Pagkarating ko sa bahay galing sa site visit ay halos hindi ako nakaramdam ng pagod dahil sa mga ginawa at sinabi ni Sven. He was asking when we could talk. Umaasa s’ya na makakapag-usap kami one of these days! At hindi naman ako manhid para hindi malaman ang dahilan kung bakit gusto n’yang makapag-usap kami. It’s pretty obvious that he wants us to get back together. At papayag naman ako doon pero ayaw ko na muna ng commitment. Mas mabuti rin na wala ng ibang makaalam lalo na ang bestfriend n’ya dahil maayos na ang mga araw ko dahil ilang linggo na rin s’yang nananahimik sa panggugulo sa akin. Kung malalaman n’yang kami na ulit ni Sven ay paniguradong magsisimula na naman s’yang manggulo. I am seriously tired of dealing with her. Ayaw ko naman talaga s’yang patulan dahil ayaw kong bumabab

