RYLAN POV
'Ui, Rylan! Malapit ka na!' sigaw pa ng utak ko na lalong nakapagpakatal sa aking tuhod.
Pero, itinatago ko na lang ang kaba gamit ang aking mga ngiti. Nakalinya na kami at nagsisimula nang rumampa ang mga naunang numero sa akin upang magpakilala sa unahan.
Tanda ko naman ang sasabihin ko, sana nga lamang ay wag akong ma-mental block kapag naroon na. Iyon lamang ang aking ipinagdadasal, maliban sa ' Sana ay wag naman akong matapilok o madapa' kasi siguradong nakakahiya iyon.
Habang ruma-rampa ang aking mga kapwa contestant ay kanya-kanya rin sila sa pagsho- showcase ng kanilang makikinang at magagarang gown.
Mabuti na lamang at naagapan ko pa ang tungkol sa attire na ito. Mula sa introduction hanggang talent portion ay pwede akong magsuot ng tuxedo o costume na pang lalaki maliban lamang sa evening wear na kailangan ko rin makipag laban at ipakita ang ganda at poise ko sa pagsusuot ng magara at magandang gown.
Ang attire ng lahat ay iba't ibang kulay ng rainbow dahil ang tema ng pageant at advocacy ng school na ipalaganap ang diversity.
"Diversity leads to a better and harmonious world" yan nga ang tema ng beauty pageant, napakaganda ngunit bakit ang ilang kandidata dito ay hindi ata naipapakita ang diwa ng pageant na ito.
Napailing na lamang ako sapagkat may mga bagay na kahit gustuhin natin ay hindi rin natin pwedeng ipilit sa iba. Naniniwala akong sila lamang ang may kakayanang magbago sa kanilang mga sarili.
"Thank you, now, let's call our most awaited contender for tonight!... Contestant no. 13!!!"
Kahit kanina ko pang pinaghahandaan ang aking gagawin, ngayong tinawag na ako. Parang ni maglakad ay hindi ko kaya.
Ngunit, kahit ganun ay huminga na lang ako nang malalim at inihakbang ang aking paa. Rampa dito, ikot doon. Nakahinga ako ng maluwanag nang safe naman akong nakarating sa harap.
Mula sa nakakasilaw na liwanag sa aking harapan, alam kong sa likod no'n ay nakapanuod ang aking pamilya at mga kaibigan. Alam kong proud sila sa akin kaya naman dapat ibigay ko rin ang lahat ng kaya ko para sa kanila.
Huminga muli ako nang malalim bago magpakilala. Natahimik ang lahat matapos iyon kaya lalo akong nangamba. 'Mali ba ang sinabi ko?' takot na tanong ko pa sa aking sarili.
Ngunit, maya-maya pa nga ay nawala ang aking pangamba sapagkat halos mabingi ako sa lakas ng sigaw at ingay ng mga audience. Rinig ko pa ang boses ni Dylan at ni Deden, ganun si Nico. Ngunit may nangibabaw sa kanila.
Alam ko ang boses na iyon kaya napatingin talaga ako ng maigi sa audience at halos mapahagalpak ako sa pagtawa dahil kay Brandon na nakatayo habang hawak ang isang malaking banner.
Marahan ko silang kinawayan at saka nagbalik na ulit sa aking linya. Nang mapadako ang paningin ko kay Mrs. Leandro ay kita ko pang nagmamadali niyang iniwas ang kanyang mukha sa akin.
Na-guilty ata at tinamaan sa aking sinabi kanina. Napatawa na lang ako ng palihim at nagpatuloy sa paglalakad. Napaka-bully kasi niya.
NAGPATULOY ang susunod na category ng pageant.
"So, Ladies and Gentlemen-stay put, sit back and relax as we are about to witness our candidates wearing their sports wear!"
Dito naman ay lalo nang hindi magkaintindihan ang mga manunuod dahil sa sexy at maiikling sport attire ng mga contestant. Mabuti na lamang at hindi naman ganun ka revealing ang suot kong basketball jersey, pero kahit ganun ay fit pa rin ito kaya naman makikita pa rin ang hubog ng aking katawan.
Palihim na napakagat labi pa ako upang hindi mapatawa nang makita ko kung paano maging tila isang paparazzi si Dylan dahil sa bilis ng pagkuha niya ng litrato sa akin. Kaunti na lang ata ay gusto na niyang umakyat sa stage.
MATAPOS iyon ay mabilis na dumaan ang oras at ganun din ang takbo ng pageant. Mula sa 25 na candidates ay naging 15 na lamang ito. Salamat sapagkat kahit paano ay nakasali pa rin ako.
Pagkatapos ng nerve wrecking na elimination ay nagpatuloy ang contest.
Ngayon nga ay nasa talent portion na kami.
Nang makabalik kami sa backstage upang magbihis at maghanda ng aming mga talent ay may banda namang kumakanta at nag aaliw sa mga manunuod sa labas.
Para sa aking talent dahil sa pagluluto lang ako magaling kaya naman di na ako nagtangka na sumayaw o kumanta
kaya naman naisip namin ni Dylan na mag magic na lamang ako. Medyo marunong ako mag magic dahil lagi ko iyong ginagawa para sa aking mga kapatid noon.
Nagsuot din ako ng costume na parang sa isang magikero. "Salamat, Lily," saad ko pa nang matapos niya akong ayusan.
"No problem, kunin ko lang ang mga props mo," tugon naman niya. May rabbit ako, magic cards at iba pa.
Sinamahan ko na rin si Lily na kumuha ng mga iyon para mapadali, sapagkat ilang sandali na lamang ay magpapatuloy na ulit ang contest.
"What the he-- ang nangyari dito?" rinig ko pang turan ni Lily kaya mabilis akong sumilip sa taas ng kanyang balikat.
"A-Anong nangy---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin sapagkat natulala na lang ako.
Ang aking mga gamit ay sira-sira na. Wala na ang rabbit sa kulungan nito, punit na din ang deck ng cards na nakahanda. Ang iba namang props ay nawawala pa.
Habang nakatingin sa nagkalat na gamit ko ay parang aatakin ako sa puso sapagkat hindi ko alam ang gagawin ko. Ilang minuto na lamang at tatawagin na muli kami, pero wala akong props.
"Anong gagawin natin ngayon!? Anong gagamitin mo? Tsk kapag nalaman ko lang kung sino may gawa nito, kakalbuhin ko talaga!"
"L-Lily, kalma lang."
"Paano ako kakalma, Rylan!?" stress na saad ni Lily sa akin at masama pang tumingin sa ibang mga contestant na narito.
Habang nagkakagulo kami ni Lily at hindi malaman ang gagawin ay sakto namang dumating ang coordinator para alamin kung handa na ba ang lahat.
"May problema ba, Mr. Hendricks?"
"K-Kaunti po, pero gagawan po namin ng paraan," makatotohanan na sagot ko.
"Good to hear that kasi 5 minutes na lang at tatawagin na ulit kayo ng emcee."
"O-Okay po." Habang napapayuko dahil sa panglulumo na nararamdaman ay bigla na lamang may kumulbit ulit sa aking balikat.
"Rylan, p-paano yan? Anong gagawin mo mamaya kung wala ka nang props sa magic tricks mo?" nag aalala pang wika ni Athena.
"Okay lang ako Athena, iisip ako ng ibang paraan para may ma- perform pa rin ako mamaya."
"Ganun ba, good luck talaga. Sabihan mo lang ako kung anong maitutulong ko," ika niya sapagkat tinawag muli siya ng kanyang assistant para maghanda ng talent niya mamaya.
"Oo, salamat ah," malungkot na saad ko habang napapangiti nang tipid upang hindi na siya mag alala pa.
Parang gusto kong maiyak dahil sa frustration na nadarama ko. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung sino ang may gawa nito, ngunit ayaw ko naman mag eskandalo. 'Jusko God, kayo na po ang bahala sa kanila.'
"Anong balak mo, cutie?"
Mukhang kumalma na rin si Lily kaya naman handa na kami sanang mag usap ulit kung anong pwedeng gawin nang...
"Ahm... Ayun!" gulat na saad ko, sabay turo sa mga musikerong kalalabas lang sa stage.
"Huh? Teka, saan ka pupunta?"
"Ah kuya!" Pagpigil ko pa sa kanila. "Kayo po yung banda kanina?" pagsisimula ko pa.
"Opo," sagot naman nila, at napapasilay pa sa aking itsura.
"Pwede ba akong makahiram ng gitara nyo?" saad ko na may kasama pang pagmamaka awa. Ito na lang ang naiisip kong contingency plan kaya sana pumayag sila.
"Kakanta ka, cutie?"
"Wow, kaya mo yan, Rylan!" Biglang lumitaw sina Athena at Lily sa aking may likodan upang maki-chismis.
"Oo, iiwan ko na muna dito ang hiya ko," natatawa pang tugon ko sa kanila.
"Sige, good luck," nakangiti pang saad lalaking myembro ng banda bago ibigay sa akin ang kanyang magandang gitara.
"Talaga, salamat!" Kasing ingat ng paghawak sa sanggol ang pagkakahawak ko sa gitara upang hindi ito magasgasan. Mukha pa namang mamahalin.
"Goods yan, cutie! Halika, magbihis ka na." Hinigit na ako ni Lily pabalik, pero pinigilan ko siya.
"Hindi na, Lily." Nginitian ko pa siya.
"Ha? Anong ibigsabihin mo?"
"Basta, magtiwala ka lang sa akin," wika ko sabay kindat bago bulungan siya.
"S-Sige ba, naka-support ako lagi sayo." Kita ko ang pag aalala sa mukha ni Lily, pero hindi niya ako pinigilan sa gusto kong gawin. Sa halip ay naging supportive pa rin siya hanggang sa huli.
Hindi naman ako mukhang wizard na makikita sa enchanted kingdom, medyo stylish naman ang itsura ko at may suot pang mahaba at itim na cloak. Ang gitarang hawak ko kanina ay mabilis kong napaglaho sa hangin. Naglakad ako doon na walang dala.
"Ladies and gentlemen, let's welcome our first contender performing her talent!"
Kita naming lumabas na si no. 1 dala ang mga props nito at back up dancer para sa talent na belly dancing. Sa totoo lamang ay hindi ko alam kung paano ko maitatawid ang talent portion na ito. Siguro ay lakas na lamang talaga ng loob at kapal ng mukha ang kailangan ko.
HINDI nga nagtagal at mabilis silang natapos. Si contestant no. 6 kung saan ito ay si Mrs. Leandro na kumanta ng 'Never Enough' at dahil sa ganda ng kanyang boses ay talaga namang rinig namin hanggang dito sa backstage ang sigawan ng mga tao. Nagsunod-sunod na sila hanggang sa nakabalik na rin si contestant no. 12.
"Rylan, kaya mo yan!" bulong pa sa akin ni Athena at marahan akong tinapik sa likod.
"Oo naman, salamat ah." Nakipag apir pa ako sa kanya bago pumunta sa harap ng entablado.
Muli ay sinalubong ako ng mga hiyawan. Ngumiti muna ako ng isang beses bago yumuko para simulan ang aking act.
Narinig sa buong gymnasium ang mahina at kakaibang tunog na karaniwang ginagamit kapag may magic show.
May lumabas rin na usok sa gilid at harap ng stage upang mag mukhang misteryoso ang dating ng entablado.
Natahimik ang mga manunuod at naghihintay ng mangyayari. Mabuti na lamang at may nakita pa akong flash paper na naiwan sa aking mga gamit.
Habang abala sa pag iintay ang audience ay mabilis akong naglabas ng limang flash paper at inihagis iyon sa ere.
Napa-ohh ang mga tao at napasigaw nang magliyab ang mga iyon. Habang nakatuon pa roon ang kanilang atensyon ay saka ko naman tinanggal ang cloak na nakatakip sa aking mukha. Halos masilaw ako sa pag focus sa akin ng mga spot light na nakalagay sa bubong ng stage.
Nagtilian muli ang mga tao lalo na nang maglabas na ako ng gitara. Pansin ko pa ang bagsak na panga ng ilan, kasama na ang aking asawa.
Hindi talaga nila inaasahan na gagawin ko ito. Mula nang magkakilala kami ni Dylan, kahit kailan ay hindi pa ako kumakanta sa kanyang harap.
First time ko rin itong gagawin sa harap ng maraming tao, kumakanta naman ako noon kapag sumasama ako kayna Marco at Kiko sa probinsya kapag nanliligaw sila.
May lumabas na assistant para magdala ng mic sa aking harap at nagsimula na nga akong mag strum sa gitarang aking hawak.
Nang makita ko ang lalaking naging dahilan ng walang paglagyang saya sa aking buhay, ang lalaking nagmahal sa akin at nagpahalaga.
Mula sa baba ng stage habang nakatingin ako kay Dylan ay walang mababakas na disappointment sa kanyang mukha. Seryoso lamang siyang naka tingin sa akin at naniniwala na kaya ko kaya naman nagising ako sa katotohanan at pinakalma ang sarili. Muli ay gusto kong ibinigay ang best ko para sa kanila.
At habang magkatitig nga kami sa mata nang isa't isa ay tila ba nawala ang lahat ng mga tao sa paligid at kami lamang ang natira. Kahit alam kong hindi ganun kaganda ang boses ko ay ginawa ko naman ang lahat at kumanta mula sa aking puso.
"Mula noon hanggang ngayon,
mula ngayon hanggang dulo
Ikaw at ako~" pagtatapos ko pa sa kantang napaka halaga sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan na ang awit na ito ang unang kinanta sa akin ni Dylan noon.
Kahit pangit ang boses ko ay nais ko pa ring ialay ang awit ito sa kanya.
"GOOD JOB, RY KO!" sigaw pa niya habang pumapakpak naman ang iba. Tumango naman ako at nginitian siya bago bumalik muli sa backstage.