RYLAN POV
SA MGA araw na lumipas ay mas inayos ko pa ang pagpa-practice sa bahay kaya naman medyo confident na ako sa aking sarili at malakas ang loob nang pumunta sa school para sa huling training bago ang actual na event.
"Deden ko ang ganda ng school nyo ngayon ah," pagpuri ko pa habang napapalinga sa paligid. Handang-handa na ang buong school para sa mangyayaring event ilang araw mula ngayon. Mapapansin ang kaliwa't kanang mga banner at banderitas sa buong lugar. Kalalabas lamang namin sa parking lot ng school, pero makikita na agad sa paligid ang mga palamuti para sa gaganaping event.
"Opo Papa, ipapakita ko po sa inyo yung ginawa namin kahapon," nakatingala pang saad ng aking anak habang nakahawak sa aking kamay.
"Talaga? Tumulong kayo sa pagde-decorate ng school?" gulat na tanong ko, hindi ko inaasahan na isasali talaga nila ang mga bata sa buong paghahanda ng school.
Kung para sa ibang magulang ay nakaka offend iyon sapagkat isang private na school ito, pero sa akin ay hindi. Gusto kong lumaking responsable si Deden kaya naman masaya akong hindi sila masyadong bini-baby ng administration.
Maganda na kahit private school ito ay binibigyan nila ang mga bata ng mga aral na magagamit nila sa tunay na mundo.
"Opo, yung section po namin ang nag-design sa labas ng gym," proud na kwento pa niya sa akin kaya masaya kong ginulo ang kanyang buhok.
"Wow, sipag naman ng Deden ko, sige mamaya pagkatapos ng klase nyo saka natin bisitahin ha," nakangiti ko pang ani at saka muling tumingin sa makukulay na palamuti sa paligid habang naglalakad, ang makikinang na dekorasyon na ito ay nagdala rin ng kakaibang saya at sabik sa akin.
"Okay po," napapatalon pang hiyaw niya kaya napatawa ako dahil sa pagiging energetic ng anak ko.
ILANG oras na ang nakalipas nang matapos ang klase ni Deden at masundo ko siya. Bago umuwi ay dumaan kami sa may gym upang ipakita niya sa akin ang kanilang ginawa.
Napuno naman ng paghanga para sa akin anak ang puso ko sapagkat kahit medyo magulo ang ginawa nilang mga bulaklak gamit ang recycled materials ay masasabi talagang pinaghirapan nila iyon.
Nakailang picture pa ako sa bulaklak na ginawa ni Deden, ngayon alam ko na kung para saan iyong mga lumang dyaryo at pintura ginamit. Nung nakaraang araw kasi ay nagulat na lamang ni Dylan nang humingi si Deden ng mga recyclable materials.
Habang paalis kami at inilalagay ang cellphone sa aking bulsa upang ipakita ang mga picture kay Dylan ay nakasalubong pa namin sina Lily at Bryce.
Hinahanap na pala nila ako para sabay na naming mapakain ang mga bata bago ihatid sila pabalik sa classroom.
▼△▼△▼△▼△
"Cutie! Heto na ang huling araw ng practice, bukas ay simula na ng mga event!!!" excited na bulong pa sa akin ni Lily habang papasok kami sa gym ng school.
"Oo nga eh, jusko kinakabahan na ako Lily."
"Ngayon pa talaga ha?" mapang asar na tanong niya sabay tulak sa akin pa-akyat sa stage.
Tiningnan ko lang naman siya ng masama sapagkat muntik na akong madapa. Ang gaga, tinawanan lang ba naman ako.
Habang napapailing ay nagpatuloy na ako sa pag akyat, doon ay nakita ko ang aking mga kapwa parents at kalaban sa contest. Bigla napatigil silang lahat sa pag uusap nang dumating ako. Hindi ko man sila tiningnan nang deretso, pero hindi nakatakas sa aking paningin ang mukha ng bruhang si Mrs. Leandro.
Sana naman ay hindi na siya magdulot ng drama ngayon para matapos nang maayos ang aming huling practice.
Isang palakpak ang kumuha sa aming atensyon, kasunod noon ang boses ng coordinator namin.
"Attention guys, last practice na natin ito at simula na ang preliminary round bukas kaya naman gusto ko na ibigay nyo na ang best nyo. Okay?"
"Yes, Madam!"
"Good, now let's start," anito at nagsimula na nga ang practice.
Lakad dito, lakad doon. Ikot dito, punta doon. Nakakapagod lalo na at suot ang mataas na heels, pero makikita ang excitement sa mukha ng lahat nang narito. Pansin ko rin na mas marami nang sumisilip upang makipanuod. Nakasara kasi ang gym para maging exclusive ang practice.
Totoong nagmamadali na ang lahat para maayos ang execution ng buong pageant, pero mukhang may oras pa si Mrs. Leandro upang siringan at irapan ako.
Napakibit balikat na lang ako dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Sa katunayan ay gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Masakit na ang paa ko dahil sa heels na suot at pagod na rin akong marinig ang mga pangungutya nila.
Kung hindi para sa aking pamilya at mga kaibigan na naniniwala at sumuporta sa akin ay hindi ako magpupumilit na gawin ito.
Habang nakalinya sa harapan, matapos ang magkakasunod na pag ikot namin ay medyo napapangiwi na ako dahil sa nangangalay kong binti at masakit na paa.
Umalis si Ms. Coordinator para kausapin ang mga teacher sa isang gilid kaya naman hindi na naman paawat ang bulong-bulungan sa aking tabi at likuran.
"Alam mo sabi nila, gwapo daw ang asawa niya."
"Talaga ba? Haha baka naman bakla din gaya niya," sagot naman ng nakaka iritang boses, hindi ko na kailangang lumingon para lang masigurong kay Mrs. Leandro iyon.
"Hindi naman, nakita ko na dati siya eh. Gwapo talaga," pagtatanggol pa ng katabi nito kaya medyo napangisi ako. 'Talaga namang gwapo ang asawa ko ah,' puno nang pagmamalaking saad ko pa sa aking isipan.
"Psh, may mas ga-gwapo pa ba sa asawa kong Engineer," inis na sagot pa ng bruha na pilit pinapagyabang ang kanyang asawa.
Napapataas na lamang ang kilay ko dahil sa aking mga naririnig at bahagya pang napatawa dahil sa desperasyon na maririnig sa boses ni Mrs. Leandro.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin ang coordinator kaya itinuloy na namin ang practice.
Kahit abala at naka focus ako sa gagawin ay may isang bagay na nakaagaw sa aking atensyon. Kaya mabilis akong napatingin sa baba ng stage kung saan nakaupo si Lily.
Halos bumagsak sa baba ang aking panga dahil sa aking nakita. Nagtama pa ang aming mga mata kaya naman hindi ko napigilang di mapasigaw sa tuwa.
"DYLAN!---" ngising-ngisi at masayang kumaway pa ako sa kanya. Sumilay naman ang malapad niyang ngiti sa labi nang tawagin ko siya.
"RY KO!" sigaw din naman niya pabalik.
Nagkatitigan pa kami kaya naman nang mapagtanto ko ang nangyari ay napayuko ako bago magsalita. "----ah! sorry po." Napakamot pa ako sa batok dahil sa hiya.
'Ka-lalaki mong tao Rylan, kung makahiyaw ka ay parang dalagang teenager na nakita ang crush,' sermon ko pa sa aking isipan. Ngunit nang lumingon ako sa aking tabi, halos mapatawa ako sa kanilang reaksyon.
Nanlaki at hindi naman makapaniwala ang mga kasama ko dito sa stage at wala sa sariling napatulala pa kay Dylan.
Ang ulol ko namang asawa ay ayun at gwapong-gwapo pa rin sa astig niyang suit and tie. Naka-formal attire pa siya na mukhang kagagaling lamang sa opisina. Pero dahil siguro sa init ng panahon kaya nakasampay na lamang ang kanyang coat sa braso niya. Lalo tuloy siyang nag mukhang model sa itsura niya ngayon.
Habang nakatulala at halos tumulo na ang laway ng mga kasama ko dito ay pansin kong napasilay si Ms. Coordinator sa kanyang relo. Tulad ng inaasahan ay narinig ko ang maganda niyang balita.
"Okay guys, break muna tayo 15 minutes!"
Dahil mukhang wala pa ang kaluluwa ng mga katabi ko kaya nauna na akong bumaba at mabilis naman akong sinalubong ni Dylan.
"Ry ko," masiglang bungad pa ng aking asawa habang inaalalayan akong makababa sa hagdan.
"Dylan, anong ginagawa mo dito?" tanong ko pa sa kanya, habang patungo kami sa kinalalagyan ni Lily.
"Gusto lang kitang suportahan, ngayon na nga lang ako nakapunta kung kailan last practice mo na."
"Ikaw talaga, mapapanuod mo rin naman ako bukas ng hapon dahil simula na ang preliminary round bukas." Umupo ako sa inihandang silya ni Lily.
Matapos magpasalamat sa aking high blood-ing best friend ay narinig ko pa siyang nagpaalam na kakausapin lamang niya si Brandon mula sa telepono. Tumango naman ako upang sumang ayon.
"Ganun ba, bukas na pala, mabuti at naayos ko na ang schedule ko." Yumuko pa siya sa aking harapan upang alisin ang suot kong heels.
"Salamat Dylan, nag lunch ka na ba?"
Nakangiti ko pang tanong ngunit ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya.
"Hm, may problema ba?" tanong ko ulit sapagkat napansin kong nakatitig lamang siya sa aking paa na hawak pa rin niya hanggang ngayon.
"Namumula na ang bukong-bukong mo oh dahil sa pagsusuot ng heels na yan."
"Ah, medyo masakit nga, pero hindi naman sobra Dylan, okay lang ako."
Tumunghay siya at tumingin sa akin mula sa pagkakaluhod sa aking harap upang haplusin ang aking pisngi habang mababakas ang mapang unawang ngiti sa kanyang labi.
"Mabuti na lang may band aid akong binili kanina," saad pa niya habang kinukuha ang nasabing band aid sa coat na dala.
Habang kita ko kung paano niya marahan na ilagay ang band aid sa aking paa ay hindi ko maiwasan na hindi magpigil ng ngiti dulot ng sayang nararamdaman dahil sa pagiging maalaga niya.
Matapos mailagay ay humarap muli siya sa akin at ngumiti. Hindi ko maipaliwanag ngunit sa oras na iyon parang nakita ko ang tenga ng aso sa kanyang ulo at buntot na masayang gumagalaw na para bang sinasabi niya sa akin na purihin ko siya. Kaya naman bahagya akong napatawa bago hawakan ang kanyang buhok at guluhin iyon.
Nginisian naman niya ako bago umalis sa pagkakaluhod sa aking harap upang halikan ang aking pisngi at umupo sa aking tabi.
Napatulala na lamang ako habang nakahawak pa rin sa aking pisngi. 'Napaka-PDA talaga ng ulol na ito,' isip-isip ko pa habang tinitingnan siya ng masama.
"Nga pala, Oo, nakapag lunch na ako kanina. Ikaw ba, Mahal ko?"
"Oo kanina pa, babalik ka pa ba sa office?"
"Hindi na, nasa kotse ang mga papers na iuuwi ko sa bahay," tugon pa niya. Napasandal naman ako sa kanyang balikat sapagkat hindi ko na alam kung paano ipapahiwatig ang pasasalamat ko sa lahat ng effort na ginagawa niya para sa akin at sa pamilya namin.
Habang patuloy kaming nag uusap ni Dylan tungkol sa mga balak namin sa event bukas ay hindi nakatakas sa aking pandinig ang boses malapit sa amin. Mabuti at abala si Dylan sa kadadaldal kaya hindi niya naririnig.
"Psh, mukhang tunay nga ang sabi nila. Mangkukulam nga ata ang baklang yan," saad ni Mrs. Leandro na abot ata hanggang buto ang galit sa akin, sa hindi ko malamang dahilan.
"Sabi sayo eh, sobrang gwapo pala talaga ng asawa niya lalo na kapag sa malapitan."
Napangisi naman ako dahil sa kinikilig pang boses ng kaibigan niyang si Mrs. Ong. Kaya nasabi kong magkaibigan ang dalawa sapagkat sila lagi ang nagsisimula ng chismis tungkol sa akin.
"Owo nga, jusko model ba sya o Hollywood actor?" hindi naman makapaniwala nang iba pang parents na kasama sa kanilang circle.
"Gwapo di ba?"
"Oo, yiiee!"
"Tss, ano ba kayo, mamaya magkakalat na naman ang baklang yan dito kaya ipapahiya lamang niya ang sarili niya," mayabang at maangas na kontra pa ng bruha.
"Bakit nga ba parang ang lalim ng galit mo sa kanya Sophia?"
Halos takpan ko ang maingay na bibig ni Dylan para lang marinig ang bagay na matagal ko nang gustong malaman. Ano nga ba ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin. Mukhang ito na ang pagkakataon upang malaman ko ang dahilan.
Kaya naman kahit patango-tango ako sa idinadal-dal ni Dylan sa akin ay wala sa kanya ang tenga ko kung hindi sa mga bruhang nagchi-chismisan na naman sa di kalayuan.
"Baka naman ex mo yung asawa niya? Tapos si Rylan ang pinili at hindi ikaw hahaha!"
Halos masamid ako sa tubig na iniinom dahil sa narinig. 'Ano daw?' hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili, pero hindi ko sila magawang lingunin.
"Okay ka lang ba, Ry ko?" nag aalalang tanong pa ni Dylan habang pinupunasan ang aking labi.
"Wha-- t haha are you kidding, no frickin way!" nagmamadali pang pagtanggi ni Mrs. Leandro na akala mo ay hinahatulan sa korte.
"Haha bakit ka namumula?"
"Baka naman crush mo ang asawa niya? Ikaw ha~"
Rinig ko pang pang aasar sa kanya ng mga kasama doon. Ako naman ay nagpipigil sa pagtawa. 'As if naman patulan siya ni Dylan,' napapailing na saad ko sa aking isipan.
'Confident ka boy?' mapang asar pang bwelta naman ng aking utak kaya na napatango na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa ulol kong asawa.
Dahil sa pakikinig sa kanila ay hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ni Dylan na nasa aking tabi.
"Buti pumayag ka Ry ko, bili na tayo ngayon para masuot mo na bukas," excited na bulong pa niya sa akin kaya naguluhan ako.
"H-Ha? Ano yun, Dylan?"
"Huh? Hindi ba sabi mo mag go-gown ka?"
Wala sa sariling napanganga ako dahil sa aking narinig. Ladies tuxedo suit na ang napag usapan namin dahil ayaw ko nga mag gown. Gusto ko sana ay tunay na tuxedo, pero pinigilan nila ako sapagkat mas mabuti daw kung medyo fit at mas makikita ang kurba ng katawan ko. At sabi ni Lily, ladies tuxedo and suit daw ang dapat kaya pumayag ako. Meron na nga sa bahay kaya naguguluhan ako ngayon.
"M-May napag usapan ba tayong ganyan?" may paghihinala ko pang tanong sa kanya.
"Oo, sumang ayon ka nga eh, kaya nakausap na nga namin ni Lily yung mga teacher at coordinator kanina."
Lalo na akong nanlambot dahil sa kanyang pahayag. 'Saan ba ako? Anong nangyari?' hindi magkaintindihang tanong ko sa aking isipan.
"T-Teka? Paanong----? Kailan nyo ginawa yan?"
"Kanina lang, tulala ka kaya akala ko nagpapahinga ka lang," sagot naman niya at ginawaran pa ako ng isang nakakaloko niyang ngiti.
"Anoooo!? Pero gusto ko naka tuxedo!---- ayaw ko mag gown!!!
"-----DYLAN!"