Dahil sa nangyari sa opisina ni Sven kaninang before lunch ay hindi tuloy ako nakakain ng maayos noong lunch! Nagkataon pa na nagkita kami sa cafeteria at kasama n’ya ulit sina Liam at Gelo pero huling-huli ko ang paninitig n’ya sa akin na halatang-halata na mayroong malisya! He was like reminding me of what just happened inside his office! Ang nakakahiya pa ay nahuli kami ni Siob na naghahalikan! Para tuloy nag-aapoy ang buong mukha ko lalo na nang nasa counter na ako para mag-order ng kape ay nagkataon na nakapila rin sina Sven, Gelo at Liam kaya halos hindi ko ibaling ang tingin ko sa gawi nila. “Why are you smirking, bastard? Something good happened to you?” narinig kong usisa ni Gelo kay Sven kaya mas lalong nag-iinit ang mga pisngi ko. Kung hindi ko lang kailangan ng kape para ma

