3RD PERSON POV
"But before that, let us enjoy the escalating moment of the night. Black and white is considered as basic shades. It’s also remarkable as standards for classic dresses and gowns. For another round of competition, let’s see our five candidates’ ramp on their black and white evening wears!"
"Wow, kanina rainbow, ngayon naman neutral colors," puno nang paghanga na saad ni Nico sa kanyang boss at siniko pa ang tagiliran.
"Yeah right, lalo nang mangingibabaw ang ganda ng Ry ko," ngising aso namang sagot nito, kaya napailing na lang siya.
'Iba talaga kapag in love. Minsan naiinggit ako sa mga taong may mahal o nagmamahalan, pero kahit may edad na ako, hindi ko pa rin nakikita ang aking sarili na mag settle down at magkapamilya,' isip-isip pa niya habang nakatingala sa makinang at maliwanag na entablado.
"Ladies and Gentlemen Please welcome our Candidates in Long gowns."
"Ayan na pala!" sigaw pa niya nang makita kung paano sunod-sunod na lumabas ang mga kandidata. Sa kalagitnaan ng mga ito ay mapapansin ang maganda at kahanga-hangang si Rylan.
Halos mabaliw itong katabi niyang si Dylan nang makita ang asawa. Mula sa pagkatulala ay bigla na lamang itong nagtatalon at nagsisigaw.
Napalayo siya ng kaunti sa takot dahil baka mamaya ay matuluyan na itong mabaliw. 'Boss, Chill!' Yan pa ang gusto niyang sabihin dito.
Pero nang silayan muli niya ang kaibigan at tinuturing na kapatid sa ibang magulang. Hindi naman talaga niya maipagkakaila ang kagandahan nito. Habang nakatitig siya at nagche-cheer ay muntikan na niyang makalimutan na lalaki nga pala ito.
Sino ba naman ang makakapansin no'n kung ang kurba ng katawan nito ay mas maganda pa sa isang tunay na babae ganun din ang makinis at maputi nitong kutis.
Ang maitim at kumikinang nitong gown ay talaga nga namang yumakap sa katawan at nagpatingkad ng kagandahang lalaki nito.
"RY KO!!!"
"WOW!!!"
"PAPA!!! AHHH!"
"RYLAN!!! KAYA MO YAN!" sigaw rin naman niya habang inihahampas sa na-uulol na niyang boss ang pompoms na hawak.
Kung kaguluhan din naman ang habol mo, ito ang tamang lugar, sapagkat halos yumanig ang buong gymnasium dahil sa malakas at dumadagundong na sigawan.
Maya-maya pa nga ay may narinig siya...
"CUTIEE!!! GO GO GO!!!"
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba kasama ka ni Rylan!?" pasigaw na tanong pa niya kay Lily nang makita niyang katabi na ito ng asawang si Brandon.
"Oo, pero gusto kong mapanuod ang rampa ni Cutie! Mamaya ako babalik sa backstage!" sigaw din naman nito pabalik na tila ba ay para silang mga binging hindi nagkakarinigan.
MATAPOS ang maingay na pagsuporta ng lahat ay nagsimula nang rumampa ang unang kandidatang si no. 6. Maganda talaga ito at parang may lahi pa. Maganda ang katawan at magaling kumanta.
Pansin niya na mula sa sampung kandidata kanina ay lilima na lamang ang natira para sa Long gown category at ito din ang sasalang sa Q and A.
'Jusko, sana ay galingan mo Rylan,' dasal pa ni Nico, pero kung pagmamasdan ang kanyang kaibigan ay walang duda na makakasagot ito nang maayos mamaya. Maliban na lang kung kakabahan ito.
'Hindi ako biased ah, talagang maganda lang si Rylan, at matalino pa,' depensa pa niya sa kanyang isipan.
NATAPOS na rin ang dalawa pang kandidata at ngayon ay time na ni Rylan para ipakita ang ganda ng kanyang suot na gown. Ang gown na inihanda ng kanyang asawa at pinaghirapan namang ayusin ng kanyang best friend.
Hindi niya sasayangin ang effort na inilaan ng mahahalagang tao sa kanyang buhay para lang makaabot siya sa parte ng completition na ito.
Kaya naman, taas-noo at proud siyang ngumiti bago irampa ang suot na gown. Fit at dikit na dikit sa kanyang katawan ang tela kaya naman sa bawat pag galaw niya ay pansin na pansin.
Daig pa ni Rylan ang isang makinang na bituin dahil sa suot nitong makintab at kumikinang na mga gems at pearls.
Pagkatapos niyang kumembot at makaabot sa unahan ng stage ay nagawa pa niyang kindatan ang asawang naghihintay sa ibaba ng stage.
Halos umabot naman sa bubong ng gym ang talon nito dahil sa kilig na naramdaman, gunun din nang umikot siya at humarap muli ay inilabas pa niya ang makinis na hita mula sa mataas at mahabang slit sa gilid ng dress.
At ayun na nga, pinigilan na lamang niya ang sarili na humalakhak ng tawa sapagkat nakita niya kung paano saluhin ni Nico ang nahimatay na ata niyang asawa habang dumudugo ang ilong nito.
Kasabay naman no'n, may isa pang bagay na naganap...
NAPATAWA ng malakas si Lily nang makita ang balisang mukha ni Nico habang sapo-sapo ang boss nitong nawalan na ng malay dahil sa matinding karisma ng asawa nito.
Siya naman ay halos mabaliw na rin sa pagsigaw, ngunit may tumalo pa sa kanya.
"RYLAN!!!! ANG GANDA MO PRE !!! WOOOOHHH!"
Nawala ang pagkataranta ni Nico, Ryden at Bryce at napasilay kay Brandon na nakatayo na sa silya at iwinawagay-way ang hawak na malaking tarpaulin.
Ni si Lily ay nagulat rin dahil hindi siya makapaniwala na asawa niya ito. Laging tahimik at masyadong reserve ang ugali nito.
Tapos ngayon, daig pa ang panatiko ng mga korean boy group na sinasamba ng mga kabataan ngayon.
Nang makabawi sa pagkagulat ay sinamahan pa niya ang asawa sa pagche-cheer. Mukhang fan talaga ni Rylan ito kagaya niya. Masaya siyang hindi ito nahihiya na magsisigaw para suportahan ang kanilang kaibigan...
Biglang napatigil sa pagsigaw si Lily nang may mapagtanto siya. 'Ang alam ko tunay ba naging crush ni Brandon si Rylan noon, pero wala pa rin tatalo sa taong mahal at ako iyon hahahahha,' nababaliw niyang tawa sa kanyang isipan.
'Bukod pa doon, imposibleng i give-up ni Dylan si cutie, siguradong babaha muna ng luha at dugo kaya chill lang ako' haha.
"Babe, okay ka lang?"
Mabilis naman siyang napatigil sa pagtawa at napaharap sa kanyang asawa.
"Ahem, bakit babe?"
"Bakit ka natawa?" nagtataka pa nitong tanong sa kanya.
Napataas naman ang kilay niya bago magsalita. "Eh ikaw, bakit ka nasigaw? Akala ko ba Mr. Calm and collected ka?"
"Sabi mo, idi- divorce mo ako kapag di ako nag cheer ng maayos," bulong pa nito sa kanya, kaya hindi na niya napigilang di mapahagikgik.
"Haha gagii para namang gagawin ko talaga yun, pero salamat sa pagsuporta mo. Alam mo namang parang tunay ko ng kadugo yang si Rylan kaya gusto ko siyang tulungan sa abot ng makakaya ko."
"I know, and I always here for you," puno nang pagmamahal na saad pa nito kaya naman halos sumalangit na ang kanyang kaluluwa sa tuwa.
"AHHHYIIE !! LOVE YOU BABE!!!" Napatalon pakayap pa siya dito. Mabuti at nasa baba na sila at wala sa ibabaw ng silya.
"OYY MAG CHEER KAYO! Lambingan kayo nang lambingan dyan," pang papaalala pa sa kanila ng lalaking nahimatay kanina.
"Ah, buhay ka na pala ulit, Dylan," bored na sagot naman niya dito.
"Sadya, hindi ko pwedeng palampasin 'to-- RY KO!!!I LOVE YOU!!! WOHHH!" turan nito at sumigaw pa na akala mo ay hindi isang kilala at professional na businessman.
▼△▼△▼△▼△
RYLAN POV
NAKALIPAS ang mainit at maingay na Long gown category ngayon ay naghahanda na kami para sa susunod na round.
Pero bago iyon, napuno ng saya ang aming mga puso dahil sa mga awards na iginawad sa mga nanalo sa isa't ibang category. Ang ilan sa mga award ay Ms./Mr. Friendship, Best in production number, best in sports wear at people's choice award na napanalunan ko.
Ngayon nga habang naghihintay ng susunod na round, kung saan iyon ay Q and A ay masaya at proud akong tumayo doon suot ang aking sash.
Ngunit habang tumatagal, ay bumabalik na naman ang kaba sa aking dibdib lalo na kapag naiisip ko kung paano ko sasagutin ang tanong na ibabato sa akin. Nakaharap ako sa maraming tao ngayon, kasama na ang aking pamilya. Ayaw kong ipahiya at balewalain ang lahat ng effort at suporta na ibinigay nila. 'Dapat galingan mo Rylan, kaya mo 'to,' bulong ko pa sa aking sarili.
QUESTION AND ANSWER PORTION
"These top 5 candidates will now have to parade that same beauty, grace and character. But this time, in thoughts and words. All confidents our candidates shown on the ramp should show on how they answer 1 simple question," masayang pahayag ng emcee.
"Ladies and Gentlemen, this is Ms. Sacred Heart International School 2022 Question and Answer Portion!!!"
Nang marinig ang katagang iyon mula sa mga host ay muling nag ingay ang mga tao sapagkat ito na ang isa sa pinakahihintay na round sa pageant na ito.
Kung sila masaya at excited, ako naman ay halos mahimatay na sa kaba.
"This is how it goes. We will call down our candidates one by one. Each candidate will pick a question from the bowl."
Hindi na nga nagtagal at tinawag na nila si no.6, si Mrs. Leandro para unang sumagot sa katanungan ng judges. Lumapit sa kanya ang emcee na may dalang fishbowl para doon siya kumuha ng question.
Habang nagtatanungan sila, pakiramdam ko ay na-estatwa na ako sa takot. Ni hindi ko nga napansin na tapos na pala si Mrs. Leandro at nakabalik na sa aming hanay. Sumunod si Mrs. Roxas at magaling din niyang nasagot ang katanungan.
Dahil ako ang pangtatlo, ibigsabihin ako na talaga ang sunod. 'Confidence Rylan! Kaya mo yan!'
Kahit nanlalambot na ang aking tuhod ay nagawa ko pang rumampa patungo sa unahan, alam ko kasing nakapanuod sa akin si Dylan. Kahit ligwak ako sa talent portion, hindi man ako babae, gusto na sana ay maipagmalaki pa rin niya ako bilang kanyang mahal na asawa.
"Please pick one piece of paper," bulong ng emcee sa akin, tumango naman ako at sumunod.
"Ito po," saad ko pa saka ibinigay sa kanya.
Binasa naman ng emcee kung sino ang judge na magbibigay ng question sa akin.
"Good evening, Sir," nakangiti pang bati ng babaeng judge.
"Good evening po," magalang na pagbati ko rin naman.
"So, here's your question. If you had to live your life all over again, what part of your life would you change?"
Huminga muna ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang mic bago sumagot.
"There's nothing I would like to change in my life, every scene and clip has their own purpose. I am me because of what I have been through. Changing any part of my life automatically changes what defines me as a person, and I do not want that to happen..." Sandali akong napatigil, naisip ko na narito na rin naman ako sa harap ng lahat. Bakit di ko pa sagutin ang bagay na alam kong gusto nilang malaman.
"---I know everyone is also wondering if I want to be a woman because being a man in my situation is definitely challenging..." Hindi ko napigilang di mapasilay sa aking asawa na tahimik na naghihintay sa akin sa baba ng entabladong ito.
Nang makita ang kanyang mukha ay muling napuno ng pag asa ang dibdib ko na ituloy ang pagsasalita.
"---The answer is still no. I am content with everything I have, and I'm definitely proud of myself and what I've become. What's important is that there's someone who understands, accepts, and loves me for who I really am. Dahil doon, handa akong isakripisyo ang lahat para sa aking asawa, aking anak, at aking pamilya. Iyon lang. Salamat !!! "
"AHHH!!! HOW TO BE YOU PO?!"
"IDOL!!!"
"RYLAN!!! WE LOVE U!!!"
Kahit maingay ang sigawan sa background at maraming tao ang nagpapakita ng suporta sa akin. Hindi pa rin no'n mapapantayan ang masaya at proud na ekspresyon sa mukha ng aking asawa nang magtama ang aming mga tingin.
'I'm so proud of you,' bulong pa niya. Hindi man niya isigaw ang katagang iyon ay sapat na upang tumagos sa aking puso.
Halos mapaluha ako sa tuwa. Mabuti na lamang at napigilan ko ang pagbugso ng aking damdamin. Ayaw kong masira ang make up na pinaghirapan ng nanay ni Athena para sa akin.
Matapos ang aking turn sa pagsagot ay full confident pa rin akong rumampa pabalik sa aming linya. Nakipag apir pa ako ng marahan kay Athena, sapagkat siya na ang sunod sa akin.
Hindi lumipas ang ilang sandali at natapos na rin sumagot ang ibang kandidata. Isa-isa na ring naglabasan ang lahat ng aming mga kapwa candidate na natanggal kanina upang masaksihan ang coronation.
"This is the end of the golden rule to the crown. We’ve reach the finish line, as we are now about to announce the winners of this pageant. Our winners have already been chosen from our top 5 candidates."
"Heto na nga, Rylan," bulong pa sa akin ni Athena. Kahit mahiyain siya ay talaga namang hindi maitatanggi ang kanyang kagandahan at katalinuhan.
"Oo," tipid kong sagot, sapagkat pakiramdam ko ay lalabas na ang aking puso sa lakas ng kabog nito.
"I know everyone is excited, right partner? Well, our long anticipation is over," masiglang saad ng babaeng emcee sa partner nito.
"The envelope containing the results is handed to me by the committee. I shall open it now." Itinaas pa ng lalaking host ang hawak nitong puting sobre na lalong nakapagpa ingay sa audience.
"Good luck candidates! May the best candidate wins!" Sabay na turan ng mga emcee. Nagkakagulo na ang mga tao, excited na ang lahat na malaman kung sino ang mananalo.
Kahit hindi ko ka-close ang babaeng nasa aking kaliwa ay wala na rin siya sa sariling napahawak sa aking kamay dahil sa kabang nararamdaman. Gamun din naman ako kay Athena.
"Ladies and gentlemen! Our Ms. Sacred Heart Intl. School 2022 2nd runner up is candidate……" Kabado na nga kaming lahat ay mas nagpalala pa rito ang maingay at makalaglag pusong drum roll sa background.
"Our Ms. Sacred Heart Intl. School 2022 2nd runner up is candidate is... CONTESTANT NO. 14!!! MRS. ATHENA VALENCIA!!!"
Nanlalaki ang mga mata at di makaniwalang nagkaharapan kami ni Athena. Halos magtatalon siya sa tuwa habang hawak ko ang kanyang kamay.
"Rylan! N-Nanalo ako!" mangiyak-ngiyak niyang sigaw sa akin.
"OO NAMAN! sige na, pumunta ko na dun!" masaya ko rin naman ani habang tinutulak siya patungo sa unahan.
"I'm going to announce the 1st runner up and the one who hasn't called will be the champion and our MS. Sacred Heart Intl. School 2022!"
"Ladies and gentlemen, are you ready?!"
Napuno muli ng ingay ang buong lugar, napalinga naman ako sa entabladong aking kinalalagyan.
Pagkatapos ng mahabang paglalakbay at sa lahat ng aking pinagdaanan sa contest na ito, hindi ko rin akalain na magkakaroon ako ng pagkakataon na tumayo sa harap ng lahat at ipakita ang aking kakayahan.
Hindi man ako isang babae at kakaiba man maituturing ang aking pamilya.
Napatunayan kong wala sa kasarian ang halaga at kakayahan ng isang tao bilang isang magulang.
Sa pagsali ko rito, napagtanto ko ang ilang bagay. Maraming manghuhusga at manlalait sayo dahil lamang kakaiba ka. Wala silang pakialam kung sino ka o kung anong pinagdaanan mo. Minsan ninais ko ring sumuko sapagkat hindi naman ako isang robot na walang damdamin, at hindi nasasaktan sa kanilang mga sinasabi. Ngunit nangibabaw sa akin ang kagustuhan na ipakita sa lahat kung sino nga ba si Rylan Arellano-Hendricks.
Hindi bilang isang lalaki/bakla o salot sa lipunan kung hindi isang simbolo ng katatagan, di pagsuko sa hamon ng buhay at pagharap sa problemang ibinabato ng lipunan.
"And our 1st runner up is candidate number..."
"NUMBER 13!!! MR. RYLAN ARELLANO-HENDRICKS!"