RYLAN POV
KINABUKASAN, sabay-sabay kaming nagtungo sa school upang samahan si Deden na maglibot at sumali sa mga palaro sa kanilang paaralan. Hapon pa naman gaganapin ang beauty pageant kaya makakasama ko pa ang aking mag-ama hanggang tanghali. Nakakatuwa na pagpasok pa lang namin sa gate ay halos wala na kaming maparadahan ng sasakyan sapagkat puno ang buong parking lot.
Makikita ang masasaya at pagkasabik sa mukha ng lahat. Mas maraming tao ngayon sapagkat binuksan nila ang paaralan sa publiko. Open ang event na ito kahit sa mga outsiders.
"Wow, pinaghandaan talaga nila ah," nakangisi at mangha ring saad ni Dylan habang naglalakad kami papasok sa loob ng school.
"Kaya nga, kahapon ay may gayak na ang paligid, pero mas maganda ngayon," sagot ko naman habang nakahawak kami ni Dylan sa magkabilang kamay ng aming anak.
Sa paligid ay masisilayan ang masisiglang ekspresyon ng bawat pamilyang aming nakakasabay sa paglalakad. Nang makarating sa Gym ng school kung saan matatagpuan ang iba't ibang booth at mga palaro ay nakita namin doon sina Lily at Bryce.
"Aba nandito na pala ang Hendricks family," taas kilay na bati pa niya sa amin.
"Hi Lily."
"Tita!"
Bati pa ng aking mag ama kaya naman nginitian rin sila ni Lily at masiglang niyakap pa ang aking anak.
Lumapit naman ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat habang natatawa. "Syempre naman--- nga pala, nasaan si Brandon?"
"Hmp, nandito sya no," palabirong pagsusungit pa niya sa akin sabay turo sa aking kumpare kung saan ay naglalaro ito kasama si Bryce sa isang booth.
Napatawa naman alo habang sinusundan ang kanyang daliri, siguro iniisip niya na aasarin ko siya na wala pa rin ang asawa kahit may ganitong event. Alam naman namin parehas na busy talaga lagi sa trabaho ito.
"Mabuti at nakapunta siya," hiyaw ko sa kanya sapagkat masyadong maingay ang paligid.
"Oo naman! Kung hindi sya pupunta ay mag divorce na kami!" sigaw naman niya pabalik sa akin kaya nagkatawanan kami.
"Sino ang idi-divorce mo, babe?"
Napatahimik naman kami nang biglang may magsalita sa likod ni Lily. Halos mapahalakhak pa ako sa katatawa nang makita ang nanlalaking mata ni Lily habang dahan-dahang siyang lumilingon.
"Hehe, joke lang yun, babe," saad pa niya sa asawang si Brandon. Ako naman ay napatingin rin sa aking likuran ngunit wala na ang aking mag ama doon. Napakamot naman ako sa ulo habang napapalinga sa paligid.
Habang naglalambingan sina Lily at Brandon ay nakulbit ko pa sa likod ang aking best friend. "Lily, hanapin ko lang sila, mauna muna ako Brandon," pagpapaalam ko pa sa kanilang dalawa.
"Sige, basta kita tayong lunch para maghanda sa pageant mo!" pahabol pa niya, habang napapahalo ako sa daming tao rito.
"Oo, sigee!" hiyaw ko rin pabalik sa kanya.
SA PAGHAHANAP ko sa kanila ay nadaanan ko pa ang poster sa labas ng isang tent kung saan gaganapin ang cooking show mamaya.
Medyo nanghinayang ako ngunit sa halip na malungkot ay mas pinatatag ko na lang ang aking sarili at itinatak sa isipan na kailangan kong galingan mamaya. Preliminary round iyon kaya kailangan dapat ipakita ko na hindi ako magpapatalo. Dalawang araw ang Family day na ito. Ang ilang contest tulad ng pageant at cooking show ay ihahayag pa ang mananalo sa susunod na araw, kaya naman mas nakakasabik at nakaka-kaba rin.
Makalipas ang ilang sandali ay natagpuan ko rin sila nang tawagan ako ni Dylan kung nasaan sila ni Deden. Bumalik tuloy ako sa pinanggalingan ko sapagkat naroon lang pala sila sa booth na katabi ng pinaglalaruan nina Brandon kanina. Hindi ko lang sila napansin dahil sa dami ng tao.
"Ry ko! Tingnan mo dami naming napanalunan!" maligayang ani Dylan, ganun din si Deden habang ipinapakita sa akin ang mga napanalunan nila.
Napangiti naman ako at sinamahan sila sa paglalaro at paglilibot. Ngayong umaga rin ang palarong pinoy na sinalinan ni Lily kaya naman halos maubos ang aming boses sa pagsigaw at pagche-cheer sa kanya.
Napaka-saya ng pakiramdam na magkakasama kami na nagsasaya at nakakapaglaan ng oras sa bawat aming pamilya. At ganun din ang ibang pamilya na nakapaligid sa amin.
Nang mapalingon ako, may pamilyar na mukha pa akong napansin.
Si Mrs. Leandro pala kasama ang asawa at anak niya. Masaya rin ang pamilya nila at mukhang normal, kaya naman minsan talaga hindi ko maisip kung anong dahilan ng inis niya sa akin. Nang mapatingin ako sa kanyang asawa, tunay na may ibubuga din ang itsura nito ngunit mas gwapo pa rin ang Dylan ko.
Sa halip na pagtuonan pa sila ng pansin ay muli ko na lang ibinalik ang aking atensyon kay Lily at sa buwis buhay na pag iwas niya sa bola mula ng larong touch ball.
Habang tumatawa ay naisip ko na napakaganda talaga ng ideyang ito, hinihiling ko lang na sana ay madalas ang mga ganitong event.
MAKALIPAS ang masayang paglilibot namin at paglalaro kanina ay dumating na ang aking ikinababahala. Nakakain na kami ng lunch at nagpatuloy na sa back stage upang ayusin ang mga gamit namin.
Maya-maya pa ang actual pageant ngunit ipinatawag na kami upang paghandaan ang mga mangyayari, ganun din ay para maiayos namin ang mga susuotin at props na gagamitin.
ABALA kami at mga assistant sa pag aayos ng mga props at kasuotan na gagamitin sa pageant kaya naman halos hindi magkaintindihan ang lahat dahil na rin sa kabang nararamdaman.
"Rylan, kaya mo yan, okay! Relax ka lang para di ka ma-distract," paalala pa ni Lily sa akin sabay tapik sa aking balikat.
Tumango naman ako upang sumang ayon sa kanya kahit kaunti na lamang ay gusto nang lumabas ng aking puso sa sobrang lakas ng kabog nito mula sa aking dibdib. Sa takot na mangyari nga iyon ay baghagya kong nailagay ang aking palad sa tapat ng aking puso. 'Kaya mo yan, Rylan... Laban lang.'
Habang inihahanda ni Lily ang susuotin ko sa backstage ay pasimple akong tumakas upang sumilip kung nasaan ang aking mag-ama. May inihanda nang upuan si Lily sa kanila kaya naman alam kong hindi sila mauubusan ng pwesto.
Paglingon ko nga sa bantang kaliwa ay pansin ko na agad sila doon, nakaupo at tahimik na naghihintay na magsimula ang contest.
Napansin ko rin na mas marami ang nag nais manuod sapagkat nabalitaan ng mga tao na sa unang pagkakataon ay may isang lalaki na kasali sa isang beauty pageant na kinalalahukan ng mga babae. At ako iyon.
Sigurado akong samut-saring kwentuhan at spekulasyon ang namayani sa lahat ng mga naghihintay na audience ngunit kahit ano namang naririnig ay kita kong hindi na lamang iyon pinapahalagaan ni Dylan, ganun din ng ibang naroon upang sumusuporta sa akin.
Habang patuloy akong nakamasid doon ay nagulat na lamang ako nang may biglang humigit sa aking damit.
"AHY!" gulat ko pang ani sabay lingon. "Hehe, sorry na Lily," napapatawa ko pang turan habang nakasilay sa magkasalubong niyang kilay.
"Kanina pa kita hinahanap, akala ko ay kinidnap ka na ni Mrs. Leandro," saad pa niya na hindi ko alam kung nagbibiro ba o hindi.
Sa takot sa kanya ay masunurin na lang akong bumalik sa backstage kasama niya. Pagdating namin doon ay napangiwi na lang ako nang mapansin na bihis na bihis na ang mga kapwa ko contestant habang akoy hindi pa rin handa hanggang ngayon.
Ngayon alam ko na kung bakit galit si Lily.
▼△▼△▼△▼△
NICO'S POV
"Yes, I already arranged them earlier, kung may tatawag man, paki- forward na lang sa akin. Got it?" bilin ko pa sa aking dalawang assistant habang nagliligpit ako ng aking mga gamit.
"Yes po, Secretary Nico."
Nagmamadali akong tumingin sa relong aking suot nang marinig ang sagot nila. "Good, I need to go," ani ko at saka matulin na binagtas ang daan patungo sa elevator.
'The heck, patay ako kay boss kapag na late ako,' isip-isip ko pa habang hindi mapakali sa loob ng metal box na sinasakyan ko ngayon.
Nang bumukas ito ay wala na akong sinayang na oras at tumakbo agad patungo sa parking lot. Hays, nawawala ang poise ko dahil sa pagmamadali ah.
Baka mukha na akong sabog bago makarating doon, ang init pa naman ng panahon kahit hapon na--
Napatigil ako sa pagmo-monologue nang mapansin na may lalaking nakasandal sa gilid ng aking sasakyan. 'Naman, wag ngayon, hindi ko kailangan ng istorbo.'
"Excuse me, nagmamadali ako," turan ko pa upang umalis ang lalaki, ngunit bingi ata ang bwisit, hindi man lang gumalaw kahit pinapaalis ko na.
Dahil sa inis, sapagkat naghahabol ako ng oras ay mabilis na kumunot ang aking noo."Oi, gago ka ba!? Sabi ko, tumabi ka dyan, nagmamadali ako."
Dahil sa kabilang parte siya nakasandal kaya hindi ko agad napansin ang kanyang mukha kaya naman nagulat ako nang humarap na siya sa akin.
"Hm, maynit... ang panhon ah, maynit pa ang ulo nyo. Bakah ma-heat stroke ka niyan ah," nakangisi pa niyang pagbibiro at proud na proud pa sa pagsasalita kahit mali-mali naman ang kanyang pagtatagalog.
Ano nga ba ang aasahan mo sa isang koreanong nagpipilit maging Pilipino.
Habang siya ay mukhang tuwang-tuwa na makita ako, ang paghinga ko naman ay bumagal nang mapagtanto ko kung sino siya. "A-Anong ginagawa mo dito?"
"You're not happy to see me?" napapahilig pa sa kanan ang kanyang ulo habang nagpapa awa sa akin. Wala talaga akong ideya kung anong ginagawa niya rito, pero hindi ito ang oras para magpa istorbo sa kanya.
"That's not... That's not what I mean. Nagulat lang akong makita ka," napapailing ko pang tugon sa kanya. Mabuti na lamang at nakakaintindi siya ng tagalog. Hindi lang talaga siya sanay pang magsalita.
"It's okay, are you in hurry? Let me give you a ride," alok pa niya sa akin habang nakapaskil ang isang malapad at magandang ngiti sa gwapo niyang mukha. Sa sobrang liwanag ng kanyang ngiting iyon at aura ay wala sa sariling napapikit pa ako upang hindi masilaw.
Nang maka- recover mula sa nakakasilaw niyang ngiti ay naalala ko ang tunay kong misyon. Ang huwag ma-late.
"No thanks. I rather use mine," ani ko sabay turo sa sinasandalan niyang kotse. "-- just step aside, will you?" utos ko habang kinakapa ang susi sa aking bulsa.
"Ako nah bahla sayo," pagpipilit na naman niya sa pagsasalita, habang mabilis na lumapit sa akin at hawakan ang pulsuhan ko.
"Oi, ano ba? Wala akong oras makipaglaro sayo--"
"--Jun-Ryung!"
Nang tawagin ko ang kanyang pangalan ay mabilis siyang lumingon sa akin at ginawaran na naman ako ng masakit sa mata at sa kaluluwa niyang ngiti. Kapag nakikita ko ang inosente at masaya niyang ngiti ay napupuno ng konsensya ang aking dibdib.
Sa madaling salita, lagi akong nadadala kapag ngumingiti siya ng ganyan. Dahil sa bilis ng pangyayari ay halos hindi ko namalayan na nandito na kami sa labas ng SHIS or Sacred Heart International School, in short. Elementary school ng aking inaanak na si Ryden.
Lutang pa ang aking utak habang nakasilay sa labas ng bintana. Sa bilis ba naman niya magpatakbo na tinalo pa ang mga professional car racer ay talaga namang parang naiwan na ang aking kaluluwa sa ere.
"Ah, t-teka paanong--" naguguluhan ko pang saad. Hindi ko naman sa kanya sinabi kung saan ako pupunta.
Lumitaw naman ulit ang blinding smile niya at mabilis akong pinagbuksan ng pinto. "You're in hurry, right?"
"Ha? Oo," sagot ko pa, at nakitang nakatayo na pala ako sa labas ng kanyang kotse.
"Then go. Just give me call later and I will fetch you, bye Jagiya~!" may pagkindat pa niyang turan at saka pinaharurot ang sasakyan palayo.
"Nico ang pangalan ko! Hindi Jagiya!" sigaw ko pa sa kanya.
Mukhang narinig pa niya ang sinabi ko dahil napakinggan ko pa ang kanyang pagtawa. Napa buntong hininga na lamang ako nang masilayan ang papalayo niyang kotse.
"The heck!!!" hiyaw ko at nagmamadaling tumakbo papasok sa school.
MAKALIPAS ang ilang sandali...
"Boss! Salamat naman at umabot pa ako," hinihingal na saad ko nang makarating sa venue.
"Tito Nico!" sigaw pa ng dalawang bata na sina Ryden at Bryce sa akin. Masaya ko namang ginulo ang buhok nila bago umupo sa bakanteng upuan na itinira talaga nila para sa akin.
"Yeah," napapatangong tugon ni Boss sa akin, napahinga pa ako ng maluwag sapagkat hindi siya galit. Bumati rin ako kay Brandon at tinanguan rin naman niya ako habang nakikipag fistbump sa akin.
"Oh nasaan ang asawa mong pinaglihi sa megaphone?" palabirong tanong ko sa kanya.
"Kasama ni Rylan sa backstage," tipid na sagot niya. Napakatahimik talaga ng isang to. Hindi ko akalain na natitiis niya ang bunganga ng kanyang asawang si Lily.
"Ah, Oo nga pala no, manager nga daw pala siya," napapailing ko pang kumento at napataas pa ang kilay nang mapasilay ako sa mga paperbag na nakalagay sa harap ng aming kinauupuan.
Hindi ko alam kung ano ang laman no'n kaya hindi ko lamang muna binigyang pansin.
▼△▼△▼△▼△
RYLAN POV
NAGHAHANDA na kami para sa unang rampa at on stage personal introduction ng bawat candidates.
Habang inaayusan at mine-make up-an ako ni Lily at nakaharap kami sa isang malaking salamin dito ay bigla kong naalala ang pag uusap namin ni Dylan kahapon tungkol sa pagsusuot ng gown. Ganun din ay hindi ko napigilan na magtungo kung saan-saan ang aking utak habang nagbabaliktanaw tungkol sa nangyari kahapon.
"Aba, Cutiee, wala pa akong nilalagay na blush sayo, pero bakit namumula na ang pisngi mo?" taas kilay na tanong ni Lily sa akin.
"Ah? H-Hindi ah," pagtanggi ko pa habang nakahawak sa mainit kong pisngi.
"Anong hindi? Ayan oh? Ikaw ha, hindi ito ang tamang oras para isipin mo ang loving-loving nyo ng ulol mong asawa."
"Gaga ka talaga, Lily, h-hin... "
"Haha hindi mo nga maitanggi eh," pang aasar pa niya habang tumatawa.
'Ulol kasi ang Dylan na yan, kung ano-ano tuloy naiisip ko.' isip-isip ko pa habang pinapakalma ang sarili.
----------
NANG matapos ang huling training kahapon ay nagmamadali kaming nagtungo upang bumili daw ng gown na susuotin, ngunit nagtatakang napasilay ako sapagkat sa halip na bumili ay parang nag pick up lamang si Dylan ng order sa shop na iyon. Ibigsabihin ay nakahanda na ang gown na iyon dati pa.
"Dylan? Anong ibigsabihin nito?" naguguluhan kong tanong sa aking asawa nang makasakay kami pabalik sa kotse.
"Syempre, dapat laging handa, mahal ko, kaya nag order na ako beforehand." Nginisian pa niya ako na tila ba wala siyang alam sa aking tunay na ibigsabihin.
"Tsk," hindi ko na lang napigilang mapailing dahil sa pagiging ulol niya. Dahil sa pagod ay naka idlip ako sa byahe at isang mahinang alog sa balikat ang gumising sa akin.
"Halika na mahal ko para makauwi na tayo at maisukat mo ito," excited na bulong pa niya sa akin matapos halikan ang aking noo.
Napatango na lang naman ako, pagpasok ko sa bahay ay naroon na si Deden. Nasundo na pala ni Dylan mula kayna Aling Mimi. Inihabilin muna namin siya doon upang makapunta kami sa tailor shop.
"Papa!"
"Deden ko," bati ko rin pabalik habang nakayakap siya sa aking bewang.
"Buddy, laro muna kayo ni Bryce. May gagawin lang kami ni Papa mo," utos ni Dylan sa anak namin. Mabilis at masayang tumakbo palabas si Deden habang kunot-noo ko namang tiningnan si Dylan.
"Anong gagawin, Dylan?"
Sa halip na sumagot at ngumisi lamang siya nang malapad at maagap na lumapit sa akin at binuhat ako.
"D-Dylan!"
Humagikgik lamang siya na tila ba ay may masamang balak habang ipinapasok ako sa aming kwarto.
Nang makalapit sa kama ay mabilis niya akong binitawan doon kaya tumalbog pa ako sa malambot naming kutson habang pinapatay siya sa sama ng tingin ko.
"Wag kang magalit mahal ko, alam kong gusto mo din ito," mapang akit pa niyang turan habang papalapit sa akin.
"Dylan, gago ka talaga! Anong balak mo ah!?"
"Makikita mo din, Ry ko," mahina pa niyang bulong sa akin sabay hila sa aking tshirt na suot. Dahil sa kaba ay bigla akong napapikit.
"Bagay na bagay talaga sayo, Ry ko." Saad niya kaya napamulat ako.
Habang ako'y parang sisiw na binuhusan ng malamig na tubig dahil sa panginginig habang nakahiga sa kama. Ang ulol kong asawa ay walang sawa sa paglapat ng gown na binili namin kanina upang tingnan kung anong itsira no'n sa akin.
Dahil sa kaba at hiyang naramdaman ay nabatukan ko siya nang malakas sapagkat mali ang aking pag aakala. 'Jusko, Dylan! Akala ko ay gusto niyang pagnasahan ang aking katawan.'
"Aray ko naman, mahal ko," pagrereklamo pa niya.
"Ulol ka eh, akala ko... Akala ko ay--"
"Anong akala mo, mahal ko?" nakangisi pa niyang bulong muli sa aking tenga na may kasama pang pag ihip doon.
Nakalagay din sa aking ibabang parte ng likod ang kanyang malaki at mainit na kamay kaya naman halos manginig ako dulot ng mumunting kuryenteng naramdaman ko do'n.
Isama pa na malamig ang aming kwarto, wala akong saplot at magkadikit ang aming mga katawan. Ang mapupungay niyang mata ay tila ba ay nag iimbita sa akin.
"Dyl-- ump."
Ang mainit at malambot niyang labi ang nakapag patahimik sa akin. Gumapang ang kanyang kamay sa iba't ibang parte ng aking katawan, habang ang aking mga braso naman ay mahigpit na yumakap sa kanya upang mas idiin ang aming halikan.
"Haaa.. Ha.. D-Dylan," ani ko habang humuhugot ng isang malalim na hininga.
"Mahal ko, isang rou---"
"Ayaw ko," pag iling ko pa, at saka tumayo na mula sa kama.
"Sigee na, please," pagmamaka awa pa niya.
"Hindi, kapag nasimulan ka, hindi ka titigil sa isa." Iyon naman ang tunay, bukod pa doon ay may contest akong pinaghahandaan. Mahirap kumilos kapag masakit ang katawan.
"Hm," napapakamot sa ulo na himig niya.
"Alam mo naman pala sa sarili mo eh," sermon ko pa sa kanya.
"Okayy, isukat mo na itong gown," Nakalabi pa niyang saad na akala mo ay kinawawang tuta.
Napa-awa naman ako sapagkat bigla siyang naging malumbay. Lumapit ako sa kanya habang napapabuntong hininga."Hays."
Nang makalapit ay hinawakan ko ang batok niya upang maibaba ko ang kanyang mukha. "Pramis, pagkatapos ng pageant," bulong ko pa sa kanyang tenga, at sinamahan pa ng isang halik sa pisngi.
"Talaga?!" masigla na muli niyang hiyaw kaya tumango ako. Masaya siyang yumakap sa akin bago kunin ang gown sa kama at iabot sa akin.
MAKALIPAS ang ilang sandali...
"Bagay sayo Ry ko, wala ka namang muscles," kumento pa niya.
"Edi buto't balat lang ako kung wala akong muscles," tugon ko naman.
"Hindi yun ang tinutukoy ko, kung hindi ang malaking muscles na tulad nito," aniya, sabay flex ng kanyang malaking biceps.
"Oo na, di mo na kailangang i-flex pa ang muscles mo sa harap ko." Napa iwas na lang ako ng tingin sa kanya sapagkat ayaw kong maakit at magsisi dahil sa aking desisyon kanina.
"Sure ka mahal ko, di ba gustong-gusto mo to?" mapang akit na turan pa niya, habang ngising-ngisi na naman.
Hindi naman ako nakaimik sapagkat totoo naman ang sinabi niya. Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi ko maitanggi.