3RD PERSON POV
HINDI magkamayaw ang lahat nang ihayag na ang mga nanalo. Napuno ng pagbati at kasiyahan ang buong gym.
"CONGRATULATIONS!"
"WAHHH!!!"
"CONGRATS!"
Nang tawagin ang pangalan ni Rylan kanina ay hindi na napigilan ng asawa nitong si Dylan, karga ang anak na si Ryden ang hindi tumakbo paakyat sa stage at yakapin siya. Sa halip na magalit at masayang-masaya niyang sinalubong ang kanyang pamilya.
"Dylan! Deden! Nanalo ako!" emosyonal na saad niya, habang nakabalot sa yakap ng asawa. Habang ang anak naman nila ay nakasiksik sa kanyang may bewang.
"Congratulations mahal ko, hindi ka man manalo, lagi mong tandaan na proud na proud kami sayo," bulong pa nito sa kanya na lalong nakapag palaglag ng luha sa kanyang mga mata.
Pakiramdam niya, worth it lahat ng kanyang pinaghirapan at tiniis para lamang maibigay ang karangalan sa kanyang pamilya.
"Papa, congrats po! I love you!"
"I love you too, anak," tugon niya at mabilis na yumuko para mahalikan sa noo ito.
Dahil sa gulat ay humabol na rin sina Nico, at pamilya ni Lily, para sana pigilan si Dylan ngunit nang makarating sila sa stage ay sinalubong sila ng isang malaking group hug.
"Uii, sali kami!" sigaw ni Nico.
"Kami din! Congratulations Cutie!!!"
"Hahaha syempre naman!" masigla niyang tugon kaya dinumog na siya ng mga ito. Naipit na nga siya sa gitna nang mga hyper na kaibigan at pamilya, masikip man at mainit, pero ang saya kanyang nararamdaman ay hindi naglaho, mas lalo lamang itong tumindi.
Maya-maya pa ay napabitaw rin ang mga ito sa kanya sapagkat dumating na ang officials. Maligaya at magiliw na sinuotan si Rylan ng sash at binigyan ng malaking bouquet ng bulaklak.
Mangiyak-ngiyak naman siyang yumakap muli sa asawa matapos igawad sa kanya ang parangal.
Nang mailinga niya ang tingin sa paligid, pansin niyang napuno na ng mga tao ang buong stage sapagkat nag akyatan na rin ang pamilya ng iba't ibang kandidata dito.
Nang makita niya si Athena ay kinawayan niya ito. Nagmamadali naman itong lumapit sa kanya kasama ang ina at anak.
Ipinakilala niya ang kanyang pamilya sa mabait at mahiyaing bagong kaibigan. Tinapik pa niya ang likod ni Nico Nang mapansing iba ang tingin nito kay Athena.
Single parent kasi si Athena kaya wala itong asawa, bata pa at napaka ganda.
"Ui, ikaw Nico ha?" pang aasar pa niya nang makaalis ang bagong kaibigan.
"Ryl... Hin--"
"Haha Oo nga, kita ko yun, Nico," pagsali pa nina Lily kaya naman mas lalong pinamulahan ng mukha si Nico.
HABANG nagkakasiyahan sila, wala silang ideya na may nakasilay sa kanilang gawi.
Hindi magkaintindihan ang lahat ng nasa stage, masasaya at proud na ekspresyon ng mga pamilya ang masisilayan sa pagilid.
Ngunit, habang nakatayo doon si Mrs. Leandro, may isang bagay siyang napagtanto. Hindi man nanalo si Rylan, hindi man ito magaling kumanta, o kaya naman ay lalaki ito ay hindi no'n maipagkakaila na may MASAYA itong pamilya. Doon niya na-realize sa kanyang sarili na, wala pala sa kasarian ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Kahit babae ka man, lalaki, bakla o tomboy, kung mabuti kang tao. May magmamahal sayo ng tapat at buo.
Ngayon, nasa kanya ang korona, siya ang nanalo. Siya dapat ang pinakamasaya, pero bakit ganun. Wala siyang maramdaman.
Wala nga naman sa yaman o ganda ng itsura, o kaya ay nasa koronang suot ngayon ang tunay na kasiyahan sapagkat sabi nga nila, "Happiness is a state of mind" Kahit nasayo na ang lahat, kung hindi ka naman magiging masaya. Wala ding saysay ang lahat ng iyon.
"Mom, let's go home, I'm sleepy," saad pa ng kanyang anak na parang walang pakialam sa mga nangyari, hindi man lang siya nito nagawang batiin.
"S-Sure," may lungkot siyang nadama. Akala niya kapag nanalo siya, maipapakita niya sa lahat na siya ang pinakamagaling, pinakamaganda at pinakamasaya. Ngunit, ngayon, tila ba ay kay bigat ng kanyang pakiramdam lalo na nang mapasilay muli siya sa gawi na kinalalagyan ng pamilya ni Rylan.
Ngunit, bago pa pumatak ang kanyang luha ay bigla siyang may napansin.
"Elma, nasaan si Paul?"
"May tumawag po kay Sir kanina, pabalik daw po siya sa office," saad pa ng Yaya ng kanyang anak.
"Ah ganun ba," pabulong niyang tugon at saka marahan na tumango.
Nagdatingan din naman ang kanyang mga kaibigan. Niyakap siya at binati, ngunit bakit ganun, hindi niya magawang ipagmalaki ang kanyang nakamit na panalo.
Ang koronang kanyang pinangarap na makamit, ang koronang nagbibigay sa kanya dapat ng saya ay naging parang isang mabigat na batong nakapatong na sa kanyang ulo ngayon.
Habang naglalakad pababa ng stage ay naalala niya ang sinabi sa kanya ni Rylan bago magsimula ang long gown category.
'Kung makamit ko man ang tagumpay, pero mula naman sa pandaraya. Hindi rin ako makakaramdam ng saya, ni asawa na gusto kong maging proud sa akin ay wala dito.'
'Karma na nga siguro ito,' mapait na saad niya sa sarili habang nangingilid ng luha.
▼△▼△▼△▼△
RYLAN POV
MATAPOS ang pageant at maihayag ang mga nanalo ay muling bumalik na kami sa likod ng stage upang magpalit ng damit. Nagsimula na rin ang mga tao na magsi uwian sapagkat gabi na.
Palabas na nga kami sa backstage nang masulyapan ko si Mrs. Leandro sa gilid ng entablado, nakatingin siya sa akin at tila ba'y hinihintay ako. Para bang gusto niyang lumapit sa akin, pero may mga kasama ako kaya nanatili na lamang siya sa tabi.
Nagtaka naman ako kung anong gusto niya sa akin lalo na ngayong nanalo na siya. Aasarin ba niya ako o pagmamataasan na naman?
Ngunit, mula sa aking nakikita, iba ang atmosphere na nakapaligid sa kanya. Nawala yung nakakainis na ngisi na laging nakapaskil sa kanyang labi ganun din ang mga matang mapang husga.
Ramdam ko na may kakaiba sa kanya kaya naman dahil na rin sa awa, nang makita ang nakayuko niyang itsura ay nakaramdam ako ng awa.
Habang karga ni Dylan ang antok naming anak ay na tapik ko ang kanyang likod kaya napalingon siya sa akin.
"Ano yun, mahal ko? Antok ka na rin ba, gusto mo ding magpabuhat?" saad pa niya na hindi ko mawari kung nagbibiro ba o seryoso.
"Luko hindi. Mauna na kayo sa sasakyan, may kakausapin lang ako," tugon ko pa matapos pisilin ang kanyang pisngi. Ngumisi naman siya sa akin.
Luminga rin muna siya sa paligid na parang may hinahanap, at nang magtama ang tingin nila ni Mrs. Leandro ay saka lamang siya tumango.
Ngunit bago umalis ay nagawa pa niyang lumapit sa akin at gawaran ako ng isang halik sa noo.
Napangiti na lamang ako ng tahimik habang nakatanaw sa imahe nilang palayo sa akin.
Nang makaalis na ang mag ama ko at balak ko na sanang lapitan Mrs. Leandro nang humarang naman si Lily sa aking harapan.
"Cutie, saan ka pupunta?" nagtataka pa niyang tanong kaya napakamot ako sa aking ulo. Ayaw kong sabihin na pupuntahan ko si Sophia, baka maging war freak nang wala oras ang baliw kong best friend.
Napangiti naman ako ng pilit bago magpalusot. "Hehe, iihi lang ako."
"Haha oo nga pala, di ka na nakapag- cr kanina. Sige, wait ka namin sa parking lot." May pag kindat pa niyang pamamaalam sa akin.
"Sige sige, oo na, shooo na," natatawa kong saad at pinaalis siya. Tinawanan din naman ako luka at kinurot pa ang aking tagiliran.
Habang hinihintay kong makalayo sina Lily ay nagulat ako nang makitang nasa likod ko na pala si Mrs. Leandro. "A-Ano yun? May gusto ka bang pag usapan?"
"A-Alam kong nagmamadali ka, pero m-may gusto lang sana akong sabihin," seryoso niyang saad at tila ba ay malungkot pa.
Napataas naman ang kilay ko sa gulat sapagkat biglang nagbago ang tono ng kanyang boses at paraan ng pakikipag usap sa akin. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya para magawa niyang lumapit sa kina-aayawan niyang tao at itinuturing pang sa isang salot.
"R-Rylan... Ano kasi..."
"Hmm?" pahimig na tanong ko pa sa kanya. Mukhang wala naman siyang balak mang ayaw, pero hindi ko pa rin magawang ipalakay ang kalooban kapag nakikita siya dahil sa masasakit at masamang bagay na kanyang sinabi sa aking pagkatao.
"Kung wala kang sasabihin, mauuna na ako, naghihintay na ang mag ama k--"
"Teka!" pagpigil pa niya sa akin. Hindi ko naman nagawang iwan siya sapagkat nababakas sa kanyang ekspresyon ang pagkalungkot. Lalo na nang mabanggit ko ang tungkol sa aking asawa at anak na naghihintay sa akin.
"G-Gusto ko lang humingi ng tawad...alam kong marami akong nasabing masama at mali sayo--" Ang matigas kong puso para sa kanya at unti-unting lumambot nang makita ang pakikipaglaban niya sa sariling emosyon. Kita kung paano niya pigilan ang sarili na huwag lumuha sa aking harapan.
"May nangyari ba?"
"A-Ahm, naalala ko kasi ang sinabi mo sa akin," nauutal na saad pa niya habang pinapahid ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
"N-Ngayong napanalunan ko na ang korona, nakasuot na sakin at pagmamay ari ko na, pero kahit isang saglit hindi ko naramdamang maging masaya..."
"---pero ikaw, hindi ka man nanalo, marami man ang masama ang tingin sayo, pero nagagawa mo pa ring maging maligaya," aniya na puno ng paghanga.
Napabuntong hininga naman ako at napakamot pa sa batok bago sumagot. "Kung papakinggan at seseryosohin ko ang sasabihin ng lahat tungkol sa akin ay talagang hindi ako magiging masaya. Kaya naman nagfo-focus na lamang ako sa aking pamilya at mga kaibigan na kahit kailan ay hindi humusga sa akin."
"Ito pa sana ang tandaan mo. Kahit anong meron ka kung hindi ka naman kuntento, hindi mo rin makakamtam ang tunay na kasiyahan. Ikaw lang ang may kayang magdala ng kaligayahan sa sarili mo."
"Pero, kung hindi ko gagawin ang lahat, hindi nila ako ipagmamalaki,"
"Kahit isang beses ba sinabi iyan ng anak at asawa mo? Na hindi ka nila mamahalin kung hindi ka magiging no.1 sa lahat ng bagay? Kung hindi at ikaw lang ang nag iisip niyan, baka naman nasa iyo ang problema," walang preno kong saad sapagkat kailangan niyang magising sa kanyang kahibangan at ilusyon.
Hindi niya kailangang maging sobrang competitive na umaabot na sa puntong magiging mandaraya na siya para lang manalo para lang maipakita sa iba na siya ang pinakamagaling.
'Para sa akin, basta proud si Dylan, si Deden at aking mga kaibigan ay masaya na ako. Di ko na kailangang ipa-validate sa iba ang aking nagawa para lamang maging masaya. Sana ganun ka din Mrs. Leandro.' isip-isip ko pa.
Ngunit namg masilayan ko ang malaks niyang pagsinghap na tila ba ay may bagay siyang naalala. Napangiti ako sapagkat alam kong pumasok hindi lamang sa kanyang tenga ang aking sinabi kung hindi pati sa kanyang puso.
"Jusko, pasensya na anak ko, Lawrence. Napabayaan ko na kayo," bulang pa niya habang lumuluha at binabanggit ang anak at asawa. Sa tingin ko ay nabulag siya sa kagustuhang maging sikat at kilalanin ng iba at umabot na sa puntong napabayaan na niya ang kanyang pamilya.
"Kung ginagawa mo lang ang lahat ng ito para makilala ka ng mga tinatawag mong kaibigan, baka hindi sila ang mga taong dapat mong sinasamahan," huling payo ko pa sa kanya matapos tapikin ang kanyang balikat at magmadaling umalis na.
Alam kong kanina pang naghihintay ang aking pamilya. Naiisip ko pa lang na makakasama ko na ulit sila ay may mainit at masayang pakiramdam na namutawi sa aking dibdib.
Ngunit bago ako makalabas sa may gate ng gym ay muli akong napalingon nang tawagin niya ang aking pangalan.
"R-RYLAN! SALAMAT!"
Ngumiti naman ako nang malapad at kinawayan siya bago magpatuloy. Pero, nang makalabas ako ay may napansin akong pigura ng isang tao na nakasandal sa gilid ng pader.
"Anong ginagawa mo dyan?"
"Hinihintay ka, ano pa?" pabirong tanong pa ng aking asawa at saka lumapit sa akin at umakbay. Bigla kong naalala iyong tagpo kung saan una kaming nagkita.
Lumapit rin siya sa akin noon at umakbay sa aking balikat, at dahil payat ako ay talaga namang napabigat ng kanyang brasong nakapatong sa aking balikat. Ngayon ay sanay na ako, ganun pa ay gusto ko ang posisyon na ito. Pakiramdam ko'y tunay kaming magkalapit sa isa't isa.
"Nasaan si Deden?" gulat kong tanong sa kanya nang maalala ko din na wala dito ang anak namin.
"Nasa kotse."
"Iniwan mo ng mag isa ang bata?" hindi makapaniwalang saad sa kanya.
"Nandun pa sina Lily, hindi ka agad sumunod sa amin kaya bumalik ako para sunduin ka Ry ko," paglalambing pa niya at humalik sa higid ng aking ulo.
"Salamat, Dylan."
"Walang anuman Mahal ko, uwi na tayo alam kong pagod ka."
"Hm," masayang himig ko pa at mabilis na tumango. Ngunit habang naglalakad kami pakiramdam kong hindi naman ako ganun ka-pagod, siguro dahil active pa rin ang adrenaline ko dulot ng contest.
Nang makarating kami sa Parking lot ay naabutan pa namin sina Lily at pamilya niya doon.
"Tagal mo naman mag-cr?" bungad pa niya.
"Ah haha medyo maraming tao ang nakapila," palusot ko naman. Alam kong magta-transform sila kapag nalaman niyang kinausap ako ng bully na si Mrs. Leandro. 'Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanya.'
"Salamat sa pagbabantay kay Deden."
"Oo naman. Sya uuwi na kami, goodnight Hendricks fam!"
"Goodnight din, ingat sa byahe," tugon ko naman sa kanya.
Nang makaalis na ang kotse nina Lily ay saka ko naman naalala si Nico. "Hala Dylan, nasaan na si Nico?"
"Hm, nandito kanina bago ako umalis, ewan ko kung saan nagpunta," sagot naman ni Dylan sa akin habang naghahanap ng susi.
Napatango naman ako at sinubukamg tawagan siya. Hindi naman ganun si Nico, hindi iyon bigla na lang naalis nang walang paalam. Medyo kinabahan ako lalo na at may kadiliman na rin dito sa parking lot.
Maya-maya pa ay parang nakarinig ako ng tunog mula sa di kalayuan kaya naman sinundan ko iyon. Pamilyar kasi iyong tunog parang ringtone ni Nico.
"Mahal ko, saan ka pupunta!?" pasigaw na tanong ni Dylan sa akin, hindi na siya nakahabol agad sapagkat nasa loob na siya ng sasakyan.
"Dyan ka lang Dylan, wag mo iwan si Ryden!" sigaw ko pabalik at mas binilisan ang takbo.
Mabuti na lamang sapagkat bago mawala ang tunog na aking sinusundan ay natagpuan ko naman ang taong may nagmamay ari no'n. Napasilip ako sa labas ng gate.
Kahit nakatalikod ay 100% akong sure na si Nico ang lalaking iyon, pero ang ipinagtataka ko ay may kausap siyang tao sa loob ng kotse.
'Sino kaya ang taong iyon?'