FIVE

1320 Words
FIVE Nagsimula rin ng araw na yun ang trabaho ko. Inihatid lang ako ni Batsy pero hindi ko na ito na kita hanggang umabot ng gabi. Naghapunan na rin si Sir Cayde na mag-isa lang. Habang kaming mga naninilbihan rito ay sabay-sabay na kumain pagkatapos ng amo namin. Nasa dirty kitchen kami pumwesto dahil ang dining room ay para lang sa amo at bisita. Pero kung ano naman ang kinain ng boss namin ay ganun rin ang kakainin namin. Yung tira nila. Sabi ng chef na si Chef Boy madami talaga ang hinahanda nito dahil sakop na ng niluluto nito ang pagkain ng boss, kasambahay at mga guards ng mansion. "Hindi ka ba talaga naiinitan sa suot mo?" Sita ni Manang Edna habang kumakain kami. Mabilis akong umiling at inayos ang suot na salamin. "Hindi po Manang, komportable po ako sa suot ko!" Sabi ko rito. "Alam mo Lina, ako at si Sanja na lang ang bagets dito sa bahay ni Sir Cayde! Yung ibang maids kasi na kaedad namin nahuhumaling kay Sir---kami lang sakalam!" "Sakalam?" Tanong ko rito. "Hindi mo alam? Lah, tinalo ka pa ni Manang Edna. S'ya alam nya yun!" "Ano po yun Manang?" "Sakalam ang ibig sabihin ay malakas!" Mahinahon nitong sabi. Tumango-tango ako. "Pag naging mabait si Sir Cayde sa'yo wag na wag kang mafafall! Iiyak ka na nga tiyak na palalayasin ka rin ni Ma'am Batsy!" "Mabait naman si Batsy!" "Ma'am, ma'am Batsy!" Pagtatama ng mayordoma. Tumango na lang ako rito. Tama naman ito dahil amo ko ito. Pagkatapos naming kumain ay magkatulong kaming naghugas ng pinggan ni Sanja. Bukas ng umaga iba ang naka toka sa paghuhugas, paglilinis ang una naming gagawin. Shifting pati sa work loads maya hindi nakakapagod. Generous din sa sahod at oras ng pahinga ang boss namin. Pagpasok ko sa silid ko mabilis kong tinaggal ang wig ko. Para kasing ang bigat-bigat nun at ngawit ang leeg ko roon. Bahagya ko iyong minasahe. Tsaka nagsimulang hubarin ang mga kasuotan ko. Nang tuluyan ng mahubad ang lahat pumasok ako sa banyo maliit lang iyon di tulad ng banyo sa maid's quarter pero ayos lang naman. Mabilis akong naligo pagkatapos ay nagpatuyo ng buhok. Nagsuot lang ako ng panty at humiga na sa single size bed. Hindi marami ang ginawa ko pero antok na antok na ako. Dala siguro ito ng kaba ko kanina ng makita ko ang boss ko. Bakit sa lahat ng tao ito pa ang kailangan maging boss ko. Pinaglalaruan yata talaga ng langit ang kapalaran ko. Naramdaman ko ang alaga kong si T-tey na sumampa sa kama at sumiksik sa akin. Mabilis ko itong niyakap. At sinubukan ng matulog. --- Tulala kong sinimsim ang vodka habang nakatingala sa kalangitan narito ako sa terrace ng silid ko sa ikatlong palapag ng mansion. Ang silid ko, silid ni Batsy at naka reserve na silid ang tanging mga kwarto sa ikatlong palapag. May kalayuan pa ang kasunod na mansion na pag-aari ni Abram at sa kabilang bahagi naman ay kay Soul na di pa umuuwi simula ng namundok ito hindi sumipot noong birthday nito. Si L.A tuloy ang nagbayad kay Batsy ng lahat ng gastos. Ilang gabi na akong di makatulog simula ng club encounter. Paglabas ko ng private room hinaltak na ako ni Lukas at dinala sa ligtas na lugar at pinabantayan sa mga kasama nito. Nagkagulo ang mga tao roon. Marami ang nahuli, pero may ilang nakatakas. Tiyak ako na isa roon si Raci, ang babaeng nakasama ko sa private room ng club na iyon. Dahil ng matipon lahat ng nahuli ay inisa-isa ko talaga pero bigo akong makita ko ito roon. Nagtanong-tanong rin ako sa mga kasama nito pero ayon sa mga ito noong gabing iyon lang daw ang unang pagkakataon na naparoon ang babae. Ayon pa kay Lukas baka raw isa iyon sa mga pwersahang pinag-tratrabaho roon ng baklang si Pedro. Na ilang ulit ko ng tinanong pero wala raw talaga itong kilala. Tiyak na itatangi na n'ya dahil may pulis ng involve eh. Hindi ako pinapatulog ng ala-ala ng babaeng iyon. Sa bawat panaginip ko ito ang laman. Nakahubad sa harap ko habang marahas akong umuulos. I'm so f**k up right now. This is the first time na di ako nakipagtalik. Isa o dalawang araw lang ang palya ko noon pero tignan mo nga naman ngayon ika'tlong araw na pero wala pa rin akong gana sa iba. I tried kahit kanina pero wala talaga eh. Sinubukan kong tawagan si Lukas na ng sagutin nito halatang nabwibwisit na sa katatanong ko. "Ano nanaman? Alam mong busy akong maghanapbuhay!" Reklamo nito. "I need your help!" "Man if it's about that girl, hindi kita matutulungan! Tambak na ang trabaho ko at tsaka nakaisa ka na dun sa tao---uulit ka pa? Di na talaga ako magugulat kong sasabihin mong may sakit ka na!" "Ulol!" Sabi ko rito." Kung di mo ako matutulungan mag-refer ka naman ng pwede kong utusan!" "Sige, sige!" Sabi nito tsaka ako binabaan ng tawag. Sinaid ko muna ang laman ng alak. Tsaka binitbit ang basyo ng bote ng alak at inilagay sa basurahan. I need to sleep, kahit sa panaginip man lang makita ko si Rici. --- Paggising ko sa umaga nagsimula agad akong magtrabaho. Ganado ang mga kapwa ko kasambahay sa pagkilos. Kaya sinabayan ko rin ang mga ito. "Doon ka lang sa kwarto T-tey, sige na!" Pakiusap ko rito ng sumunod ito habang nagkukuskos ako ng hagdan. Para na nga iyong salamin sa kintab eh. "Naku Lina, ipasok mo sa kulungan yang pusa mo baka makita ni Sir yan at ipatapon!" Naunawaan yata ni T-tey ang sinabi ni Sera kusa na itong umalis at tinahak ang daan patungo sa silid naming dalawa. Pagkatapos sa hagdan ay ang ikalawang palapag naman ang nilampaso namin ni Sera. Habang naglilinis ay nagkwekwentuhan kami. "Nasaan na ba kasi ang pamilya mo?" "Wala na akong pamilya Sera, ulilang lubos na ako!" "Saan province ka?" "Ahhh---ay Sera madumi pa sa parteng iyon!" Mabilis kong dahilan para di na ito magtanong bahagya akong lumayo rito. Dumaan pa sa parteng nililinisan namin si Sir Cayde na busy sa pagbubuklat ng hawak nitong libro. Bumaba ito ng hagdan kami naman ay pinagpatuloy na lang ang trabaho. "T-tey?" Tawag ko sa pusa ko ng pumunta ako ng silid. Breaktime namin pahinga muna bago simulan ulit ang paglilinis. Nakapagmerienda na rin kami, kaya nga ako may bitbit na tinapay ngayon. Hinati ko talaga para sa pusa ko. Pero pagpasok ko wala ito roon. Mabilis na tumahip ang dibdib ko na hinanap ito sa silid pero wala ito roon. "Nasaan ka na?" Naiiyak kong sabi na mabilis na lumabas at nagtanong sa mga kasama ko. "Hala wag kang umiyak, baka lumabas lang yun!" Tarantang sabi ni Sanja ng makita ang itsura ko. Manang na nag-eemo. "Yung baby ko!" Sabi ko na para ng masisiraan ng bait. "Kumalma ka, nagtanong-tanong kayo sa mga bantay baka napansin nila kung nakalabas ba ng gate!" Sabi ni Manang Edna. Mabilis akong tumayo at patakbong tinungo ang guard house. "Nakita n'yo po ba?" Tanong ko sa mga ito. . "May napansin ako kanina lumabas, pusa mo pala yun? Akala ko'y pusang ligaw lang!" "Bakit hindi n'yo hinarang!" Sabi ko sa mga ito at mabilis na lumabas ng gate. Natigilan ako ng makita ko ang ilang kalalakihan sa kabilang kalsada. "T-TEY!" Sabi ko ng makita ko ito na karga ng amo namin. Tumawid ako at lumapit sa mga ito. "T-tey, bakit lumabas ka baby ko! Pinag-alala mo ako!" Sabi ko na mabilis itong inagaw sa amo ko at niyakap iyon. "What did you say? t**i? As in p***s?" Tanong ng isang lalaki na s'yang katabi ni Sir Cayde. Masama ko itong tinignan. "T-tey as in T-T-E-Y!" Sabi ko tsaka tinalikuran ang mga ito bitbit ang alaga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD