Chapter 11

2685 Words
3RD PERSON POV 'Maganda, malino at talented ako, higit pa sa lahat... BABAE ako, kaya bakit sa baklang yan pa rin sila sumusuporta?' Halos magngitngit sa galit si Mrs. Leandro nang makitang maayos pa ring naitawid ni Rylan ang talent portion kahit sinabutahe na niya ito. 'Hindi ka magtatagumpay, bakla. Makikita mo,' inis na bulong pa niya sa sarili habang nakasilay kay Rylan na pabalik na sa backstage matapos ang kakaiba at nakakakilig na pagharana nito sa asawa. 'Ano bang meron ka?' hindi niya maiwasang itanong sa sarili nang maalala kung gaano kasaya at ka-proud ang itsura ng asawa ni Rylan habang nanunuod ito mula sa audience. Dahil hindi niya mahanap ang sagot kahit gaano niya kalkalin ang makitid niyang utak kaya naman nag isip na lamang siya muli ng bagong plano. 'Ngayon nagawan mo pa ng paraan, pero tingnan natin mamaya kung may magagawa ka pa,' isip-isip niya sabay ngisi. Humarap din siya sa mga kaibigan at kinindatan. Tumango naman ang mga ito at nagbigayan pa ng tingin na may kahulugan sa isa't isa. ▼△▼△▼△▼△ "Cutiee, ang astig no'n ah, mula sa pagma-magic, biglang naging singer ka," tumatawa pang saad ni Lily kay Rylan kaya naman hindi niya alam kung tunay ba siyang pinupuri nito o nang aasar naman. "Luka ka, alam mo bang itinaya ko na pati dignidad ko sa performance na yun," napapatawa ring tugon niya kaya naman napahalakhak na lang sila nang sabay. Habang naglalakad sila pabalik sa kanilang quarter, lahat kasi sila ay may kanya-kanyang salamin para hindi mag agawan ang bawat contestant. "Sorry talaga cutiee ha, hindi ko nabantayan ang gamit mo kanina. Nanuod kasi ako sayo mula dito sa backstage," napapakamot sa ulo pang saad nito. "Wala yun, Lily. Ipinagpasa-dyos ko na sila," nakangiti niyang tugon, pero sa totoo lamang ay maikli na ang kanyang pasensya. Wala naman siyang ginagawang mali sa ibang tao kaya bakit siya pinagti-tripan ng ganito. Hindi siya isang santo na kayang magpatawad lagi, tao lamang din siya, nagagalit at napupuno. Ayaw lamang niyang magsimula ng g**o rito kaya naman pilit niyang pinapakalma ang kaibigan. Bukod pa roon, nalaman nila sa coordinator kanina na hindi na hahatiin ang beauty pageant sa dalawang part. Ibigsabihin ay ngayon na rin gaganapin ang coronation. Buti na lamang din at dala na nila ang kanyang long gown na isusuot. Kaya naman sobra siyang nagtitiis. Matatapos din naman ito kaya ayaw na niyang patulan ang mga isip batang kandidato. "Upo ka na ulit, cutie," utos pa ni Lily sa kanya upang i-re touch ulit ang kanyang make up. "Teka lang Lily, pwede bang mag banyo muna ako?" "Oo naman," napapataas kilay pang tugon nito kaya umalis na siya, ngunit maya-maya ay bumalik muli siya kay Lily. "Tapos ka na agad? Bilis ah," kumento pa nito nang makita siya ulit. "Hindi pa, ano kasi... saan nga ang banyo?" napapakamot sa ulong tanong niya sa kaibigan. At katulad ng kanyang inaasahan ay tinawanan pa siya nito. "Haha dito oh, turo ko sayo." NANG makaalis sila ni Lily. Lingin sa kanilang kaalaman na may makikita silang hindi inaasahan. Paglabas nila sa likod ng stage ay may makikita doong makitid na daan patungo sa faculty ng MSEP. Naroon din ang mga Cr. Ngunit, habang naglalakad patungo roon ay may napansin silang anino na nakaluhod sa isang tabi. Nagkatinginan pa sila ni Lily sapagkat baka kung anong nangyayari doon. Kahit tinatawag na talaga siya ng kalikasan ay mas pinili nilang lapitan ang nasabing anino. Ngunit, pagsilip sila sa gilid ng pader ay parehas na nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa nasaksihan. Hindi makita ang mukha ng taong nakayuko doon, nakatagilid din ito kaya rin hindi nila maaninag ang ginagawa nito. Medyo madilim rin kaya naman nagbukas sila ng flashlight sa cellphone na nagdulot nang pagkagulat ng misteryosong tao. Nang makita ang mukha nito at ang bagay na hawak ay hindi nila maipaliwanag ang mararamdaman. Si Mrs. Leandro lamang naman ito hawak ang kanyang gown na susuotin habang nakalagay pa sa kamay ang gunting na gagamitin sa pagsira doon. "I-IKAW--- BRUHA!" sigaw ni Lily, mabuti at nahawakan niya ito. Napatulala naman si Mrs. Leandro nang makita sila. Ni hindi agad ito naka react kaya naman ang pagtakbo ay hindi na naging option para dito. "LILY," pagpigil pa niya sa kaibigan na kaunti na lamang ata ay magta- transform na bilang halimaw dahil sa galit. "PERO RYL-" "Ako na ang bahala," seryosong niyang ika at saka pinatabi ang kaibigan upang malapitan niya ang bwisit na babae. "A-Anong balak mong gawin ha? S-Sasaktan mo ako?" mayabang at nagtatapang-tapagan pang bulyaw nito sa kanya. Tumigil naman siya sa paglalakad at binigyan ito ng isang seryoso at hindi nagbibirong mga tingin. Mula nang magsimula ang mga practice at hanggang ngayon actual na pageant na ay hindi siya tinigilan ng mga ito. Chismis, panlalait, at pangungutya sa kanya ay tinanggap niyang lahat. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng hindi magandang pakiramdam sa kanyang kalooban. Hindi siya madaling magalit kaya naman, sa tingin niya ay matinding inis ang nararamdaman para sa babaeng ito. ▼△▼△▼△▼△ RYLAN POV "Masaya ka bang manalo gamit ang pandaraya?" tanong ko sa kanya gamit ang malumanay na boses. Sabi nga nila, sa oras ng kaguluhan, mas magandang harapin mo ito nang kalmado. Kaya naman huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili. Naniniwala akong hindi lagi g**o at away ang sagot sa isang problema. Yun nga lang... Mukhang hindi naman niya nagustuhan ang sinabi ko sapagkat halos umusok na kanyang ilong at tenga at tinapunan pa ako ng masamang nakatingin bago mangatwiran. "HINDI KO GAGAWIN 'TO KUNG HINDI KA LANG SUMALI! BAKLA KA! SALOT!" Napataas pa ang kilay ko dahil sa kanyang sagot. 'Bakit parang ako pa ang may kasalanan?' gusto kong sabihin sa kanya. "Ano naman sayo kung sumali ako o hindi, wag mong sabihing natatakot ka sa akin kaya gumagawa ka ng paraan para pabagsakin ako," napapangising sambit mo naman nang mapagtanto kung bakit siya galit na galit sa akin. Nakikita pala niya ako bilang silang threat. "What! Ang ilusyunada mo talaga ano!? Sino ka naman para katakutan ko ha?" galit na sumbat pa niya at mabilis na tumayo mula sa pagkakaluhod niya sa sahig. "Yun naman pala, eh bakit hindi mo magawang lumaban ng patas?" Napatingin pa ako sa sirang paper bag na pinaglalagyan ng aking gown. 'Siguradong magtatanong si Dylan mamaya kung anong nangyari.' "Hin... Ikaw kasi..." Hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin at kung paano sisimulan ang awayin ako. "-Bakit ba kasi nagpupumilit ka sa contest na hindi naman para sayo?! Lalaki ka baka nakakalimutan mo!" 'Ano namang kinalaman ng pagiging lalaki ko sa pride mo?' isip-isip ko pa. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ako para ipaunawa sa kanya ang dahilan ng pagsali ko dito. Hindi ko naman akalain na napaka- big deal sa kanya nito. "Wag kang mag alala, Mrs. Leandro, hindi ko nakakalimutan yan. Sa totoo lamang hindi naman ako sumali para manalo. Gusto ko lamang mapasaya ang anak at pamilya ko. Naniniwala akong mas mahalaga iyon kaysa sa koronang makakamtan mo gamit ang pandaraya." "Hmp, tama," rinig ko pang kumento ni Lily sa aking likuran. Doon nga ay mukhang kahit paano ay napagtanto niya ang aking ibigsabihin. Hindi siya nakasagot at napayuko na lamang. "Sana isipan mong parehas lang tayong magulang, kung manalo ka man. Kaya mo bang sabihin sa anak at asawa mo na ibinigay mo ang best mo para manalo, na ginawa mong lumaban ng patas para makuha ang titulo? Kung hindi? Para saan pa ang pagsali mo?" pahayag ko pa, bago lumapit sa kanya at dinampot ang sira kong gown sa paanan niya. Nang umalis kami ay naiwan pa namin siyang nakatayo roon at na nanatiling nakatungo. NANG makabalik sa backstage at matapos ang problema kay Mrs. Leandro. Malungkot na napatingin na lamang ako sa hawak kong itim na gown. Personal na pinili pa naman ito ni Dylan, paano ko ngayon ito isusuot? "Patingin nga ako, cutie?" ani Lily at saka kinuha sa akin ang gown. Iniladlad niya ito sa aking harapan kaya naman muli kong nakita ang mahaba, makinang na mga beads at glitter na para bang mga bituin sa madilim na gabi sapagkat ang itim ang kulay ang buong gown. "Oh, magagawan pa natin 'to ng paraan." "Talaga, Lily?" puno ng pag asang saad ko sa kanya. "Oo, akong bahala." Napapatango naman niyang tugon at saka may kinausap na assistant para siguro manghiram ng gamit. Habang nakatanaw pa ako kay Lily ay bigla namang dumating ang mahiyain, pero makulit kong bagong kaibigan. "Rylan, saan kayo galing?" "Athena, ah may nangyari lang," sagot ko pa, saka itinuro si Lily na ngayon ay nakaupo na sa isang tabi at ginagawa ang kanyang magic upang maayos ang gown ko. "Ha!? May ginawa na naman ba sila sayo?" kunot-noo niyang saad at napa-maypang. Dahil sa kanyang maamong mukha kaya kahit seryoso na ay mukha pa rin siyang cute. "Hm," paghimig ko pa. Hindi ko na gusto pang ikwento ang nangyari kanina sa amin ni Mrs. Leandro. "Sobra na talaga sila," pagmamaktol pa niya. Napatawa naman ako sapagkat ang cute talaga niya. "Okay lang ako. Malapit na daw bang tawagin ulit sa stage?" wika ko naman upang ibahin ang usapan. "Medyo, mga 10 minutes pa." Napatango naman ako dahil sa kanyang naging sagot. Hindi ko alam kung aabot pa kami sapagkat hindi pa rin tapos magtahi si Lily at wala pa rin akong maayos na make-up. Gusto ko sana tulungan si Lily, pero nagmumukha siyang galit na pusa kapag lumalapit ako. Nang muling lumapit si Athena sa akin ay nagulat ako sa kanyang sinabi. "Busy pala si Lily. Halika, si Mama na ang mag make-up sayo Rylan para makahabol ka." "S-Salamat, Athena," hindi makapaniwapang turan ko pa sa kanya. "No problem, come here, come here," masaya naman niyang paghimig habang hila-hila ako palapit sa kanyang Mama. Nakaramdam ako ng hiya sapagkat hindi naman ako kilala ng ginang, ngunit nang ngumiti na siya ay halos matunaw ang aking puso dahil naaalala ko sa kanya ang aking nanay. Pinaupo nila ako sa silyang kaharap ng salamin. Tapos parang magic na gumalaw ang Mama ni Athena. Hindi pa ito katandaan at halatang hindi nag hihirap sa buhay kaya naman, hindi rin pansin sa itsura nito ang edad. "Tapos na anak," nakangiti pang anunsyo ng ale, kaya naman mangha akong napasilay sa salamin. At talaga namang nakakamangha ang itsura ko ngayon. Nang makatayo ako matapos ilang ulit na magpasalamat ay dumating na rin si Lily. "Cutie! Tapos na!" masayang pahayag niya habang ipinapakita sa akin ang gown na tinahi niya. Gusto ko pa sanang inspeksyunin kaso nagbigay na ng signal ang coordinator. Kaya naman hinigit na ako ni Lily at Athena patungo sa dressing area. "Go Rylan, magpalit ka na. Excited na kaming makita ang gown mo." "So truee, cutie! Bilisan mo!" Kahit hindi ko sila nakikita ay alam kong kinikilig naman ang dalawa, sapagkat bakas sa boses nila ang pagkasabik. Dahil walang salamin sa loob ng make-shift na dressing room ay hindi ko alam ang aking itsura. Dahil pa-heart ang shape yun sa dibdib kaya naman naglagay ako ng inihandang b*a ni Lily. May kaunti rin itong foam para medyo magmukhang may boobs ako. Fit yung gown kaya naman ramdam ko ang hirap sa pag galaw. Kahit ganun ay nakalabas naman ako ng buhay sa dressing room na iyon at nagpakita sa aking mga kaibigan. Natahimik ang lahat ng nasa backstage at napasilay sa aking gawi. Napatayo naman ako doon nang walang imik sapagkat hindi ko inaasahan ang kanilang reaksyon. "A-Ahm..." Si Lily ang unang naka-recover at unang nakasigaw. "WAHHH!!! ang prettyyy mo, Rylan!" "Stunning!!! Rylan, huhu ang ganda mo," hiyaw rin ni Athena at nagmamadali pa silang tumakbo palapit sa akin. "A-Ah, salamat," nahihiya ko pang saad at sinamahan pa iyon ng pilit na tawa. Habang inaayos ni Lily ang pagkakasuot ko ng gown at nilalagyan naman ng kung ano-anong gems ang buhok ko ay medyo naririnig ko pa ang bulungan sa paligid. 'Bagay na bagay sa kanya.' 'Speaking of literal na 'Pretty-Boy' 'Wow' Rinig ko pang bulungan ng mga assistant at ibang kandidatang kasama namin dito. Nabuntong hininga na lamang ako sapagkat hindi ko inaasahan ang reaksyon nila sa aking itsura. Natatakot akong lumabas kanina sapagkat baka tawanan nila ako. Dahil sa napakinggan na mabuting feedback sa kanila kaya naman nagkaroon ako ng lakas ng loob na pumunta at tumayo mamaya sa harap ng entablado. Sa unang pagkakataon ay gumaan ang pakiramdam ko at nilingon sila bago garawan ng simpleng ngiti. Halos mapatawa naman ako dahil sa kanilang itsura. Gulat na gulat sila at nagtilian pa. ▼△▼△▼△▼△ NICO'S POV "For all we know they are our simplest and finest parents but tonight they set aside that kind of personality to prove that they can also do their best. Congratulations to you our dear candidates." Habang nakatitig ako sa maganda at sexy-ing emcee ay naramdaman ko na namang nag vibrate ang cellphone sa aking bulsa. Baka mahalaga iyon kaya naman nagpaalam muna ako kay Boss. "Boss, sagutin ko lang 'to." "Hm," tipid namang sagot niya at sabik pang naghihintay na lumabas muli ang mahal niyang asawa mula sa backstage. Dahil ayaw ko din ma-miss ang pagrampa ni Rylan kaya naman mabilis akong tumakbo palayo sa stage para marinig ang aking kausap sa cellphone. "We are almost halfway to the final moment. Are you excited partner?" "Absolutely, partner! And everyone is very thrilled for the special prizes our winningcandidates would receive." Rinig ko pa sa background ang usapan ng mga emcee sa stage. "Hel--" "Jagiya~" masiglang bati galing sa kabilang linya. Dahil sa ingay ng aking kinalalagyan kaya hindi ko agad narinig ang sinabi niya. "Ha? Ano po yun?" pagkukumperma ko. "JAGIYA!!!" sigaw pa niya. "Ah..." wala sa sariling sagot ko, sapagkat ang aking atensyon ay nasa stage. Baka kasi bigla na lang sumulpot si Rylan doon. Ngunit nang mapagtanto ko kung sino siya ay mabilis kong natanggal sa aking tenga ang cellphone at tiningnan ang caller ID. "--- Jun-Ryung!?" "HaiHai !!! It's me!" "Ikaw na naman... What do you really want with me?" Tunay na may pinagsamahan naman kami ng alien na 'to nung nasa korea pa ako, pero hindi ko naman akalain na maa-attached pala siya sa akin. Mula sa aking pagkakatanda, kaya kami mabilis na naging magkaibigan ni Jun-Ryung dahil hanga siya sa kultura ng mga Pilipino. Marami pa ang mga nangyari habang naroon ako sa Korea, pero hindi ko inaasahan na pupunta talaga siya dito sa bansa. 'Baka naman dahil sa trabaho' saad pa ng aking isipan kaya naman napatango ako. Iyon din kasi ang hinala ko. "'Jagi ssi," sagot pa niya sa tanong ko kanina "Ano yun? Pagkain?" Hirap talaga kapag alien ang kausap. Hindi ako mahilig manuod ng K-drama kaya naman hindi rin ako ganun kagaling sa pagsasalita ng kanilang lengwahe. Nag aral naman ako ng hangul, bago magtungo doon ngunit napakarami pa ring mga salita at bagay na hindi ko lubusang naiintindihan. "Never mind." "Kung wala pala, I'm gonna hang up," anunsyo ko pa. "Wait wait, Nico ssi!" Natatarantang pag pigil niya sa akin. "Ano nga?" Hindi ko mapigilang di mapakamot sa ulo dahil sa kakulitan niya. Kung gusto lamang niya makipag bonding habang narito siya sa bansa ay wala namang problema. May day off naman ako, pwede ko siyang ilibot dito sa manila. "Can we talk a little bit more, I still want to hear your voice," ika pa niya, kaya napataas ang aking kilay. "Ha? Anong sinasabi mo dyan? Busy ako, wala akong oras makipag biruan sayo. Magagalit si Boss --" "It's always about your boss. You're still with him even though your working hours is ended--" bulong pa niya, kaya naman medyo nahirapan akong intindihin ang kanyang sinasabi. "Ui! Ano---" "--Tooot toot." "Gago! Siya pa ang may lakas ng loob na pagbabaan ako ng tawag," inis na saad ko at saka pasalyang inilagay ang cellphone sa bulsa bago maglakad pabalik sa aking upuan. "Baka may jet lag pa rin ang utak niya hanggang ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD