Panay ang tunog ng phone ni Sven habang palabas pa lang kami ng LEF kaya panay din ang lingon ko sa kanya dahil sinasadya n’yang hindi iyon sagutin. “Aren’t you going to answer that?” tanong ko dahil kanina pa talaga ‘yon tumutunog at mukhang tinetext din s’ya pero hindi n’ya pinapansin. Saglit na nilingon n’ya lang ako at saka ibinalik ang tingin sa phone na kasalukuyang nag riring na naman. Kinuha n’ya ‘yon at saka in-off bago ibinalik sa dashboard. Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tiningnan s’ya. “That was Liam,” sambit n’ya kaya napasinghap ako at agad na naalala kung nasaan si Liam ngayon! “H-He’s in Bukidnon with Siob, right?” tanong ko pa kahit na alam kong alam naman na n’ya ang bagay na ‘yon. Tumango s’ya at saka muling nilingon ako. “I was the one who lured him t

