RYLAN POV
"Kuya Rylan! Kuya Dylan!" masiglang bungad samin nang bumukas ang gate ng bahay na pink.
"Good morning, Gab. Ang laki mo na," Hindi ko napigilang di guluhin ang kanyang buhok, ang tangkad na niya ngayon kaya naman yumuko pa siya para lang maabot ko. Nakakatuwa lang isipin na halos nasubaybayan ko ang kanyang paglaki.
Hindi na siya yung makulit na batang laging nakasilip sa aming gate at nangungulit na makipaglaro ng basketball. Napakarami na nga namang nangyari sa loob ng sampung taon.
"Binatang-binata ka na talaga, may jowa na ba?" napapataas-baba pa ang kilay ni Dylan para asarin ito. Ako'y napangisi na lang din sapagkat mabilis na namula ang mukha ni Gab. Parang tunay atang may napupusuan na ang munti niyang puso.
"W-Wala po," pagtanggi pa niya, kahit halos mala-kamatis na sa pula ang kanyang buong mukha.
"Luko, wag mong asarin ang bata," pagsuway ko kay Dylan. Isa pa rin kasi siyang isip bata.
Habang nag aasaran kami ay bigla namang bumukas ang kanilang frontdoor. "Aba, Good morning, ang aga nyo namang mag asawa," bati pa sa amin ng ale. Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin naglalaho ang ganda niya.
'Ano nga kaya ang sekreto ni Aling Mimi?' hindi ko mapigilang maitanong sa aking isipan.
Bago pa kami makapagsalita ay naunahan na kami ni Gab na mukhang may pupuntan ata. "Ma, alis muna po ako."
"Sige, balik ka agad anak," tugon din naman ng ale.
"Hello po Aling Mimi," bati rin naman namin pabalik ni Dylan sa ale at nagmano pa sa kanya. Dahil na rin sa tagal ng aming pagsasama dito sa subdivision, parang siya na ang tinuring naming magulang na laging nalalapitan. Katulad ni Lily lagi rin siyang naka alalay sa aming pamilya.
"Manghihiram lang po sana kami ng pantabas ng d**o kung meron kayo."
"Ay nga, pasensya na kayong dalawa wala akong pantabas ng d**o, kumukuha lamang ako ng tao para maglinis ng likod bahay kapag mataas na ang mga d**o," paghingi pa niya ng paumanhin sa amin habang napapahampas ng folding fan na hawak sa kabilang kamay.
Napailing naman ako nang sunod-sunod bago sumagot. "Okay lang po, Aling Mimi. Salamat po."
"Pasensya na talaga ah," napapalabi pa niyang pagpapaumaumanhin. Tumango lamang naman kami ni Dylan at saka nagpaalam na sa pag alis.
"Paano yan? Wala daw--- ring ring!"
"---Mahal ko, sagutin ko lang to," nagmamadali niyang saad habang nakalagay sa tenga ang cellphone.
Tumango na lang ako at patuloy na naglakad, nakasunod lang naman siya sa akin kaya rinig ko ang kanyang boses.
"What? No-- I'm not sure, it's in my office," rinig ko pang tugon niya sa kausap. Mukhang work related naman kaya palagay ang aking kalooban.
"I'm going to send it to you lat-- urgent?..." Bigla siyang tumigil sa pagsasalita, at hindi ko inaasahan ang susunod niyang ihahayag. "Ako'y nandito sa labas Nico."
Hindi ko napigilang di mapatawa ng kaunti sapagkat ang cool niyang pakikipag usap ay bigla na lamang nawala dahil sa pangungulit sa kanya ni Nico. "Sige na Dylan, umuwi ka na," pagbibigay permiso ko pa. Baka nga naman urgent talaga iyon.
"Sure ka mahal ko?" tanong pa niya.
"Oo, tawagan na lang kita kapag nakahiram na ako," tugon ko at pinaalis na siya.
"Sige, salamat Ry ko!" sigaw pa niya habang pabalik sa bahay. Ako naman ay nag patuloy sa pagbagtas ng daan patungo sa bahay ni Mama Chona.
Nasa makalampas ng court ang bahay nito kaya naman nadaanan ko na naman ang masigla at masayang basketball court na puno ng mga kabataang naglalaro.
Marami nang mga mukha ng bata at kalalakihan ang hindi ko nakikilala, dahil sa pagiging busy sa trabaho at pamilya ay hindi ko na nagawang makapaglaan ng oras sa mga ganitong bagay ngayon.
Pagdaan ko doon ay may mga bumati pa sa akin kaya naman binigyan ko sila ng ngiti bago kawayan. Hindi nagtagal ay narating ko na din ang aking destinasyon.
Malaki at malawak ang lupa na kinatitirikan ng bahay ni Mama Chona, kaya naman sure akong may lawnmower siya.
DING DONG!!!
Matapos kong mag doorbell ay tahimik akong naghintay sa labas ng mataas na gate.
"Hijo, ikaw pala!" masayang bungad sa akin ng matandang babae na mukhang donya. Kagaya ni Aling Mimi ay hindi rin pansin ang edad ng ale na ito dahil na rin sa karangyaan ng buhay. Ang pagkakaiba lamang ni Mama Chona ay hindi siya matapobre tulad ng ibang mayaman. Napaka- down to earth ng kanyang ugali at matulungin pa.
"Good morning Mama Chona," masigla ko ring saad at nagmano ulit kaya naman kinilig pa ang ale.
"Magandang umaga, para sa magandang batang gaya mo," napapahagikhik pa niyang pambobola sa akin kaya naman dahil sa hiya ay napakamot na lang ako sa aking batok.
"Kayo talaga. Manghihiram lang po ako ng pantabas ng d**o," mabilis ko pang turan sapagkat alam kong hindi na naman niya ako titigilan. Kagaya ni Aling Mimi, napaka mapang asar din nitong si Mama Chona.
"Ah sakto dating mo hijo kababalik lang ng tita Lety mo. Halika, pasok," nagmamadali pa niyang saad habang yakap-yakap ang aking braso. Pagpasok ay nadaanan pa namin si Yaya Rosie, ang kasambahay nila dito.
"Rosie, maghanda ka ng juice para kay Rylan," utos pa ng ale kaya naman mabilis na sumunod si Aling Rosie at nagtungo sa kusina.
"Mama, wag na po, hindi na rin po ako magtagagal," pagtanggi ko pa, ngunit makulit talaga siya.
"Naman hijo, minsan mo na nga lamang akong bisitahin, ayaw mo pang magtagal," pagpapaawa pa niya sa akin matapos niya akong mapilit na umupo sa sofa.
"Ah...ehh...hays, sige na nga po," walang pagpipilian na saad ko, wala akong nagawa kung hindi magpadala sa awa. Medyo naiintindihan ko rin naman siya kung bakit sabik siya sa kakwentuhan sapagkat mag isang nakatira dito si Mama Chona. Ang alam ko ay nasa abroad na lahat ng kanyang kamag anak.
Minsan kapag napapadaad ako rito sa kanilang bahay. Lagi akong namamangha sa laki nito at ganda ngunit hindi maipagkakaila ang lungkot na nadarama ko kapag naiiisip kong mag isa lamang at walang pamilya ang nakatira dito.