Hallucination

2288 Words
“He did?” Hindi makapaniwala pero natatawang tanong ni Chris nang sabihin kong hindi umubra ang pagpapa-charming na ginawa ko sa Sven Dela Torre na ‘yon. Ang ending tuloy ay isang linggo akong haggard dahil bukod sa trabaho ko ang lahat sa opisina ultimo ang pag-sort sa mga schematics na kailangan kong i-interpret ay hanggang ngayon ay wala akong makuhang apprentice na pwedeng pumalit kay Jam. Kaya naman lahat na yata ng klase ng inis ko dahil sa pagod at stress sa buong linggo ay naibunton ko na sa Sven Dela Torre na ‘yon. At hindi lang ‘yon ang nakakainis! Hindi pa n’ya ako pinapatahimik sa gabi dahil sa pesteng halik na pinatikim n’ya sa akin! Kundi ba naman sobra-sobrang hassle na ang ibinigay n’ya sa akin sa loob pa lang ng isang linggo! Kaya ngayong Friday ng gabi ay nagyaya ako sa dalawang pinaka matalik kong kaibigan na uminom para kahit man lang gabi ay malasing ako at makatulog ng maayos nang hindi naiisip ang lalaking ‘yon! Sunod-sunod na tumango ako pagkatapos uminom sa Moscow mule sa cocktail glass ko na si Chris mismo ang nagtimpla. She’s a former barmaid in the famous Cocktail City, one of the exclusive and most expensive bars in the country before she managed her own bistro in town. “This wouldn’t do, Chris. I need a much harder drink tonight for me to get some good and proper sleep,” sabi ko nang mapansing kanina pa ako inom ng inom sa cocktail glass ko pero halos wala pa rin akong tama. Malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang mukha ng Sven Dela Torre na ‘yon at halos kabisado pa rin ng isip ko kung paano gumalaw ang dila n’ya sa loob ng bibig ko! Kaya hindi talaga pwede ito. Kailangan kong malasing ngayong gabi para makatulog ako ng hindi na kailangang mag-isip at mag-imagine. Tumawa si Chris at saka naiiling na tumayo para siguro kumuha o magtimpla ng mas matapang na alak. “Ngayon lang ‘to ha? You can’t sleep over again next weekend. Magagalit na si Derek,” sabi pa n’ya na ang tinutukoy ay ang long time boyfriend n’ya. Sasagot na sana ako pero dumating na si Joreen na agad na umupo sa harapan ko matapos itong magpaalam kanina na sasagutin lang ang phone. “Paano ba ‘yan, girls? Hindi ako pwedeng magtagal ngayon. Susunduin ako ni dyowa mamaya,” nakangising sabi n’ya at saka pumulot sa finger foods na dala-dala namin kanina bago pumunta dito sa bahay ni Chris. Umasim ang mukha ko at hindi makapaniwalang tiningnan silang dalawa ng salitan. “Sige lang, iparamdam n’yo pa sa akin na may mga boyfriend kayo. Na kamahal-mahal kayo. Tapos ako, eto… problemado na nga sa trabaho ay problemado pa sa–” “Problemado pa sa puso!” halos panabay na dugtong nilang dalawa sa sinasabi ko at saka tumawa ng nakakaloko nang tingnan ko sila pareho ng masama. “Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa inyong hindi ko nga type ang Sven Dela Torre na ‘yon–” “Sus! Hindi ka na nga pinapatulog ng Sven mo pagkatapos hindi mo pa pala type ng lagay na ‘yan? Don’t us, Jen! It’s not as if we didn’t go through that denial stage when we were still single like you!” mabilis na pambabara ni Joreen sa akin na pinagdiinan pa talaga ang salitang single! Teka nga… nakakababae na ‘to ah? Ano bang gusto nitong si Joreen? Away o gulo? “I’m not denying–” “Yes you are! You are clearly denying that he isn’t your type when in fact, alipin ka ng mga lalaking may dimples!” mabilis na putol ni Joreen sa akin. “Correction, Joreen!” singit ni Chris na may dala na ngayong alak na bagong timpla kaya doon na na-focus ang tingin ko. “Lahat tayo ay alipin ng lalaking may dimples ‘no! Kaya nga tayo magkakaibigan ngayon ‘di ba? Dahil kay Mateo Dela Rosa!” ngiting-ngiting dagdag n’ya pa kaya nagkatinginan kami ni Joreen at sabay na napahagalpak ng tawa. First year college ako nang makilala ko silang dalawa sa isang club. Hindi kami magkakaklase pero mayroon kaming isang common subject na pareho ang schedule at professor. Doon ay kaklase rin namin si Mateo na s’yang pinakamatalino at pinaka gwapo sa lahat. May dimples s’ya na malalalim sa magkabilang pisngi at mala Hyun Bin talaga ang datingan at pormahan. Unang kita ko pa lang sa kanya sa flag ceremony ay hindi na s’ya matanggal sa isip ko. He was my first crush way back in college. Kaya naman kahit na parehong kaliwa ang mga paa ko ay sumali ako sa Dance Club dahil member doon si Mateo. And there, I met Joreen and Chris na katulad ko ay tulog na tulog yata noong nagsabog ang Diyos ng talento sa pagsayaw. Sabay-sabay kaming napatalsik sa club dahil kahit ang basic steps ay hindi namin makuha. And that’s how our friendship began. Na hanggang ngayong may kanya-kanya na kaming career ay hindi pa rin kami halos mapaghiwa-hiwalay. Whenever I am with them, I always feel that deep connection that even if we were born in a different family, it feels like we are sisters from another mother. Maya-maya ay sabay-sabay na kaming nagtatawanan at nag-iinuman nang maalala ang kalokohang ginawa namin noong college para lang masundan si Mateo. “Alam mo, Jen? ‘Wag puro trabaho. Lumandi ka din. Tutal naman eh nasa iisang company kayo n’yang Sven na ‘yan, edi sabayan mo na ng landi iyang trabaho! Try mo na bago mag-lock ng tuluyan ‘yang alaga mong pusa!” natatawang sabi ni Joreen na halatang tinatamaan na rin sa iniinom namin. Ngumisi ako at saka sinapo ang noo ko dahil kanina pa ako nakakaramdam ng hilo. Feeling ko ay lasing na ako kaya ngiting-ngiti ako at hindi ko na makontrol ang bibig ko kaya kung anu-ano na yata ang nasabi ko sa kanila kaya kanina pa sila panay ay kantyaw sa akin at pinagtutulakan akong akitin ng tuluyan ang Sven Dela Torre na ‘yon. Ilang sandali pa ay sinundo na si Joreen ng boyfriend n’ya kaya halos tango na lang ang naisagot ko nang magpaalam s’ya sa amin. Nakakatulog na yata ako sa couch nang may marinig akong parang nagtatalo kaya naalimpungatan ako at agad na napadilat para hanapin kung sino ang mga ‘yon. “I told you not to come now, Derek. Nandito si Jen at dito s’ya matutulog!” narinig kong sabi ni Chris na halatang ang boyfriend n’ya ang kausap. Kahit na medyo nahihilo pa ako ay pilit na tumayo ako para magpaalam na kay Chris. Magkalayo ang trabaho ng mga ito at madalang lang magkita sa isang linggo kaya hindi naman ako gano’n ka-insensitive para hindi maintindihan ang sitwasyon nila. Nakita kong sabay silang napatingin sa akin pero si Chris ay tiningnan ng makahulugan si Derek na nagkamot sa batok at saka pumasok sa kusina. “Jen… inaantok ka na? Tara na sa kwarto–” Agad na umiling ako at ngumiti sa kanya. Pilit na idinilat ko ang mga mata ko para isipin n’yang hindi ako lasing gaano at may lakas pa para umuwing mag-isa. “Ahm, I’m going home, Chris. Nagtext si Kuya. Hindi pala ako nakapagpaalam,” pagdadahilan ko sabay tawa pa pero kitang-kita ko sa mukha n’ya ang guiltiness dahil alam n’yang nagdadahilan lang ako. Tumango ako at tinapik ang braso n’ya. “‘Wag mo ng awayin. Bumyahe pa ‘yan ng malayo para makasama ka ngayong gabi!” mariing bulong ko at saka pinisil ang pisngi n’ya. “Smile! Sayang ang skin care! Okay lang ako. Don’t worry about me,” sabi ko at agad nang nagsimulang maglakad palabas ng bahay n’ya. “Hatid na kita sa labas–” “‘Wag na! Kayang-kaya ko na–” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang mabilis na lumakad na s’ya palapit sa akin at hawakan ako sa braso. “Iaabang na lang kita ng taxi. Alam kong wala kang sense of direction lalo na kapag nalalasing. Baka sa ibang bahay ka na naman ibaba!” naiiling na sabi n’ya kaya tumawa ako at kiniliti s’ya. Nagtatawanan kami hanggang hindi n’ya ako naiaabang ng taxi at s’ya na mismo ang nagsabi sa driver kung nasaan ang bahay ko kaya nakangising kumaway ako sa kanya nang makapasok na sa loob ng sasakyan. “Ingat ka!” bilin pa n’ya at saka nakita kong umikot pa para picturan ang driver at ang plate number ng taxi kaya nakangising kumaway ulit ako sa kanya. “Ingat sila sa akin!” natatawang sagot ko. Tumawa lang s’ya at ilang sandali lang ay umandar na ang sasakyan. Mabigat na mabigat ang pakiramdam ko at hilong-hilo ako sa byahe dahil hindi naman malapit ang bahay nina Chris sa amin. Kaya nang may makita akong convenient store ay agad na sinabihan ko ang driver na ihinto muna doon para makabili ako ng kung anong pwedeng inumin para mawala ang pamimigat ng ulo ko. Nasusuka din ako kaya hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko matapos makapasok sa convenient store at makabili ng drinks para kahit papaano ay kumalma ang sikmura ko. Halos nakapikit na ako nang makalabas sa convinient store at naglalakad na pabalik sa taxi. Sobrang hilong-hilo na ako at gusto ko na lang na tuloy-tuloy na humiga at matulog. “Manong, tara na po…” sabi ko na halos pikit na ang mga mata at mabilis ang kilos na nahiga na sa likod ng sasakyan. Agad na nakaramdam ako ng ginhawa nang makahiga doon pero agad ding naalimpungatan nang may kumalabit sa akin. Kumunot ang noo ko pero hindi ako nagdilat ng mga mata dahil sobrang bigat ng mga talukap ng mga mata ko dahil sa pinaghalo-halong antok at hilo. “Miss…” narinig kong tawag ng driver sa akin. “Bakit, Manong? Nasa bahay na ba agad tayo?” tanong ko na hindi pa rin binubuksan ang mga mata. Hindi sumagot ang driver at ilang sandali pa ay narinig ko na s’yang bumuntonghininga at hindi pa rin pinapaandar ang sasakyan kaya napilitan na akong dumilat para lang magulat nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Mula sa driver’s seat ay nakita kong kunot ang noong nakalingon sa akin si Sven Dela Torre! Agad na napabangon ako at kinusot ang mga mata. Ano ba namang klaseng alak iyong tinimpla ni Chris? Bakit naman sa sobrang tapang no’n ay naghahallucinate pa ako! At ano namang trip ng isip ko at sa lahat ng pwedeng makita ay si Sven Dela Torre pa! Hah! Nang tingnan ko ulit s’ya ay hindi pa rin nagbago ang tingin ko kaya tumawa ako at saka naiiling na sinalo ang noo ko. “Pwede ba, Sven? Kailangan ko ng sapat na tulog ngayong gabi. ‘Wag kang magulo. Please lang! Give me peace of mind even just tonight!” sabi ko at muling hinarap s’yang kunot na kunot na ang noo sa akin. “What are you talking about, Engineer Mijares? I just went out to buy some water. Pagbalik ko ay nandito ka na sa kotse ko–” “Kotse mo…” natatawang ulit ko pa sa sinabi n’ya dahil tawang-tawa ako sa hallucination ko. Iba din talagang mag-imagine itong utak ko. Akala mo talaga totoong totoo eh! “Yeah. You are in my car right now. While displaying your… ugh!” Kunot ang noong napatingin ako sa kanya at sinundan ng tingin ang tinitingnan n’ya. Naabutan ko ang suot kong skirt na halos tumaas na dahil siguro sa kakamadali kong humiga kanina. Napatitig ako lalo sa mukha n’ya at agad na kumilos para lapitan s’ya. Nakita kong nagulat s’ya sa ginawa ko kaya halos idikit na n’ya ang sarili sa manibela ng kotse sa kakaiwas sa akin. “What do you think you’re doing– Are you drunk?!” bulalas n’ya pa nang tuluyang mailapit ko ang mukha sa kanya. He looked so damn real up close! Kahit na ang pamilyar at swabeng amoy ng pabango n’ya ay parang totoong-totoong naamoy ko ngayon! Sunod-sunod na tumango ako at agad na kumilos para saluhin ang magkabilang pisngi n’ya. Mabilis na hinawakan n’ya ang kamay kong humawak sa pisngi n’ya. Even the touch of him felt so real. Damn it! “Do you really think I can do this when I’m sober?” nakairap na sabi ko at wala nang pag-aalinlangang kinabig s’ya at hinalikan ng mariin. He didn’t respond to my kisses kaya imbes na ma-offend ako ay napangiti pa ako ng maluwang dahil alam kong hallucination lang naman talaga ‘yon. “Edi hindi ka nakaganti ngayon kasi hindi ka naman totoong si Sven…” nakangisi kong sambit at saka binitawan ang mukha n’ya at saka pumikit pero agad ding napadilat nang maramdaman ko ang ginawa n’yang paghawak sa batok ko at mabilis na kinabig ako para pagtagpuing muli ang mga labi namin. Agad na napadilat ako habang unti-unting dinadama ang ginagawa n’yang paghalik sa akin. Napapikit ako at ilang sandali pang nakiramdam pero… Holyshit! Gumagalaw talaga ang mga labi n’ya at umiikot ang dila sa bibig ko! Agad na bumaba ang kamay ko sa hita ko at nagdesisyong kurutin ang sarili. Shiiit!!! Masakit! Agad na napadilat ako at namilog ang mga mata nang maramdaman ang sakit ng ginawa kong pagkurot sa sarili. Walang pag-aalinlangang tinulak ko si Sven at mabilis ang ginawang pagkilos para makababa sa sasakyan n’ya! Muntik pa akong mapatili nang sa paglabas ko sa sasakyan n’ya ay namataan ko sa di kalayuan ang taxi na sinakyan ko kanina! Oh my God! What have I done?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD