maghanap pa sa kanya.
Nilingon ko ang babaeng naupo sa tabi ko. “Want to spend your night with me?” tanong n’ya habang patuloy na hinahaplos ang braso ko.
Napangiti ako sa sinabi n’ya dahil gustuhin ko man na ibaling sa iba ang atensyon ko ay hindi ko magawa. Ang mga babaeng nakikilala at nakakasama ko ay parang isang inumin lang na walang lasa at walang epekto sa akin. Parang isang baso ng tubig na papatidin lang ang uhaw mo para muling kang magpatuloy.
“Sorry, Trish I’m not really in the mood.”
Pumara na lang ako ng taxi pahatid sa unit ko dahil wala na rin ako sa mood na uminom pa. Pero habang nasa byahe ay bigla akong nauhaw kaya nagpahinto ako sa isang convinient store. Habang pababa ako ay isang pamilyar na mukha ang nakita ko kaya agad akong nahinto sa paghakbang palabas.
I am not sure if I am only seeing things because of my eagerness to see her again. But as I watch her, it’s really not a dream this is all a reality. The woman I am looking for, for many years been standing not far from where I was standing.
Ang mundo ko at ang buong katawan ko ay tumigil na halos hindi ko na maigalaw kahit gustuhin ko pa. Gustohin ko mang lapitan s’ya ay hindi ko magawa dahil natatakot ako. Natatakot akong makita ang galit, at pagkamuhi sa mukha n’ya na halos isumpa na ni Aki ang presensya ko.
Mula nang huling beses kong makita si Aki ay nag-umpisa na din akong muling mag-imbestiga nang lahat ng tungkol sa kanya. Mula sa kung saan s’ya nakatira hanggang sa trabaho n’ya pero ang ibang detalye sa buhay n’ya ay masyadong pribado na wala akong mahanap. At hindi ko inaasahan na ang building na pinapasukan n’ya ay pag-aari pa ni Lola. Pati ang radio guesting na ayaw kong gawin ay napilitan ako dahil iyon lang ang paraan para mapalapit ako kay Aki. Kaya kahit mga ayaw kong gawin na trabaho ay napilitan akong tanggapin.
Ang hindi ko pa inaasahan ay meron na s’yang anak na hindi ko naman nabasa sa report na nakuha ko tungkol sa kanya. Kahit nga ang ospisyal n’yang trabaho ay wala akong ideya. Masyadong limitado ang mga nalalaman ko sa kanya kaya hindi ko rin maiwasang mag-isip kung akin ang batang ‘yon kahit pa sinungitan lang ako ni Aki.
“Bakit ba lagi kang nasa building ng cosmos?”
“Mind your own business, Theo.”
“Curious lang. Bakit ba ang sungit mo?”
Hindi ko na s’ya pinansin at nagdrive na lang papunta sa building ng cosmos pero hindi pa ako nakakababa ay nakita ko na ang nagkakagulong mga tao. Nang harangin ako ng ilang guard ay saka ko lang napansin ang malaking usok mula sa building. Dali-dali akong napababa ng kotse ko nang maalala ko na papunta dito kanina si Aki kasama ang anak n’ya.
Halos hindi ako makadaan dahil sa dami ng taong pumapasok at lumalabas mula sa building. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganitong takot at kaba para sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ay mag-ina ko ang nasa loob ng building na ito at kailangan kong iligtas at masiguradong ayos lang sila.
“Are there still people in the upper building?”
“Opo sir. Doon po banda nag-umpisa ang apoy.”
Pagkasabi noon ng lalaking napagtanungan ko ay dali-dali akong tumakbo paakyat ng building. At nasa kalagitnaan na ako ng building ng marinig ko ang isang iyak. At nang iikot ko ang mata ko ay nakita ko ang batang nakatayo sa isang gilid na umiiyak habang yakap ang backpack n’ya at walang tigil na tinatawag ang nanay n’ya.
Watching Aki Jane’s child someone makes my heart ache. I ran towards Aki’s kid and hug him. “Are you okay? Where is your, Mom?” I ask even though I am still not sure if he still remembers me.
“I can’t f-find her, Mister. Do you know my Mom?”
“Let’s go outside. I’ll find you’re, Mom.”
Ilang beses ko s’yang narinig na nagpapasalamat sa gitna ng pag-iyak. Dinala ko s’ya sa kotse ko at binigyan ng tubig bago binalot sa katawan n’ya ang isang kumot. Bumili na rin ako ng makakain n’ya at pagbalik ko ay may kasama na s’ya. Mga kasamahan sila sa trabaho ni Aki at kanina pa daw nila hinahanap ang mag-ina. Nagpaalam muna ako sa kanila na hahanapin si Aki dahil walang tigil ang baling sa akin.
Habang nag-iikot sa paligid ng building para hanapin si Aki ay wala ding tigil ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Nakakailang ikot na ako pero wala akong Aki na mahanap kaya mas lalo akong nabahala dahil baka nag-aalala na si Colt sa kanya. At sa muling pag-ikot ko ay nahanap ko na si Aki at mabuti na lang nasalo ko s’ya kung hindi ay tuluyan na s’yang babagsak sa daan.
At ang akala ko ay magiging okay na kami at makakapag-usap ay muli na naman s’yang lumagpas sa harap ko. Nagpasalamat lang s’ya at gaya ng unang beses ay iniwasan n’ya na naman ako.
Pinagmasdan ko ang mga dala kong pagkain at prutas bago ilang beses na huminga ng malalim para mabawasan ng kaba. Hindi ako sigurado kung isasampal sa akin ang mga dala kong pagkain ko pagbukas ko pa lang ng pinto ay ipasara na agad ni Aki.
The smile I had prepared suddenly froze as I saw the people inside Aki's room. I didn't know that he had many other guests with him and all of them looked bad to me except for Lori and Colt.
Hindi pa lumalapat ang pwet ko sa upuan ay mabilis na akong natigil nang biglang magsalita ang Ate ni Aki. “Ay magtatagal ka pala dito? Akala ko naghatid ka lang ng pagkain para kay Kira?” Mabilis akong napadiretso ng tayo at muling inayos ang damit ko.
“Opo naghatid lang talaga ako ng pagkain. I’m leaving now. Hope you enjoy your food,” saad ko bago dumiretso na sa pinto.
“Mister, thank for the food,” pahabol ni Colt na s’yang naging pakunswelo ko.
Kahit papaano ay hindi rin nasayang ang pagpunta ko dahil nagustuhan ni Colt ang dala ko. “Connor…” Nilingon ang tumawag sa akin at nagulat ako nang makita ko si Aki.
“Aki…”
“I am thankful for what you did for me and my son, but you don’t need to do more than that. Hindi ko alam kung ano ang rason mo for approaching us, but you need to stop and let us pass as if we were strangers.”
Ang ngiti sa labi ko ay dahan-dahan nawala at wala na akong nasabing kahit ano kay Aki. Pinanood ko na lang s’yang muling maglakad pabalik ng kwarto n’ya.
I wanted to give up, ‘cause I can feel the hatred Aki has for me. But something inside me still wanted to continue what I was doing and annoying Aki is the only thing that makes me get close to her.
“I’ll see you around then if today is not okay,” I shouted before she entered her room.