Pabagsak na umupo ako sa swivel chair pagpasok na pagpasok sa private office ko. Pabalik-balik pa rin sa isip ko ang itsura ni Sven kanina habang nakatingala s’ya sa akin. Parang may kung ano sa tingin n’ya na hindi ko maintindihan. Hindi rin s’ya nagsalita ng kahit na ano habang nilalapitan at dinadaluhan si Joy. Ipinilig ko ang ulo at pilit na inalis iyon sa isip. Hindi ba at sabi ko ay wala na akong magiging pakialam sa kung ano ang ginagawa at gusto n’yang gawin? Gawin n’ya ang gusto n’ya at gagawin ko rin kung ano ang gusto ko! Nang i-check ko ang phone ko ay nakita ko pa ang mga messages ni Siob sa akin at mas naging buo ang loob ko na ‘wag na lang pagtuunan ng pansin ang ginawang pagtulong ni Sven kay Joy. Siguro ay nakatulong rin ang ilang gabing pag-iisip ko tungkol sa hindi pagk

