Ilang minuto ng nakaalis si Sven ay saka pa lang ako naglakad palapit sa elevator pero sa gulat ko ay pagbukas ng elevator ay nakangising mukha n’ya ang bumungad sa akin! “What are you still doing here?!” mariin pero mahinang sita ko sa kanya pero humakbang na s’ya para marahang hilahin ako papasok habang pasimpleng tumitingin sa paligid! “I’ve waited for you,” sagot n’ya at pinindot ng ilang beses ang button para sumara na agad ang pinto ng elevator. Hinawi ko ang kamay n’yang nakahawak sa braso ko at saka sinimangutan s’ya. “I told you, we will date secretly–” “We’re dating secretly right now, baby,” mabilis na katwiran n’ya kaya lalo kong sinimangutan. Humalakhak s’ya ng mahina at muling hinawakan ang mga braso ko. Sinubukan kong hawiin ang mga kamay n’ya pero mabilis ang kilos na h

