FOUR

1455 Words
FOUR "Kuya, she's Lina your new maid!" Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang babaeng karay-karay ni Batsy. Nagprisinta ito na s'ya na ang bahalang comontact sa agency kung saan kumukuha ang lahat ng members ng The Alpha's Town ng kasambahay. Pag-aari rin ni Abram ang agency na iyon. Isa sa mga pag-aari ni Abram. Excited pa naman ako ng sabihin ni Batsy na nakapili na ito. Yung isa kasing kasambahay nahumaling sa kagwapuhan ko. Hindi naman ako madamot kaya pinatikim ko. Pero nun naging clingy na ito humingi na ako ng tulong kay Batsy. Ito kasi ang kinatatakutan ng mga bata-batang kasambahay namin rito. "Are you sure Basty?" Nakasimangot na tanong ko rito. Ngumiti naman ng malawak si Batsy. Bagsak ang balikat na tinignan ko ang babaeng kasama nito. Para akong nakatitig sa babae noong sinaunang panahon. "Info?" Tanong ko sa kapatid ko. Mabilis naman nitong iniabot ang folder na naglalaman ng impormasyon ng babae na galing sa agency ni Abram. Tinalikuran ko ang mga ito at tinungo ko ang library ng mansion pinaka office ko na rin ang library ko kung saan madalas kong pwestuhan kapag may mga board meeting sa company. Ako na ata ang pinakagwapo pero pinakatamad pumasok na boss. But I can still manage the company pretty well. Binuklat ko ang folder at ang unang bumulaga sa akin ay ang larawan ng babae. Muntik ko pang maibato sa gulat dahil sa itsura ng babae roon. Pakiramdam ko babangungutin pa ako sa kalokohan ni Batsy. Bakit ba kasi pumayag pa ako sa sinabi nito na s'ya na ang bahala. "Kuya!" Dere-deretso itong pumasok sa library ko."Kompleto ang information ni Lina d'yan, galing kay Abram ang lahat ng info! Baka naman ipabackground check mo pa!" "Of course not! I trust my friend, trabaho ni Abram ang gawain na yun! Sure naman ako na di magpapadala ng maid si Abram na may bad record!" Confident kong sabi rito. "Weh? Feeling ko magtatanong ka pa kay Beauty eh!" Tukoy nito sa high tech na system ng bahay ko. Lahat ng mga tiga The Alpha's Town ay may ganoong system. Lahat ng pwedeng itanong rito basta nasa system ay nasasagot nito. "Of course not!" Depensa ko rito. "Alam mo ba kung bakit s'ya ang pinili ko?" Nakangisi nitong tanong sa akin. Nangalumbaba pa ito sa mesa ko. "Alam ko na Batsy!" Inirapan ko ito. "Pero sasabihin ko pa rin, dahil ayaw ko ng manguha ulit ng panibago! Kaya kuya dapat last na yan! Hindi mo naman na siguro papatusin si Lina diba?" Nakaangat ang kilay na sabi nito. Bumuntonghininga ako at masama itong tinignan. "Tingin mo papatol ako sa ganun?" "Feeling ko hindi, kaya nga s'ya ang pinili ko eh! Ang galing ko talaga!" Sabi nito na ngiting-ngiti. "Tss!" "Wag na wag mong bibigyan ng sobrang hirap na trabaho si Lina! Tandaan mo kapag nalaman kong pinapahirapan mo s'ya, ipagkakalat ko sa buong The Alpha's Town ang picture mo noong tinutuli ka!" Masama ko itong tinignan kaya mabilis na itong lumabas ng silid. That brat. Tiyak na sasakit ang ulo ni Abram kung ipepersue pa rin nito ang babaeng yun. Tss. But I still love her kahit puro kalokohan s'ya. Kami lang ng kapatid ko ang narito sa Pilipinas. Ang magulang namin ay nasa New Zealand at doon ineenjoy ang kanilang retirement. "Beauty!" "Beauty is listening!" Tugon ng maharot na tinig ng system ng bahay ko. Napabungisngis ako. Sa tuwing naririnig ko iyon ay kusa na lang akong napapangiti. Pati system nanlalandi. Kalokohan ng kapatid ko iyon. Maaari kasing palitan ang voice ng system at dahil daw 'malandi' ako kaya tama lang daw na ganun ang boses kapag ako ang gumagamit. At kapag si Batsy naman lalaki ang tinig na nakaset. "Call that old lady---Lina!" Sabi ko tsaka napatingin sa information ni Lina. Na-ah, she's not an old lady. 25 year's old lang pala ito. Mas matanda pa kesa sa kapatid ko. --- "Ito ang gagawin mo, maghuhugas lang ng plato at kasa-kasama nila na maglilinis ng bahay!" Sabi ni Manang Edna. Tinuro nito sina Sera at Sanja na kanina ay ipinakilala na sa akin. "Mamaya ipapakilala ko yung ibang maid, oras na kasi ng pahinga nila!" Stay in ang mga tao rito pero may shifting ang trabaho. Magaan lang kung tutuusin at kayang-kaya ko iyon. "Dahil puno na ang maid's quarter ikaw na ang gumamit ng isang silid---halika!" Sumunod naman ako kay Manang Edna. Tinungo namin ang katabing silid ng maid's quarter. Maliit lang iyon kumpara sa maid's quarter na may kaluwagan. Nakakagulat nga na malawak ang maid's quarter dahil nasanay ako na makakita ng kanilang silid na masikip at wala pang maayos na higaan. Pero sa lugar na ito napakaganda ng silid ng mga kasambahay. Ang tinungo naming silid ay waring sakto lang ang isang single bed, cabinet na lagayan ng mga damit at konting espasyo para makagalaw-galaw ako. Pero mas mabuti na iyon kesa sa kalsada ako matulog at ang alaga kong si T-tey na binilhan pa ni Batsy ng kulungan nito. Nauunawaan ko naman na di pwedeng magpagala-gala si T-tey dito. Mahirap na baka maging palaman pa s'ya ng Siopao. Inipag ko ang kulungan n'ya sa paanan ng kama. At hinila papasok ang maleta kung saan naroon ang lahat ng damit na pinamili ni Batsy. Mabuti na ring dito ako para makatiyak na walang makakaalam ng totoong itsura ko. "Lina proceed to the library, the handsome boss wants to talk to you!" Napakislot pa ako sa gulat ng marinig ko ang boses na iyon. Sumilip sa pintuan ang mayordoma. "Pumunta ka muna sa library! Sera, ihatid mo s'ya doon!" Sabi ng matanda. Mabilis akong sumunod. Tulog naman si T-tey. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng mansion. "Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" Tanong ng maid. Sabi ni Batsy wala daw akong dapat alalahanin dahil ang mga maid dito ay malayang suutin ang mga damit na kailangan nila. "H-indi!" Kumatok si Sera sa pinto. "Sir nandito po si Lina!" "Let her in!" Dinig namin na boses mula sa loob. Kanina pa talaga ako kinakabahan. Simula ng dumating kami sa mansion at ng makaharap ang kuya ni Batsy na tinutukoy nitong 'malandi'. Hindi na tumigil sa malakas na pagkabog ang dibdib ko. Kilala ko ang lalaking iyon. Nang itulak ko ang pinto agad na napaayos ng upo ang lalaki sa swivel chair nito. May kulay yelo itong tela na mabilis na inilagay sa drawer nito. Panyo siguro. "S--ir?" Siguro naman hindi ako nito nakilala. Malayong-malayo ang itsura ko sa babaeng na kilala nito sa club. Mas lalong di sasagi sa isip nito na ako ang babaeng nakasiping nito. "Have a seat!" Seryosong sabi ng lalaki. Sa mesa nito naroon ang mga impormasyong dinoktor ni Batsy sa tulong ng lalaki na may-ari ng agency. Nameet ko na si Abram. Sabi ni Batsy hindi naman daw nito kasintahan ang lalaki pero malakas ang kutob ko na gusto naman nila ang isa't isa. Alam ni Abram ang lihim ko. Pero ayon kay Batsy wala raw akong dapat ikatakot. Umupo ako sa upuang nasa harap ng table nito. Mukhang nandidiri ito sa itsura ko pero dahil na rito na ako wala na itong magawa. "Nasabi na ba sa'yo ni Manang ang gagawin mo rito?" "Y-es Sir!" "Good, simple lang naman ang gusto ko! Bawal na bawal kang magkagusto sa akin!" Muntik na akong matawa sa sinabi ng lalaki. "Hindi po ako magkakagusto sa inyo!" Sabi ko rito. Na huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. "Good!" Feeling din itong lalaking ito eh. "Malaking kasalanan iyon kapag nilabag mo wala akong choice kundi tanggalin ka!" Tumango ako rito. "Nauunawaan ko po!" "Nasabi ba sa'yo ni Batsy ang tungkol sa restaurant n'ya? Pinapayagan ko ang mga kasambahay na magsideline sa The Alpha's foodie kapag walang trabaho rito. Pero kailangan gawin n'yo muna ang responsibility n'yo rito bago kayo magpunta roon!" "Okay po!" Tugon ko rito na may pilit na ngiti sa labi. "Pwede ka ng lumabas! Wag mong kakalimutan, wag na wag kang magkakagusto sa akin!" "Opo, Sana kayo rin po!" Sabi ko rito na tumayo na. Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. Masyado kasing feelingero. "Lalabas na po ako sir!" Sabi ko rito na yumukod pa ng kaunti tsaka lumabas. Paglabas ko nakita ko si Sera na natatawa. Hindi kasi naisarang mabuti ang pinto kaya tiyak kong narinig nito ang usapan namin ni Sir. "Ewan ko na lang kung papatol pa si Sir Cayde sa'yo, kapag nangyari yun maniniwala na talaga ako sa pinagkakalat ni Ma'am Batsy sa buong village!" "Na ano?" "Na malandi si boss at kahit poste posibleng patulan nito!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD