Terrible

1705 Words
“Is someone coming, Kuya?” Nagtatakang tanong ko sa panganay kong kapatid na si Kuya Jared nang hapon na dumating ako galing sa opisina. As usual ay pagod na pagod na naman ako dahil naubos yata ang buong maghapon ko sa pag-aayos ng mga documents sa opisina. Noong nandoon pa si Jam at bagong lipat lang sa opisina ko ay gusto na n’yang ayusin ang mga ‘yon sa steel cabinets pero tinanggihan ko dahil mas priority ko ang turuan s’ya sa mga magiging trabaho n’ya sa araw-araw. Kung alam ko lang na babawiin din s’ya kaagad sa akin ay sana pumayag na ako para wala akong iniintindi ngayon! Napahawak ako sa kanang balikat ko at minasahe ‘yon bago muling hinarap si Kuya na mukhang hindi ako napansin dahil busy sa pag-uutos sa mga kasambahay para sa paghahanda ng mga mesa sa labas ng garden. Weekend na naman bukas at hindi ako makapaniwalang nakatapos na naman ako ng isang linggo na buhay pa rin kahit na sobrang stressful ng buong linggo ko dahil wala pa rin akong kasamang apprentice na makakapalit ni Jam. Noong Martes ay may bakanteng apprentice sa foundation ng LEF pero may anak iyon kaya tinanggihan ko kaagad. May mga pagkakataong mag aattend kami ng mga seminars sa malalayong lugar kaya ayaw kong ma-hassle pa s’ya doon at maging kasalanan ko pa kung may mangyaring masama sa anak n’ya pagkatapos ay malayo s’ya sa tabi nito. “Did you just get home, bunso?” Napalingon ako sa pangalawang Kuya ko na si Justin. I called him ‘Diko’ because he’s my second eldest brother and I also have a third eldest brother named Jace, which I called ‘Sangko’. I am the youngest and the only girl, that’s why my parents required me to address my brothers differently to avoid confusion. Halos magkakahawig kasi sila at isang taon lang ang pagitan nilang tatlo sa isa’t-isa kaya madalas na malito ang mga tao kung sino ang matanda sa kanila. Kuya Jared looks even younger among them, na lalo pang nakakapagpalito sa iba lalo na sa malalayo naming kamag-anak. So, I grew up addressing them differently because of that simple reason which I find cute and unique because my relatives don’t do that kahit na ang iba ay mas marami pang Kuya kesa sa akin. “Yes, Diko. May bisita bang parating? Bakit busy si Kuya?” tanong ko sa kanya dahil hindi ako nasagot ni Kuya dahil masyadong abala at tumutulong din sa paglalabas ng mga tables na idinadala sa garden. “Ah… your Boss is coming over here. Didn’t you know that Gelo is here?” sagot n’ya at tinaasan pa ako ng kilay. My jaw dropped and shook my head. Sa sobrang busy ko ay hindi ko man lang nabalitaan na dumating na si Gelo! He is the son and the successor of LEF who was based in England. He also became my friend because he’s close to all my brothers who are all Engineers like me. Both my parents are Engineers kaya hindi na ako nagtaka na lahat kaming magkakapatid ay doon napunta ang interes dahil masyadong passionate ang parents namin sa napili nilang propesyon. “Tsk! Are you too busy to miss that?” natatawang kantyaw n’ya pa bago ginulo ang buhok ko. Napangiwi ako at agad na pinalo ang braso n’ya dahil sa ginawang paggulo sa buhok ko. “Not my hair again, Diko! Kaya ka hindi nagkaka girlfriend eh! Mahilig kang manggulo ng buhok!” nakairap na reklamo ko. Tumawa lang s’ya at saka lumapit pa para subukang abutin ulit ang buhok ko kaya mabilis na tumakbo ako palayo sa kanya kaya lalo s’yang natawa. “Bilisan mong magbihis. Parating na sila. Sumabay kang magdinner sa amin!” bilin n’ya pa pero inirapan ko lang s’ya at saka tumuloy na sa kwarto para makapagpahinga ng konti bago maligo. Nananakit ang buong katawan ko at feeling ko ay isang buwan na ang pagod ko kahit na dalawang linggo pa lang naman ang nakakalipas! Pagpasok na pagpasok sa kwarto ay agad na nahiga ako sa kama at pumikit. Kung hindi pa ako kinatok ng kasambahay ay hindi pa ako maaalimpungatan at magtutuloy-tuloy na ang tulog ko! Napabalikwas tuloy ako ng bangon bago s’ya sinagot. “Susunod na po ako, Nanay Alice! Pakisabi po kay Kuya saglit lang!” bilin ko sa kasambahay namin bago mabilis ang kilos na pumasok sa banyo para makaligo. I wore my usual short maong shorts and oversize shirt and didn’t bother to dry my hair. Sa tagal kong kumain ay paniguradong tuyo na ‘yon bago ako matulog mamaya kaya hindi na ako nag-abala pang mag blow dry at agad na lumabas na sa kwarto para tumuloy sa dining room. Kumunot ang noo ko nang makitang malinis ang lamesa doon kaya lumabas ako doon at sakto namang nakasalubong ko si Nanay Alice na kakapasok lang sa loob at may hawak-hawak na mga empty plates sa kamay. “Nasaan sila Kuya, Nanay?” nagtatakang tanong ko dahil malinis na malinis ang hapag. “Hindi ba sinabi sa’yo ng mga kuya mo na may mga bisita kayo? Nasa garden na sila at doon kumakain. Hinihintay ka na nga kanina pa,” sabi n’ya kaya napasapo ako sa noo at agad na naalalang darating nga pala si Gelo! Napakamot ako sa noo at saka ngumiti ng alanganin kay Nanay. “Nasabi nga po pala n’ya kanina. Nawala po sa isip ko kasi nakaidlip ako pagdating,” nakangiwing paliwanag ko kaya natatawang naiiling s’ya sa akin. “Pagod na pagod ka kasi parati. Magpahinga ka naman, anak. Baka hindi ka na magka boypren sa sobrang busy mo sa trabaho. Sa’yo pa naman umaasa ng apo ang Mommy’t Daddy n’yo dahil walang aasahan sa mga kuya mong puro palikero!” natatawang sermon n’ya kaya tumawa na rin ako at sumunod sa kanya sa kusina. Both of our parents are now abroad for my Dad’s business trip. Sa sobrang dalas nilang wala dito sa bahay ay hindi namin nararamdaman iyon dahil bukod sa busy sa mga trabaho ay nandito naman si Nanay Alice para magsilbing pangalawang ina sa amin. Mas madalas pa nga s’yang manermon sa mga Kuya ko dahil bukod sa busy na nga sa mga trabaho ay kahit kailan ay wala pang naipakilalang girlfriends dito. I can’t say that all my brothers are playboys though. Siguro ay wala pa talaga silang babaeng nakikilala na seseryosohin nila kaya wala pang pinapakilala sa amin. “Lalabas ka pa ba, ‘Nay? Sabay na tayo para tulungan kitang magdala ng mga ilalabas mo pa,” sabi ko at saka sumunod sa kanya na nakita kong nagbukas sa fridge at naglabas ng mga desserts doon. “Ito na lang naman. Pero sige at sabay na tayong lumabas,” sabi n’ya at inabot sa akin ang isang container na may laman na ice cream bago naglabas din mula doon ng cheese cake na s’ya mismo ang nag-bake. Palabas na kami nang magsalita pa s’ya. “Puro gwapo pala ang mga kaibigan ni Jared, Jen. Baka naman may matipuhan ka doon–” “Sus! Si Nanay Alice talaga! Boss ko po ang isa sa mga ‘yon at kaibigan ko na rin. Gwapo talaga ‘yon at dati kong crush pero hindi na ngayon dahil naging kaibigan ko na,” natatawang sabi ko. Nilingon n’ya ako at tinaasan ng kilay. “Gano’n ba? Eh sayang naman! Pero may dalawa pang kasama na mukhang kaedaran lang ni Jace o kaedad mo lang siguro. Mga gwapo din!” habol pa n’ya pero umiling lang ako. “Hindi ako safe sa gwapo, ‘Nay! Alam mo naman. Napapaligiran ako ng mga gwapo pero puro naman babaero!” nakangiwing sabi ko. Nakangiwing tumango s’ya. “Sabagay nga! Magkakaibigan ang mga ‘yon kaya posibleng mga palikero din palibhasa ay magagandang mga lalake!” pagsang-ayon n’ya kaya natawa ako at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa garden. Boses ni Kuya ang nangingibabaw sa lahat kaya agad na hinanap ng mga mata ko si Gelo sa buong table pero agad na napatigil sa paglalakad nang may makita akong pamilyar na mukha sa gitna nila! What the hell is that guy doing in our house?! Napamura ako sa isip nang sa paggalaw ni Kuya ay mas lalo kong nasilip ang lalaking nakangiti at nakikipag-usap kay Sangko! Sa bawat paggalaw ng bibig n’ya para magsalita ay lumalabas ang malalalim na dimples n’ya sa magkabilang pisngi! Agad-agad ang pag-iinit ng mga pisngi ko nang maalala ang buong linggo na ginawa kong pag-iwas sa kanya sa opisina! Ni wala akong naintindihan sa weekly meeting namin noong Lunes dahil masyado akong distracted sa presensya n’ya! At sino ba namang hindi madidistract kung buong meeting yata ay hindi n’ya inalis ang mga mata sa akin?! At sa tuwing gagawin pa naman n’ya ‘yon ay naaalala ko ang gabing hinalikan ko s’ya dahil sa sobrang kalasingan! Feeling ko nga ay sinadya n’ya akong titigan para ipaalala sa akin ang gabing ‘yon! Pero sorry s’ya dahil magaling akong magpanggap! Kaya nang sadyain n’yang i-approach ako pagkatapos ng meeting ay patay-malisya akong kinausap s’ya! Huh! Nunca na aamin ako na naaalala ko ang gabing ‘yon ‘no! Manigas ka d’yan, Sven Dela Torre! “Jen!” Muntik pa akong mapakislot nang marinig ang pagtawag ni Nanay Alice sa akin. Dahil sa pagtawag n’ya ay napalingon tuloy silang lahat sa gawi ko at agad na nasalubong ko ang titig ni Sven sa akin! Gumalaw ang mga labi n’ya at kitang-kita ko kung paano n’ya ako sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa at nagtagal pa ang titig n’ya sa mga hita kong exposed sa suot kong maikling shorts na halos hindi na makita dahil sa suot kong oversize shirt! Napakislot ako at saka taas noong naglakad palapit sa table nila. “Long time no see, Jen…” bati ni Gelo sa akin na nginitian ko lang bago tumabi kay Diko dahil doon na lang ang natitirang bakanteng upuan na nagkataon pang nasa tapat ng Sven Dela Torre na ‘yon kaya hinanda ko na ang sarili kong hindi makakakain ng maayos ngayong gabi kahit na gutom na gutom ako! What a terrible night! Hmmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD