RYLAN POV
GUMUHIT ang masayang ekspresyon sa mukha ng ale dahil sa aking pahayag.
"Ayann, napakabait talaga ng batang ito, halika, kumain ka muna," pag uudyok pa niya sa akin at mabilis na iniabot ang baso ng orange juice sa aking kamay. Masama tumanggi sa grasya kaya ininom ko at kinain ang nakahandang mga biscuit sa mesa habang nagkukwentuhan kami.
"Oh my goshh, tunay ba!? Bakit kasi busy ako kahapon, hindi man lang ako nakapanuod sa pageant na iyan," nanghihinayang na reklamo niya.
"Okay lang po Mama Chona may mga litrato po ako, heto oh," saad ko naman sabay alok ng aking cellphone, excited na lumapit siya sa akin upang parehas namin makita ang mga larawan.
Hindi ko mapigilang madala sa masigla niyang vibe habang tuwang-tuwa siyang pinupuri ang aking mga kasuotan ng lumaban ako sa pageant.
"Jusko, napakagandang bata talaga," bulong pa niya habang nakasilay sa litrato ko, noong long gown category.
Lumipas pa ang ilang sandali at napunta na sa aking sadya ang usapan.
"Opo, napansin ko na kay tataas na pala ng mga d**o doon sa likod bahay namin."
"Tunay hijo, kailangan talagang i- maintain ang palibot ng bahay, kundi ay magugulat ka na lang kapag may ahas nang nakatira doon, napaka delikado talaga," pag sang ayon pa niya sa akin habang napapatango.
"Yun din po ang iniisip ko."
"Kapag nalinis mo ang backyard nyo, anong balak mo hijo?" tanong pa niya.
"Ahm gusto ko po sanang taniman ng halaman, kaso wala pa po akong naiisip. Sa ngayon po ay paglilinis muna ang uunahin ko," makatotohanan ko namang tugon. Balak ko sana ay mga bulaklak din, pero marami na doon sa garden at paligid ng pool.
"Ganun ba, halika, ipinakita ko sayo ang backyard greenhouse ko dito sa likod."
May excitement naman akong biglang naramdaman dahil sa pahayag niyang iyon. Hindi kagaya kanina, ngayon ay mabillis akong tumayo upang sumunod sa kanya.
Paglabas nga namin ay natanaw agad namin ang isang detached na bahay na gawa sa bubog/glass.
"Iyon po ba?" tanong ko pa habang nakaturo sa di kalayuan.
"Oo," tipid niyang sagot at saka namin binagtas ang daan na gawa sa flat na bato patungo doon. Nakakatuwang makita na may maliit din silang pond dito na may mga isdang koi. 'Pati isda, mamahalin din,' Isip-isip ko pa at saka nilampasan ang pond na iyon.
Binuksan ni Mama Chona ang pinto ng greenhouse at hindi ko inaasahan na napaka aliwalas sa loob nito, maliwanag at amoy na amoy ang sariwang mga gulay.
Dahil sa malapad na ngiti at nagniningnging na mga mata ay tila ba
para akong batang nakakita ng isang mahiwagang paraiso.
Napaka ganda ng loob at talaga namang mapapansin ang halimuyak ng fresh na mga gulay tulad ng lettuce, cabbage at kamatis.
Kahit saan ata ako tumingin ay hindi mauubos ang aking mga nakikita. May mga gulay na nakasabit tulad ng ampalaya at upo, may mga nakatanim, parang patatas at carrots. 'Tunay ngang isa itong paraiso,' bulong ko pa sa aking sarili.
"Ano sa tingin mo, hijo?" saad ng ale habang napapataas-baba pa ang magang niyang kilay.
"Sobrang ganda mo, at talaga namang nakakamangha," pagpuri ko pa habang inililibot ang paningin sa paligid.
"Sinabi mo pa. Bukod sa masaya nang mag alaga ng halaman sapagkat nakakatanggal talaga sila ng stress ay nakakapagbigay pa ng masustansyang pagkain."
Napatango naman ako ng ilang beses sapagkat totoo lahat ng kanyang pahayag. Ngayon alam ko na ang sekreto nila ni Aling Mimi kaya pala hindi sila madaling tumanda. Masustansya at fresh na gulay ang kanilang pagkain.
Gusto ko ring ibigay ang bagay na iyon sa aking pamilya kaya naman habang pabalik kami sa loob ng bahay ay nakapag desisyon ako. Gusto ko rin ng greenhouse para sa aking pamilya.
"Mama Chona, salamat po talaga sa pagpapakita sa akin ng backyard nyo."
"Oo naman hijo, welcome ka lagi dito sa aking munting tirahan."
Napangiti naman ako ng pilit sapagkat hindi munti ang tirahan ng aleng ito. Isa itong malaki at mataas na bahay na medyo may kalumaan ang desenyo.
"Ayy oo nga pala, Geoff! Apo, tulungan mo si Rylan na dalhin itong lawnmower!"
Dahil sa sigaw na iyon ay nakaramdam ako ng gulat. Sabi ko nga kanina, ang pagkakaalam ko ay matagal nang mag isang naninirahan dito si Mama Chona. Hindi ko inaasahan na may apo pala siyang tumutuloy dito.
Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng mga yabag mula sa hagdan. Doon nga ay lumabas ang isang binata. Matanggkad, may pagka-kayumanggi ang kulay ng balat, pero halatang sa mayaman na pamilya pa rin galing. May itsura din ito at mukhang hindi na absent sa pagpunta ng gym.
"Opo, lah," tipid nitong sagot nang makarating sa aming kinalalagyan. Bago ito lumalikod ay napansin ko pang kunot-noo niya akong sinilayan.
'Hm, wala naman akong atraso sa kanya ah,' saad ko pa sa aking isipan sapagkat ngayon nga lang kami nagkita.
Narito na kami sa may unahan ng bahay at hinihintay ang apo ni Mama Chona sa pagkuha ng bagay na hinihiram ko.
"Lah, ito na po," magalang din naman nitong saad, pero walang nababakas na emosyon sa blangko nitong mukha habang dala ang lawnmower at marahan na inilapag sa aking may paahan.
"Apo, tulungan mo si Ryl--"
"Naku, wag na po, tatawagan ko na lang po si Dylan. Sobra na po akong nakakaabala sa inyo," pagtanggi ko pa. Mukhang di rin naman bukal sa loob ng kanyang apo ang pagtulong sa akin.
"Hindi ah, pero sige papuntahin mo na lang siya dito, gusto ko na ding makita ang batang iyon," sabi pa ni Mama Chona.
Napatawa naman ako bago tumango at saka dinukot ay cellphone sa aking bulsa. Kaso nga lamang, nang pipindutin ko na ang buton ay naalala kong baka busy si Dylan, ayaw ko na siyang istorbohin pa.
"Ah, busy nga po pala si Dylan. Ako na lang po ang magdadala," ani ko at napakamot pa sa ulo.
"Ha, mabigat ito hijo," nag aalala pang saad ng ale sa akin. Tunay nga namang mabigat ang lawnmower nila sapagkat ito'y purong bakal at matalas pa ang ilalim dahil sa mga blade na nakalagay doon.
'Pero, lalaki din naman ako, kayang-kaya ko yan.'
Bubuhatin ko na sana ang lawnmower nang bigla na lamang itong umangat ng kusa. Napatingala naman ako sa gulat. At dahil pala iyon sa apo ni Mama Chona.
Akala ko umalis na siya kanina, lalo na at mukha naman siyang iritable kapag nakatingin sa akin. Kaya nagtataka ako kung bakit siya ang katulong ko ngayon sa pagbibitbit ng bagay na ito pauwi sa amin.
Habang nasa daan ay wala lamang kaming imikan sapagkat wala rin naman kaming pag uusapan. At saka, mukhang wala din naman siyang balak na kausapin ako.
"Ah dito na," saad ko pa nang marating namin ang harap ng bahay ni Dylan. Tinulungan naman niya iyong ibaba sa sahig.
"Salamat," ani ko.
"Hm," tipid niyang tugon at mabilis na tumalikod na. Napakibit-balikat na lamang ako sapagkat talaga namang may kasungitan ang apo ni Mama Chona na iyon.