"May pinagkakautangan ka ba?" Mayamaya ay narinig niyang tanong ni Luis sa kaniya. Iniliko na niya ang kotse patungo sa restaurant na gusto nito. Ito ang nag-suggest ng restaurant na kakainan nilang dalawa dahil wala siyang maisip nang tanungin siya nito kung saan niya gustong kumain. "Wala, bakit? Ako pa nga ang inuutangan, eh!" nakasimangot niyang sagot. "Because there someone's following us." Kalmante nitong saad. Napakunot naman ang noo niya. Napatingin siya sa front mirror. Napansin niya nga rin kanina pa sumusunod sa kanila ang puting van na nakikita niya ngayon. Akala niya nga dederetso ito pero nang iniliko niya ang kotse ay biglang liko rin ang van. "Baka naman, assuming lang tayo." Nagkibit-balikat siya. "Baka nga, imposible namang magkaroon ka ng atraso. Pero in case nga n

