bc

Love and Despair

book_age18+
274
FOLLOW
1K
READ
possessive
escape while being pregnant
playboy
self-improved
single mother
drama
office/work place
cheating
enimies to lovers
pilot
like
intro-logo
Blurb

Pagkatapos ng sampung taon ay muling nagkita si Akira Dimaano at ang ex niyang si Connor Almindrez na ilang taon niya ng iniiwasan at tinatakbuhan. Akala niya ay doon lang matatapos ang lahat pero nag-umpisa na naman itong guluhin ang buhay ng lagi silang nagtatagpo. Idagdag pa na nalaman ni Connor na meron silang anak at kailangan niya si Connor para madugtungan ang buhay ng anak nila.

Paano mo haharapin ang isang lalaking sumira ng buhay mo?

Paano mo hihingin ang tulong ng lalaking kinamumuhian mo pero kailangan ng anak mo?

Paano ka uusad kung bawat oras na makikita mo siya ay bumabalik ang lahat ng masasakit na ala-ala niyo kasama na ang nararamdaman mo?

chap-preview
Free preview
LOVE AND DESPAIR
LOVE AND DESPAIR  AKIRA JANE DIMAANO  NILIBOT ko ang tingin ko sa buong paligid ng bar at wala akong makitang mukha na pamilyar sa akin. Kanina ko pa gustong umalis pero hindi ko alam kung paano ako uuwi. Halos nasusuka na ako sa amoy ng sigarilyo at iba’t ibang amoy ng mga tao sa paligid ko pero hindi ako makaalis.  Nilingon ko si Florita ay Lori pala na kanina pa walang tigil sa pakikipag sayaw sa mga hindi ko naman kilalang tao. Magpapaalam sana ako sa kanyang lalabas lang ako saglit dahil hindi na ako makahinga sa dami ng tao sa paligid ko. Ngunit masyado itong abala sa mga kasayaw niya kaya naglakad na lang muna ako palabas ng bar.  Napadpad ako sa hindi mataong parte para maghanap ng mauupuan ngunit habang papalapit ako ng papalapit sa bench na nakita ko ay palakas din ng palakas ang ingay na naririnig ko. Akala ko ay namamali lang ako ng dinig dahil sa malakas na tugtog at sigawan mula sa loob. Pero meron talaga akong naririnig na mga daing na para bang may kung anong naiipit sa kanya. Kaya dahan-dahan akong humakbang para hanapin ang ingay na naririnig ko at dinala ako nito sa parking lot.  “Susko po, Santa Mariang birhen!” singhap ko na agad tinakpan ang bibig ng makita kung saan nanggagaling ang ingay na naririnig ko.  Nakaside view sa akin ang lalaki at nakaharap siya sa babaeng nakatalikod sa kanya na halos nakasubsob na sa pinto ng kotse. Mabilis itong gumagalaw sa likod ng babae dahilan para dumaing ito na parang may kung anong naiipit.  Wala palang masakit sa kanya. Kung hindi ay ibang bagay pala ang nararamdaman niya, para pala sa ibang daing ang naririnig ko.  Sa sobrang kahihiyan ko ay dahan-dahan na akong naglakad palayo doon dahil nagiging makasalanan na ang mata ko. Mabuti na lang at linggo bukas kaya makakapag simba ako at makakapagkumpisal kay Father sa kasalanan ko ngayong gabi. Naupo ako sa bench na nakita ko at tiningala ang maliwanag na langit. Ngayong gabi ay puno ito ng bituin na para bang may kasiyahan doon kaya nagtitipon silang lahat. Tinaas ko ang kamay ko at itinapat ito sa isang bituin na parang abot kamay ko lang.  “You like stars and the moon?” gulat kong nilingon kung saan galing ang tinig na narinig at mas nagulat ako ng makita kung kanino ito galing.  Connor Almindrez, the man you would want to meet because he is so handsome and kind of wealthy. But that face will also scare you with the mess it could bring you. I don’t know him personally but there is no one who does not know him. The asshole and a fvcking bastard of St. Thomas University.  “Everybody likes stars and moon,” sagot ko bago muling tiningala ang langit.  “Where are you going?”  Nagtataka ko siyang nilingon dahil sa tanong na ‘yun. “Leaving. Kailangan ko ba dapat manatili?” mapang-uyam kong tanong kay Connor.  “Oh, I was just curious.”  “Of what?”  Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon at kinakausap ang lalaking ito. Samantalang hindi naman kami close. Hindi kami magkakilala at hindi rin kami magkaibigan kaya walang rason para manatili ako kasama niya.  “You running away from me,” kibit balikat niyang sagot sa akin.  “Running away? Why would I do that? Hindi tayo close. Kilala lang kita sa pangalan dahil sa parehong school na pinapasukan nating dalawa. Higit pa doon ay wala na tayong connection, idagdag pa na magkaiba naman tayo ng level. So what do you expect from me?”  “Connor--”  Naputol ang kung anong sinasabi niya ng malakas akong tumawa. “Have a good night Mr. Almindrez,” paalam ko bago siya talikuran at naglakad paalis doon.  Iyon ang unang beses kong makaharap ng ganoon kalapit ang isang Connor Almindrez. At hindi ko akalain na iyon din pala ang umpisa ng paggulo niya ng buhay ko. Hindi ko akalain na ang lalaking iniiwasan ko at ayaw ng muling makatagpo ay mas lalo pang pagbubuholin ang landas naming dalawa.  “Aj…” nilingon ko ang kaklase ko na tumawag sa akin. “Lumabas ka bilisan mo!”  Hinila niya ako palabas ng hallway. At halos malaglag ang panga ko ng makita kong ano ang dahilan ng pagtawag niya sa akin. Nakatayo sa gitna ng mga estudyante si Connor at may rose na nakaipit sa mga labi nito.  Anong palagay niya sa sarili niya dancerist?  “Baliw ba yan?” baling ko kay Lori na nasa tabi ko na agad.  “Ano ka ba? Ang gwapo-gwapo kaya ni Connor. Sagutin mo na kasi para hindi na siya nagpapakahirap ng ganyan,” dagdag komento ng pakialamera kong kaibigan.  “Bakit naniniwala ka na gusto niya talaga ako? Isang Connor Almindrez yan. Hindi nga niyan alam ang salitang faithful tapos maniniwala ka pa? Tsk!”  Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan bago ako tumalikod at pumasok muli sa room namin. Marami akong naririnig na bulungan mula sa mga taong nadadaanan ko. Pero gaya ng unang beses kong narinig ‘yun ay nagkibit balikat na lang ako at patuloy na naglakad.  Mula ng araw na makilala ko si Connor hanggang ngayon ay wala ng tigil ang mga tao sa panghuhusga sa kung sino ako sa buhay niya. Lalo na ng ligawan ako nito na alam ko naman na hindi seryoso. Paano magkakagusto ang isang lalaking ni minsan ay wala ngang ideya na nagi-exist ako?  “Ay, pusang gala!” Gulat at nanlalaki ang mata akong nakatingin sa lalaking biglang humila sa akin. “Nababaliw ka na ba?” sigaw ko ng malakas na tinulak ang balikat niya.  “Yeah, maybe I am. I am crazy that you are just passing through me and never even bother to take a glance. I am courting you and all those girls are dying for it to happen to them. But here you are ignoring me as if you don’t care,” he said, frustrated about my actions.  Pinagmasdan ko siyang guluhin ang buhok niya at halatang nagpipigil lang ng inis sa akin kaya mas lalong hindi ko mapigilang matawa. “Are you serious now? Masaya pala ang ibang babae sa panliligaw mo ‘di sana ay sila ang niligawan mo. Hindi ko naman hinihingi na ligawan mo ako eh. Then you expect me to be grateful just because a fvcking playboy is courting me now? There is nothing great about you, it's just your name.” Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa ginagawa niya ngayon.  Siguro dahil alam ko naman na hindi siya seryoso at alam kong ginagawa niya lang ito para magpasikat. Iyon ang gawain nilang magkakaibigan ang gamitin ang ibang tao para mapagkatuwaan o kung ano man.  Ganun ba talaga kapag mayaman? Ang mga taong mas mababa pa sa kanila o hindi nila kalevel ay mananatiling isang laruan o katuwaan lang sa kanila.  Akala ko sa ginawa kong pag kompronta kay Connor ay titigil na ito pero mas lumala pa ang panliligaw kuno niya sa akin. Araw-araw niya akong inaabangan sa baba ng building namin o di naman kaya ay pumupunta pa talaga siya klase ko na talagang nakakahiya. Kaya mas lalo din akong inuulan ng tukso dahil sa kanya at sa mga kaibigan niyang akala mo ay malaking bagay sa akin na ligawan kuno niya.  Ngayon ay may party ang isa sa mga kaklase ko at wala akong magawa kung hindi samahan si Lori. Kapag hindi ako sumama ay hindi rin siya papayagan kaya wala akong magawa kung hindi sumama sa party na hindi ko naman talaga gusto.  “Kira, bilisan mo naman. Malilate na tayo sa party,” katok ni Lori sa akin.  Kaya ayoko talagang mag-aral dito sa Manila dahil sa mga ganitong eksena. Mas gusto kong manatili sa silid ko at mag-aral. Hindi ang ubusin ang oras ko sa pagpapacute sa mga lalaking ni hindi marunong maghugas ng pinagkainan nila. O di naman kaya ay makipagkwentuhan sa mga bagay na nabili nila at napuntahan dahil wala din naman akong ganong karanasan para ipagyabang. Kung nasa probinsya ako ay baka nakatulong pa ako kay Nanay na magtanim sa bukid.  Isang beses ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto ko kung saan naghihintay si Lori. Nagtaxi na lang kami papunta sa bahay ng kaklase namin at nasa labas pa lang ay maiilang ka ng pumasok dahil sa iba’t ibang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay niya.  “Umuwi na lang kaya tayo,” baling ko kay Lori na nakatayo din sa tabi ko.  “Gaga! Nandito na tayo kaya bakit pa tayo uuwi? Nababaliw ka na ba?”  Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako papasok ng gate. At habang naglalakad kami ay parang kinakain na ako ng lupa sa sobrang kahihiyan. Daig pa namin ang isang komunista na ngayon ay pumapasok sa lungga ng mga taong sobrang baba ng tingin sa amin.  Mga mayayaman na walang ibang nakikitang magaling kung hindi mga sarili nila. At kapag nalamangan ka nila ay sobrang sama ng tingin nila sayo na para bang hindi ka dapat nag-iexist sa mundo.  “Saan ka pupunta?” tawag ko kay Lori ng bigla itong tumayo.  “Pupuntahan ko lang si Bless. Hindi mo ba siya babatiin?” tanong niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo.  Sabay naming nilapitan ang kaklase naming nilapitan ang kaklase naming may kaarawan ngayon. Wala naman kaming dalang kahit ano bukod sa sarili namin dahil ang sabi ni Lori ay sobrang yaman na nito para manghingi pa ng regalo sa mahirap na gaya naming dalawa.  “Omg! Kira, Lori, I thought you wouldn’t come. Anyway, welcome to my party and drink till you drop.”  Lahat ng nakapaligid sa amin sa school ay mayaman. Kaya kaming mga scholars ng school ay parang katulong nila dahil sa kanila galing ang pang-aral namin. Itanggi man namin ay talagang parte na iyon ng katotohanan ng isang mahirap na nag-aral sa isang prestiyosong eskwelahan. Mahirap pero kailangan kong makatapos para sa mga pangarap ko at para sa amin ng pamilya ko.  Napaurong ako ng dumagsa ang mga taong lumapit kay Bless para batiin siya. Sa kakaurong ko ay hindi ko namalayan na may mabubunggo na pala ako. “S-sorry hindi ko kasi--” naputol ang sasabihin ko ng makilala kong sino ang nabunggo ko.  “Are you okay?” nag-aalala niyang tanong sa akin.  Ngunit ng akmang lalapitan niya ako ay para akong napapaso na napaatras. “Ayos lang ako. Hindi mo na kailangang lumapit pa,” putol ko sa kung ano man ang sasabihin niya pa.  Nagulat pa ako ng marinig pa itong mahinang tumawa. “Harmless ako, Love. I won’t bite you,” aniya sa slang na tono.  “Alam ko. Ayaw ko lang na makita tayo ng mga kaibigan mo at kung ano-ano na naman ang sabihin tungkol sa akin,” sagot ko bago naglakad palayo sa kanya.  Akala ko ay iniwan niya na ako pero nakasunod pa pala ito sa akin dahil ng may nakasalubong akong isang grupo na naghaharutan ay mabilis niya akong nahawakan. Sa paghila niya sa akin pakiramdam ko pati puso ko ay lumabas dahil sa pagkabigla.  “Hey, watch where you're going!” he shouted. “Are you okay?” tanong niya ng maitayo ako.  Sunod-sunod akong tumango bilang sagot sa tanong niya. “Isang tango lang sapat na,” nangiti niyang saad bago ginulo ang buhok ko na ikinagulat ko pa.  Hindi ko akalain na ganito siya ka touchy. Naipiling ko na lang ang ulo ko ng mag-umpisa siyang maglakad palayo ng tawagin ng mga kakilala niya.  Sinubukan kong layuan siya buong gabi pero buong gabi din ay pinagtatagpo kaming dalawa. Gaya ngayon na hindi ko na alam kung paano pa siya tatakasan o lalayuan. “Are you okay? Don’t worry, makakalabas din tayo,” he said in an assuring voice.  Pero ilang minuto na kaming nakakulong dito sa kwartong ito ay hindi wala pa ring nakakarinig sa mga tawag at katok namin. Ang oras na dapat ay nagpapahinga ako ay kasama ko ang lalaking ilang beses kong iniiwasan at nilalayuan sa isang silid na kaming dalawa lang. Kaya sa bawat tanong at pangungulit niya sa akin ay wala akong nagawa kung hindi ang sagutin siya para pareho kaming hindi mainip.  Umaga na ng makalabas kami ng kwartong ‘yun ni Connor at sobrang nakakahiya pa dahil naabutan nila akong nakasandal sa balikat niya habang nakasandal naman siya sa pader. Sa sobrang kahihiyan ko ay hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya dahil dali-dali na akong tumakbo paalis doon.  Akala ko pagkatapos ng nangyari sa silid na ‘yun ay okay na ako. Pero nagising na lang ako isang araw na hinahanap ko na siya at bigla kong namiss ang mga panggugulo niya sa akin. Dahil mula ng araw na ‘yun ay hindi na kami muling nagkita pa. May lungkot at kung anong sakit akong nararamdaman sa dibdib ko pero hindi ko ma figure out kung para saan ‘yun kaya hinayaan ko nalang. Hanggang sa isang araw muli ko siyang makasalubong at merong kasamang babae. Doon ko narealize na kaya pala nababahala ako sa biglaan niyang pagkawala. Kaya pala bawat araw ay umaasa akong bigla siyang susulpot gaya ng dati dahil ang gusto ko na ang mayabang at preskong lalaking ito.  “Ano ba? Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin?” sigaw ko ng huminto ako matapos ang mahabang pagtakbo ko.  “Why are you running away from me? Why… why are you crying?”  Natigilan ako sa tanong na ‘yun at mabilis na hinawakan ang pisngi ko na hindi ko napansin na may luha na pala. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon o kung bakit may kung anong makirot sa dibdib ko. Dahil ba ito sa nakita ko kanina? Nasasaktan ba ako ngayon na meron na siyang ibang babaeng gusto? O nasasaktan ako dahil alam kung laro lang naman talaga sa kanya ang lahat ng meron kaming dalawa.  “Ano bang pakialam mo. Masama ang pakiramdam ko. Okay na ba? Umalis ka na nga,” sigaw ko para lang layuan niya ako.  Ngunit ang lalaking tinutulak ko palayo ay nakatayo lang doon habang pinagmamasdan ako. Muli ko sana siyang sisigawan at paalisin pero nagulat na lang ako ng inilang hakbang niya ang kinatatayuan ko at kinabig ako para sa isang halik.  Gusto ko siyang itulak palayo sa akin at patigilin siya sa ginagawa niya pero lahat ng gusto kong sabihin ay kinulong ng mga labi niya na mariing nakalapat sa labi ko.  “I’m not sorry for what I did. I’ll be sorry if I won’t kiss you. I like you, Akira Jane Dimaano. Can you be officially mine?”  And as a response to his questions, tears stream down my cheeks as I nod incessantly. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook