bc

Beyond Temptation | R-18

book_age18+
2.7K
FOLLOW
22.7K
READ
possessive
second chance
badboy
sweet
bxg
humorous
small town
first love
teacher
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

(BEBE and LUIS story)

[Mature Content]

Since losing the woman he loves the most, three years ago. The Math professor Luis Barbosa had difficulties forgetting the first woman who owned his heart. He feels like he was not the same person, that he lost half of himself. He was broken into pieces. Hence, he doesn't want to open his heart to someone.

But when he saw again his childhood friend, Belinda "Bebe" Gomez, with whom he had a one-night stand before, he felt something for her that he couldn't resist. A temptation that was beyond his limitation.

Could she be the one who makes himself whole again? Could she be the one who will mend his broken heart?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lihim na minumura ni Luis si Juan sa isipan o mas tamang sabihin na pinapatay na niya ito. Damn it! Kanina lang ay kinausap siya nito na lasingin si Bebe para ma-solo nito si Venus. And f**k! Pumayag siya para kay Lolita dahil nangako ito na tutulungan siya nito kung paano liligawan si Lolita. "O, bakit magdadala ka ng beer?" tanong ni Bebe sa kaniya. Napansin nito ang maraming bote ng beer na inilagay niya sa basket. "Para habang hinihintay kita lasing na ako–este pampa-chill lang ito." Ngumisi siya nang nakakaloko. Gusto kasi nitong mag-CR. Tamang-tama naman sa plano nilang dalawa ni Juan na lasingin niya ito. "Ikaw, Juan? Hindi ka ba sasama sa amin ni Luis?" tanong ni Bebe, nagpa-cute pa ito kay Juan. Gusto niyang mapailing, ang tindi talaga nang tama ng babaeng ito kay Juan. Sinuri niya ang kabuuan nito, first time niya lang itong nakitang nagsuot ng short ngayon. Alam niyang napilitan lang ito dahil gusto nitong makipagkompetensya sa kaseksihan ni Venus. "Hindi na, hihintayin ko na lang kayo rito," tanggi ni Juan. Nakita niya ang disappointment sa mga mata ni Bebe. Kung bakit pa kasi sumama siya sa overnight camping na ito. Hindi niya rin naman mahindian si Señora Corazon na parang pangalawa na niyang ina, lalo na ang best friend niyang si Juan. "Halika na Bebe, hayaan mo na si Juan diyan, kakain iyan ng mani mamaya." May himig pagbibiro ang boses niya. Pero hindi yata nito na-gets ang biro niya. Malditang inosente rin kasi ang babaeng ito. "Wala naman dalang mani si Venus, tara na nga." Nakasimangot itong tumayo. Napangisi siya kay Juan bago sila tuluyang umalis. "Tao po, Mang Gido!" tawag niya kay Mang Gido, ang isa sa mga tauhan sa hacienda na nagbabantay sa plantasyon ng manggahan. Nasa edad singkwenta na ito pero malakas pa rin, may dalawang anak na lalaki na kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Mayamaya ay binuksan na rin ang pinto ng bahay na yari sa narra. Ang mga tauhan dito sa hacienda ay hindi katulad ng iba na naghihikahos. Sinisigurado nilang dalawa ni Juan na tamang sahod ang ibinibigay nila sa mga ito at kung minsan ay pinasosobrahan pa. Bawat tauhan dito sa hacienda ay may sarili ring tahanan. "Kayo pala Sir Luis," ani nito bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok kayo." Isang tipid na ngiti ang isinagot niya rito. Kaagad naman silang pumasok ni Bebe. "Pasensya na, naistorbo ho kayo Mang Gido. Mag-CR lang po itong maganda kong kaibigan." Kinindatan niya pa si Bebe, inirapan naman siya nito. "Ay siya walang anuman," maagap na sagot nito, sabay wasiwas ng isang kamay sa ere saka binalingan si Bebe. "Sige na hija, mag-CR kana." "Salamat po." Pagkatapos magpasalamat, nagtungo na si Bebe sa CR. Naiwan silang dalawa ni Mang Gido sa sala. Pinuna nito ang dala niyang basket. "Ang dami mong beer na dala, maglalasing ka ba?" "Hindi naman po." Napakamot siya sa batok at nahihiyang ngumisi. "Aba, eh may kasabihan nga na kapag may alak may binabalak." Ngumisi si Mang Gido, malisyoso ang ngisi na naka-paskil sa labi nito. Loko-loko rin ito kaya nakakasundo niya ito minsan pagdating sa kalokohan. "Aba'y meron po talaga akong binabalak," biro niya. Mas lalong lumapad ang ngisi nito dahil sa sinabi niya Husto naman ang pagbalik ni Bebe, nakasimangot pa ito. "Hoy! Ano ang pinagsasabi mong may binabalak ka?" singhal nito, ang mga mata ay matatalim na nakatitig sa kaniya. "Grabe naman iyang pandinig mo, Bebe." Ngumisi siya ulit. "Aba! Malay ko ba kung may binabalak ka talaga sa akin." Nakataas ang isang kilay nito. "Halika na nga, mag-Bebe time na tayo," biro niya, sabay kindat dito. "Tigilan mo ako, Luis!" naiinis na asik nito. Napangisi siya, saka nilapitan ito at inakbayan. Alam niyang naiinis ito dahil bukod sa kanina niya pa siya inaasar, halata rin kasing todo iwas ang ginagawa ni Juan dito mula pa kanina. "Umalis na tayo," saad niya, saka binalingan niya si Mang Gido na nangingiting nakatingin sa kanila. "Salamat po, Mang Gido. Aalis na po kami." "Sige, Sir Luis. Nawa'y magtagumpay ka sa binabalak mo." Malisyosong biro nito, na siyang ikinatawa niya. "Aba'y opo, pag-iigihan ko." Kinindatan niya ito. Siniko naman siya ni Bebe, napaigik siya pero hindi na lang nagpahalata sa harapan ng matanda. "Sige po, alis na kami. Salamat." Paalam ni Bebe. Palabas na sana sila ng bahay nang may maisip siya. Muli niyang binalingan si Mang Gido. "Mang Gido, gusto mong makipag-inuman sa akin?" "Aba'y hind ako tanungin," mabilis na sagot nito. Napangisi siya. Namalayan na lang nila nasa veranda na sila ng bahay ni Mang Gido, ang mga beer na dala niya ay nakapatong na sa ibabaw ng lamesa. "Sandali lang, kukuha ako ng pulutan natin." Tumayo ito saka pumasok sa loob ng bahay. "Hoy, Luis!" naiinis na sambit sa kanya ni Bebe, halatang pigil ang inis na ipinapakita. "Yes, Bebe ko?" malambing na sagot niya rito. Inirapan siya ni Bebe at akmang tatayo sa kinauupuan pero pinigilan niya. "Ano ba! Babalik na ako kay Juan," saad nito. "Teka lang, mag-iinuman pa tayo." "Alam mong hindi ako umiinom ng alak, Luis!" asik nito bago niya nilakihan ng mga mata. "At saka tigilan mo na nga ang pang-aasar sa akin, kanina ka pa, eh!" Tumikhim siya saka inilapit ang upuan kay Bebe at mahinang nagsalita, "Alam mo Bebe, makisama na lang tayo, nakakahiya kay Mang Gido." Isang nakakatakot na irap ang inabot niya rito, kulang na lang sabunutan siya nito, napangisi na lang siya. "Walanghiya ka talaga, Luis!" singhal nito sa nagpipigil na boses. "Sa harapan ni Juan panay ang pa-cute mo, pagdating sa akin nawala na ang poise mo? Aba! Napaka-unfair mo sa akin Bebe, I am also your friend." Kunwari'y nasasaktan siya. Noong mga bata pa sila ay panay na talaga ang papansin ni Bebe kay Juan pero hanggang ngayon nakababatang kapatid lang ang turing ni Juan dito. "Huwag mo ngang ikumpara ang pakikitungo ko sa inyong dalawa ni Juan baby ko." Inirapan siya nito. Umayos siya sa pagkakaupo nang makitang lumabas na si Mang Gido, may dala itong mga malalaking junk foods. "Ito na lang muna gawin nating pulutan, ito lang nakita kong chichirya sa silid ng anak ko." Tiningnan niya ang mga inilapag nito sa lamesa. Nova, Chippy, Piatos at Chicharon ni Mang Juan. He grinned. Binuksan niya ang Chicharon ni Mang Juan saka pa-simple niyang binulungan si Bebe habang busy naman sa pagbubukas ng beer si Mang Gido. "Masarap itong Chicharon ni Mang Juan, hindi ba't patay na patay ka kay Juan?" Nakakaloko ang ngiting naka-paskil sa labi niya, mataman naman itong nakikinig sa kanya, halatang interesdo sa sinasabi niya. "Isipin mo na lang na si Juan ang kinakain mo, inom ka ng beer tapos kain ka ng chicharon." Tumatango-tango naman ito sa kanya, mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya. Malala na talaga ang babaeng ito, halatang patay na patay kay Juan. Ang babaeng handang magpauto para lang kay Juan. Natatawang usal niya sa isipan. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook