RYLAN POV
NAPALIYAD pa ako dahil sa masakit na bewang. Nasobrahan naman ata kami kagabi, pero kahit medyo masakit ang katawan ay may kilig pa ring nananalaytay sa aking sistema.
Nang magbalik sa aking isipan ang aming ginawa kagabi ay hindi ko napigilan na hindi pamulahan ng mukha kaya naman ang kamay kong nakasahod sa ilalim ng gripong umaagos ay naisampal ko sa aking pisngi.
'Nababaliw na ako, jusko,' isip-isip ko pa.
Kahit na umaga na kami nakatulog ni Dylan ay maaga pa rin akong nagising sapagkat kahit walang pasok si Deden sa school ay kailangan ko pa rin namang maghanda ng almusal para sa kanilang dalawa.
Linggo rin pala ngayon kaya makakapagpahinga kaming buong pamilya. Dahil sa pagod ay napag desisyonan naming sa hapon na lang magsimba.
Bukod pa dun ay nakaka stress ang nangyaring paghahanda at mismong pageant, pero hindi ko maipagkakaila na masaya rin namang experience ang makalahok sa ganung uri ng paligsahan. At di ko pa inaasahan na mananalo ako ng 1st place. Bukod sa sash ay may cash prize din.
Hindi pa namin naayos ang mga ginamit na props kaya naman napagpasyahan kong mamaya na lang trabahuhin iyon.
Back to normal na ulit ang buhay namin mula ngayon at iyon ang masaya.
"Halina kayo," pag aanyaya ko pa sa antok kong mag ama. Parehas pa silang napapahikab at nagkukusot ng mata habang palapit sa mesa.
Ang cute lang nilang tingnan sapagkat tila ba ay pinagmamasdan ko ang isang maliit na version ni Dylan. Magkamukhang-magkamukha kasi silang dalawa.
MAKALIPAS ang ilang sandali ay natapos na rin kami mag agahan, naliguan ko na si Deden at nakikipagalaro na siya kay Bryce sa labas ng bahay habang si Dylan naman ay nasa sala at may pinapanuod sa cellphone niya.
Habang nagmo-mop ng sahig ay napadaan ako sa may likuran ng sofa kung saan nakaupo si Dylan na abalang-abala sa kanyang pinapanuod, ni hindi na nga niya ako napansin na nasa kanyang paligid.
Akala ko kung ano ang pinapanuod niya kaya nakisilip din ako. Nagulat na lamang ako nang makitang performance ko pala nung talent portion ang nagpa-play sa cellphone niya.
"Bakit pinapanuod mo pa yan?"
"Oi Mahal ko," medyo na gulat pa niyang saad nang hindi niya inaasahan na nasa likod na pala niya ako.
"Oo naman, hindi ko alam na magaling ka pala kumanta," makatotohanan niyang ani na walang halong pagbibiro o pang aasar kaya nagtaka ako.
"Talaga ba?" Walang kompansyang tugon pa sa kanya. Alam ko naman sa sarili kong hindi naman talaga ako magaling kumanta, pero baka nga maganda ang performance ko hindi ko lang pansin.
"Oo, halika," pag aanyaya pa niya kaya naman mabilis akong sumunod at tumabi sa kanya. Yumakap pa ang isa niyang braso sa aking bewang upang higitin ako palapit sa kanya bago ibigay sa akin ang kanyang hawak.
"Di ba? Ang galing talaga ng Ry ko, I fell in love you again for a million times," paglalambing pa niya habang hinahalikan ang aking balikat.
Napangiwi naman ako nang mailagay ang headset sa aking tenga at marinig ang tunog na may balak ata na di magpatulog sa akin sa gabi dahil sa sobrang sama, a.k.a boses ko.
'Shite, boses ko ba talata ito? Nakakahiya. Daig ko pa ang palakang apo ni pepe smith at naipit sa pintuan.'
"Burahin mo na yan, Dylan. Gusto mo bang bangungutin?" nakasimangot na utos sabay balik sa kanya ng cellphone.
"Sobra ka naman mahal ko, ang harsh mo sa sarili mo ah. Hindi naman ganun kapangit."
"Edi inamin mo din na pangit nga," pangungulit ko pa habang pinanlalakihan siya ng mata.
"Ah... Eh..." hindi naman niya magkaintindihang sagot at nagawa pang iiwas ang tingin sa akin habang napapakamot sa ulo.
"Psh, bahala ka dyan," saad ko na lamang at saka iniwan siya doon.
"Teka! Ry ko! Maganda naman talaga ang boses mo, lalo na yung performance mo kagabi!"
"G-Gago ka!" nahihiyang sigaw ko pabalik sa kanya at saka nagtatakbo patungo sa kusina.
Nang makarating ako doon, naisip ko na wala nga pala akong gagawin doon kaya naman lumabas na lang ako gamit ang back door.
'Malaki pala itong likod bahay,' bulong ko pa sa aking sarili habang napapalinga sa paligid.
Dahil takip ng bahay ang init ng araw ngayon kaya naman maaliwas ang hangin dito. Malaki ang espasyo ng lugar na ito, pero wala namang laman.
Siguro masyado akong busy kay Deden at sa negosyo kaya di ko na napaglalaan ng pansin ang bahay. Dahil sa may kalamigang bugso ng hangin ay napangiti ako bago umupo sa damuhan.
Natatandaan ko noong kasambahay pa lamang ako, bawat sulok ng bahay at palibot nito ay naaabot ko para linisin at alagaan. Ngayong may pamilya na ako, hindi ko na magampanan lahat.
Hindi naman ako tutol sa ideya na magkaroon ng kasambahay, pero kaya ko pa naman kaya siguro ay hindi muna sa ngayon.
Pansin ko na medyo matataas na din ang d**o kaya kailangan na talagang ipaayos ang lugar na ito bago kami ahasin, nandito naman ako sa bahay ngayon kaya dapat marami akong magawa. Naisip ko na baka may lawnmower ang kapitbabay namin at nanay ni Lily na si Aling Mimi o kaya ay ang amiga nitong si Mama Chona.
Nasa may garden na ako nang sakto namang labas ng ulol kong asawa. As usual naka sando lang siya ng puti at normal na basketball shorts.
"Ry ko saan ka pupunta?" nagtataka pa niyang tanong. Inis pa rin ako kaya naman hindi ko siya pinansin at dere-deretsong naglakad patungo sa aming gate.
"Wait Mahal ko, sorry na, wag mo akong iiwan!" nagmamaka awa pa niyang sigaw at mabilis na tumakbo palapit sa akin.
Nagulat ako nang bigla siyang humawak sa aking braso na tila pa ay pinipigilan akong umalis. Nang lingunin ko siya, napakunot ang noo ko nang masilayan ang namumuong luha sa kanyang mata.
"Ang drama mo Dylan, manghihiram lang ako ng pantabas ng d**o sa kapitbabay," nakasimangot na turan ko sa kanya.
"Ah ganun ba." Mabilis naman siyang nakabawi at nagawa pa akong ngisian na para bang walang nangyari. Matapos iyon ay bumitaw na siya sa akin at balak na ulit pumasok sa bahay.
"Hep hep!--"
"Horay?" tugon niya sabay lingon sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, kagabi pa syang horay nang horay, nag wowowin marathon ba sya mag isa.
"Hehe."
"Ikaw ang pa saan? Halika, tulungan mo ako baka mabigat yun," ani ko at saka kinawayan siya upang sumama sa akin.
"Karit lang, mabigat ba yun Ry ko?" rinig kong reklamo pa niyang pabulong. Kung karit ang ipahiram sa amin edi okay din.
"Pero, malay mo may lawnmower sila."
"Bili na lang tayo next time," suhestyon pa niya habang naglalakad kami sa kalye patungo sa bahay nina Aling Mimi.
"Oo makakatulong yun sa atin ng malaki."