Chapter 2

1154 Words
"Cheers!" Halos mabingi siya sa sigaw ni Bebe, lasing na lasing na nga ito. Parang pinagsisihan niya tuloy na tinuruan niya itong uminom. "Cheers!" sigaw naman ni Mang Gido. Halatang may tama na rin ito. Naubos na nila ang walong can beer na dala niya at naglabas pa ito ng apat na malalaking bote ng beer. Nahilot niya ang noo. Tipsy na rin siya at pakiramdam niya ay malapit na rin siyang sumunod kay Bebe sa kalasingan. "Cheers! Sir Luis!" untag sa kaniya ni Mang Gido. Itinaas niya ang baso na may lamang beer at idinampi sa baso ni Mang Gido. Hindi niya akalain na palaban pala ito sa inuman. Napapailing siya dahil medyo nahihilo na rin siya. "Wala na si Juan baby ko!" Bumaling ang tingin niya kay Bebe, umiiyak na ito habang itinataktak ang Chicharon ni Mang Juan na wala ng laman. "Aba'y mahilig ka pala sa chichirya na iyan, Señorita. Hayaan mo sasabihin ko sa anak ko na bumili ng maraming ganiyan." Napapailing si Mang Gido. "Gusto ko ngayon," ungot ni Bebe, pagkatapos ay muling umiyak. "Ibalik mo si Juan baby ko! Ibalik mo!" Damn it! Napamura siya sa isipan . Panay ang hila ni Bebe sa damit niya, mas lalo siyang na shocked nang humagulhol ito nang iyak. Nahiya siya kay Mang Gido dahil napaawang ang bibig nitong napatitig kay Bebe. Tinungga niya ang sariling baso na may lamang beer, nang maubos ay sinalinan niya ulit ng alak at mabilis niyang ininom. Tatlong beses niyang inulit iyon hanggang sa pakiramdam niya ay namanhid na ang mukha niya. Napailing siya ng maisip si Bebe. Grabe pala ang pagkabaliw ng babaeng ito kay Juan! Banayad niyang inakbayan si Bebe, saka pilit na ngumiti kay Mang Gido. "Aalis na kami Mang Gido, patutulugin ko na ito." Nakaalalay siya kay Bebe habang pabalik sila sa tent. Maliwanag ang buwan at maliwanag naman ang paligid dahil sa mga posteng may ilaw na nakalagay sa magkabilaang gilid ng daan. "I love you, Juan baby!" sigaw ni Bebe. Humigpit ang hawak niya sa beywang nito. Sisigaw pa sana ulit ito pero maagap niyang tinakpan ang bibig nito. "Oo na," saad niya. "Huwag ka ng sumigaw riyan." Nang makarating na sila ay bigla itong umungot na kantahan niya raw ito. "Please, please, kantahan mo na ako..." Pumikit siya dahil biglang umikot ang paningin niya. Damn it! "Sige na, Luis. Please..." pilit nito sa kaniya. Kaya napakanta siya, "May tatlong bibe akong nakita..." "Ayaw... Nag-iisang bibe lang ako. Ayaw ko ng tatlo." Nagpapadyak ito na parang bata. Naiinis ito pero hindi siya nakinig dito. Nagpatuloy siya sa pagkanta kahit wala na siya sa tono. "Mataba, mapayat na bibe," muling nagpapadyak si Bebe. Mas lalo niyang nilakasan ang boses. "Kwak, kwak, kwak!" Itinaas-taas niya pa ang dalawang siko niya na para bang lilipad siya. "Ayaw ko nga!" sigaw ni Bebe, parang batang naglupagi ito sa lupa. Itinayo niya ito at iginiya papasok sa tent para matulog na dahil nahihilo na rin siya. Konti na lang ay baka mabaliw na rin siya at tuluyan ng lumipad na parang aswang. "Sleep!" asik niya rito. Muli niyang nahilot ang noo. Tumitig naman ito sa mukha niya kaya napatitig na rin siya rito. She was a mess. Magulo ang buhok at namumula ang mukha. "Maganda naman ako, 'di ba?" tanong nito, namumungay pa ang mga mata. Yes, she's beautiful. Charming ang ngiti nito at kahit naka-light make-up lang ay maganda pa rin. Makapal ang kilay at mapilantik ang talukap ng mga mata. She has the most attractive pouty lips. He cursed himself silently because he realized he's checking her out. "Huwag kang assuming," sagot niya naman dito, she pouted her lips. Damn! Namalayan niya na lang na inilapit na nito ang mukha sa kaniya. I held my breath. "What if I kiss you?" she said hoarsely. He gulped. Dumako ang mga mata niya sa labi nito. He will be damn if he won't kiss her but f*ck it! She is his childhood friend. At higit sa lahat nangako siya sa sarili niya na wala ng iba kundi si Lolita lang. "You're drunk." Napapalunok siya. Kapwa sila nakaupo at kaharap ang isa't isa. Her face was so close to him, he could feel her breathing. Gusto niyang umiwas pero hindi niya magawa. Lalo na nang dampian siya nito ng mabilisang halik sa labi. It was just a peck on the lips pero parang nawala ang kalasingan niya sa ginawa nito. May kakaibang damdamin itong pinukaw sa pagkatao niya. "Belinda," he warned her. She giggles. She looked so cute lalo na at namumula ang buong mukha nito. Alam nito na seryoso na siya dahil binanggit na niya ang buong pangalan nito. But he doubt it, masyado itong lasing ngayon. "Kantahan mo ako..." usal nito. "No," mariin niyang tanggi. "I will kiss you again, Juan." Naihilamos niya ang isang kamay sa mukha nang marinig ang huling katagang binanggit nito. Nakaramdam siya ng inis, palagi na lang si Juan ang bukambibig nito. God! She's crazy! He cupped her face and whispers, "If you will kiss me, again. Sisiguraduhin kong makakalimutan mo si Juan." He stared at her intensely. Hindi niya alam kung bakit inaasam niya na halikan siya nito ulit, he wanted to taste her and explore his tongue inside of her mouth. Mariin siyang napapikit at lihim na sinisi ang alak kung bakit nakakaramdam siya ng ganito sa kababata niyang si Bebe. Shit! Tawag ng laman lang ang nararamdaman niya ngayon at nakainom siya kaya nag-iinit ang katawan niya. Saad niya sa sarili dahil hindi niya matanggap na bigla siyang nakaramdam ng pagnanasa rito. Namalayan niya na lang na pumatong na ito sa kandungan niya at masuyong hinahaplos ang pisngi niya. Parang may sariling isip ang dalawa niyang kamay dahil kusang humahaplos sa beywang nito. "Bebe, you're drunk," sabi niya rito baka sakaling matauhan. "Hindi ako lasing, Juan." Nakangisi ito. Naningkit ang mga mata niya, talaga bang baliw na baliw ito kay Juan? Muli niyang niyapos ang magkabilaan nitong pisngi. "Para sabihin ko sa'yo, hindi ako si Juan." Mahina ang boses na saad niya rito pero may diin ang bawat salita, saka siniil niya ito nang mapupusok na halik. Mapupusok at mapaghanap ang halik na iginawad niya rito, nalalasahan niya pa ang alak sa bibig nito pero parang mas lalo lang iyong nakadagdag sa kalasingang nararamdaman niya ngayon dahil sa labi nito. Kusa na ring gumalaw ang dalawang kamay niya at masuyong humahaplos sa beywang nito. As much as he wanted to steady his hands on her waist, he couldn't. Mariin siyang napapikit nang ipasok niya ang isang kamay sa suot nitong T-shirt, at lamasin ang malulusog nitong dibdib. She moaned against their kisses. Ang dalawang palad nito ay nakatuon sa malalapad niyang dibdib. She was about to push him but he pulled her nape closer to his face and kissed her deeply. He could kiss her lips all night long. Damn it! He want her. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD