Chapter 9

2030 Words
RYLAN POV "Oh my gosh, cutieee! Hindi ka lang basta cute ngayon, prettyyy pa!!!" hindi magkaintindihang papuri ni Lily sa akin matapos niya akong ma-make up-an at mabihisan. Daing pa niya ang paparazzi na paikot-ikot sa akin habang walang humpay sa pagkuha ng litrato. "S-Salamat, Lily," nahihiya kong saad sa kanya. Napatungo rin ako sapagkat ramdam ko ang mga matang nakamasid sa akin mula sa paligid. At hindi rin lingid sa aking kaalaman na masama na naman ang tingin sa akin ni Mrs. Leandro at ang kanyang mga friends. Maya-maya pa at tapos na ang lahat na magbihis at mag ayos ng sarili ay rinig namin ang pagsisimula ng Emcee sa harap ng stage. "Good Evening, Ladies and Gentlemen! Tonight, witness, as twenty-five dazzling candidates present their very best and vie for the covetous crowns right here at this stage!" Habang nagpapatuloy ang pormal na opening ng pageant ay dumating naman si Ms. Coordinator upang ipaalala muli sa amin sa huling pagkakataon ang dapat gawin. Tango lang naman kami nang tango habang nakikinig sa kanya. Pinalinya na niya kami mula sa backstage upang sunod-sunod ang pagpasok namin sa harap ng stage mamaya. Habang nakatayo ako sa aming linya ay ramdam kong kasing lakas ng musika sa labas ang kabog ng aking puso. Nangangatal din ang aking kamay at tuhod dahil sa kaba. Muli ay napalingon ako, nakita ko si Lily na nakatayo lang doon kasama ang ibang assistant. Ngumiti siya sa akin at nag thumps up. Tumango rin naman ako at huminga ng malalim. Alam kong paglabas namin dito ay isang maliwanag at maingay na etablado ang aming kalalagyan. Makikita kami ng lahat ng tao, lalong lalo na ng aming mga pamilya at taga- suporta. 'Ayaw ko silang ipahiya. Kaya kayanin mo, Rylan,' mantra ko pa sa aking isipan nang paulit-ulit. Sa biglang pagtigil ng masiglang musika ay kasabay rin ng halos pagtigil ng aking paghinga dahil sa kaba. "As the night fills with sheer excitement, we will soon find out who will be the worthy and be the first title holder for this pageant. Righ partner?" saad pa ng babaeng Emcee. "Yes naman, partner," pagsang ayon naman ng lalaking counterpart nito. "Ladies and Gentlemen! this is the search for MS. SACRED HEART INTL. SCHOOL 2022!" masiglang sigaw ng dalawang emcee na sinabayan pa ng masasayang hiyaw ng audience. "Partner, hindi simpleng pageant ang matutunghayan ng ating mga audience ngayon, tama ba?" "Sinabi mo pa, Partner. For the first time in the pageant history. This beauty pageant is not just exclusive for women dahil may nag iisa tayong lalaking contender na lalaban din para makuha ang korona tonight!" "Wooohhhhh!" "Wahh! Good luck!" Nang magsigawan muli ang lahat ay hindi ko napigilang mapalunok na lang ng wala sa oras. Halos hindi na ako mapakali dito sa aking kinatatayuan ngayon. "So, let us not prolong the agony of waiting. Let us formally start tonight’s event." Matapos ang opening remarks at pagpapakilala sa mga judges, criteria for judging at mga intermission number ng mga student dito sa school ay naghihintay na lamang kami ng signal kung kailan papasok sa stage. Para aliwin ang sarili ay napalingon na lang ako sa paligid, doon ko napansin ang bakas na kaba sa mukha ng aking mga kasama rito. Kahit ang madaldal na circle of friends ni Mrs. Leandro ay natahimik na rin. Habang nakatayo ako ay nakaramdam ako ng isang kulbit mula sa aking balikat. "A-Ano yun?" gulat ko pang tanong kay no. 14. Hindi ko pa siya nakakausap mula noon at kahit magkatabi kami lagi sapagkat magkasunod ang aming numero, basta ang pagkaka-kilala ko sa kanya ay tahimik at mahiyaing babae. Hindi pa siya ganung ka-tanda, baka nga magkaparehas pa kami ng edad. "Ahm, k-kinakabahan ako," bulong pa niya sa akin, at napapayuko. Napansin ko naman na medyo na mumutla na siya kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay. "Okay ka lang ba?" tanong ko pa at katulad ng inaasahan ko, nanlalamig na ang kanyang palad. Nanginginig rin siya kaya naman, mabilis ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat kaya napaharap siya sa akin. Tiningnan ko siya ng deretso sa mga mata at seryosong kinausap siya. "Magiging maayos lang ang lahat, okay? Kakayanin natin to! Para sa pamilya anak at pamilya natin. Naiintindihan mo ba?" Gulat siyang tumingin sa akin, ngunit nang marinig niya ang aking sinabi ay may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi. "O-Oo salamat, Rylan." "Wala yun ah..." "Athena," mahinhin niyang saad. Napabuntong hininga naman ako, mula sa mahiyain na personalidad nitong si Athena, halatang parehas ang aming sitwasyon, walang pagpipilian ang pagsali namin dito ah. "Wala yun, Athena. Maganda ka at malakas ang loob kaya kakayanin mo ito," pagpapagaan ko pa sa kanyang kalooban, kahit na ako'y napapangiwi nang bahagya sapagkat nakakaya kong magpalakas ng loob ng iba kahit na ako man ay mamatay na rin sa kaba. "Oo, tama ka. Galingan natin," mas masigla na niyang sagot sa akin. Tumango naman ako at nginitian siya bago muling humarap sa unahan. Hindi nga lumipas ang ilang sandali ay dumating na ang aming pinakahihintay. "Now, Ladies and gentlemen! Let's witness the opening number of our dazzling candidates!" Kahit halos tumalon na ang aking puso nang marining ang pahayag ng emcee mabuti na lamang at hindi ako nahimatay sa kabang nararamdaman. Nagsimula nang maglakad patungo sa harap ng stage ang aking mga kasama kaya naman sumunod na ako sa kanila. Para sa opening number namin, nakasuot lamang kami ng white shirt at jeans, ganun din ang sash kung saan nakalagay ang section at grade na nire- represent namin. Mula sa saliw ng masaya at buhay na tugtug ay sumayaw kami. "Wooohhh!!!" "Go! Number 12!" "Kaya mo yan, Mrs. Roxas!" "RY KO!!! I LOVE U!" Hindi magkamayaw sa paghiyaw ang mga audience mula sa baba ng stage. At nagpapalakas ng cheer para sa kani-kanilang mga bias sa contest na ito. Nang mapagawi ang aking tingin sa kinalalagyan ng aking pamilya at makita ang kanilang suporta ay tila ba nawala ang aking mga isipin at pangamba. Napatawa rin ako ng palihim dahil sa ulol kong asawa na balak pa atang tumayo sa monoblock na silya para lang makita ko siya. Ngumiti ako ng malapad at taas-noo na nakipag sabayan sa ibang mga contender. Matapos ang opening number ay muling bumalik kami sa backstage upang magpalit ng damit. Naka gown ang aking mga kasama, habang naka ladies tuxedo naman ako para sa on stage personal introduction. "Awi! Galing mo cutiee! Pwede ka nang dancerist," humahagikhik pang bulong sa akin ni Lily, habang tinutulungan muli niya akong magbihis. Napailing na lang ako sapagkat ang dami niyang alam. Sa totoo lamang, pakiramdam ko kanina habang nandoon ako sa stage ay isa akong puno ng niyog na nadadala ng malakas na ulan. Pahapay-hapay lang ako. Ni ako, hindi ko matawag na sayaw iyon. ▼△▼△▼△▼△ NICO POV "Boss! Hindi kaya niyang plastic na silya ang timbang mo kaya wag kang aakyat!" sigaw ko pa sa may sapak kong best friend/ boss. Nang magpakita na kasi kanina ang mga candidates at nasilayan namin ang kanilang opening number. Halos lumipad na itong si Boss para lang mapansin siya ni Rylan. 'Hays, naalala ko sa kanya yung mga die hard fan ng isang kpop group.' "Mag cheer ka kasi," saad pa niya nang makabaling sa akin sabay abot ng isang pompoms? Teka, saan ito galing? Nang tingnan ko silang lahat, may mga hawak din silang cheering props. Wala naman masama mag cheer, hindi rin naman ako nahihiya. Lakas nga ng sigaw ko kanina eh. Tinanggap ko na lang ang ibinibigay niya at ini-ipit sa aking kili-kili habang hawak ang aking cellphone. Bigla kasing nag vibrate. Bago ko pa mabuksan ang message ay napasilay ako sa hyper kong kaibigan dahil sa pag siko niya sa aking tagiliran. "Nico! Maya ka na mag cellphone!" sigaw pa niya, sapagkat napaka ingay dito. "Oo nga boss, wala pa naman sila, nagbibihis pa ang mga iyon," katwiran ko pa at saka ibinalik ang atensyon sa cellphone na hawak. 'Jun-Ryung: Don't forget to call me.' "Hays, napaka-kulit talaga ng alien na 'to," bulong ko pa sa aking sarili matapos mabasa ang text niya. Hindi na ako nag reply sapagkat ayaw ko siyang kauspin. Bukod pa roon, mukhang magpapakita na ulit ang mga candidates kaya kailangan kong ibigay ang aking best sa pagche-cheer kay Rylan. Hindi nga nagtagal at narinig muli ang masiglang boses ng mga emcee upang i-welcome ang mga candidates. 'Oh, introduction na pala.' isip-isip ko pa nang makita ang magandang hubog ng katawan ng contestant habang ruma-rampa bago makapunta sa mic na nasa unahan. Napasipol na lang ako habang nanunuod sapagkat hindi talaga aakalain na mga parents na ang mga kasali dito. Ang gaganda ng katawan at talaga namang mukhang mga dalaga pa. Tiningnan ko si Rylan, pang 13 pa pala siya, pero itong mga katabi ko ay parang handa nang sumabak sa gera. Matapos nga magpakilala si no. 12 at narampa na pabalik sa linya nito ay pinanglakihan ang aking mata nang mapansin na naglalabas na sina Dylan ng banner. "What!? Ganyan kayo ka-handa!" sigaw ko pa sa kanila. "Oo naman, gagawin ko lahat para sa mahal ko," proud na sagot ni boss. Napatango na lang ako sapagkat normal lang yun, syempre asawa niya eh kaya talagang effort is vital. Pero nang mapatingin ako lampas kay boss ay nanlaki ulit ang aking mata sa gulat. "Pati ba naman ikaw, Brandon?" "Hm, si Lily ang gumawa nito, magagalit yun kapag di ko ginamit," kalmadong sagot niya. 'Napaka-tahimik talaga niya, parang hindi bagay sa mga ganitong lugar,' saad ko sa aking isipan. Dahil ang dami nilang props kaya naman nahiya tuloy ako, wala akong dala, pero dahil mahal na mahal ako ng aking mga cute at poging inaanak. Nag share sila ng light stick sa akin. "Tito!!! Si Papa na po!" excited na hiyaw ni Ryden mula sa tabi ko kaya naman mabilis akong napatingin sa stage. Lumapad ang ngiti sa aking labi at napuno ng saya ang aking dibdib habang nasasaksihan ang confident na paglalakad niya sa taas ng entablado. "WOAHHH!!!! RYLAN!!!!!" Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni boss kanina. Kahit ako parang gusto nang lumipad dahil sa taas ng talon ko. "RY KO!" "PAPA! KAYA MO YAN!" Rinig ko din na sigaw nila, halos mawalan na kami ng boses, pero okay lang. Para 'to sa kapatid ko sa ibang magulang. Para 'to kay Rylan. Nang matapos siyang rumampa ay tumayo na siya sa harap ng mic kaya naman natahimik kami ganun din ang iba pang manunuod... Pansin namin ang kaba niya ngunit nagawa pa rin niyang ngumiti sa dereksyon namin na halos nakapagpaluha sa akin. Nang tingnan ko ang aking mga katabi. Nagpupunas na ng mata si Boss at nakalabi na si Ryden. Gusto kong isigaw sa kanya na kaya niya iyan, nandito lang kami. "Our ability to reach unity in diversity will be the beauty and the test of our civilization, that's why, always remember, it is not our differences that divides us. It is our inability to recognize, accept, and celebrate those differences!..." "-- I'm Rylan Arellano-Hendricks. Proudly Representing the Section 3 - Camellia! believes that "It's not about who's on top, what's important is to pull everyone above!--" "--and I, THANK YOU!" Pero, ang mas ikinahanga ko ay ang katunayan na kahit kabado na ay nadadala pa rin niya ang sarili at makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata. Kaya naman nang matapos ang kanyang introduction, ay napasigaw talaga ako. "RYLAN NAMIN YAN!!!" "Woohh ASAWA KO YAN!" At mukhang alam din ng ibang manunuod ang aming nararamdaman. "WAHH!!!! NO. 13!" "ANG GALING MO PO!!!" "MR. HENDRICKS, FIGHTING!" Ngunit sa lahat nang nagsisigawan. May nangibabaw sa lahat. Hindi iyon mula kay Boss o mula sa akin. "KUMPARE KO YAN!!!" Dahil sa gulat ay natahimik na lang kami ni Boss. At mukhang parehas pa kami ng iniisip. 'Si Brandon na talaga ito? Yung tahimik na Brandon?' Nagising na lang kami ni boss mula sa pagkatulala kay Brandon nang makarinig kami ng boses galing sa aking tagiliran. "Tito Brandon, is that you?" kunot-noo at naguguluhan ding tanong ni Ryden kaya hindi na namin napigilang di mapatawa nang malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD