CHAPTER 1

1724 Words
CHAPTER 1 TEN YEARS LATER…  AKIRA JANE DIMAANO  “This is DJ Aj and thank you for listening to On Air at 89.9 South Radio. Have a good night!”  Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng tanggaling ko ang headset sa tenga ko. Kumaway lang ako sa mga kasama kong nasa labas ng booth bago inayoas ang sarili at lumabas na.  “Aj, may dinner kami hindi ka sasama?”  “Boss, alam niyo naman kailangan ko ng umuwi.” Alanganin kong ngiti sa station director namin.  Umiling-iling na lang nitong tinapik ang balikat ko at nagpaalam na. Ilang taon na ako sa kumpanyang ito ay hindi pa rin ako nakakasama sa mga paglabas nila. At nasanay na ang mga kasama ko doon dahil mas marami akong kailangan unahin kesa sa paglabas-labas.  “Mauna na ako. Wag kayong papagabi importante ang segment natin bukas.” Paalala ko sa kanila bago nagpaalam at nauna ng umalis.  Pumara lang ako ng jeep paglabas ng Station. Mabuti na lang at hindi trapik kaya dumaan muna ako sa palengke dito sa may bukid bago naglakad na lang pauwi. Nasa kanto pa lang ako ay nakita ko na si Mama na nakaupo sa labas at kakwentuhan ang kapitbahay naming Marites.  Sabi ng kapatid kong bunso ay Marites daw ang tawag ngayon sa mga bagong tsismosa ngayon. At kabilang doon ang kapitbahay namin na si Aling Irma. Hindi naman yata nawawala ang mga marites sa mundo dahil boring ang isang barangay kung wala sila. Sabi nga sila daw ang radyo, tv at dyaryo ng isang street o barangay kaya mabilis din ang paggalaw ng mga balita.  “Nay, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah.”  “Kira, mabuti naman at dumating ka na. Hinihintay kita. Saka dumating kasi itong kapatid ni Irma ang daming tuyo na dala.”  Masaya niyang kwento. Itong Nanay ko talaga ay akala mo hindi nakakakain ng tuyo at kapag may mga bigay galing sa kapitbahay ay sobrang tuwa niya. Gaya ngayon kahit ang totoo ay ang dami ng iba’t ibang tuyo at mga pasalubong sa bahay dahil sa mga kaibigan niyang madalas na bigyan siya ng kung ano-ano.  “Naku malapit na naman madagdagan ang edad mo Kira. Magboyfriend ka na kaya.”  Nagdikit na lang ang mga labi ko sa isang linya dahil sa sinabi ni Aling Irma. Hindi rin talaga sila paladesisyon sa buhay ng iba eh. Naku pasalamat talaga sila at mabait sila sa Nanay ko kung hindi ay baka noon ko pa sila pinatulan.  “Sana ka ho kapag nag-asawa na rin ang anak niyo,” nakangisi kong sagot sa kanya bago hinila si Inay papasok ng bahay.  Baka pag nagtagal pa kaming dalawa doon ay magsulian na silang dalawa ni Aling Irma ng kandila. Dahil ang anak niyang tinutukoy ko ay kwarenta na ang edad at hanggang ngayon ay dalaga pa rin. Bakit kaya hindi iyon ang pilitin niyang mag-asawa? Ako tuloy ang kinukuliglig niya na nanahimik at masaya ang buhay.  Pagpasok sa bahay ay sinalubong ako ni Kiro na mukhang kakatapos lang magluto. “Ate tamang-tama luto na ang paborito mo,” nakangisi niyang baling sa akin.  “Bakit ano ba ang ulam natin?” tanong ko habang hinuhubad ang jacket na suot ko.  Malamig na ngayon dahil magpapasko na ilang linggo na lang. “Stir fry canned fish.” Proud niya pang sagot sa akin.  Napapailing na lang akong natawa sa kanya. Pinahirapan pa ang sarili ginisang sardinas lang naman pala ang niluto niya.  “Magbihis ka na anak para makakain na tayo,” utos ni Inay na mabilis ko ding sinunod.  Nagbihis lang ako ng damit bago bumaba din agad dahil baka gutom na ang dalawang kasama ko. At pagbalik ko nga sa kusina ay nakahain na si Kiro. Naupo lang ako sa tabi ni Inay at pinaghanda na rin siya ng pagkain. Sabay-sabay kaming kumain dahil wala pa si Ate Kari. Baka mamaya pa ang uwi niya kaya nauna na kaming kumain saka baka sa mall na rin ito kakain dahil alas otso na rin ng gabi.  Pagkatapos kumain ay iniwan ko na silang dalawa sa ibaba dahil marami pa akong emails na kailangan kong ayusin. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush bago ako naupo sa lamesa ko at nag-umpisang magbasa ng mga emails ko. Kailangan ko ng magandang topic para bukas sa segment ko dahil madalas ang napipiling kwento ng mga writer namin ay boring o di naman kaya ay common.  Habang nag babrowse ako ay isang pangalan ang dumaan sa news feed ko. Isang pangalan na parang namamalikmata lang ako pero hindi dahil siya talaga ang nasa cover ng magazine na ‘yun.  Pilot, Model, Connor Almindrez is the new face of Cosmos Magazine.  Iyon ang mga salitang nakasulat katabi ng pangalan niya. At sa ibaba noon ay ang litrato niyang nakasandal sa isang aircraft suot ang isang puting uniporme at hawak sa kanang kamay ang isang itim na sumbrero.  Bago pa lumawak ang nababasa ko sa balitang ‘yun ay mabilis ko ng sinara ang tab n ‘yun at muling inabala ang sarili sa trabaho ko. Nang mauhaw ako ay kukuha sana ako ng inumin pero naubusan na ako ng stocks kaya wala akong magawa kung hindi lumabas.  “Gabi na. Saan ka pupunta?” tanong ko ni Mama ng maabutan ko siyang nakaupo sa sala at tahimik na nanonood.  “May bibilhin lang, Ma.” Isa-isa kung nilalagay sa basket na bitbit ko ang mga kailangan ko sa kwarto para hindi na ako bababa lalo na kapag madaling araw na. Mabilis magising si Mama kaya iniiwasan ko talagang mag-ingay dahil alam kung babangon siya lalo na kapag alam niyang nasa baba ako.  “Ate Aj, gabi ka na yata ngayon.”  “Ngayon ko nga lang napansin na wala na pala akong stocks. Kaunti yata ang mga customer mo?” baling ko kay Don na anak ni Aling Norma na siyang may-ari ng convenient store na ito.  “Naku kakaalis lang nila. Ayan may humahabol pa,” aniya habang nakatingin sa kotse na pumaparada sa harap ng tindahan nila.  Nagpaalam na siya at nagpuntang muli sa counter habang ako ay namimili ulit ng mga kailangan kong bilhin. Tumunog ang pinto hudyat na may pumasok kasabay ng pagbati ni Don. ilang sitsirya pa ang dinampot ko bago naglakad papuntang counter.  “Do you have a brand like this one?”  Isang baritonong boses ang naririnig kong kumakausap kay Don. siguro ito ‘yung bagong customer dahil hindi naman na muling tumunog ang pinto matapos kanina. Pagliko ko at makita ang lalaking nakatayo sa harap ng counter ay napamura na lang ako sa isip ko bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo doon.  Namamalikmata yata ako kaya ilang beses ko pang kinusot ang mata ko pero hindi dahil ang lalaking ayaw kong makita, ngayon ay ilang hakbang lang ang pagitan sa akin.  At halos mabunutan ako ng tinik ng makita kong muli na itong lumabas ng store ni Don. Kaya dali-dali na akong nagpunta sa counter at binayaran ang pinamili ko. “Ate, ito lang ba?” “Oo.”  Pagkabigay ko sa kanya ng bayad ay dali-dali din akong lumabas ng store. Ayokong mabaliwala ang ilang taon kong pinaghirapan para lang makalayo sa kanya. At ang akala kong nakaalis na ay nasa tabi lang pala ng kotse niya at may kausap sa telepono. Mabuti na lang at nakatalikod ito sa akin kaya hindi ako nito nakita. Pero ang dibdib ko ay halos sumabog na dahil sa lakas ng kabog nito.  Halos lakad takbo na ako para lang makalayo sa tindahan nila Aling Norma. Kaya pagdating sa bahay ay hingal na hingal ako na pati si Mama ay nagulat sa itsura ko.  “Mahabaging Diyos! Ano bang nangyayari sayo? Ito tubig inumin mo,” abot niya sa akin ng isang basong tubig.  “Salamat, Ma. Ayos lang ako. Hinabol lang ako ng aso kaya napatakbo ako.”  “O siya magpahinga ka muna bago umakyat. Matutulog na ako.”  “Goodnight, Ma!”  Napabuntong hininga na lang ako ng  makaakyat na si Mama dahil parang malalagutan na yata ako ng hininga sa bilis ng takbo ko. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay daig ko pa ang nakakita ng multo sa itsura ko ngayon.  Nang makabawi ako sa nangyari kanina ay umakyat na ako pabalik sa kwarto ko. Dahil sa nangyari ay wala na akong nagawang trabaho kaya kinuha ko na lang ang mga beer na dala ko at uminom mag-isa. Kailangan kong makalimutan ang nangyari kanina dahil siguradong hanggang sa pagtulog ko ay baka dalawin ako nito.  Nakapikit ang mata ko at naglalakbay ang utak ko ng tumunog ang phone ko. When I check who was calling it’s Lori, and I don’t have a choice but to answer cuz she won’t stop calling me.  “Have you seen the Cosmos?” Isang malalim na buntong hininga lang ang naisagot ko sa kanya. “Oh my God! Oh my God, Kira! He is still looking for you,” she shrieked as I heard her giggles and gasping for air.  Is she that affected in my love life?  Who wouldn’t when the man who is looking for me is the number one playboy?  “Is that why you call me?” tamad kong sagot sa kanya.  “Nabalitaan ko lang, ito naman. Anyway kita naman tayo gusto ko ng mag-inom.”  “Sigurado akong maraming tubig diyan sa condo mo kaya hindi ka mauuhaw,” pabalang kong sagot sa kanya.  “Tsk! Nakakainis ka talaga. Sunduin kita bukas sa station.” Pilit niya pa bago nagpaalam at ibaba ang tawag niya.  At nang buksan ko ang socmed ko ay hindi na ako nagulat na inuulan ang mga personal account ko ng mga messages mula sa malalapit kong kaibigan.  Asking if I already read the article about Connor. It’s funny that they only remember me when something about me interests them, but on a regular daily basis, I am nothing like what I used to be.  Inubos ko na lang ang pangatlong bote ng beer ko bago magpasya na matulog. Marami pa akong kailangan gawin bukas dito sa bahay at sa trabaho. At hindi nga ako nagkamali na hanggang sa pagtulog ko ay naiisip ko ang nangyari kanina sa tindahan ni Aling Norma. Mukhang matatagalan bago ako muling magawi doon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD