RYLAN POV
NANG maayos na ang stage, ngayon ay tuturuan kami ng coordinator kung paano ang aming gagawin kapag nasa actual pageant na.
Katulad na lamang ng timing sa oras ng pagpasok, ilang ikot ang gagawin bago pumunta sa unahan at magpakilala. Ang aming pagkakasunod-sunod at pati ang paraan ng paglakad.
"Okay ladies and gents ngayon ay magpa-practice muna tayo kung paano ang cat walking, okay?"
"Yes, Madam!" sagot naming lahat sa babaeng coordinator habang nakalinya nang tuwid sa taas ng stage.
Si Lily naman at mga taga suporta ng ibang contender ay nakapanuod lamang sa baba ng stage.
Nang mabanggit na ang tungkol sa paglalakad na iyan, bigla kong naalala ang nangyari kahapon kung saan ay tinuruan ako ni Lily kung paano maglakad habang nakasuot ng high heels.
-----------
"Go! Ry ko kaya mo yan!" sigaw pa ni Dylan.
Narito kami ngayon sa living room para magpractice, may dalang mga gamit si Lily tulad ng heels at make up. Ayon sa kanya, mahilig siyang isali ni Aling Mimi sa mga pageant sa school noon, ganun din ay lagi siyang representative ng department nila sa office sa mga gantong pageant kaya marami siyang gamit.
"Oo kaya, rest assured ka lang cutie, ako bahala sayo," aniya pa sabay kindat sa akin.
Tiningnan ko naman siya na parang nagsasabi nang katagang...'Oo ikaw ang bahala, ako ang kawawa. Sanay ka naman pala sa pageant, sana ikaw na lang ang sumali.'
Pero sa halip na magsalita ay tinawanan lamang niya ako habang inilalapag sa centre table ng aming living room ang kanyang mga dala.
Sa totoo lamang, masilayan ko pa lang ang mga bagay na iyon ay parang may kakaibang kilabot na umaakyat mula sa aking likod patungo sa aking batok.
Ang taas ng heels na iyon, tapos ang tilos pa. Pwede na atang sandata at pangtusok iyun kapag may masamang loob na nagtanggka sa buhay mo ah.
Tiningnan ko naman si Dylan nang masama dahil sa pang aasar niya, sapagkat hindi ko pa nga nasusuot ang mataas na heels na dala ni Lily ay nagche-cheer na siya.
Nakaupo ako sa sofa at sinusukat ang six inches pageant high heels ni Lily. Napapangiwi ako habang tumatakbo sa aking isipan kung gaano kasakit kapag natapilok ako habang suot ang heels na ito. 'Siguradong bali ang paa ko dito.'
Matapos isuot ay napataas pa ang kilay ko nang mapansin na saktong-sakto sa akin ang heels na ito. Inalalayan rin ako ni Dylan upang makatayo nang maayos.
"Salamat, Dylan ko," malambing na saad ko pa. Ngumiti naman siya nang malapad sa akin bago humalik sa pisngi ko.
"Psh, magpapractice ba tayo o maglalambingan na lang kayo?" inggit na parinig pa ni Lily sa amin kaya napahiya naman ako.
Si Dylan ay bumalik na ulit sa sofa habang ako naman ay parang isang bagong anak na kambing na hindi pa makapaglakad ng maayos. Bukod sa mataas ang heels, natatakot akong maglakad sapagkat pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse.
"Lily, hindi ba masyado iyang mataas agad para kay Ry? Nagsisimula pa lang sya," tanong ni Dylan, mukhang napansin niya na hindi ako kumportable.
"Oo nga no, sorry cutiee. Try mo muna itong 3 inch, tapos kapag sanay ka na saka tayo mag add ng height," aniya at pinagpalit ako ng heels na suot.
Nang maisuot ko na ang bagong heels, mas confident na akong maglakad gamit iyon. Napa-palakpak naman si Lily nang makita na nakakalakad na ako ng maayos.
Nakapanuod lamang sa amin si Dylan habang tinuturuan ako ni Lily kung paano maglakad ng may poise at dating. Dapat daw may signature walk ako tulad ng mga sikat na Ms. Universe.
"Yun ngang paglalakad ng normal ay mahirap na, tapos gusto mo pang lagyan ng twist?" reklamo ko sa kanya.
"Ano ka ba, kaya mo yan cutiee. Tiwala lang. Practice makes it perfect, kaya AJA!!!"
Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy ang aming rampa session. Mabuti at narito si Dylan sapagkat kapag nahihirapan ako, makita ko lang siya at marinig ang kanyang pagsuporta ay muling lumalakas ang aking loob.
▼△▼△▼△▼△
PRESENT TIME
Habang nakalinya rito sa taas ng entablado, may kung anong kaba akong biglang naramdaman. Bukod sa unang beses ko itong gagawin at may mga nanunuod pa sa akin ay mas nakadagdag iyon sa kabang aking nararamdaman ngayon.
Medyo madami din kami sa bilang na 25, ang number ko ay 13 mabuti na lamang at di naman ako naniniwala sa malas kaya Go lang.
"Go Cutiee!" sigaw ni Lily, pansin ata niya ang aking pagkabalisa.
Ngumiti naman ako nang pilit at saka ibinalik ang atensyon sa aming coordinator na nagtuturo kung ano ang dapat naming gawin.
Una wala pa kaming suot na heels, parang dry-run pa lang bago magsimula ang tunay na training. May mga nakalagay na sa aming maliit na papel kung saan nakalagay ang aming numero. Isa-isa kaming naglakad sa unahan, umikot at nagpakilala.
"Very good everyone, mabuti at marunong na kayo, hindi na tayo mahihirapan sa training na ito," pagpuri pa ng coordinator sa aming lahat. Kita ko pang nag thumbs up si Lily sa akin kaya napatango ako habang baon ang kaunting lakas ng loob.
"Ngayon, magpalit na kayo ng heels para mas ma-practice nyo ang cat walking."
"Yes, Madam," sagot naming lahat.
Mabilis namang akong lumapit kay Lily, dala niya ang paperbag na may lamang mga gamit namin. Wala namang required na height ng heels kaya ang pinasuot sa akin ni Lily ay iyong 4 inches lang para masanay ako.
Habang nag susuot ako ng heels ay hindi namin maiwasan na di marinig ang bulungan mula sa aming likuran.
'Wow, taas ah, well, ano pa nga ba ang masasabi mo? Sure akong sanay yan sumali sa mga gay pageant HAHAHA.'
"Haha kaya nga, tss bakit kasi isinali pa siya? Dapat dun sya sa mga pageant para sa mga kagay niya di ba?" walang habas na saad nila na akala mo ay wala ako at hindi naririnig ang sinasabi nila.
Pero sa tingin ko ay iyon talaga ang pakay nila, ang marinig ko ang kanilang sinasabi.
"Truee sis, sinabi mo pa, nagpipilit ata magpakababae haha," turan pa ng isa sabay tawa ng malakas.
Alam kong gusto nang magwala ni Lily, nagpipigil lang siya, pero pansin ang mukha niyang parang sasabog na bulkan sa sobrang pula.
"Lily, chill ka lang, hayaan mo na sila," bulong ko sa kanya, habang magkaharap kami dito sa baba ng stage. May mga monoblock na upuan dito kung saan kami nakaupo, ganun din ang ibang mga parents na contestant.
"Per-- sobra na sila," kunot noo pa niyang reklamo.
"Alam ko, pero wala namang silang magagawa kung hindi pag usapan lang ako, kung alam ko namang hindi totoo ang mga sinabi nila ay bakit ako magpapa apekto di ba?"
"Tama ka, basta ipakita mo sa kanila na kaya mo," aniya, napangiti naman ako ng makita ang pag aliwalas ng ekspresyon sa kanyang mukha.
"Oo, susubukan ko," makatotohanan kong sagot sapagkat kinakabahan talaga ako.
"Okayyy! Linya na ulit ladies and gents. Mag start na ulit tayo," saad ng coordinator na nakapukaw sa atensyon naming lahat.
"Go cutie," ani Lily at tinapik pa ang balikat ko.
Tumango naman ako at saka umakyat sa stage.
Ngayon, isa-isa nang tinatawag bawat contestant upang maglakad sa stage. Pakiramdam ko ay parang nasa tunay na pageant na kaya naman bigla na lamang akong nakaramdam nang pagka-blangko.
"Number 13!" sigaw ng coordinator gamit ang mic na hawak nito.
Dahil sa pagkatulala ay halos matapilok ako at madapa kaya naman ilang beses akong pinaulit ng coordinator hanggang sa maayos ko ang paglalakad at pag ikot bago magpakilala. Rinig ko pa ang tawanan ng lahat sa paligid. Parang gusto ko nang sumuko at tumakbo palayo dahil sa hiya, pero kahit na palpak ang aking performance ay nanatili ako at tinapos ang lahat.
Hindi para sa aking sarili kung hindi para sa mga taong naniniwala at sumuporta sa akin.
"Sorry talaga Lily, parang nawalan ng saysay ang practice natin sa bahay dahil sa ginawa ko kanina," nanlulumo kong saad sa kanya. Sobra akong disappointment sa sarili ko.
"Ano ka ba cutie, okay lang yan. Unang practice pa lang to, babalik pa tayo ulit sa ibang araw."
"Oo nga, pramis mag practice ako pag uwi sa bahay mamaya."
"Oo, basta wag mong kakalimutan na narito lang kami lagi para sayo ha."
"Salamat Lily."
Kahit nakakapang hina ng loob ang nangyari kanina, na halos hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang tawanan nila habang isa-isang humuhusga sa akin ay alam ko sa aking sarili na hindi ako pwedeng sumuko na lamang.
Kaya naman kahit medyo nanglulumo ay nakangiti pa rin ako nang bahagya habang pauwi. Nang makarating sa subdivision, bumaba na kami ni Deden. Mabuti na rin at labasan na rin nila sa school kaya sabay na kaming nakauwi.
LUMIPAS ang ilang oras at gabi na ngayon. Wala pa si Dylan, sigurado akong busy na naman siya sa trabaho kaya hindi na ako tumawag kahit pansin kong medyo late na siya.
Nakapag hayin na ako ng pagkain sa mesa at patungo na ako sa living room upang tawagin si Deden. "Nak, halika maghapunan na tayo."
Humarap naman siya sa akin mula sa pinapanuod na commercial sa Tv. " Papa, wala pa po si Daddy."
"Oo nga ih, wag kang mag alala, tatawagan ko sya ngayon," saad ko na lamang para makumbinsi siya na kumain.
"Sige na anak, mauna ka na sa mesa, tatawagan ko lang ang daddy mo," utos ko pa sa kanya. Tumango naman siya at mabilis na ginawa ang sinabi ko.
RINGG RINGG--
Naputol ang pakikinig ko sa cellphone na nagri-ring nang biglang mapakinggan ko ang tunog ng makina sa tapat ng aming bahay.
Nagmamadali akong lumabas para siguraduhing kung si Dylan nga iyon. Hindi naman ako nagkamali nang makita ko ang pamilyar na kotse sa labas ng gate.
"Dyl--" tatawagin ko na sana siya nang masilayan ko ang paglabas niya sa kotse, napatigil lamang ako nang mapansing may kasama siya doon.
Muntikan na akong mag isip ng kung ano-ano kung hindi ko lang naaninag ang taong sumunod sa asawa ko sa paglabas ng kotse.
"Hays, si Nico lang pala," napapakamot sa ulo kong bulong sa sarili. Madilim kasi kaya di ko agad siya namukhaan.
"Oh, mahal ko, anong ginagawa mo dito? Baka mahamugan ka pa, gabi na," bungad ni Dylan nang makapasok sila ni Nico sa gate.
"May isang lalaki kasi dyan na hindi man lang marunong tumawag," parinig ko pa sa kanya habang magka-ekis pa sa aking dibdib ang dalawang braso.
"Ha? Anong ibigsabihin mo Mahal ko? Eh kanina pa kita tinatawagan. Ikaw nga ang hindi nasagot," tugon naman niya.
"Eh hindi ah," hindi ko siguradong sagot at mabilis na kinuha ang cellphone sa aking bulsa para i-check. Namula naman ang pisngi ko nang mapagtanto na tunay ang sinabi niya. Marami ngang missed calls at text galing sa kanya.
"Ry ko, I'm home," bati pa niya. Sinagot ko naman siya ng isang malambing na
'Welcome home.'
Napangiti na lamang naman ako ng pilit, siguro ay okupado ang isipan ko kanina kaya hindi ko na namalayan ang pagtawag ni Dylan sa akin.
Nang makapasok sa bahay ay humalik pa sa aking noo ang mapagmahal kong asawa at nagpaalam na magbibihis lang. Tumango naman ako at ginabayan si Nico patungo sa kusina.
"Pasensya na Rylan, ako ang may gawa kaya ginabi si Boss. Nagkamali ako sa schedule ng meeting niya kanina, ayun sa halip na kanina pa natapos ang meeting niya ay ngayon lang palang hapon ko nai-set," napapalabi na pagpapaliwanag ni Nico.
"Ayos lang yun Nico, buti bumisita ka, matutuwa si Deden."
"Haha Oo naman, ako ata favorite tito niya," natatawa pa niyang saad.
"Luko, magtatampo si Brandon kapag narinig ka niya," biro ko rin naman sa kanya kaya sinabayan niya ako sa pagtawa bago magsalita.
"Wala tayong magagawa, lagi naman kasi siyang wala. At saka may dala akong pasalubong kay Ryden," aniya pa sabay pakita sa akin ang dala niyang paper bag.
"Ganun, wala bang para sa akin?" pang aasar ko pa.
"Syemre naman meron, ikaw pa," masayang sagot niya sabay g**o sa buhok ko.
Para sa akin, si Nico ang kuya na hinihiling ko. Panganay ako sa aming magkakapatid kaya naman hindi ko naranasan na may kuya akong maglalambing sa akin at magbibigay ng mga pasalubong.
"Heto oh, binilhan kita ng egg tart dun sa sikat na shop sa mall," pagmamalaki pa niya habang iniaabot ang box ng dessert na dala.
"Wahh salamat, Nico!" excited na ani ko. Tuwang-tuwa lamang naman siya sa akin at ginulo muli ang aking buhok.
Habang nag uusap ay nagulat kami ni Nico dahil sa may nagsalita.
"Hoi ang saya nyo na naman ah," nakasimangot na turan ni Dylan sa mula sa aming likuran. Nakapagpalit na pala siya ng damit.
"Ano ka ba Dylan, namiss ko lang si Nico. Ang tagal din niya sa Korea eh," katwiran ko pa.
"Isa't kalahating buwan lang yun, para kayong sampung taong di nagkita," wala sa mood na turan pa niya habang narito kami sa baba ng hagdan.
"Ewan ko sayo, bahala ka dyan." Wala rin ako sa mood para patulan ang kalukohan niya. Medyo malungkot pa nga ako dahil sa palpak kong training kanina.
"Ry ko naman, suyuin mo naman ako kahit kaunti oh." Nagmamaktol na sigaw pa niya habang humahabol sa akin. Lalo akong napailing nang mapatunayan na nagda-drama lang talaga siya.
"Ayaw ko nga, nagseselos ka dyan ng walang dahilan tapos gusto mo pang
lambingin kita."
"Oo, mas mahal mo na ata si Nico kaysa sa akin," hindi ko man siya nakikita sapagkat deretso lang ako sa paglalakad ngunit alam ko base sa boses niya na nagpapa-awa na naman ang maarte kong asawa.
"Wag nga kayong mag usap na parang wala ako dito," saad ni Nico. Hindi ko naman alam kung matatawa o mahihiya dahil sa pahayag niya.
"Yang boss mo kasi, bahala kayo, magsama kayo dyan," tugon ko kay Nico at nagmadali na sa pagpunta sa kusina sapagkat kanina pang nag iintay ang gutom kong anak doon.
"Naman Rylan, bakit pati ako napadamay?--- Tss boss kasi."
Rinig ko pang paninisi ni Nico sa isip bata kong asawa.
"Bakit ako, eh kayo ang sweet na sweet kanina pa."
"Psh---"
"---lagi bang puno ng drama ang bahay na ito?"
Nang marinig ko ang huling bulong ni Nico ay hindi ko napigilang di mapatawa nang patago.
'Maingay man at ma-drama itong bahay namin, hindi ko naman maipagkakaila na tunay na masaya dito kasama ang aking asawa at anak.'