Chapter 6

2089 Words
RYLAN POV "TITO NICO!" "Boy! Nandito na si Tito, namiss mo ba ako?" maligayang sigaw rin naman ni Nico nang magkita sila ni Deden. "Opo!" "Aw! Yan ang inaanak ko." Niyakap pa nang niyakap ni Nico ang anak ko habang nang gigil. Ako naman ay naglagay pa ng isang plato at baso para sa aming bisita. Ang best friend ni Dylan at kapatid ko sa kaluluwa. Ito si Nico ang kamag anak namin kahit hindi kadugo, para siyang lalaking version ni Lily para sa amin. "Akin ka na lang, Boy," sabi pa niya kaya napalingon ako. Una si Lily, tapos ngayon si Nico naman. Kailangan ko na bang mangamba? Parang marami na atang balak umagaw sa baby ko ah. "Tss, pati ba naman ikaw? Mag asawa ka na din kaya para magka anak ka na," saad ko na lang habang umuupo sa tabi ni Dylan. Nang makaupo ako, may laman na ang plato ko, at naghihintay na din si Dylan na lagyan ko ang plato niya. "Haha, saka na Rylan, wala pa akong balak," tumatawang aniya, pero bakit pakiramdam ko ay may kakaibang lungkot sa kanyang mga mata nang mabanggit ko ang tungkol sa pag aasawa. 'Hm, may something ba?' "Sabi mo eh," napapatango ko na lamang na sagot sapagkat mukhang wala pa nga talagang balak si Nico na pag usapan pa ang bagay na iyon. Pero, dahil magka edad sila ni Dylan kaya medyo nag aalala rin ako sapagkat hindi na rin siya bumabata. Mula nang magkakilala kami ni Dylan at maging mag asawa. Laging nandyan si Nico sa aming tabi at nakasuporta. 'Sana kapag dumating ang oras na kailangan niya ng tulong sana maibalik ko lahat ng kanyang ginawa para sa akin.' 'Hm, gwapo naman si Nico, good boy looking at responsable. Mabait at malakas din ang sense of humor kaya naman alam kong hindi siya mahihirapan na makahanap ng bagong girlf----' bigla akong napatigil sa aking iniisip ng bigla akong may maalala. Noong sinabi sa akin ni Dylan iyon ay hindi na ulit namin napag usapan kaya minsan naiisip ko kung tunay nga ba na may boyfriend daw si Nico. Pero, ang alam ko ay girlfriend ang meron siya, iyon ang huli kong balita. Hindi kaya naimpluwensyahan na si Nico sa amin ni Dylan kaya naisipan din niya na magmahal ng kapwa lalaki? Hindi ko alam, at wala rin naman ako sa posisyon para makialam pa. Bukod pa roon bago ko isipin ang problema ng iba eh, ni problema ko nga hindi ko pa rin alam ang gagawin. "Mahal ko, may problema ba?" "Wala naman, kain lang kayo, mabuti at marami akong niluto," nakangiti ko pang tugon sa nag aalalang si Dylan sa aking tabi. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. "Nga pala Ry ko, kamusta ang training mo?" Halos masamid ako dahil sa kanyang tanong. Alam kong dadating kami sa usapang ito, pero hindi ko inaasahan na ngayon na agad, akala ko ay mamaya pa bago kami matulog. Mukhang excited ang asawa ko kaya naman mas lalo akong napayuko sapagkat hindi ko alam kung paano ibabalita sa kanya na palpak ang training ko kanina. "A-Ahm, ayos naman, Dyl--" ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Biglang nanumbalik sa aking isipan ang pangako namin sa isa't isa na kahit kailan ay magtatago pa ako sa kanya ng mga bagay-bagay. Kaya naman, huminga ako ng malalim bago sabihin sa kanya ang totoo. "Sa totoo niyan Dylan, napahiya ako kanina--- kinabahan kasi ako kaya hindi naging maganda ang performance ko sa practice." Katulad ng inaasahan ko, puno pa rin nang pag unawa at pagmamahal ang mga tingin na iginawad niya sa akin bago lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Ano ka ba Mahal ko, unang practice pa lang yun, sa susunod ba ay gusto mong manuod ako para di ka na kabahan?" suhestyon pa niya sa akin habang pinipisil ang kamay ko na kanyang hawak sa ilalim ng mesa. "Naku hindi na, alam kong busy ka," pagtanggi ko naman. Kaya na namin ni Lily iyon, magpa-practice talaga ako nang maayos upang hindi ko ipahiya ang sarili ko at ang aking pamilya doon. Habang nag uusap kami ni Dylan ang kaninang nagkukulitang sina Nico at Ryden ay nakatingin na pala sa amin. "Para saan ang practice, Rylan?" "Ah, may Family day kasi sa school ni Deden kaya may mga pa-contest," sagot ko sa tanong ni Nico. "Talaga, anong sinalihan mo?" "Ahm, beauty pageant," pabulong na saad ko, baka tawanan niya ako eh. "Pageant?---" mangha niyang ani, naghihintay ako ng malakas na tawa mula sa kanyang ngunit walang dumating. "---- woah! Sure akong panalo ang ganda mo dun! Support ako Rylan." Nakatapal ang malapad na ngiti sa kanyang labi, pero hindi maaalis ang seryoso sa kanyang mga mga nang sabihin niya iyon. Kahit paano ay nadagdagan ang kumpyansa sa aking sarili. "Salamat Nico, sana makapanuod kayo." "Oo naman, ako pa ba? Hindi ko yan papalampasin." "Ako din po, Papa!" "Lalo na ako Mahal ko! Nandun kaming lahat para sayo!" Nagpakita ang isang malaki at masayang ngiti sa aking labi. Alam kong hindi nila ako pababayaan kaya kailangan ko ring ibigay ang best ko. NANG SUMUNOD NA ARAW, narito na ulit kami sa covered court ng school na may stage kung saan kami nagpa-practice. "Welcome back ladies and gents, let's start na para marami tayong magawa ngayon," pahayag pa ng coordinator kaya naman napatango kaming lahat. Hindi pa rin mawawala ang mga bulungan, matatalas at mapanghusgang tingin mula sa lahat ng nakapaligid sa akin, pero ngayon ay wala na akong balak na bigyan sila ng pansin. Tumingin na lang ako ng deretso kay Lily at nang mag thumbs up siya, sinagot ko iyon ng isang tango. HINDI nagtagal at nagsimula na nga ang practice. Katulad kahapon, pinalinya ulit kaming lahat at isa-isang pinarampa patungo sa unahan upang magpakilala. Lahat ng mga nauna sa akin ay maganda ang porma at malinis ang paglakad. May kaba pa rin sa akong nararamdaman ngunit nang sandali akong pumikit. Nakita ko ang mukha ng aking pamilya at mga kaibigan na sumosuporta sa akin. Kaya naman nang tawagin ang aking numero. "Number 13!" Iniwan ko ang hiya at pangamba, ibinigay ko ang best ko. Naglakad ako ng maayos, umikot nagpakilala. Nang makabalik ako sa aking pwesto. Hindi ko namalayan na natahimik ang paligid. Nagtataka pa akong napasilay sa paligid kung may problema ba. Ngunit, nakuha ng malakas na sigaw at palakpak ni Lily ang aking atensyon. "CUTIEE!!! ANG GALING MO!!!!" Parang baliw na si Lily sa baba ng stage kung makasigaw siya kaya hindi ko napigilan na di mapatawa. Dahil doon ay tuluyan nang nawala ang kaba sa aking kalooban. Kung magaan na ang aking pakiramdam, mukhang ang mga kasama ko dito sa stage ay hindi sapagkat rinig na rinig ko pa ang maangas na bulong nito. Sino sya? Wala nang iba kung hindi si Mrs. Sophia Leandro, ang anak niya ay galing sa mas mataas na grade. Hindi ko siya kilala ng personal at narinig lamang ang pangalan niya dito sa contest, ngunit mukhang may malalim siyang galit sa akin kahit hindi ko naman siya kilala o nakakausap man lang kahit isang beses. ' May mga ganito pa lang tao,' isip-isip ko pa. 'Psh, ang yabang na eh halata namang tyamba lang.' Kahit naririnig ko ang sinasabi niya ay hindi ko na lang binigyan ng pansin. 'Bahala siya, ma-insecure siya hanga't gusto niya.' "Very good, Mr. Hendricks!--" pumapalakpak pang saad ni Ms. Coordinator sa akin nang makalapit siya. "--- ganyan dapat ladies, kita nyo? Yan ang nagpa-practice sa bahay!" Masayang-masaya at makikita ang pagiging proud sa mukha ni Lily dahil sa pagpuri sa akin. Mas lalo ko namang naramdaman ang mahapding mga tingin ng mga kapwa ko contestant sa akin. Nagpatuloy ang pagpa-practice, may part doon na maglalakad kami ng magkakasunod para makalinya sa unahan ng stage tapos magkakasunod din na babalik sa dating posisyon. Dahil may part doon na magkakalapit ang mga contestant kaya hindi ko inaasahan nang magkatapat kami ni Mrs. Leandro ay bigla itong matatapilok dahil sa mataas niyang suot na heels sa taas na 5.5 inches. Alam ko kahit mga professional na pageant o fashion show, 4-5 inches lang ang required. Gusto ata magpa-sikat kaya nagpapa-pansin gamit ang mataas at pamatay na heels niya. "AHHH! OUCH! ANO BANG GINAGAWA MONG BAKLA KA?!" "Ha?" naguguluhan ko namang sagot, hindi nga siya lumapat sa akin tapos ako ang sisisihin. "ANG SAKIT!" sigaw pa niya kaya mabilis na nilapitan ng lahat, ganun din ang mga teacher at coordinator na narito. "Hindi naman nabali, magpahinga ka muna Mrs. Leandro," saad ng coordinator. Kaso mukhang hindi pa tapos sa pag eeskandalo ang babaeng ito. Habang nakatingin ng masama sa akin ay hiniyawan muli niya ako habang nakaduro ang daliri sa akin. "YANG BAKLANG YAN ANG MAY KASALANAN, MALAS TALAGA ANG MGA KAGAYA MO! BAKIT KA PA KASI NAGPIPILIT NA SUMASALI EH HINDI NAMAN ITO PARA SA KAGAYA MO!" malakas na sigaw niya sa akin. "HOI BRUHA! ang kapal mo din nam--- teka, bitawan mo ako! Kakalbuhin ko ang babaeng yan!" Mabilis akong napalingon sa kinalalagyan ni Lily, kita ko pa kung paano siya yakapin ni Mrs. Ramirez. "Kalma lang Mrs. Cruz," pagpigil pa ni Mrs. Ramirez kay Lily na gusto nang umakyat dito sa stage at kalbutin ang bruhang pa-victim. Dahil sa nangyari ay nagpahayag na ang coordinator at mga teacher. "Okay chill lang po tayong lahat, break muna tayo ng 15 minutes para makapahinga kayo, baka pagod lang yan." Sumang ayon naman ang lahat. Mabilis naman akong bumaba ng stage upang puntahan si Lily. Nagpasalamat din ako kay Mrs. Ramirez. "Salamat Chloe at napigilan mo itong si Lily, maigsi ang pasensya niya eh," saad ko pa habang napapakamot sa ulo. Si Lily naman ay naroon at pinaupo ko na sa isang monoblock para mawala ang pagka-highblood. "Naku wala yun Rylan, sa totoo lang nahihiya ako dahil nakikita ko ang dati kong sarili kay Mrs. Leandro," napapayuko namang sagot pa niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko sapagkat totoo naman talagang napakalaki nang pagbabagong nangyari kay Chloe. Kung titingnan ko siya ngayon, hindi ko makikita ang dati niyang sarili, ang mapagmataas at matapobreng na babae. Ngayon ay mas maaliwas na ang kanyang aura ganun din ang kanyang ekspresyon. "Hays, wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanya, Chloe. At least natanggap mo ang pagkamamali mo at nagbago, sana nga lang ay maging ganun din siya," napapahiling na turan ko pa. "Tunay, sana talaga. Mauna na nga pala ako Rylan, sinilip ko lang ang practice nyo." "Ganun ba, salamat ulit," may pagkaway ko pang pamamaalam sa kanya. Nang makaalis si Chloe ay nilapitan ko naman ang umuusok pa rin sa galit na si Lily. "Tss, bruha talaga ang babaeng yun," bungad pa niya sa akin. "Haha Oo kaya nga hayaan mo na. Chill ka lang Lily, eto oh inom ka muna," ani ko, sabay abot ng isang mineral water. "Ikaw ang pagod eh kaya ikaw uminom niyan cutie, pagpasensyahan mo na ang temper ko. Sobra na kasi siya." Napatango na lamang ako bago magsalita. "Okay lang, para namang di kita kilala." Nginisihan lang naman niya bilang sagot. Pagkatapos naming magpahinga habang nagku-kwentuhan nang kaunti ay muli na kaming tinawag upang magpatuloy. Pero, dahil sa pag iinarte pa rin ni Mrs. Leandro ay hindi na nagtagal ang practice at maaga kaming pinauwi ang lahat. Ngayon, habang patungo sa parking lot ay napag usapan namin si Chloe. "Oo nga eh, nagulat din ako bigla na lang siyang lumabas kung saan," turan pa ni Lily. "Focus ako sa training kaya hindi ko rin napansin ang pagdating niya, baka naman kanina pa siyang nandun hindi mo lang din nakita." "Oo nga at saka tahimik siya eh." "Tama ka, ibang-iba na talaga si Chloe ngayon." Inilabas ko ang car key sa aking bulsa nang makarating kami sa parking lot. "Aba, first name basis na kayo ah. Close na kayo?" puna pa niya habang nagbubukas din ng sariling sasakyan. "Haha ikaw talaga, siya naman nagsabi sa akin na iyon ang itawag sa kanya," makatotohanan kong sagot. "Okay," aniya at nagkibit balikat pa. Akala ko ay nagtampo na kaya sumakay na ako sa aking sasakyan. Pero, nang mabuhay ko ang makina. Napansin ko ang pagdungaw niya sa kanyang bintana. "---basta ako pa rin best friends mo ah," sigaw pa niya sa akin. "Gaga ka talaga, para namang may papalit sayo." Nagningning naman ang kanyang mga mata dahil sa aking sinabi. "Yieee, so ako lang talaga? Nakaka- overwhelmed nemen~" maarte pa niyang saad, kaya napatawa ako dahil sa kagagahan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD