After that early encounter with Sven at the elevator, I couldn’t concentrate on my work! Balak ko pa sana ngayong maghanap ng place na tutuluyan kung saan ang susunod na project ko. Ang kaso ay kanina pa ako nakaupo dito sa table ko at hanggang ngayon ay wala pa akong nasisimulan sa mga dapat kong gawin ngayong araw! Pabalik-balik sa isip ko ang mga sinabi ni Sven kanina at isipin ko pa lang na makakasama ko s’ya sa isang project ay parang hinahalukay na ang sikmura ko! Constantly seeing him from afar is just okay but being with him the whole working hours is kinda uncomfortable! Malakas na tumunog ang phone sa opisina ko kaya muntik pa tuloy akong napatalon sa sobrang gulat dahil masyado na palang malalim ang iniisip ko! Parang kahapon lang at hanggang kagabi ay ang saya-saya ko pa no

