RYLAN POV
MEDYO malayo ako kaya hindi ko gaanong rinig ang pinag uusapan nila.
"Ano yan Ry ko?"
"DYL--omp," napatigil ako sa biglaang pagsigaw nang takpan niya ang bibig ko.
"Shhh," aniya pa. Masama ko naman siyang tiningnan at saka tinapik ang kamay na nakalagay sa aking bibig. Siya naman ang may kasalanan, bigla siyang nanggugulat.
"Anong ginagawa mo dito, ang bata? Iniwan mo?" pabulong at inis na saad ko pa sa kanya.
Hindi naman siya umimik at itinuro lamang ang kanyang likod kaya tumingin ako. Nasa likodan pala niya nakapark ang kotse.
Habang nagtatalo kami ni Dylan ay mabilis kaming napasilip ulit sa dereksyon ni Nico at ng misteryosong tao na kausap niya dahil sa isang sigaw.
"JAGIYA!"
Napataas kami ng kilay ni Dylan sapagkat isang matangkad at maputing lalaki ang lumabas sa kotse at humabol kay Nico.
"Sabi nang wag mo akong tawaging jagiya, Nico ang pangalan ko!" sigaw namang saad ni Nico pabalik sa lalaki. Nagtago kami ni Dylan sapagkat mukhang papunta na si Nico sa aming kinalalagyan.
"Let me take you home," makulit na saad pa ng lalaki.
"No effing way! Kaya kong umuwi ng mag isa. Tingin mo sa akin babae?" Halatang inis na rin si Nico, pero nang lapitan siya ng lalaking kausap ay pansin namin ni Dylan na hindi rin naman siya masyadong nagpumiglas lalo na nang hawakan nito ang kanyang kamay at isama pabalik sa kotseng nakaparada sa gilid ng school.
Nang makapasok na si Nico at yung lalaki sa kotse ay nagkatinginan na lamang kami ni Dylan at napuno ang aming mga isip ng maraming katanungan.
'Sino ang lalaking iyon? Anong namamagitan sa kanila?'
Dumaan sa kabilang dereksyon ang kotse na sinasakyan nila kaya naman hindi na sila dumaan sa aming pinagtataguan ni Dylan. Bumalik na lang din kami sa kotse namin para makauwi na rin.
Wala kaming imikan ni Dylan habang nasa byahe sapagkat hindi pa rin nagsi-sink in sa aming utak ang nakita. Ngunit, maya-maya pa nga ay nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cell phone.
"Nico?" saad ko, napalingon pa sa akin si Dylan.
"Rylan, pasensya na sa inyo ni Boss. Nauna na akong umuwi."
"Oo naman, salamat sa pagpunta at pagsuporta. Dalaw ka sa bahay para maghapunan."
"Haha oo naman. Subukan ko ngayong weekend pupunta ako dyan," napapatawa pa niyang saad sa akin mula sa kabilang linya.
"Who is it?-- shut up... Hehe sige Rylan, goodnight na," nagmamadali pang pagpapaalam ni Nico. Rinig ko rin sa kabilang linya ang boses nung lalaki.
"Sige," tipid kong saad sapagkat naibaba na rin naman niya ang tawag bago pa ako makasagot.
HINDI nagtagal at naka uwi na rin kami sa wakas. Kahit nakaparada na sa loob ng garahe ang aming sasakyan ay tila ba hindi pa rin naaalis sa aking isipan ang mga nangyari. Talagang nacu- curious ako sa nakita.
"Mahal ko, halika na," pag aanyaya pa sa akin ni Dylan kaya nawala sa pagkatulala ang aking sarili.
Mabilis akong tumango at pinuntahan si Deden sa backseat para kunin. Nang mailagay ko siya sa kanyang kwarto at mahalikan namin ang kanyang noo ay saka naman binuhat ako ni Dylan patungo sa aming kwarto.
Habang ako'y nakayakap sa kanyang leeg ay biglang nanlaki sa gulat ang aking mata sapagkat may naalala ako.
"Dylan! Alam ko n-- ayy bakit mo ako binitawan?" inis na reklamo ko sa kanya matapos niya akong ibagsak sa ibabaw ng kama.
"Kanina ka pa kasi tulala. Ganun ba kagwapo ang lalaking yun?" aniya. Napataas naman ang aking kilay sapagkat wala akong ideya kung nagbibiro ba siya o seryoso dahil nakatalikod siya sa akin.
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. "Anong ibigsabihin mo?"
"Nagseselos ako," nakasimangot pa niyang pahayag. Kaya napangisi ako nang bahagya.
"Para kasing na starstruck ka sa lalaking yun tapos buong byahe tulala ka pa," dugtong pa niya, habang naglalakad palapit sa akin.
"Agad na? May iniisip lang ako, ano ka ba?" turan ko habang nakatingala sa kanya, lumapit lamang kasi siya ngunit hindi umupo sa aking tabi.
"Yung lalaki?"
"Hind--- medyo," napapaisip na tugon ko naman kaya halos mapatawa ako ng malakas nang binigyan niya ako ng tingin na nagsasabi ng...'Seriously?'
Well, tunay naman na kasama yung lalaking yun sa iniisip ko. Para kasing nasa dulo na ng dila ko, pero di ko masabi at maalala kanina.
Mabuti ngayon at maliwanag na sa akin kung bakit parang pamilyar sa akin ang tagpong iyon. Lalo na yung tungkol kay Nico at sa misteryosong lalaki.
Yun nga lang bago ko pa masabi kay Dylan ang iniisip ko ay muli siyang lumayo sa akin. Medyo kinabahan ako sapagkat baka ma-misunderstood niya ang sitwasyon.
"Ui teka, Dylan. Hindi iyon katulad ng iniisip m--"
"---hmm ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" mahinang tugon niya habang nakayuko at tila may dinampot sa sahig.
Mas kinabahan naman ako dahil sa kanyang sinabi. 'Hala nga, baka tunay na nagseselos na ang isang 'to' isip-isip ko pa at mabilis na lumapit sa kanya.
"Dylan~" malambing na turan ko pa habang nakayakap sa kanyang likuran. Hindi naman siya umimik kaya naisip ko na baka nagtatampo pa.
"Ui Dylan ko, wag ka na magtampo," ani ko at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
"Bakit kasi masyado mong iniisip ang lalaking yun?" saad niya na hindi man lang lumingon sa akin.
"Hindi ko naman siya iniisip sa ganung dahilan, bukod pa dun hindi naman ako attracted sa lahat ng lalaki, sayo lang," makatotohanan ko pang saad kaya naman halos mapabitaw ako sa gulat dahil sa mabilis niyang pagpaling sa akin.
"Tunay ba yan, Ry ko?" May mababakas pang saya sa kanyang boses. Bahagya naman akong napangiti sapagkat napakabilis talaga suyuin ng asawa ko.
"Haha oo naman, para namang hindi mo pa ako kilala ay mahigit sampung taon na tayong kasal."
"Alam kong Mahal mo ako, pero hindi ko alam na hindi ka pala attracted sa ibang lalaki," seryoso niyang tugon. Napailing pa ako dahil ni hindi pa pala namin iyong napag uusapan gayong ang tagal na naming magkasama.
"Ngayon alam mo na. Kahit gaano pa sila kagwapo, kabait at kayaman. Normal na kapwa lalaki lang ang tingin ko sa kanila. Ganun ka din naman di ba?"
"Tama Mahal ko, kaya siguro mas malalim ang nararamdaman natin sa isa't isa, kasi alam natin na especial tayong dalawa," nakangiting tugon niya sa akin at tuluyan nang humarap para suklian ang yakap ko.
"Tunay yan, Dylan. Kaya wag ka na mag isip ng kung ano-ano," malambing na bulong ko at nagawa pang hawakan ang magkabila niyang pisngi upang ibaba ang kanyang mukha at mahalikan siya sa labi.
"Oo naman Ry ko," masaya pa niyang tugon, ngunit mabilis din nagbago ang kanyang ekspresyon. "-- pero gusto ko pa rin malaman kung bakit parang curious na curious ka sa lalaking yun?"
"Haha eto na nga, sasabihin ko na sayo kanina eh kaso hindi mo ako pinagbigyan."
Tiningnan naman niya ako na parang nagsasabi ng...'Sige, ano ba yun?'
"Siya di ba yung boyfriend ni Nico!?"
"Huh? May boyfriend si Nico?" napapahilig ang kanyang ulo sa kanan habang nagtatakang nakasilay sa akin.
"Anong huh? Di ba ikaw ang nagsabi sakin ng tungkol dun," katwiran ko pa. Hindi ko makakalimutan yung sandaling sinabi niya sa akin iyon kasi hindi rin ako makapaniwala.
"Talaga?"
"Oo, nakalimutan mo na-- teka? Ibigsabihin hindi mo talaga alam?" Base pa lang kasi sa ekspresyon niya, tila ba ay gulat na gulat din siya sa aking rebelasyon.
"Hindi," tipid pa niyang sagot sabay iling.
"Eh bakit sabi mo sa akin noon, may boyfriend si Nico?"
Nag isip naman siya ng kaunti bago sumagot. "Ahh yung sa restaurant ba? Palusot ko lang yun para di mo na sya alalahanin," natatawa pa niyang saad habang napapahaplos sa batok.
"So, wala ka talagang idea?"
Umiling siya ng ilang ulit at sumiksik sa gilid ng aking leeg.
"Hindi kaya manghuhula ka Dylan?" wala sa sariling naibulong ko pa sa aking sarili. Ngunit di ko inaasahan na maririnig din pala niya.
Hindi na ako nakapag react nang mabilis niya akong buhatin at ibagsak muli sa kama.
"Baka nga? Kasi mahuhulaan ko rin na may magandang mangyayari sa gabi natin ngayon," saad pa niya gamit ang mapang akit niyang boses at nakakakilabot na ngisi sa labi.
Nang lalapit na siya at balak pumatong sa akin ay nagmamadali kong naitaas ang kamay ko. "Hep hep--" pagpigil ko pa sa kanya. Kaso nagawa pa niyang magbiro.
"Horay?"
"Ulol hindi," nakasimangot na tugon ko at pinag-kross pa ang dalawang braso sa harap ng aking dibdib.
"Bakit hindi, pangako mo sakin, pagkatapos ng pageant ay magho-honeymoon ulit tayo," nagpapa-awa pa niyang saad kaya naman napabalik sa aking isipan ang pangakong iyon.
'Oo nga pala.' Medyo nakunsensya naman ako.
"Ah baka naman kailangan mo ito," bigla niyang turan kaya nawala ako sa malalim na pagkatulala.
"Ha? Alin?"
Bumaba ulit siya sa kama at may kinuhang paperbag. Nang hugutin niya ang isang pamilyar na tela ay tunay na nanlalaki ang aking mga mata sa gulat.
"Dylan, h-hindi. Ayoko." Seryoso ko siyang tiningan na may halong takot. Mas lalo namang lumapad ang ngising nakapinta sa kanyang labi hawak ang long gown na sinuot ko kanina sa pageant.
"Sige na Mahal ko isuot mo na, hindi mo lang alam kung gaano akong nagpigil ng sarili habang pinagmamasdan ka sa ibabaw ng entablado kanina."
"Iniisip kong mas maganda kung nasa ibabaw kita."
"Gago ka talaga."
"Ayaw mo ba?"
'Kailan ka pa naging ganito kalakas mang akit ulol kong asawa,' napabuntong hininga na lang ako sapagkat kahit para siyang asong isang taon na di nakaisa. Masaya pa rin ako sapagkat kahit kailan hindi siya nagsawa sa akin.
Minsan kasi, kahit ayaw kong isipin na baka balang araw ay ma- realize niyang mas gusto pa niya ang babae kaysa sa akin, o kaya, baka maghanap siya ng katawan ng babae.
Ngunit, kung pagmamasdan ko siya ngayon. Ang mapula niyang mukha, at mainit na hiningang lumalabas sa kanyang ilong at bibig at matalim na tingin na tila ay balak na niya akong lapain ano mang oras. Napapatunayan na ako ang gusto niya.
Kaya naman dahan-dahan akong tumayo sa kama at kinuha ang gown na hawak niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko at hindi agad nakapagsalita.
"Ry k--"
"Oo na."
------------+++
MATAPOS ang tagpong iyon, nakita ko na lamang ang aking sarili na nasa kanya nang ibabaw. Pawisan at pilit pinapakalma ang nagwawalang t***k ng puso.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang upang tulungan ako sa paggalaw. Ang strap ng dress na aking suot ay nakababa na sa aking balikat kaya naman makikita ang maputi at makinis kong balikat na basa ng pawis. Ganun din ang mapupulang marka ng kanyang halik hanggang sa aking leeg.
Medyo matagal na rin nang huli namin itong gawin sapagkat busy din kami sa pang araw-araw na buhay. Kaya siguro mas ramdam ko ang kaunting kirot dahil sa malaki niyang alaga.
"Gising ka pa, Ry ko?" mapang asar pa niyang saad at saka malakas na itinaas ang kanyang bewang kaya mas bumaon ang mahaba niyang ari sa akin. Napakagat labi ako upang pigilan ang sarili na di mapasigaw dahil sa kanyang ginawa.
"Gago ka talaga, A-Ano sa tingin mo?" inis na saad ko gamit ang mahinang boses. Mahirap na baka magising ang anak namin.
"Mabuti kasi hanggang mamayang umaga pa tayo," tugon niya at mabilis na umupo habang nasa kandungan pa rin niya ako.
"Anong--!" Mapusok na halik ang nakapagpatahimik sa akin. Naglaban ang aming mga dila.
Ang mainit niyang bibig, ang paghaplos ng kanyang malaking kamay sa loob ng aking dress para imasahe ang dibdib ko habang marahang gumagalaw ay talaga namang nakapag bigay sa akin ng hindi mapaglagyang init at sarap.
Matapos naming maabot ang ilang beses na rurok ng kaligayan ay pagod kaming napahiga sa kama.
Nakahiga ako sa kanyang dibdib habang marahan niya akong kinukumutan upang hindi ako lamigin sapagkat wala kaming saplot.
Kahit napapapikit na ang aming mga mata dahil sa antok sapagkat halos alas tres na ng umaga ay nagawa pa naming magkwentuhan ulit tungkol sa issue kanina.
"Sa tingin mo Mahal ko, may boyfriend kaya si Nico?" bulong pa niya.
"Hindi ko rin sigurado, pero halata namang may namamagitan sa kanila nung lalaki," sagot ko naman habang napapahikab.
"Hm," pagsang ayon pa niya at dahan-dahang tinapik ang aking balikat upang akong makatulog.
"Tulog na mahal ko, goodnight at congratulations ulit," bulong muli niya at hinalikan pa ang aking ulo.
"Salamat sa lahat, Dylan. Goodnight."