Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Sven ay nakita ko s'yang umiinom kasama ang mga kaibigan n'ya. Patay-malisyang naglakad ako palapit sa isang table kasama si Siob at ang girlfriend ni Gelo. Ilang sandali lang ay dumating na si Joy kasama si Jazz. Doon ko lang napagtanto na sana ay hindi na ako sumama dito. Sana pala ay hindi na ako pumunta at nakipag-usap na lang sa kanya kung saan. Sising-sisi tuloy ako kaya nang magyaya na mag-inom si Siob ay hindi na ako nagdalawang isip na pumayag. I even chose the hardest drink and got so drunk. Hindi ko na nga maalala lahat ng mga napag-usapan namin sa table habang nag-iinuman at nang magising ako ay nasa isang hindi pamilyar na kwarto na ako. Kunot ang noo at medyo inaantok pa ako nang tuluyang igala ang tingin sa paligid ng kwarto. The ro

